FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Fanfic Story: Crash Landing On COVID

Fanfic Story: Crash Landing On COVID

FOREWORD

“Enhanced community quarantine declared all over Luzon.”

Patay kang Irene Bae ka. Lockdown daw Baechu. Meaning bawal ang aura sa labas kundi mapipick-up ang beauty mo ng mga sundalong umaaligid.

Ang kaso lang otoke? Mag-isa lang si bakla sa condo ngayon, inabandona kasi si ateng ng mga condo mates sya na nagsipagpulasan na sa kanya-kanyang mga probinsya.

Pero buti na lang alagad ni Beyonce si Irenea.

She’s a survivor,

she’s gonna make it,
she will survive,
keep on survivin', cheret!

Kaya kakayanin ng powers ni bakla ang Covid. Ika nga ni ateng “Virus ka lang, Kuneho ako.” (inakupo dyusmiyo mahabagin)

Sa wakas mailalabas na ni Irene sa baul yung mga kaalaman na na-obtain nya nung girl scout pa sya. Nakailang camping sa bundok ang lola n’yo, so for sure kaya nyang mabuhay in this time of crisis. So no worries si Ateng Irene.

Kung anong chinill nung girl scout sa unit 1114 ng Sunday Residence Condominium ay kabaligtaran nung dalaga sa unit 1116. 


Nagme-mental breakdown na yung osong nakatira sa nasabing condo unit kasi pano ba naman si ate nyo wala lahat!

Walang pagkain...

walang inuming tubig...
walang kape...
walang asukal...
walang LPG...
walang WiFi...
walang jowa, cheret!

Love in the time of quarantine? Ano sa tingin n’yo?

CHAPTERS

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/2020/03/CLOC-Chap01.html
01: Lockdown
Love in the time of lockdown. Yung ECQ na ba ang sign na hinihintay ni Irenea from above? Sign na ang matagal na niyang pinakahihintay na destiny ay walang iba kundi si...

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/2020/03/CLOC-Chap02.html
02: Quarantine   
Walang kamalay-malay yung oso na naka-lockdown ang buong Luzon. Di sya prepared. Buti na lang meron siyang Kuneho/Knight in Shining Shimmering Splendid. 

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/2020/03/CLOC-Chap3.html
03: Crash Landing
Tsansa nung kuneho ang ma-experience maging si Yoon Se-Ri ngayong panahon ng kwarentina. Tulad nung character ni Son Ye-Jin sa Korean drama na “Crash Landing On You,” hoping si bakla na makaka-landing sya sa puso Seulgi.  Bae Irene as Yoon Se-Ri… or rather Yoon Se-RaUlo, si ateng nyo nabuang na hutenang yan!

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/2020/04/CLOC-Chap04.html
04: Barangay Pass
Si destiny ni Irene hinaharang  ng militar! No no no no no… no way! Hindi papayag yung kuneho. Wala siyang paki kung taga-Camp Bagong Diwa, Camp Aguinaldo or Camp Sawi pa yung sundalo na humarang kay Seulgi, handa nang makipag-smack down si Irenea.

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/2020/04/CLOC-Chap05.html
05: TikTok
Makatulong kaya sa pagkakaroon ng jowa ni Irene ang TikTok? Mata-try na kaya nya yung meow meow meow song? O baka naman mauwi na naman sa nyaw-nyaw-nyaw yung lablayf niya. 
 
May ipapatikim keme ang Ate Bunny ninyo kay Seulgi. Ano kaya yun? #I'mALittleMonsterKuneho
 
07:
The Frontliner VS The Sideliner
Si Irene, ang naughty little monster ng Quezon City versus Sunmi, ang wonder gashina ng Camp Bagong Diwa. Sino kaya sa dalawa ang sa tingin ninyong mag-uuwi ng corona… este wag naman corona baka virus ang ma-take home nung dalawa. Sino na lang sa tingin ninyo ang mag-uuwi ng titulong “Jowa ng Oso of the Year Award”? 
 
Anim na buwang lockdown mga mars. Anim na buwan ng nakakabuwang na quarantine. Ang daming nang naganap sa paligid-ligid pero yung ninanais na “GANAP” ni Irenea waley pa rin. Pero sabi nga nila, “Dreams do come true.”  Mukhang matutupad na yung matagal na pinapangarap ng ate bunny ninyo ah. Finally, yung pangarap na chorva ng ateng ninyo magiging for reelz na. 


Pagod na ang ateng ninyo sa kahihintay na ma-lift ang lockdown. Sawa na rin siya sa paghihintay na ma-flatten ang curve. At mas lalong walang balak si ate na mag-antay sa pangakong vaccine ng Russia or Tsina.  Sabi nga nila, "You can never can tell." Bahala na si Batman. Push na sa chorva. 

Ano kaya yung gina-gotta-go-gotta-go-yeol-dushi ng lola Irene ninyo at inaabot siya ng dis oras ng mga GRO sa labas ng bahay? Gala nang gala si bakla di niya alam yung oso pinagsususpetsahan na siya. 

Eh eh eh ehh two-eni-wan! You gotta ring the alarm! New Year na! Happy happy bagong taon. Kung ang Korya may pag-confirm na tuluyan nang nag-crash landing into you for realz ang mga puso nina Hyunbin at Son YeJin. Well, ditey sa Pilipins I can say with certain certainty na officially and formally sina Seulgi at Irene ay tuluyan nang nagka-crush sa isa't isa. Ang tanong... kailan magkakatotoo yung pangarap na "GANAP" na matagal nang hinahangad ni Irene? This year na kaya o baka naman umabot pa  tayo sa year 20Waley?

Parang awa mo na Seulgi pagbigyan mo na si Irene plis tigilan mo na yung pag-sometimes-I-run-sometimes-I-hide mo. Matagal nang gusto ni Irene na ma-Hit-Me-Baby-Wan-More-Tym kaya sige na Oso sampolan mo na si Madam para naman matahimik na ang katawang lupa nung kuneho at by the end of the chapter makakakanta na finally si ateng ng, "...with the taste of your lips I'm on a ride..."


Buwan ng kaarawan nung malanding kuneho. Syempre wala namang ibang hangad ang ate ninyo sa araw ng kanyang hepi hepi birthday kundi ang ma-tsunami ni Seulgi yung "Phuket" Thailand niya. Ang tanong matuloy kaya?



 
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC



1 comment:

  1. Author next Chapter please done na ako sa chapter 10 eh

    ReplyDelete

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]