FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing On COVID Ch 12: Brit-knee

Crash Landing On COVID Ch 12: Brit-knee

May masking tape ba kayo dyan? 


Kung meron kayo eh pahingi naman, ite-tape ko lang saglit yung panga ni Seulgi kasi kanina pa nakanganga si ate dahil sa mga eksena sa movie na pinapanood nila.


San ba naman kasi na-Google nung impaktang kuneho 'tong movie na ito? O baka kaya dahil sa algorithm ng Netplicks? Hay naku whatevs. Lam nyo naman ang ate ninyo basta sa kalandian... hay... she really do believe that "she was born to make Seulgi happy."





📺      📺     📺

Yung simula ng movie medj okay okay pa pero nung after nung first meeting and first date nung main character na lalake at nung shunga-shungang-shong-shong na jowa niyang babae, eh rak en roll na ang mga ganap kasi may mga meow meow nang eksenahan. In between ba naman kasi ng mga dating scene nila eh may pasingit-singit na mga chorva scenes kakaloka.


Shook yung oso kasi akala niya about pagkain yung movie kasi sabi sa description about sa soup daw yung movie,  di naman niya alam may anik dun sa sabaw at dun sa movie.


Pero alam ninyo kung anong mas lalong nagpa-shokot dun sa oso? 


Mas lalong nayanig yung mundo nung oso nung nag-start nang dumamoves nung ale sa tabi niya.


Inch by inch, centimeters by centimeters si Ate Irene ninyo unti unting inilalapit yung mukha niya sa mukha ni Seulgi. At dahil tutok sa panonood yung oso, di pansin ni bakla na malapit nang maging appetizer nung kuneho yung tenga niya.


Finally na-sense nung oso yung aleng malapit na mag-turn into a sexual predator sa tabi niya.


Instruction:


Ang mga susunod na eksena ay sadyang walang dialogue, ita-try ng ateng ninyong mag-aya ng chorva through mental telepathy (in short, makuha ka sa tingin Seulgi).




Mga mata ni Seulgi: confused/clueless


Mga mata ni Irene: *flashing neon lights, "let's have se*x"


Seulgi: Eh...


Irene: Sige na... sisiguraduhin kong mag-eenjoy ka.


Seulgi: Alam mo Irene... SOMETIMES I RUN (SOMETIMES I HIDE)... SOMETIMES I'M SCARED OF YOU...


Irene: BUT ALL I REALLY WANT IS TO HOLD YOU TIGHT. Treat you right, be with you day and night.


Seulgi: BABY, ALL I NEED IS TIME.


Irene: Tumigil ka nga Seulgi! Di mo ako makukuha sa Britney Spears! Time, time ka d'yan, tuwad!


Seulgi: Ate wag po...


Oh loko Britney Spears pa more Seulgi. 


Pero 'te muna nga. Wait!!! Sumasakit yung matris ko sa mga kagagahan nung dalawa. 


Pwede, pause, rewind, play again tayo?


And kung pwede please, utang na loob Irene this time ayus-ayusin mo na ha.


Game. Action!


Tsup!


Yun oh! Si baklang Irene di na nagtanong umatake na lang bigla, sabagay mahirap na baka kasi palusutan na naman siya nung oso edi isang gabing tigang na naman ang ending ni mumsh.


Pero aba himila parang walang balak kumontra nung oso. As a matter of fact gumaganti ng kiss-a-chup-chup si Seulgi. In fair mukhang effective yung tactic nung kuneho magpanood ng meow meow na movie kay Seulgi ma-labs.


Sa wakas! Si Ateng Irene mukhang kinasiyahan finally ng langit. Akalain mong sa hinabahaba ng lockdown eh yung *toot *toot ni ate mukhang magiging open for business na. 


Paki naman daw ni Irene sa sinasabi ng mga analyts na "re-start the economy" kemerloo eh ang gusto lang naman ng ate ninyo ay ma-opps-I-did-it ni Seulgi.


"Take me to bed Seulgi."


Yun oh! Pusang na! Ang tagal-tagal prinactice ni bakla yung linya na yan. Eto na yung "moment in time" na pinakahihintay ng lola ninyo.


"Buhatin kita?" Tanong ni Seulgi.


"Ah hindi po pagulungin mo po ako." Sarkastikong sagot ng ateng ninyo. 


"Seryoso?" 


