FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing on COVID Epilogue 01: Ang Phuket ni Irene, Bow.

Crash Landing on COVID Epilogue 01: Ang Phuket ni Irene, Bow.

 Epilogue_01


August, 2021


Buwan ng kaarawan nung malanding kuneho. Syempre wala namang ibang hangad ang ate ninyo sa araw ng kanyang hepi hepi birthday kundi ang ma-tsunami ni Seulgi yung "Phuket" Thailand niya. 


Chorva lang sapat na daw sabi ni ateng Irene (buset na malantod na kuneho na yan sarap budburan ng asin yung puket-thailand ni bakla).


Ang kaso mo lang eto ka,  as if naman ganun kadali yun, eh yung ganap sa se*x life ng ateng ninyo nadaig pa ng vaccine. Yung vaccine, my first and second dose. Yung pangarap na chorva ni ate hanggang first dose lang, di na nasundan.


Pero bilib pa rin talaga ako sa mala-Hidilyn Diaz na fighting spirit ni Irene. Lakas ng pananampalataya ni ate na, "Chorva is near" na daw, because she believes in the saying... 


"Di bale nang mawalan ng panlasa, basta wag lang ng chorva! Just think POSITIVE!"


Pakilabas yung asin and yung pang swab test plis!





"Irene, ready ka na?"


"Yes!"


Wow, bilis sumagot ni ate. 


"Talaga?"


"Yes!!! Excited na ako makita yung gift mo para sa akin."


Oo nga naman, kaarawan ni Madam bukas syempre matik may regalo siya from bebilabs. At dahil mabait na jowa itong si Seulgi iaadvance na niya si gift.


"Close mo muna mga eyes mo."


Mega-close naman ng eyes si ateng ninyo. Ay! 'Wag ka kinover pa ni Seulgi yung mga mata ni bakla para sure na di makasilip yung kuneho. 


Tapos dahan dahan siyang dinala ni Seulgi somewhere only they know... charot! Eh nasa bahay lang naman sila so malamang lamang  dun dun lang din sya hahatakin ni Seulgi. Pero kung ako kay Seulgi sa sobrang landi ng jowa ko eh baka naihulog ko na yun from the balcony ng condo. Pero it's just me lang naman (I'm still waiting for the asin mga mumsh). 



*********



Leche! Mukhang matutuloy na ata yung "2ND" dose ng CHORVA-ccine ng ate Irene ninyo ah... kasi contrary to popular belief eh sa kuwarto siya dinala ni bebilabs Seulgi. Si Irene na talaga sakalam!


"Ready?"


"Yes!"


"Open your eyes." 


Open naman ng eyes si ate ninyo, with matching twinkling eyes pa si bakla.


"Huh?"


Ay bakit napa-huh si ate ninyo?


"Huh???"


Inulit pa ni bakla.


"Seulgi ano 'to?" Sabay turo ng  ate ninyo dun sa mga malalaking boxes at isang sako ng bigas na nakapuwesto sa tabi ng kama. 


"Ah kasi, since birthday mo tomorrow and sabi mo wala ka namang gustong gift kundi yung magkasama tayo sa araw ng birthday mo eh naisip ko na maganda siguro gumawa tayo ng good deed on your birthday. So, eto I bought stuff na pwede nating i-donate sa community pantry."


Inner monologue sa utak ni Irene: "Punyeta Seulgi! Inuna mo pa yung PANTRY ng komunidad kesa sa PANTY ko, este sa bonding nating dalawa? Ang sabi ko ikaw lang sapat na for my birthday, masyado mo naman ginalingan bebilabs at pati buong community isinama mo.  " 


"Irene... Irene? Did you like my gift?"


"Ah eh yes..." 


Teh Irene, di naman halata masyadong di mo bet yung gift ni Seulgi sayo.


"So, shall we pack?"


Inner monologue sa utak ni Irene: "Seulgi, ayokong mag-pack! Ang gusto ko ako ang i-pack mo!"


"Yes, Seulgi. Tara mag-fack este mag-pack na tayo ng mga ido-donate natin sa community pantry."



********



Araw ng kaerawan ng ateng Irene ninyo. 


Maaga pa lang ay lumarga na yung dalawang mag-jowa sa community pantry sa Maginhawa. Alas otso ng umaga pa lang  nag-aya na si Irene para daw maagang matapos yung kawangGAWA nila for the day kasi later kawang-GANAP naman yung pagkakaabalahan ng ate ninyo.


"Maraming salamat po Ms. Irene and Ms. Seulgi sa mga donations ninyo. If you don't mind can you pose for a picture lang po para naman may remembrance?"


"Sure po no problem."


"Sige po mga Maam pwesto lang po kayo dito."


