For fanfic readers, Thai GL fans and people who scream at their screens

Post Page Advertisement [Top]

Fanfic Story: Wag Mo Akong Ma-Terry Terry

Fanfic Story: Wag Mo Akong Ma-Terry Terry
FOREWORD

Para kay Bae Joohyun ang mga kerida dapat pinapahiran ng panutcha tapos iginagapos sa puno at pinapalantakan yung kanilang anik sa mga hantik. (huwaw magka-rhyme hehe)

Naniniwala din ang lola nyo na, "basta may alak, may balak." (ano daw?)

Kung saan nagmula ang galit ni Irene sa mga no.2s di rin nya maexplain, basta itinuring na lang nyang goal in life ang ipaglaban ang karapatang pantao ng mga legal wife at ng mga babaeng naagawan ng jowa.

Kung ang ibang mga babae minamarathon ang mga film adaptations ng mga nobela ni Nicholas Sparks, ibahin nyo si Irene. Hindi makukumpleto ang weekend ni Baechu hanggat di nya napapanood ang kahit isa man lang sa kanyang mga favorite movies: No Other Woman (Derek, Anne at Christine), A Love Story (Aga at Maricel), Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi (Laurice Guillen) at Asawa Ko Huwag Mong Agawin (Ate Vi).

Ang kanyang ultimate movie of all time ang "Minsan Lang Kita Iibigin" nina Maricel Soriano at Zsa Zsa.

Scene from the movie...

Maricel (legal wife): "May relasyon ba kayo ng asawa ko?"
Zsazsa (bff/mistress): "Relasyon?"
Maricel (legal wife): "Relasyon. Querida, Kabit, No. 2, Mistress… relasyon."
Zsazsa (bff/mistress): "Terry…"
Maricel: "Wag mo 'kong ma-Terry Terry! Iyong tanong ko ang sagutin mo. Are you f—ing my husband?"
Zsazsa: "Minsan!"

Kung anu man ang mga pangyayari after nung last line you will have to watch the movie to know, and word of advise pagsinabi ni Terry na wag mo syang hahawakan, wag mo syang hahawakan!

Pero gaano man katragic at super angst nung mga pinapanood ni Irene ay sya namang kabaligtaran in real life. Irene is in a happy relationship with a very sweet and loyal bear named Seulgi. Her only problem is hindi lang sya ang nakakapansin sa charming at lovable qualities ng kanyang baby bear kaya marami pa rin ang mga umaaligid.

At dahil naniniwala si Baechu sa sinabi nung character ni Carmi Martin sa No Other Woman, "Ang mundo ay isang malaking Quiapo. Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka!" Eto ngayon sya handang labanan ang lahat ng mga makakating inday na aagaw sa kanyang FOREVER.  




WMAMTT ALL CHAPTERS: 

CLICK TO READ CHAPTER SYNOPSIS

CLICK TO READ CHAPTER SYNOPSIS

CLICK TO READ CHAPTER SYNOPSIS

CLICK TO READ CHAPTER SYNOPSIS


[HOME]

[READ OTHER FANFICS BY TENGUDNESS]

[READ ONE SHOTS] 

#SeulRene #Seulgi #Irene #RedVelvet



No comments:

Post a Comment