FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 72: WenJoy Side Story (The Ikot-Ikot Couple)

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 72: WenJoy Side Story (The Ikot-Ikot Couple)

After six days and seven nights sa Singapore. Finally, nakauwi na sa Las Islas Pilipinas ang WenJoy couple.


Pero bago tuluyang mag-split ng landas yung dalawa ay may huling pasabog na muna si Joy.

Pero bago yun eto na muna.


Ikot-ikot lang ikot ikot ikot lang

Ikot ikot lang ikot ikooooot ikoooot



Kanina pa sumaSarah G – Ikot-ikot yung baggage conveyor belt pero yung mga bagahe nina Wendy at Joy waley pa rin.

Si Wendy halata nang di nagen-enjoy sa panonood ng parade of the maletas sa kanyang harapan.

“Kaloka ang tagal ha.”

“Hm?”

“Ang sabi ko tagal naman ma-unload ng maleta natin.”

“Ah, oo nga Wendy. Uhmm, Wendy…”

“Yes?” Sagot ni Wendy, pero di pa rin nawawala yung tingin sa conveyor belt.

“Parang ayaw ko pa umuwi ng bahay.”

Now, that got the hamster’s attention.

“Hah? Di ka pa ba pagod teh?”

Iling-iling lang si Joy sabay sabi ng, “Dinner naman tayo bago umuwi.”

“Sige basta the moment na makuha na natin yung  maleta natin let’s go find somewhere we can eat.”

“Okay, okay”

“Uuy yung maleta ko! Nice!”

Buti pa si Joy nakuha na niya yung maleta niya. Eh, yung sa hamster mukhang namamasyal pa ata sa Manila Bay (well as of now closed na ulit siya sa public, you know naman na siguro why).

Another 5 minutes passed at waley pa rin si maleta nung hamster.

“Wendy, anong gagawin mo tomorrow?”

“Bukas? Papahinga lang siguro sa bahay sa umaga. Baka dumaan ako sa café sa hapon."

“Pwede ba akong pumunta sa café mo bukas?”

“Sure. Grrrrr! The fcuk ang tagal ng maleta ko! Don’t tell me nawala nila yung maleta. Toob ko ‘tong conveyor belt sa ulo nila.”

“Sa, weekend anong gagawin mo?”

“Huh? Weekend? Di ko pa alam, pero malamang nasa café lang rin ako nun. Asan na yung maleta ko? Grabe lang.”

“Ah, okay okay.”

“Eh, tonight anong gagawin mo?”

Waits, nakakahalata na si Wendy. Bakit ba panay tanong nitong kasama niya. Manager lang ang peg?

“Joy, bakit ba panay ang tanong mo tungkol sa schedule ko?”

“Nothing. Curious lang ako.”

“Ah, okay.”

 “Eh, yung sched ko wala ka bang balak alamin?”

“Huh? Uhmm, no thanks.”

Sopla si Joy, wahahaha. Pero may resbak si ate.

“Amina phone mo.”

“Phone ko?”

“OO, AMINA PHONE WENDY BILIS.”

Tanong tanong ka pa kasi Wendy eh iaabot mo rin naman yung phone mo.

“Sinave ko yung number ko sa phone mo. Sabihan mo agad ako kung kailan ka free.”

“Baka pwedeng bago yung mga gagawin ko sa mga susunod na araw eh yung maleta ko na muna yung unahin natin?”

“Pwede naman. San naman na kasi yung bagahe mo?”

“Di ko rin alam.”

Another 5mins passed.

“Wendy, alam mo yung kinukuwento ko na bagong movie ng fave anime director ko showing na next week. Nood naman tayo oh?”

“Sure, text mo ako when.”

Half lutang, half interested na sagot ni Wendy sa aya ni Joy na movie date. Busy pa rin kasi talaga si ate sa pagsipat sa maleta niya. Hindi niya na alam kung ano bang gagawin niya kasi naman kasing lecheng CebuPak ang tagal mag-unload ng mga bagahe. May sampung beses na siyang dinadaanan nung durian na nakabox pero yung anino ng maleta niya waley pa rin.

“Tsaka, out of town naman tayo minsan, Wendy.”

“Su…” Sasagot ulit sana yung Hamster pero  wait-a-minute aleng makulit. May something pishy going on here. Anong meron at bakit parang ahente ng travel and tours itong kasama niya at ang daming gustong gawin at puntahan na lugar.”

“Su… wait… Joy, may sepax ka ba?”

“Huh, anong sabi mo?”

“Sepax.”

“Anong sepax?”

