FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing On COVID Ch 07: The Frontliner VS The Sideliner

Crash Landing On COVID Ch 07: The Frontliner VS The Sideliner

Irene

 

Kung sina Vice Ganda may pa-It’s Showtime sa tanghali. Si Bae Ganda naman, may pa-It’s Showdown sa hapunan.

Ready na talaga makipag-i-smackdown si Ateng Irenea.

Kasi naman kasi itong si Sunmi. Kung bakit ba naman kasi naisipan pa ni ghurl na sumingit dun sa dinner “date” nung dalawa.

Kaya ayan tuloy si Ateng Bunny Ganda naka fight mode-ON na naman.

Paki daw ba nung kuneho kung ‘yung karibal n’ya sa atensyon ni Seulgi ay isang ruler ang lamang sa height sa kanya. At, mas lalo daw wala s’yang care na dalawang letra yung diperensya ng cup size nila ni Sunmi. Para saan pa daw ba inimbento ang padding at push up bra kundi sa mga ganitong pagkakataon. Isang ‘add-to-cart’ lang daw sa Lazada o Shopee ang katapat ng mga nag-aalugang boobstra ni Sunmi.

Basta laban na daw sabi Irene. Para sa pag-ibig at katarungan. Sideliner versus Frontliner. G na!

Bae Irene “Ang Naughty Little Monster ng QC” VS Lee Sunmi “Ang Wonder Gashina ng Camp Bagong Diwa”

Sino kaya sa dalawa ang sa tingin ninyong mag-uuwi ng corona… este wag naman corona baka virus ang ma-take home nung dalawa.

Sino na lang sa tingin ninyo ang mag-uuwi ng titulong “Jowa ng Oso of the Year Award”?

Mga mars, eto na ang harapan ng mga nagtutungali sa puso ni Seulgi.

Pa-MINE na lang daw po sa comment section ahihi


 

*   *   *


“Ang sarap mo pa lang mag-luto Irene.”

“Oo naman, mahilig talaga ako mag-luto. Sabi nga nitong si Seulgi ma-swerte daw mapapangasawa ko.”

Wala nang plastikan mga teh. Di na uso ang humble-humble na drama. Attack mode na ang ate ninyo kaya naman todo benta na siya sa sarili niya.

Kung si Seulgi ba naman daw ang bibili sa kanya eh 100% discounted na, may free shipping at lifetime service warranty pa na kasama. At syempre di mawawala yung unli chorva. Kaya Seulgi bilhin mo na daw si Irenea.

“Nga pala Irene tomorrow pa-order ako ng chicken ha.”

Ay, chicken lang yung inorder nung oso. Di bale baka sa susunod yung *tooott na yung ma-order niya char char hahaha

“Sure Seulgi.”

“Pa-order ng ano yun Seulgi?” Tanong-tanong pa ‘tong si Sunmi.

“Ah, eto kasing si Irene nagbebenta ng lutong ulam at dessert online. Baka gusto mo umorder din hehe.”

“Wow. Talaga sige ba. Oorder ako everyday. At sasabihan ko din yung mga kasama ko na umorder din kay Irene. Pero sa isang kondisyon Seulgi…”

May pa-cliffhanger pa itong si Ate Sunmi hunyeta.

“Ano naman yung kondisyon?” Syempre curious yung oso sa kondisyon kaya mega-tanong tanong si tanga.

“Basta ba ikaw ang mag-dedeliver Seulgi ng mga orders.” Sabay may-pakindat pang kineme ‘tong si Technical Sergeant Gashina dun kay Oso.

P*tanginers!!! NO WAY! KENNOT BE! BORROW ONE FROM PUNYETA!!!

As if papayag si Irenea na gawing Food Panda o Grab Food Delivery nitong si Sunmi si Bebilabs niya.


Not in a million years na papayag si Irene sa ganung set up. Papayag lang daw siya kung magiging kulay purple na ang buhangin sa Manila Bay. At dahil tuloy tuloy lang ang pagtambak ng crushed dolomite sa ‘she sells-seashells-by-the-seashore’ ng Manila Bay ay syempre isang tumataginting na… NEVAH! NOT GONNA HAPPEN! OVER MY DEAD GORGEOUS BODY! Ang sagot ng ateng ninyo sa proposal ni Wonder Gashina.

