FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing On COVID Ch 05: TikTokerist

Crash Landing On COVID Ch 05: TikTokerist
Irene



Week 3 na ng kwarantina.

Kamusta na kaya yung ate nyong kuneho?


“Good night Irene.”

“Good night Seulgi.”

Wuchu kilig kilig deep down si bakla, feelingerang wifey si gaga.

As you all know (kung di kayo informed read Chapter 4), napagkasunduan ng dalawa na para tipid sa aircon, pag gabi share na lang sila ng room. Salitan lang ang peg, at tonight eto nga kina Irene naman ang venue ng sleepover.

Ganito lang naman ang routine nina Seulgi at Irene every day (sila na close).

Sa umaga, yung kuneho busy sa pagNi-Nicki Minaj kasi yes she do dah cooking and dah cleaning while si Seulgi naman ay busy sa pagwo-work from home.

Kapag inaatake ng bagot kung ano ano ang pinaggagagawa nung dalawa, nandyang maghulaan sila kung ilang monggo meron sa isang garapon, mag-sungka gamit bigas, mag-scrabble na ang words lang na accepted ay mga names ng kpop idols, at magpakalasing sa soju na may sprite at yakult na ang pulutan ay Fita.

Ay naku sinasabi ko sa inyo, kung ano-ano nang kaanuhan ang na-try nung dalawa, syempre ang pasimuno madalas ay si Ate Irene nyo.  Heto nga may bago na namang naisip na activity si bakla. 
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/

Welcome to TikTok World.

Oras na para makiuso ni Irenea. And it didn’t took her long para ma-adik sa app. 

Sinong makakapagsabi na magaling palang gumiling si ate nyong kuneho. Grabe may tinatago palang talent yung kuneho.

Pero ang pinaka big reveal ay magaling din sumayaw yung oso. Top level yung talent ng dalawa, pwedeng pwedeng gumawa ng sub-unit pang-debut cheret! (SM beke nemen hehe)

“Seulgi, ano kayang magandang sunod na gawin sa TikTok?”

“Try natin yung…” Hindi na tinuloy ni Seulgi yung ini-explain niya, ipinakita na lang niya kay Irene yung nakakatuwang video na nakita nya sa FB na ate na parang may inaatake habang sumasayaw, naka-ispagheti strap tapos yung background ay hagdan na paakyat ng langit.

Hindi kita malilimutan…

“Ay, ayoko naman niyan Seulgi parang kukunin na ni lord.”

“Ayaw mo nito? Sige iba na lang. How about this one?”

Kung ano-anong ka-ewanan ang mga tinatry nila Seulgi at Irene. Madalas nilang ginagaya yung mga Tiktok nina Jodi Sta Maria at Rico Blanco, kakaaaliw kasi lalo na yung kay Kuya Rico, siya yung tipong nag-titiktok pero di kadiri panoorin cheret!

May isang gustong i-try si baklang kuneho na napanood niya sa Tiktok. Alam nyo yung mga coming out chenes through TikTok. Si Ateng nyo gusto i-try yun baka sakaling makatulong sa pag-fast track ng buhay pagibig niya. Baka ito na yung short cut sa road to having a jowa ni Irene. Si destiny kasi medj manhid kaya need na ni Irene ng help from Mareng TikTok.

“Seulgi, try natin to…” This is it effective kaya yung hirit ng ate niyo? Eto na nakahanda na yung kuneho

Tenenen… Oh my, oh my, oh my god, this girl straight (pointing at Seulgi) and this girl nah (pointing at herself).

Waley reaction.

“Seulgi, eto naman…” Second try nung kuneho baka kasi di malinaw kay Seulgi yung gusto niyang sabihin.

I like girls. All I really like is girls.

Aniyo reaction as in nein, non, no, wala, waley, wiz mga sizt.

Hay Irenea better luck next time.

Try lang nang try hanggang bumigay.