Habang busy sa pagpipicture yung organizers nung community pantry at yung dalawang mag-jowa ay may nagsipagdatingan na limang ghurls na mga naka-pempem shorts at midrib  sa community pantry na may mga dalla-dalla na ecobag.


Di ko malaman kung 'sang squammy area ng QC nagmula yung mga bakla. Sa itsurahan pa lang, alam mo nang mga harbatera yung mga buwakanangmeow. Sila yung very reason why nagsimula ang mga community all over the country. Sila yung mga "naapektuhan" ng pandemic kaya need ng pangtawid gutom sa araw araw. 


At dahil isang malaking judger ang ate Irene ninyo eh, from the moment na dumating yung mga dalla-dalla ghurls eh sinundan na sila agad ng tingin ni Irene. Minamatyagan ni Irene yung mga galawan nung mga harbat girls. 


Keri lang naman kung wala silang pang-julam talaga. Okay lang kay Irene na mag-mega harbat sina atey. Keri lang kahit wagas wagas kung makadampot ng delata, itlog, kape at Coffeemate yung mga dalla-dalla girls. Keri lang lahat kasi birthday naman niya Irene. 


Pero ang hindi keri kay ateng ay yung mukhang pati si Bebilabs Seulgi gusto rin ata nilang harbatin. Umayos ayos sila kasi kung hindi ay madadale-dale sila ni Irene. Lalo na yung girl na may mala-dodeng dagang ears.



********



"Teh ang cute nyo po pwede pong makuha number ninyo?" tanong nung girl na may malaking ears kay Seulgi.


At bago pa magkabigayan ng cellphone number eh nakamega-interfere na ang ateng Irene ninyo dun sa convo.


"Low bat, mahina signal, walang data, naputulan ng line kasi di nakabayad, sira mouthpiece, sira touchscreen."


"So, ano talaga 'teh?"


"In short, di mo pwede makuha number niya?"


"At baket? Sino ka ba?"


Ki-ngi-ni-ngining yan! 


Si Bae Irene pa ang tinanong mo kung sino siya?!


Ateng malaking ears, kumapit ka na at humanda kasi any moment from now eh ma-neNesthy Petecio yung fest mo ng kamao ni Irene.


"Ako lang naman yung-"


"--ah she's Irene, it's her birthday today. Siya yung mga nag-donate ng mga yan." Si Seulgi na yung nagtuloy nung ispeech sana ni Irene. Super emphasize pa siya na kay Irene galing yung karamihan ng mga grocery goods dun sa pantry.


Pero syempre di papayag ang lola ninyo na ganun ganun lang yun.


"Narinig mo yun bakla ka, birthday ko kaya may pa-caridad. Salamat sa akin may lalamunin ka mamaya paguwi, may pampaligo ka kontra-baktol, at may toothpaste kang gagamitin dyan sa bunganga mong bet na bet kong i-light it up like dynamite. Pero keri lang harbatin mo lahat. Ang hindi ko lang papayagan na harbatin mo ay ito (sabay akbay kay Seulgi) kasi I'm-"


"--leaving na. So, bye ate." Kiniladkad na ni Seulgi yung jowa niyang mapag-patol sa away pabebe.


"Seulgi, no di pa ako tapos!"



******



Nakabusangot yung nguso ni birthday girl paguwi. Diretso sa kuwarto si bakla. Hinahanda na niya yung stage for her drama moment kasi madami-daming ipinaglalaban si ateng.


Una, yung hindi matuloy-tuloy na press release niya dun sa community pantry na mag-jowa sila ni Seulgi. Para bang ayaw ipamalita ni Seulgi na taken na siya. Ikinakahiya ba siya ni bebilabs? Is she not pretty enough? 


Pangalawa... uhmmm pangalawa... see statement above na lang. Kasi yun lang naman talaga ang iniaarte ni Irene.


Madami na siyang napanood na movie at koreanovela scenes na ganito ang setting. Magkaaway ang mag-jowa tapos sinusuyo yung nagtatampo na party tapos ang ending is labing labing sa kama.


So, eto si ate ninyo wala naman talagang goal in life kundi... alam niya na siguro no? Something to do with her "phuket" Thailand.


Ang kaso mo lang eto ka. Kanina pa siya drumadrama sa kuwarto kung ano ano na yung gamit na idinadabog niya. Ilang minuto na siyang nageexhale ng malakas sa ilong para mahalatang galit siya. Kaso lang waley pa rin. Nung hindi nakatiis eh kusang bumangon mula sa pagkakasadlak sa kama niya si burthday girl. Handa na siyang sugurin yung jowa niyang oso na kanina pa siya dinidedma at parang walang paki sa potentially "first major away" nila as a couple.


"Hoy, Seulgi! Wala ka bang balak mag-apologize sa--" Natigilan mid-sentence si ateng kasi shookt siya sa naabutan niyang eksenahan sa kitchen. 


