FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing On COVID Ch 06: Lab Tri-ang-gulo-gulo Ang-gulo-gulo

Crash Landing On COVID Ch 06: Lab Tri-ang-gulo-gulo Ang-gulo-gulo

Week 4, week 5, week 6 and so and so forth.

Hay! Tita Rona kailan ang alis mo? Ilang weeks, months na ang lumipas you’re still here. 

Kung empleyado ka lang matagal ka ng regular sa work. Entitled ka na sa mga benefits. May 13th month, rice subsidy, clothing allowance at 12 days sick and vacation leaves ka na.

Buti ka pa Tita Rona ang daming leaves, kasi si Irenea waley na. Ang masaklap pa nito waley ng leave si ateng ninyo, waley na din siyang work.

Dumagdag na sa istatistika ng mahigit sa 40% na mamamayang Pilipino na nga-nga sa panahon ng pandemya ang ate ninyo. Pero sabi nga ni Mars sa Malakanyang, ikinagagalak niya ang bilang ng mga walang trabaho kasi at least 40 plus percent lang. Edi huwaw! Talaga ‘tong si mars ang sarap kurutin sa singit sa sobrang kyut buset na yan.

Anyway, like I said kanina, na-chugitabelles ang beauty nung kuneho sa company nila kasi mismong yung company ng lola ninyo lumigwak sa banga ang operasyon.

Pero, nawalan man ng work eh di pa rin nawawala ang pag-asa ni ate ninyo na magka-lovelife. Kaya hala sige, tuloy ang landi!

*      *     *

“Seulgi, eto nga tikman mo kung masarap.”

“Ang alin?”

“Uhmm… ako. Tikman mo ako. Para naman malaman mo kung gaano ako kasarap.”

“Eh?!” Bakas na bakas ang isang malaking  question mark sa pagmumukha ni Seulgi. Hunyeta naman kasi nitong kuneho kung ano ano-ano na naman ang pinaghihihirit eh. Malandi! Haliparot!

“Tangiks joke lang! Syempre ang pinatitikim ko sa iyo ay itong sriracha chicken na gawa ko.”

Ahhhhh ayun naman pala, yung chicken pala yung pinatitikman ni ate, kala ko naman yung ***tooooottt.

Syempre basta pagkain si Seulgi  G na agad.

“Hmmm, Irene, ang sarap!”

“Talaga ba? Alam mo may mas masarap pa diyan.”

Punyeta! Eto na naman ang lola niyo mukhang may ihihirit na naman.

“Try mo din itong mango bravo na gawa ko.”

As usual, tikim tikim ulit yung oso.

“Wow, Irene ang sarap ng mga luto mo! Grabe, ang swerte ng mapapangasawa mo kasi for sure lagi siyang busog.”

“Huh?” Uy, si ate medyo kinilig hahaha

“Ang sabi ko swerte ng magiging asawa mo sa’yo.” With pa-eye smile pa si gagong oso kaya naman ang ate ninyo mukhang nalalaglag na naman yung penti ahihihi.

“Uhhhm… Seulgi.”

“Yes?”

“Tutal natikman mo na yung sriracha chicken ko. Pati yung mango bravo ko natikman mo na rin. Gusto mo bang…”

Naku naku… wait pause! Ano kaya ang next na sasabihin ni ateng?



A.)    “… pakasalan ako para malaman mo kung gaano ako kasarap magmahal in real life?” (PG Version)  

B.)    “…i-try na ako naman ang tikman Seulgi?” (R-18 Version)

C.)    “…ako naman ang tikman mo. Tapos after, ako naman ang patikimin mo. At dahil nagtikiman na tayo baka gusto mo na rin na pakasalan ako.” (R-18 Tikiman Version)

D.)    Or…



“… bumili ng tinda ko Seulgi? Mura lang yung sriracha 8 pcs., Php150 yan originally pero para sa iyo Php 135 na lang. Yung mango bravo naman, Php185 isang tub pero gawin ko na lang Php175 para sa iyo.”

Si ate ninyo dahil unemployed natututong sumideline magbenta ng lutong ulam at dessert online. Businesswoman sa umaga, haliparot na kuneho sa gabi charot!

Mamaya na daw ang lovelife kailangan na muna ni bakla na makaubos ng paninda.