*      *       *
“Hahaha, eto naman try mo mukhang bagay ‘to sa iyo.”

“Ano naman yan?”

Pinanood saglit ni Irene yung video na tinutukoy ni Seulgi.

At dahil sa kagustuhan na mapasaya si bebilabs ay handa ang ateng ninyo na gayahin yung nasa video. 

Sa loob loob ni bakla, “Kapag napatawa ba kita Seulgi, tayo na?” Huwaw lang talaga Irene!

“Game na Seulgi?”

“Yes.”

Go ACTION IRENE!

“Wait.”

“Nadala ko pala yung baril.”

Whut?

“Yung baril.”

Again ano ba tong tini-TikTok ni bakla?

“Kaya pala ang bigat ng bag ko kasi MAY BARIL.”

“Check ko nga.”
 


Nahulog yung props na bag.

“Ooops nadala ko rin pala yung kutsilyo. YUNG KUTSILYO.”
  


Nahulog ulit si bag.

“Nahulog yung bag kong may baril at kutsilyo. MAY BARIL AT KUTSILYO.” 
 
“Hahaha Irene you are so funny talaga.”

Deep inside, “So tayo na Seulgi?” Cheret! Dream pa more teh!

Sa buong mag-hapon puro pag-tiTikTok lang ang inatupag nung dalawang. Nahinto lang sila nung nalowbat na yung mga cellphone nila.

At dahil wala nang pinagkakaabalahan ay biglang sinipag na lumabas yung oso.

“Irene, pwede mahiram yung quarantine pass? Bibili lang ako ng Vcut sa Mercury.”

“Vcut na naman Seulgi? Ano ba naman yan maya’t maya na yang pag-Vvcut mo uy! Baka magkasakit ka na sa bato niyan sa sobrang alat ng mga kinakain mo.”

“Sige na Irene please…”

Ano na Irene? Bigay mo na the. Baka eto na rin yung chance mo na masabi kay Seulgi ang nadarama mo. Sabi mo gusto mong mag-confess the old school way. Oh eto na chance mo bakla.

“Sige wait kunin ko lang sa unit ko yung pass. Hintayin mo na lang ako sa may elevator abot ko sa yung pass.”

Pagdating sa unit niya ay diretso si ate nyo sa kanyang study table para mag-halungkat ng post-it. Dun nya isusulat yung confession niya. Oh di ba such a bright bright idea. Galing galing ng ateng ninyo.

“Seulgi, eto na yung quarantine pass.”

Pagkaabot ng pass ay tiyempong siyang dating nung elevator.

“Okay, thanks.” Inabot lang ni Seulgi yung pass tapos sumakay na rin ito agad ng elevator.

*      *      * 

Habang namimili ng Vcut yung oso, yung kuneho balik naman sa pagchecheck ng mga vids sa TikTok.

May isang vid na yung kantang ginamit puro meow meow lang ang lyrics. Hutenang kanta yun, pero bet ni Irene na kantahin yun para kay Seulgi yun ay kung magiging sila. Konting oras na lang ang hihintayin ni bakla at mae-experience nya na rin ang may ka-meow meow meow.

Tok tok tok

Eto na mga bakla, this is the moment na. Time to shine na ng ateng ninyo.

“Oh hi, uhmm… andyan ba si Seulgi?”

Technical Sergeant Gashina! 

Watdahel!? Anong ginagawa ni ateng sa condo ng ateng nyo? At anong kailangan nya dun sa oso?

“Sa kabila yung unit ni Seulgi,” itinuro pa ni Irene yung door ng unit ni Bebilabs.

“Ah ganun ba, okay thanks.”

Patalikod na sana si Ateng General’s Daughter nang pigilan sya ni Irene.

“You know what, samahan na kita sa unit ni Seulgi baka kasi maligaw ka.”

Maligaw? Teh ilang hakbang lang yung layo nung door? Paraparaan bakla.

