FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Crash Landing On COVID Ch 08: Dreams Do Come True (PART 1)

Crash Landing On COVID Ch 08: Dreams Do Come True (PART 1)

Irene

 

“Do you want to sleep here beside me?”

Yes! Yes! Super Yes!

Kulang ang salitang “YES” para ma-convey yung gustong sabihin nung haliparot na kuneho na kasalukuyang busy sa pagsa-somersault, pagba-backflip at pagka-cartwheel yung pu.pu.pu.puso.

King-iners! This is it!

Anim na buwang lockdown mga mars.

Anim na buwan ng nakakabuwang na quarantine.

Ang daming nang naganap sa paligid-ligid pero yung ninanais na “GANAP” ni Irenea waley pa rin.

Pero sabi nga nila, “Dreams do come true.”  Mukhang matutupad na yung matagal na pinapangarap ng ate bunny ninyo ah.



Finally, yung pangarap na chorva ng ateng ninyo magiging for reelz na.

Pero paano ba dapat ang pagsagot niya sa tanong ni Seulgi? Kailangan kasi di masyadong obvious na bet na bet niyang makatabi sa pagtulog yung oso. Yung para di halata na may plano siyang crumepin-creepin like a monster laters kapag tulog na si Seulgi.

“Ah, eh… okay lang ba sa iyo Seulgi na dito ako sa tabi mo matulog?”

Hope she say ‘yes.’ Hope she say ‘yes.’

Deep inside nag-dadasal ang ate ninyo na sana mag-yes yung oso.

“Oo naman.” Nakangiting sagot ni Seulgi.

YAHOOOOO!

Ate Sarah G! Mamaya mo na asikasuhin si Matteo, kanta ka na muna bakla.

 


*     *     *


MASA.

Eh?

MASA.

Anong ‘MASA’?

Yung katabing oso nung kuneho ‘MASA’? 

Masandal Tulog.

Si Ate Seulgi ninyo after a few minutes magmula nung humiga, eto na ngayon naghihilik na.

Kaya naman yung katabi niya sa higaan na ateng naglalaway na parang kunehong ulol. Manyak na manyak lang ang datingan.

Habang busy yung consciousness ni Seulgi sa pagro-roam around sa dreamland, yung mata ng katabi naman niya busy naman sa pagro-roam around sa katawan niya. Kala mo may night vision yung haliparot na kuneho kasi kahit madilim tuloy tuloy lang ito sa paghagod ng paningin sa your-body-is-a-wonderland ng katabi niya.

If there is one thing Irenea learned from all that’s happened, with the pandemic and everything is that the future is not guaranteed. Kaya live while you can, kasi di mo alam bukas what will happen to you.

Kaya itong si ateng ninyo sinasamantala na yung pagkakataon na katabi si crush niya.

Sawa na siyang daanin sa santong dasalan ang lablayf niya. Nakailang dasal na siya kay San Francisco Duque de Third (pray for us) wala namang nangyayari sa spaycial intention niya. Or, baka kasi hindi yun ang specialty ni San Duque. Tama, baka for mass healing from the coronavirus talaga yung powers ni San Duque.

Anyway, ang point is, oras na para daanin ni Irene sa santong paspasan ang love life niya. Walang balak ang ate ninyo na mategibombs (wag naman sana) na birgin. So, kung kailangan daanin sa gapangan yung oso. Then gapang it is!



*     *     *

Oh, ano na ate? Akala ko ba, “Gapang it is!” Ano na ngayon ang hinihintay mo?

“Wait lang! Wag ka ngang atat author. Iniisip ko pa kung anong una kong gagawin.”

Tagal mo ‘teh. Simulan mo kaya sa pag-embrace.

“Ah, okay sige. Tama, tama.”

Lumapit nga si tangang kuneho dun sa katabi niyang oso. Nakatalikod yung position ni Seulgi sa side ni Irene so si ate ninyo libreng libreng nakaakap sa likod ni Seulgi nang walang kahirap-hirap.

“Like this, author?”

Yup, tama yan.

“O, tapos?”

Anong, “O, tapos?” ka dyan?

“Anong gagawin ko next, author?”

Hutena mo Irenea! Ikaw ang may balaking manggapang bakit ako ang tinatanong mo?

“Nikakabahan ako author eh.”

Che! Di naman halata ‘teh sa galawan mo na kabado ka.

“Sige na author. Sabihin mo na kung ano next ko na gagawin.”

Nyeta kang kuneho ka talaga! Try mo i-kiss sa balikat.