Pero may motto ang ate ninyo, “Work hard. Landi Harder.”

So, Seulgi wait mo lang daw si Irene laters.



*     *      *

Gabi na, yehey!!!

Tapos na yung shift ni ate nyo sa kanyang mini business kaya naman pwede na siyang mag-relax. That means oras na para lumandi este oras na para mag-bonding sila ni Seulgi, kasi sakto tapos na rin yun work from home ng kanyang oso.

Ding Dong!

Ganda ng ngiti ng ate ninyo kasi oras na ng dinner nila ni Seulgi. Dinner lang, pero para kay Irenea “date” daw yun keme keme.

'Yaan nyo na mag-ilusyon yung kuneho hanggang eme emeng landi lang naman ang alam ng ate ninyo kaya pagbigyan na natin. Deep inside wholesome pa rin naman ang karakter ni Irenea kaya don’t worry safe ang baby oso natin.

“Hi, Seulgi!!!”

Whoa! Taas ng energy teh? Concert lang sa MOA Arena ang peg? Anyway…

“Hi, Irene.”

“Dinner na tayo  Seulgi. Masarap ‘tong niluto ko, porkchop tsaka ginisang toge na maraming chicharon.”

“Wow! Talaga? Naku mapaparami na naman ako ng kain nito.”

“Yup! Kaya tara. Nga pala, after mo kumain baka pwedeng ako naman ang…”

HOY BABAENG KUNEHO! Kaka-build up ko pa lang kanina ng image mo, sinisira mo na naman leche ka.

Okay na eh, sabi ko wholesome ang image mo tapos ganito kumikire ka na naman!

“After ko what Irene?”

“Ah eh, after mo kumain baka pwedeng ako naman ang ipagluto mo. Yun! Oo, ipagluto mo naman ako popcorn, tapos nood tayo ng new season ng ‘Lucifer’ showing na sa Netflix.”

“Sure Irene, tamang tama kasi andito din si…”

And, speaking of the devil, as if on cue enter frame yung nagiisang busit sa buhay kwarantina ni Irenea.

“Andito ka pala.” Napaka-unemotional at mas malamig pa sa Antartica na bati ng ate ninyo kay Techinical Sergeant Gashina. 

Di maitago ni Irene yung asar niya matapos makita yung presensya nung asungot sa ‘date’ nila ni Seulgi


“Ma'am Sunmi tamang tama tapos ka na maligo pwede na tayo kumain. May dalang dinner si Irene, tara let’s eat na.”Wait wait wait a minute! Di man lang informed si Irenea na may pa-feeding program siya this evening. Si Seulgi keri lang, pero si Ate Militar no no no.  At teka nga, bakit ba andito si Ateng Sunmi?


At bakit bagong paligo?

OOOOEMMMGEEE?!

Motel lang ang peg?

Don’t tell me…

Noooooo!!!!

“Nice! Ginisang toge and porkchop! Sakto paborito ko tong ulam!”

Napatingin ng masama si Irene kay Ateng Gashina. Yung oso lang ang allowed makatikim sa cooking ng inang kuneho ninyo walang iba. At excuse me, paki naman daw ni Irene kung favorite niya yung mga ulam.

“Ah, ganun ba? Favorite mo pala edi sana nagluto ka sa inyo.” Mahinang side comment ni Irenea.

“Huh?”

Sabay na napatingin sa sumiside-comment na kuneho sina Seulgi at Sunmi.

“Ah eh, sabi ko tara kain na tayo.”

“Game!” Excited na sagot ni Seulgi.

  

*      *      *


NEXT Chapter: Mag-shoshowdown ang frontliner (Sunmi) at ang sideliner (Irene). Tingnan natin kung sino ang makakasurvive sa dalawa at ang magiging winner sa puso ni Seulgi.


#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC  

Read Next 07:
The Frontliner VS The Sideliner
Si Irene, ang naughty little monster ng Quezon City versus Sunmi, ang wonder gashina ng Camp Bagong Diwa. Sino kaya sa dalawa ang sa tingin ninyong mag-uuwi ng corona… este wag naman corona baka virus ang ma-take home nung dalawa. Sino na lang sa tingin ninyo ang mag-uuwi ng titulong “Jowa ng Oso of the Year Award”?

[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]