Basag na naman yung romantic atmosphere dahil dun sa shungang oso, pero basta tuloy ang chorva! Kung si Raya may last dragon ang lola ninyo malapit na mag-turn into dragon kung di pa matutuloy yung kanyang pinakamimithing meow meow.


"Punyeta! Nevermind! Dito na nga lang!" Sabay higa sa sofa ni ateng.


Siguro naman na di ko na need i-elaborate yung mga ganap nung dalawa kasi di naman ako smut writer. 


Basta after nung mga ganap napakanta na lang si Irene ng,


WITH THE TASTE OF YOUR LIPS I'M ON A RIDE YOUR TOXIC TONGUE...



⛅     ⛅     



"Good morning, Seulgi."


Ganda ng ngiti nung kuneho, palibhasa bagong dilig.


"Morning, Baby."


Ay! Hunyeta! Ha! How you like that Irene? Barabing-bara-boom-boom-boom.  Kinilig yung pempem ni ate sa pa-"Baby" ni Seulgi.


"Anong gusto mong almusal?" Wow feeling princesa nung kuneho. Siya na ang tinatanong kung anong gusto niyang almusal.


"Ikaw."


See, umagang-umaga utak manyak na agad yung kuneho. 


"Ako? Uhmm... ang gusto ko sinangag at hotdog."


Beh buti nga Irene! Supalpal yung hirit mong kamanyakan hahaha Di na gets ni Seulgi yung banat mo kaya akala niya tinatanong mo siya kung anong gusto niyang breakfast ("Ikaw?").


"Ah ganun ba, ah sige pagluto kita ng almusal ha. Wait lang." Oh, loko! Luto ka tuloy ng almusal ngayon.


"Thanks, Irene!"


"Irene? Anyare dun sa 'baby'?"


Nyeta! Malandi!


"Uhmm, thanks... baby?"


"Yes." 


Yung ngiti ni bakla abot hanggang vagina. 



🍳     🍳     🍳


After ng lutuan, syempre kainan na ang sunod. 


Almusal ng newly mag-jowa officially, as in minarkahan, binakuran at pinatituluhan na ni Irene yung teritoryo niya kaya wala ng makakaagaw.


"Kain ka pa Seulgi hihi..." Sabay sandok ng sinangag papunta sa plato nung oso.


Guys, can I make kurot-kurot yung singit ni Irene? Kakagigil yung kalandian ni ate busit.


"Seulgi, tutal wala naman ng nationwide lockdown at nag-ease up na yung community quarantine eh baka naman pwede tayong mag-out-of-town para naman makalanghap tayo ng fresh na hangin."


"Sure Irene. 'San mo gusto pumunta?"


Ding! Yung mga wheels of kagagahan sa utak ng ateng ninyo nag-start ng umikot ikot. Syempre ang daming gustong mangyari ni bakla sa kanilang 'out-of-town' ni Seulgi. Nakalista na sa utak ni mumsh ang mga gagawin nila (at ipagagawa ni kay Seulgi) kaya naman si ate ninyo bet na bet pumunta ng...


"Tagaytay!"


"Tagaytay? Is that your final answer?"


"Yes!!!"


"Then let's go to Tagaytay baby!"


Oh pak! Inggit kayo no? Tagal tagal na ng lockdown sa inyo wala pa din  kayong jowa hahaha Dinaig talaga kayo ng lola ninyo kasi si bakla nakadagit ng jowa sa panahon ng pandemya.


At dito nagtatapos ang "Crashlanding in COVID" story op ma layf ng Ateng Irene ninyo. 


Hanggang sa muli mga mumsh... ay wait lang... may announcement si Mars Roke na taga Malakenyang.


“Inaprubahan po ng ating Presidente ang rekomendasyon ng inyong IATF na ilagay muli sa enhanced community quarantine o ECQ ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal..."





Isa lang ang masasabi ni Irene sa #ECQSeason2,


"Punyeta! HIT ME BABY ONE MORE TIME!"



So, guys ano?


#CLOCSeason2 or #CLOCepilogue na lang kaya? 


Wat u think?




Next chapter...

Buwan ng kaarawan nung malanding kuneho. Syempre wala namang ibang hangad ang ate ninyo sa araw ng kanyang hepi hepi birthday kundi ang ma-tsunami ni Seulgi yung "Phuket" Thailand niya. Ang tanong matuloy kaya?

 #seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC

  

[BACK] [NEXT] [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]