Ding dong… door bell door bell yung kuneho. It didn’t take the bear that long to open the door.

Unahan sa pagbati dun sa oso yung dalawang ateng pero mas nangibabaw yung boses ni madam army so Irenea step aside ka na lang muna teh.

“Oh, hi again Maam Sunmi. Ano pong ginagawa nyo dito?”

“Uh… ah… eh… may ibibigay lang sana ako sa iyo.” Parang medj ilang si ateng sundalo pano naman kasi may third wheeler na kuneho sa gilid.

May inabot na box si Madam Sunmi kay Seulgi.

“Face mask po?”

“Oo. Kasi napansin ko kanina sa checkpoint nung dumaan ka, wala ka na namang suot na mask, kaya eto dinalhan kita. Para next time na lumabas ka ulit may magagamit ka.”

“Uhmm, thank you po maam.”

“Walang anuman Seulgi.”

Parang expectator sa tennis match si Irene sa gilid, kasi lipat lipat lang sya ng tingin kina Sunmi at Seulgi.

Punyeta bakit ang lagkit makatingin nitong si bakla sa bebilabs ko! Hoy! Don’t look at my Seulgi like that! Di porke military ka ay matatakot ako sa iyo!

Hanggang inner monologue lang si Irenea.

“Pasok po kayo maam, para man lang makapagmeryenda kayo.”

“Ay naku wag na Seulgi, kakatapos lang ng duty ko and I don’t want to bring to your house any virus kaya hanggang dito na lang muna ako sa labas.”

“Ganun po ba. Next time na lang po siguro.”

“Sige next time na lang… uhmm by the way Seulgi…” parang may gustong sabihin na ewan si Ateng Gashina kaso lang kasi may asungot na kuneho on the side kaya medyo ilang si ate.

“…Uhmm Seulgi pwede ko bang makuha yung cellphone number mo?”

MEOWWWW! Irenea what is this?!!!! May dumadamoves kay bebilabs mo.

“Sure! Wait lang Maam Sunmi isulat ko po yung number ko, kuha lang po ako ng papel sa loob.”

“Ay no need na Seulgi may papel ako dito.”

May inilabas na post it na kulay purple si Technical Sergeant Gashina.

Nahagip ng paningin ni Irenea yung papel na iniaabot ni madam military kay Seulgi. Parang kilala nung kuneho yung papel, kasi may isang pad sya ng post it na ganun na ganun ang laki at kulay.

Wait.

Post it.

Same color, same size.

Hindi kaya ito yung…

“Yan okay na po.”

“Thanks Seulgi. Later okay lang ba kung i-text kita?”

“Oo naman po Maam Sunmi.” Full of innocence and excitement na sagot nung oso.

*      *      * 

Ilang moments ago na ang lumipas mula nang umalis si Madam Army, pero si Irenea di pa rin maka get over sa mga ganap kanina. Pano nga  kaya napunta yung note/confession kay Ateng Gashina?

Only one way to find out.

“Seulgi nagkita ba kayo ni Maam Sunmi kanina?”

“Oo, nung dumaan kasi ako sa checkpoint she asked mo kung nakakuha na ako ng quarantine pass so I showed her our pass.”

Wait pinakita nung oso yung pass kay Ate Sundalo? So that means nakita rin niya or worse... nabasa ni Sunmi yung note na sinulat ng ateng ninyo para kay Seulgi sana?

Wait, don’t tell me na…

Punyeta! Yung sanang pangarap na meow-meow-meow ni ateng nauwi sa nyaw-nyaw-nyaw!

So imbis na "Irene and Seulgi happily ever after," it’s gonna be "Sunmi and Seulgi?"

Oh no!!!!!!!

Irene, mukhang magagamit mo na yung kaninang tinitiktok mo kanina. Meow!
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC
May ipapatikim keme ang Ate Bunny ninyo kay Seulgi. Ano kaya yun? #I'mALittleMonsterKuneho
  [BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]  

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]