“Sure! Yun lang naman pala eh.”

Wait. What just happened?

Tama ba yung dinig ni Ate Irene. Pumayag yung oso?

“Seryoso?” Kahit si Sunmi shookted sa sagot ni Seulgi.

“Oo naman. Yun lang naman pala eh. Para kay Irene I’ll do it.”

AWOOOT WOOOT WOOOT. ANG ATENG IRENE NINYO NIKIKILIG YUNG PEM-PEM-DE-SARAPEN.

Para naman daw pala sa kanya yung sakripisyo ni Seulgi. Ganun siya ka-love ni Seulgi. (illusyunadang kuneho.)

“Pero Seulgi…” Kahit kinikilig syempre papakipot pa rin ng konti si Irene.

“It’s okay Irene. Tulungan kitang magbenta ng food mo. I know you lost your job so I’ll do what I can to help you.”

AWIT! Nalaman pa tuloy ng public enemy number uno ni Irene na unemployed siya ngayon, pero nevahmind. Yung thought na gusto siyang tulungan ni Seulgi in her time of need yung bonggang nagpasaya sa kanya.

“Pero paano ka mag-dedeliver?”

“I have a bike.”

“Pero papano yung work mo?”

“I’ll do it before or after my work.”

“Pero how much do I…” Hindi na hinintay pa ni Seulgi na matapos si Irene sa pagsasalita kasi siningitan na niya ito ng…

“Honestly, Irene just let me do this for you. Okay?”

“’Kay.”

Ayan payag na si ate n’yo!

Ikaw na talaga Irenea!

Akalain mong nalusutan mo yung counter-attack ni arch eme-enemy mo hahaha. In the end ikaw ang naging winner. Tsaka mo na isipin paano mo gagawing ‘gapang proof’ si Baby Bear kapag nagde-deliver ng food kina Sunmi. Basta focus ka na muna sa Netflix date ninyo tonight. Okay?

*     *      *

Di natuloy yung ‘Lucifer Season 5’ sana na marathon nila ni Seulgi. Buti na lang rin kasi eme-eme lang naman ni Irene na fave niya yung TV show na yun. Sa true lang, hanggang episode 2, season 1 lang yung kinaya ng powers ni ateng. Di naman kasi talaga mahilig yung kuneho sa mga ganung palabas. Isang malaking pagpapanggap lang ang lahat.

Mas bet ni ate ang mga lokal shows. At mga koreanovela at Thai BL Series gaya ng “2gether:The Series” nina Bright and Win ganern ang mga kadalasang pinapanood niya.

Mga 10mins din nagdebate ang mga brain cells ni Irenea bago niya naisipang i-suggest na #Alive ni Park Shin-Hye ang panoorin nila tonight ni Seulgi. 

 

Actually di mahilig sa horror movies, lalo na sa mga zombie zombie si Irene di tulad nung oso. Pero dahil Korean ang movie eh keri na rin daw. Plus maganda daw yung nakakatakot ang movie kasi makakachansing siya dun sa oso ng hindi nito nahahalata. Oh diba Wyn Wyn Marquez na naman ang ateng ninyo tonight.


*     *     *


*WARNING: Light spoiler 



“Ay p*uke ng zombie! Yu-bina yung lubid!”

“Tongina! Yu-bin ayan na yung bumberong zombie! Gising na ghurl!!!”

“Oh loko! Buti nga sa iyong lecheng zombie ka!”

“Yu-bina hatawin mo ng palakol!”

“Ay! Punyeta sa likod mo Yu-bina!!!”

“Ghurrlll TAKBOOOO!!!!”

“Yu-bin!”

“NOOOOO!!!! Don’t shoot Yu-bina!!!”



Remember yung balakin sana sa buhay ng ateng ninyong maka-damoves kay Seulgi?

