FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing On COVID Ch 10: Chumu-ChungHa

Crash Landing On COVID Ch 10: Chumu-ChungHa

 Apayb, six, se-ben, eight! Kanta!


Pangarap ka na lang ba 


O magiging katotohanan ba


Bakit...  Na-biktima na naman ng maling akala ang ateng Irenea ninyo? 


Chorva na, nyeta naging bato pa. Hay susmiyo Marimar!


Di na talaga maganda dinudulot ng prolonged lockdown sa mental health ng lola ninyo. Konting konti na lang magso-social distancing na yung brain ni ate from reality. Afraid yun. Mababalitaan niyo na lang, bukas ang headline...


"Kuneho, nag-amok sa isang condo sa QC!"


Seulgi! Pagbigyan mo na kasi para mapanatag na ang katawang lupa ni ate.



💔     ðŸ’”      ðŸ’”     ðŸ’”     ðŸ’”


Ilang kembot na lang at magwawawakas na (hay, sa wakas) ang 2020. Ang kaso lang mukhang sasabay sa pagwawakas ng super nakakalokang taon yung pangarap na lovelife with Seulgi na super ni-look forward ni Irene nang sobra from the very start please be careful with my heart ng lockdown.


Pero sabi ko nga sa inyo, mas mabilis pa ang galawan ng mga continental plates kesa sa lablayf (and chorva life) ng ate ninyo. 


Kahit pa ata i-extend nang i-extend till 2022 ng IATF ang GCQ sa Metro Manila and other areas with high COVID cases eh waley pa rin effect sa buhay pag-ibig ni Irene. Kaya siguro ito na yung time para...



"Seulgi, kailangan nating maghiwalay."


"Huh? But, Irene, why?"


"This isn't about you Seulgi. It's about..."


"Pero bakit kailangan nating maghiwalay?"


Hala, oo nga naman Irene, bakit kailangan ninyong maghiwalay? Naging kayo pala di mo man lang kami ininform haba pa naman nang koda ko kanina sa beginning ng chapter.


"Seulgi, kahit naman magkahiwalay tayo nothing will change naman."


"But..."


"Seulgi, please... hindi ko na kaya... hindi ko na kaya KASI KANINA PA TAYO PINAGTITINGINAN DITO SA PILA."


"Uhmm, mga miss..." Di na nakatiis si ate reception ng restaurant, "...may social distancing protocol po ang restaurant so wala po talaga tayong magagawa kailangan ninyong maghiwalay ng table."


Meow! 




Kahit na ilang beses na-Laban-o-Bawi yung community quarantine kineme, from ECQ to MECQ, to GCQ, to BBQ and then back to GCQ ay keri na lang rin kasi at least kahit papano nakakalabas na ang ate ninyo. 


Better na ang ganito kesa naman mapanis ang beauty niya sa loob ng bahay. Yung dating home buddy all of a sudden naging outgoing. At alam nyo ba kung ano pang pinaggagawa ni Irene sa labas? Actually wala din talaga akong idea kung ano bang pinagkakaabalahan ni ate sa labas and with whom. Pero nadadalas na talaga yung uwing "ashwiweo beolsseo yeol-dushi" nung ate ninyo dinaig pa si ChungHa.


At hindi lang ako ang nakakapansin sa paguwi tuwing alas-pokpok nung kuneho. Pati si Seulgi ilang beses na niyang nahuhuli-ka-balbon si Irene. Nakakaloka kasi si ate mo nakapangbahay lang kapag lumalayas. 


On going pa rin naman yung curfew so... san kaya naglulungga yung kuneho?


Kinabukasan...


"Irene, san ka punta?"


"Me? Uhmm... dyan lang sa tabi tabi."


"Ah... okay."



Kinabukasan nung kinabukasan...




"Irene?"


"Hi, Seulgi."


"Going somewhere?"


"Ah magkakape lang."


"Ah..."


"May kailangan ka ba Seulgi?"


"Wala naman. Enjoy your coffee hehe."


"Thanks."



Wag na kayo magtaka. Talagang inaabangan ni Seulgi yung mga moments na paalis yung neighboring ateng niya. Eto nga nahuli na naman niya yung kuneho na patakas.



"Are you going out Irene?"


"Oh, hi, Seulgi. Ah oo mamamalengke lang ako saglit."


"Di ba kakapamalengke mo lang kahapon?"


"Ah, may nakalimutan akong bilhin kahapon. So, yun... hehe."


"Ano yun?"


"Eh?"


"Yung nakalimutan mo."


Wow, yung oso todo-todo ang senate inquiry. Ganun ka invested si Seulgi sa personal life ni Irene?


"Be-betsin." Nag-buckle nang slight pero pasok pa rin yung sagot ni ate. 


"Ahhhh... betsin. Okay, ingats." 


Hay, salamat nakalusot na yung kuneho.



Pero kung nakalusot si Irene kahapon this time around ata mukhang mahihirapan si ate. Sabi nga ni Arya Stark sa Game of Thrones, "Not today." Meow!



"Irene, san ka punta?"


"Sa may... ahhh... dyan lang."


Malakas na talaga yung suspetsa ni Seulgi na may kinakatagpo itong aleng kapitbahay niya somewhere. And to be honest she's a little jealous kasi di na madalas yung bonding time nila. Mukhang effective yung kemeroot na, "Absence makes the heart grow fonder." Pero bago yun eh panahon na para malaman ni Seulgi yung mga ginagawang kababalaghan ni Irene sa kanyang absence. Kaya naman desidido na siyang...  


