For fanfic readers, Thai GL fans and people who scream at their screens

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry: Chapter Synopsis (CHAP 61-80)

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry: Chapter Synopsis (CHAP 61-80)




Asan na si Bebiber? Tinext, tinawagan nung nawiwindang na kuneho yung phone si Seulgi.  Muntikan na ngang malugi yung Globe kasi sulit na sulit ni Baechu yung 'unli text and unli call (with 300 mb free data)' nya sa dami ng nasend nyang messages kay Seulgi. Pero wala talagang reply as in.

Hutang na loob tantanan na ninyo ang pagpapakalat ng fake news na mas mapait pa sa buto ng lanzones ang current state of being ni Baechu. Inuulit ko, I repeat... hindi na sya bitter. Di pa rin talaga kayo convince? Eto proof...

Your lola Baechu is going on a tour,  'Tadhana Tour.' TT for SHORT! Pero kung gusto nyo ng LONG pwede rin naman, charot!  Ang tour kung saan magmomove on ka, habang nagmo-move from places to places. Ang tour na sasagot sa tanong na, where do broken hearts go? From Timog - Kezon City to Zagada, sisiguraduhin ng tour na makakamove on for sure Bebibani.

Sa kaibuturan ng ka-anik-anikan ni Baechu ay hoping pa rin syang matatama ang mga tadhana nila ni Bebiber. Umaasa si Baechu na may pa-Avengers: Endgame ang lablayf nya.  Pero bago yun eh magso-soul searching na muna si bakla sa Japan Japan sagot sa kahirapan.

CHAPTER 66: Sakura Sakura

Sino kayang first blood? Ang ma-eenemy double kill? Ang ma-tritriple kill? Ang mag-iinitiate retreat? Ang mag-rerequest for back-up kina Irene, Tyang, Chow Fan?


Hanggang sa kailalim-ilaliman ng lungga ng mga forces of evil nakaabot yung balita about sa status ng relasyones ni Baechu. And determined din silang maging hadlang sa heppily ever after nung kuneho. Yung mga tinik sa chorvalife ng lola nyo goes supernatural.

Saglit na segway sa namumuong love life nina Wendy at Joy. Akalain ninyong may potential loveline pala yung dalawa. Totyal kasi sa Singapore pa yung developan setting nung dalawa. Sila na ang naka-couples' trip pero di naman sila couple.

Chapter 71: Hello, Love, Buset! 
Sinisimulan na ni Joy mag-move sa mala-Hello, Love, Goodbye na lovestory nila nung Tyanak sa tulong ni Wendy. Yung hamster na kaya ang rason ni pekeng Joy to stay?


Chapter 72 : Ikot Ikot Couple
Andyan na sa harap mo. Abot kamay mo na 'teh. All you need to do is say the magic words at magkakajowa ka na. Pero ganun lang ba talaga kadali yun? Oo, Joy, ikaw yung pinariringan ko kaya 'wag ka na mag-maangmaangan school of acting diyan bukelya ka na bakla. 




Malakas talaga ang hatak nung kuneho sa dark forces of kamalasan. Akalain mong na-UNO Reverse  Card yung dapat sanang revenge plot na plinaplano niya. Pero according nga dun sa salawikain na na-memorize ng ateng ninyo from grade school, “Ang umaayaw ay hindi nagkakajowa, ang nagkakajowa never umaayaw.”  Ano daw?

Mainit ang ulo ng lola Baechu ninyo. Weyo weyo? Na-scam si ate. Na-scam siya nung look a like ni Dora na bakla at nung grupo ng mga lalake na mala-Got7 ang galawan. "Iniisip mo pa lang... Nasa Lazada yan!" Eh, buong araw nang iniisip at iniimagine ni Irene si Bebiber Seulgi. Nung sinearch niya... (see chapter title).
























No comments:

Post a Comment