Yup. Forgotten na yung damoves kasi si ate ninyong kuneho busy sa pagtili at pag-siside commentary all throughout the movie. Sumakit nga yung ngalangala ni bakla kakasigaw. Super fan kasi siya ni Park Shin-Hye kaya naman mega invested siya sa character ni Shin-Hye. Lamunin na daw ng mga zombies ang lahat wag lang si Baby Yu-bina niya.

All in all, aliw naman yung Netflix time nung dalawa. At dahil tapos na manood eh time to sleep na mga ate.


*   *     *

Familiar naman na kayo diba sa unusual sleeping arrangement nung dalawa?  So, alam nyo nang sa isang kuwarto lang natutulog yung dalawa para tipid sa kuryente. So gaya ng nakagawiaan sa kutson natutulog si Seulgi habang sa kama naman si Irene.

“Good night, Seulgi.”

“Night, Irene.”

Papikit na sana yung ateng kuneho ninyo nang mukhang may pahabol pa yung oso.

“Irene…”

“Hmm? Ano yun Seulgi?”

“Uhmm…”

Huwatdapak? Don’t tell me mag-rerequest ng goodnight kiss yung oso? Hindi pa naman prepared si Irene. 

Twice nag-toothbrush, nag-floss, nag-mouthwash ng purong Listerine, nag-lip balm, nag-lip gloss, nag-lip tint si ateng. So, no! Hindi sya prepared.


“Irene, I think…”



Whut, Seulgi?

You think you like me na?

You think you love me?

You wanna marry me?

You wanna have kids with me?

Whut, Seulgi? Whut?


Hoy! Kuneho! Yung internal monologue mo masyado naman advance.



“You think what, Seulgi?”

“I think… I think…”

“You think what?”

“I think Irene…”





“… parang may gumalaw na kung ano dun sa may bintana. Di ako sure pero parang hugis…”


Bintana? 

You mean yung bintana malapit sa tabi ni Irene? Yung bintana na kasyang kasya ang isang tao… or to be more specific, kasya ang zombie? Kasya lalo na kung gagapang papasok yung zombie.

“Punyeta ka Seulgi!!!” Sabay nag-dive yung kuneho sa kutson kung saan nakahiga si Seulgi. Todo siksik si Irenea dun sa likod nung tatawa-tawang oso.

“Hahaha sorry I was just kidding ano ka ba Irene. Nagbibiro lang ako. Of course wala gumagalaw sa may bintana, I was just teasing you.”

Di napigilan ni Irene ang sarili na kurutin yung palabirong Oso.

“Ouchie! Hahaha tama na Irene. Sorry na hahaha.”

“Che!”

“I’m just kidding lang talaga. So pwede ka na bumalik sa higaan mo.”

Aangat na sana yung puwet ng ateng kuneho ninyo mula sa pagkakahiga ng biglang may isang bright idea na naisip si bakla.

“No, ayaw ko bumalik sa higaan ko Seulgi. What if biglang may meow meow na mag-appear from the window.”

Sus! Lokohin mong lelang mo Irenea. As if naman bebenta sa amin yang drama mo? Eh sanay ka ngang nakikipag-tago-taguan-maliwanag-ang-buwan nung bata ka. So alam namin na di ka afraid of the dark. Ayaw mo ng horror pero di ka naman ganun kasuper duwag.

“Tatakot ka talaga Irene?”

Parang beybi na kinakausap ni Seulgi si Ireneang ilang tambling na lang eh mag-tretrenta na.

“Yeth. Tatakot ako Shuulgee.” Utot mo Irene blue! Pabebe pa more!

“Well then. Do you want to sleep here beside me?”

YES! YES! YES!!! 

SUPER YES! 

YES RAISED TO THE POWER OF INFINITY!

#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC  

 
Anim na buwang lockdown mga mars. Anim na buwan ng nakakabuwang na quarantine. Ang daming nang naganap sa paligid-ligid pero yung ninanais na “GANAP” ni Irenea waley pa rin. Pero sabi nga nila, “Dreams do come true.”  Mukhang matutupad na yung matagal na pinapangarap ng ate bunny ninyo ah. Finally, yung pangarap na chorva ng ateng ninyo magiging for reelz na. 
 
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]