FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry: Chapter Synopsis (CHAP 01-20)

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry: Chapter Synopsis (CHAP 01-20)


 



Meet Irenea Joohyuna Bae y Kim. Ang pinakamagandang kuneho sa balat ng Tondo. Never been touched. Never been kissed... pero gustong (gusto) nang magpa *tooooot. Charot! And also meet yung lovable, huggable and beri much jowable na jowa ni Joohyuna na si Bebiber Seulgi. This is the start of something new. Alamin kung papaano na meet ng Lola Baechu nyo yung 'icing sa ibabaw ng cupcake' nya. At kung papaaanong ilampaso ni ante yung mga nag-fefeeling Katniss sa buhay nya because there can only be one, 'Girl on Fire' and that's BAECHU!
May nagseselos na kuneho, pano ba naman kasi may isang inday na balak atang maging isang major tinik sa lalamunan ni Bebibani. Naka-full on Cherrie Gil as 'Lavinia' mode na si Irene. Yung tipo ng babaeng nanaboy bigla ng tubig sa fest ng karibal nya sabay lilinya nang..."you're nothing (pause) but a second rate (pause) trying hard (pause) copy cat! (sabay saboy ng champagne sa mukha ni Tita Shawie)" 



Pa-backstory dun sa kung papaano first na nagkakilala si Ateng Irenea at si Kang Oso. Ang kaso mo eto ka, may nauna! Ang kaunaunahang tinik sa lalamunan ng lola nyo, meet...  



Ngayon lang na-realize ng Lola Baechu nyo na tama pala yung sinasabi ni Tita Beyonce... Pretty Hurts. Kineso ba naman yung kemeroot ng Lola nyo eh. Ay naku! Sizt mashaket talaga yun, pero fordachorva sige lang laban lang ante.
 
 
May pa-ganap sa kabundukan si Baechu. By hook or by crook determinado si bakla na may-anik. Pero mukhang kontra ang mga anito ng kabundukan sa mga balakin ni ateng. Pero malakas ang pananampalataya nung kuneho kay Miley Cyrus. Naniniwala sya na it ain't about how fast you get there. It ain't about what's waiting on the other side. It's the CHORVA este it's the CLIMB. Yown!!!


    
Freeedoooom!!! Finally nakakawala na ang oso sa jowa nyang kuneho na kung makalingkis sa kanya tinalo pa ang anaconda. Pero sabi nga nila, when the rabbit is away, the penguin wants to play (ano daw?)

Sa panahon talaga ngayon, you can never can tell kung sino yung mga may lihim na pagnanasa sa jowa mo no? Sa kaso ng lola Baechu nyo, not one, but two makakating indays ang gustong tumikim sa icing na nasa 'CUPCAKE' na ni Joohyuna. Sa tingin nyo papayag ang lola nyo? Hell no!


Ano kayang mangyayari sa relasyones ng mag-jowa na kung saan yung isa ay si Tamang-Duda habang yung isa ay si Tangang-Oso?

 
   
Kilala nyo naman na siguro si Momo no? Yung charity work ni Seulgi na di nya sukat akalain na isang malaking butaw pala in real life. Pero maliban sa unli chibug ay may isa pang tinatarget na makuha si Momo. Ano kaya yun?
 

Paano magpapansin kay Crush? Yung iba sumusulat ng love letter. Yung iba may pa feeding program. Pero jackpot ka kung ang nagka-crush sa iyo ay alta sosyedad. Ikaw ba naman ang regaluhan ng Iphone aarte ka pa ba?

Panahon na para ungkatin natin ang entire dating history nung magjowang kuneho at oso. At may pasabog! Opo may sasabog! Este may pasabog ang lola Baechu nyo! 
 

   
Masakit talaga pag first time lam nyo yan. Ang sakit sakit umasa tapos mauuwi lang pala sa nganga. May paparating na new character.  
 

Akala mo magiging jowa mo na naging bato pa. Kasi kasi naman meron ng jowa tantanan nyo na. Para sa mga may balak maging kabit dyan naku wag na nyo i-attempt kasi gagalit yung kuneho. Ang sabi nga sa kautusan, 'wag kang makikiapid.' Ang kay Pedra ay kay Pedra, at ang kay Irenea ay KAY IRENEA LANG... bawal ang tingi o free taste.


May confrontation na magaganap. Ang pinaasa, ang nagbigay pag-asa at ang osong nanganganib ang buhay dahil sa maling akala, live, eksklusibo! Tonight with Tito Boy! Susunod!


Judgement day na nung oso. Tingnan natin kung papaano  lulusutan ni Bebiber ang bangis ng kanyang jowang kuneho. At ang tanong na nasa isip ng lahat, #MayGanap o #WalangGanap kaya? 


Mabuhay ang bagong kasal! Charot! May pa-Flashback chapter mga bakla. Chapter  kung saan nagmula ang pangakong 'poreber' nina Seulgi at Baechu. Wag ka pangakong 'legally' binding para kay Lola Baechu kaya naman yung oso walang wala ng kawala lol.


 
Naloko na. Mukhang mapupurnada pa ata yung pangarap na putubumbong with Bebiber ni Baechu ah. This kennot be! Kahit na sabihan pa ni Sarah G, Leah Salonga at Bamboo na, "Forever, forever, family is forever." Isa lang ang masasabi ni Baechu, di na chochorva ang pemily. 
Your lola's feeling like a psycho-psycho Bebiber got her feeling like a psycho... matagal ko  na kasing sinasabi sa inyo "biruin nyo na ang lasing, wag lang si Baechu na walang booking." Ayaw nyo kasing maniwala sa akin na may sa aningan yung kuneho eh. Tingnan na lang natin kung lalabas yung tunay na kulay ni bakla kapag na-meet and greet na niya si Future Mother-in-law.
 

Nawawala si Bebicam!!! Syempre ang lola Baechu windang kasi syempre Bebi nya yun, ang dami pa nyang binabalak gawin using yung bebi na cam o cam na bebi ah basta! Kailangan makita sa lalong madaling panahon yung non-living-thing na Bebi na yun. Nakita naman ng lola nyo kung nasaan si Bebicam. Ang kaso lang may iba pa syang nakita. At yung nakita nya... ay naku sizt mala-brokeback swear!

Ito na ang araw na pinakahihintay hintay ng lola Baechu nyo. Ang araw kung saan mapapasok ng mental si bakla. Ang tanong... FOR A VISIT lang ba o baka tuluyan na ang pag-CHECK IN ni ateng sa loob? 
 
 #seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]