“Ay! Gusto ko yan! Gusto ko yan! Waits…”

Landi mo leche!

 

“Next, author.”

Anong, “Next” ka dyan?

“Anong next na iki-kiss ko author?”

Punyemas na kunehong to! Anong tingin mo sa akin director ng soft po*rn?

“Sige na dali na. Hehe.”

Try mo sa batok leche. Malandi!

“Ahihi tapos anong next author?”

Tongina mo talagang haliparot ka! Anong tingin mo sa akin se*x coach?

“Dali na author ahihi… mas-exciting kapag ganito.”

Si kawawang author napapasabunot na lang sa sarili niya. Nagsisisi na si author kung bakit of all the Irene characters na available sa entire fanfic universe ng SeulRene, ay kung bakit yung Irene character niya yung pinaka mukhang chorva at pinaka-haliparot of them all. Ay, wait parang may kaparehong ugali yung Irene niya… oo tama, si Lola Baechu ng “Wag Mo Akong  Ma-Terry Terry” kahulma ng Irene dito.

Bagay na bagay yung kasabihan sa kanila, “Birds of the same feather, they make LANDI TOGETHER.”

“Ano na author?”

Punyetakels kang kuneho ka! Halikan mo sa *meow. I-*meow mo yung *meow. I-try mo i-unhook yung *meow. Tapos i-try mo i-*meow yung *meow. Tapos kapag feeling mo *meow na yung *meow eh i-*meow mo yung *meow hanggang sa mag-*meow tapos tuloy tuloy  mo lang yung pag-*meow *meow hanggang sa *meow *meow. Gets mo?! Matutulog na ko good night! MEOW!

“Eh? Ano daw?”

At ayun nga tuluyan nang tinulugan ni author yung malandi niyang main character. Kaya naman si Irene bahala na sa buhay niya kung paano gagapangin si Seulgi.

“Well, sabi ni author try ko daw halikan sa *meow. So, let’s try that.”

Kiss.

Uy, di nagising yung oso.

“Isa pa nga, ahihi.”

Hindi pa rin natitinag si sleepy bear.

“Ano nga ba yung sunod na sinabi ni author?”

Saglit na inalala ni ate yung instructions ni author in chrono-landian order.

“Sabi niya i-try ko daw i-*meow yung *meow, so let’s try that.”

Dahan-dahan na nag-travel yung kanang kamay ni ate papunta dun sa abs ni Seulgi. After mag-landing sa abs eh nakiramdam pa muna si tanga kung magigising ba yung katabi niya. Nung mukhang nasa dreamland pa rin yung oso eh sinubukan niyang umala-Shakira at ipina-underneath-your-clothes niya yung kamay niya sa t-shirt ni Seulgi.

Now, ang pinakaimportanteng desisyon of the night.

Irene, are you going up or are you going down?

Yung mga braincells ng ate ninyo dali daling nagpatawag ng emergency Zoom meeting. Saan nga ba dapat ang ruta ng kamay ni ate? Pa-north ba or pa-south?

Bahala na si Bathala. Game na!

Di na hinintay pa ni Irene na matapos yung emergency keme ng mga braincells niya.

Ginora na niya yung kamay niya papunta sa ano ni Seulgi… sa ano... sa uhmm…




“Irene, what are you doing?”



Nyak! Huli kang kuneho ka! Balakajan! Malandi ka kasi. Handa na lang namin yung pang-piyansa mo ‘teh.

Pero may huling hirit pa rin itong si Irenea sa mga doubters and haters n'ya. Ang tanging masasabi lang daw niya ay... (play video below).

 


---------


Pa-preview sa Part 2:

"Ahh...ahh"









---end of preview---



Oo, yun na yun. Huwag na kayo ma-reklamo abangan n’yo na lang yung next update. And, since you’re here na rin naman, please take your time and explore the blog a little. Ang super goal in life ko lang naman ay yung mapasaya ko kayo. Kaya kapag malungkot kayo punta lang kayo dito. I’ll be here to make you smile. Kapag happy ka, happy na rin ako.

I’m rooting for you bes! Fighting!

#seulrene #asianfanfics #tagalog #CLOC 

Pagod na ang ateng ninyo sa kahihintay na ma-lift ang lockdown. Sawa na rin siya sa paghihintay na ma-flatten ang curve. At mas lalong walang balak si ate na mag-antay sa pangakong vaccine ng Russia or Tsina.  Sabi nga nila, "You can never can tell." Bahala na si Batman. Push na sa chorva. 

[BACK] [NEXT] [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]


No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]