Huli ka Seulgi! 


Yung oso may kasamang babae, guess nyo kung sino yung girl... sirit na?


It's none other than the dalla-dalla girl from the community pantry!


Need mo kutsillo, Irene? Ayun oh, meron sa kitchen counter! Go Irene! Go for the gold! Todasin mo yang malanding babae na iyan!


But wait... ba't ganun yung kutsilyo ang haba tapos alun-alun yung blade? Parang cake knife?


Cake?


Confused birthday girl + cake, equals...


"Happy birthday baby! Kakanta pa ba kami ng 'Happy Birthday Song'? Or gusto mo cake cutting na agad?"


"Whut?" Sabay inikot ni Irene yung paningin niya sa paligid. Kanina pag-uwi wala pa yung mga purple ballons. Wala rin kanina yung mga pagkain na ngayon ay maayos na nakasalansan sa dining table. At mas lalong wala kanina yung big ass tarpulin na ngayon ay bonggang-bonggang nakaladlad sa may salas at may nakasulat na, "To the most BAEutiful girl in this world, my everything, my Irene. Happy birthday my love!"


"What... Seulgi?" Confused pero di maitatago yung kilig sa tingil ni ate. Limot na ni bakla yung ipinaglalaban niya kanina.


Pero wait! Anong ginagawa nitong si dalla-dalla girl dito sa condo nila? At in fair pang yayamanin na ang OOTD ni ateng ninyo, malayong malayo sa pormahang pang-squammy niya kanina.


"Uhmm... Irene, meet Chaeryeong, she's my cousin." 


Hutena! Cousin! So meaning...


"Yup, I had her flirt with me kanina kunwari." Nakangising sabi ni Seulgi.


"So charot-charot lang yung kanina?" Confused pa rin ang Ateng Irene ninyo.


"Yup." Nakangising sagot ulit ni Seulgi. 


TOINK! Oh loko! Ayan ngisi pa more kaya ayan nahampas si Seulgi ng takip na karton ng cake sa ulo ni Irene.


"Tarantado ka! Muntikan na akong mag-amok sa Maginhawa ng dahil sa charot-charot mo!" 


"Eh surprise nga eh!"


"Siraulo! Mamaya ka sa akin talaga." Isa pang hampas ng karton sa ulo ni Seulgi ang pinakawalan ni Irene.


Pero di naman talaga galit si Irene. Kemerut lang ni ate yun, pantago ng kinikimkim na kilig.


Nung humahupa na yung lambingan/bugbugan nung dalawang mag-jowa eh isa isa nang  pinakilala ni Chaeryeong  yung mga co-actors/friends/members ng surprise birthday party committee na tumulong sa pagse-set up ng surprise. 


After naman ng short salo-salo eh lumayas na rin naman sila kaya naiwan na yung dalawang mag-jowa to continue the celebration.


Lakas maka-syala nung eksenahan nina Seulgi at Irene. Nandun kasi sila sa may balcony ng condo while sipping champagne while looking at the stars above char!


May hihilingin pa ba si Irene? Eh kota na si ateng ninyo. Partida panahon pa ng pandemya. Habang yung iba abangers sa ayuda, si ateng abangers lang sa chorva.


"Seulgi, thank you."


"For the birthday surpise? You're welcome." 


"No..."


"Hmmm?"


"No, I mean. Thank you dumating ka sa buhay."


Punyeta! Ang cheesy! Kinikila-ba-tu-tan ako sa mga eksenahan.


Seulgi smiled and kissed Irene... sa lips!


"Again Seulgi." More pa daw Seulgi sabi ni ateng.


"Dahil birthday mo... you can have all the kisses that you want."


"Talaga?"


"Yup!" 


"Then pwede mo din bang i-kiss yung phuket thailand ko?"


"What? Ano yung phu..."


A few moments later...








Headline bukas di ko alam kung kailan ang broadcast!


Ekslusibong balita!


Nasalanta ng isang matinding tsunami ang "phuket thailand" ng isang babaeng nagngangalang Bae Irene. Maayos naman po ang lagay ng "biktima" sa mga oras na ito. Kasalukuyan siyang nag-rerecover mula sa pinagdaanang kalamidad and she is ready for more charot!




Author's note: Hoy mga bakla kayo register to vote! Bumoto kayo mga buwakanangmeow kayo! Bumoto kayo nang may silbi kayo sa bayan! Mga inutile! Tsaka watch "Queendom" MV tangine ninyo galunggong! Oh diba? Daming tambay walang nag-kocomment! Walang nag-mimine! Kinginangmeow nyo daming readers mga  inutile! (Madam Inutz is that you?)




#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC 

  

[BACK] [NEXT] [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]