"Sama ako."


"Huh?!" 


Gulat ka Irene no? Magkakaalaman na tayo ngayon kung saan ka nga ba talaga nagpupunta all this time.


"Can I come with you? I'm a little bored na kasi dito sa bahay. I miss..." (Whut? Sino nami-miss mo Seulgi? Sino?!!!) "...going out na talaga." 


Ay, nyeta kala ko naman... 


"Kala ko naman ako namimiss mo Seulgi. Kikiligin na sana ako."


Biglang natigilan si Irene. Di siya makapaniwala na kumawala sa sarili niyang bibig yung mga linyahan na yun kay Seulgi. And, mind you mukhang pati si Seulgi slightly natigilan sa nadinig niya.


"Actually, I miss you too."


Wait. Whut???!!! Gagi ba't may ganitong linyahan 'tong dalawa? Ang lalandi pota.


"Wuchu! Ako pa chinacharot mo Seulgi."


"I'm not kidding Irene."


"Oo na sige na. Pero seryoso ka ba talaga? Gusto mong sumama?"


"Yes."


"Fine. Pwede ka sumama pero need mo magdala ng maraming barya."


Wait. Whut? Barya?


👛     ðŸ‘›    ðŸ‘›     ðŸ‘›


Ang galing din naman po talaga nitong ate Irene ninyo. Hindi lang pala isa ang kinikita ni bakla tuwing nagdi-disappearing act siya kundi grupo. 

Asosasyon ng Mga Mommies ng Kondo aka AMMoK (tunog gangster ampotakels).


"Thanks Irene sinama mo ako at pinakilala sa 'Bingo Club' friends mo."


Hunyeta!!! Yung gina-Gotta-go-gotta-go-yeol-dushi ng ate ninyo kaya inaabot siya hanggang dis oras ng mga GRO ay BINGO?!!! 


Lecheng yan akala ko naman busy sa pakikipag-meow meow si bakla, yun pala eh busy sa pagtatawag ng bola ang lola nyo. 


Sa letrang Beh! Buntis! (Yung mga di nagbi-bingo di alam kung anong number yung 'buntis' hahaha)


"No, prob Seulgi. Oh, pano good night na."


"Okay. Walang bang pa-good night kiss dyan? Joke! Hehe"


Alam mo yung sa sobrang swabe ng pagkakabitaw nung "joke" ni Seulgi muntikan nang di mapansin ni Irene yung pa-sundot na flirt nung oso. Nag-hang nang slight yung mga braincells ng ate ninyo (o baka dahil hindi pa rin nakaka-move on si bakla sa natalo niya sa bingo meow)


"Hey, I'm just kidding Irene hahaha. Sige na pasok ka na sa unit mo para makapaghinga ka na. I'll see you tomorrow. Night."


"Wait!"


Uhmmm... Irene, bakit may paghatak?


"Huh?" Halatang nagulat si Seulgi sa kinilos ni neighborhood ateng.


"Nagjo-joke ka lang ba talaga?"


Hala tama yan go go go Irene!!! Go for the gold!!! Go for the chorva!!!



"Why? Gusto mo bang totohanin yung kiss?"


Oh ehm giiiiii chance mo na Irene makaisa!!! Samantalahin mo na ang pagkakataon Ateng Irene. Baka ito na yung matagal mo nang hinihintay na plot twist ng buhay kwarantina mo.


"Ay, kiss lang?"


Ina mo kang kuneho ka! San mo namana yang kalandian mo?!!!


#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC   

Eh eh eh ehh two-eni-wan! You gotta ring the alarm! New Year na! Happy happy bagong taon. Kung ang Korya may pag-confirm na tuluyan nang nag-crash landing into you for realz ang mga puso nina Hyunbin at Son YeJin. Well, ditey sa Pilipins I can say with certain certainty na officially and formally sina Seulgi at Irene ay tuluyan nang nagka-crush sa isa't isa. Ang tanong... kailan magkakatotoo yung pangarap na "GANAP" na matagal nang hinahangad ni Irene? This year na kaya o baka naman umabot pa  tayo sa year 20Waley?

[BACK] [NEXT] [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]


Commercial Keme:

  • Panoorin nyo pala yung "Running Girls" show nina Sunmi, Hani, Chung Ha, Chuu (Loona) at YooA (Oh My Girls). Super aliw yung show and somehow kung may pinagdadaanan ka sa life watch it marerelax ka swear.  

  • Please support other authors in AFF. Ang daming magagandang fic na walang masyadong upvote at comments. Kahit "hi" lang message mo naman sila. And kung natutuwa ka sa fic nila kahit simpleng "TY" message mo naman sila. Ako keri lang kahit di ninyo i-message I accept Gcash naman charot! Pero baka bet you ring i-support ako via Ko-fi pwede rin hehe nagiipon din kasi ako ng pambili ng new laptop kasi nagiinarte na itong old laptop ko mas sumpungin pa sa akin hahaha

  • Speaking of other authors do read this one. Friendship ko yung author and I also did a Q&A with her I'll post it soon. Just click the pic to read the fic on AFF and do upvote kung kaya naman. Let's start being kind to each other. Ang dami kong nakikitang authors na panay hanash about silent readers anyway let's start by promoting each other na muna. Tsaka na yung hanash. Di ba mas better na yung ganito?  hehe 


No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]