“Separation anxiety disorder. Clingy much Joy?”

“Anong separation anxiety disorder ka dyan? Feeling ka naman masyado!”

“Eh, kasi yung mga tanungan mo teh eh. Nag-develop ka ba ng sepax after ng halos isang linggo nating bakasyon sa Singapore? Na-attach ka na sa akin ng bongga. Alam mo kaya ka ganyan kasi wala kang jowa. Humanap ka na nga ng bagong jowa para may naaaya kang manood ng sine, kumain sa labas at mag-out-of-town.”

“Eh, kaya nga niyayaya kita bobo neto!”

“Eh, anong tingin mo sa akin hindi busy?! FYI lang marami din akong gina…”

Wait Wendy!!!

Bago ka kumoda dyan pa-rewind nga muna ng 5secs. 



“Eh, kaya nga niyayaya kita. Bobo neto!”



Rewind pa nga ng konti mga another 5secs.

 

“…Humanap ka na nga ng BAGONG JOWA para may nayayaya ka manood ng sine, kumain sa labas at mag-out-of-town.”

“Eh, KAYA NGA NIYAYA KITA. Bobo neto!”

 

Wait.  Ano ‘to indirect na pag-amin?


Hit “play” na nga excited na ako malaman yung next lines nung dalawa.


“Eh, anong tingin mo sa akin di busy! FYI lang marami din akong ginagawa ate. Tsaka bakit ako pa ngayon ang bobo? Sabi ko sa iyo humanap ka ng bagong jowa. As if naman makakahanap ka kung palaging tayo ang magkasama.”

“Nakita ko na ‘teh!”

“Anong nakita mo na?”

“Nakita ko na.”

“Ano ngang nakita mo? Nakita mo na yung bago mong jojowain?”

“Nakita ko na yung maleta mo tanga!”

“Huh, where?!”

Inginuso ni Joy yung pinakaaabangang maleta nung hamster. Finally nag-appear na yung bagahe ni Wendy ang kaso lang sumuot na ulit ito dun sa alam nyo yung harang na keme? Another ikot na naman bago makuha ni Wendy yung bagahe niya.

“Huy san ka pupunta Wendy?”

“Dun sa kabilang side dun ko aabangan yung maleta ko.”

“Dito ka lang. Don’t go anywhere.”

“Wow ang clingy ate? Ano ako jowa mo?”

“Gusto mo ba?”

Ayun oh!



“Siraulo! Wag mo nga ako jinojoke ng ganyan Joy.”

“Seryoso ako baliw… I… IthinkIlikeyouWendy.”

“Eh?” Bingi bingi yung hamster kasi busy sa pag-sipat ng maleta niya dun sa ikot-ikot-lang conveyor belt.

Joyie ulitin mo kaya yung sinabi mo. One more time, with feelings ‘teh. Come on you can do it! Fighting!

May sampung segundo ding tinitigan ni Joy si Wendy. Alam mo yung moment na you start to look at a person differently? Na suddenly yung isang tao na dati mo nang kakilala, maybe an old friend from college or yung kaswal mong officemate na kung lagpas lagpasan mo sa pantry ganun na lang. Eh ngayon may certain eme kang na-fefeel kapag tinititigan mo siya. Ewan ko kay Joy kung yun ba yung na-fefeel niya ngayon. Di naman kasi kami close so malay ko naman.

Ano yun Joy? Anong sabi mo? Parang nahihirapan kang huminga? Teh di naman bago ang bra mo at mas lalong di lumaki yung boobstra mo. So, bakit di ka makahinga?


Dum dum dum… Kabog pa ng dibdib more Joy. Ano na? Huy!

“Kasalanan mo yan bingi ka! Wala nang ulitan!” Sabay binanatan ni Joy ng walkout si Wendy. Ayaw na niya ulitin yun .5 secs confession niya. Shy na yung manok.


“Huy teka muna Joy! Huy! Wait yung maleta ko di ko pa nakukuha!”  Naghahabol na sigaw ni Wendy.

Ayun! Punyeta! Wendy yung maleta mo nasa kabilang side ng converyor belt.

Hindi na hinayaan ni Wendy na mamasyal pa yung maleta niya. Patakbong tinungo ni Wendy yung bagahe niyang kanina pa niya inaabangan na kasalukuyang in-transit.

Pagkaabot ay dali dali niya kinaladkad ito patungo sa arrival area ng airport. Hopefully maabutan pa niya yung temperamental chicken na nag-walkout sa kanya.

Calling Joy…

The number you dialed...

“WTF?! Asan ka na Joy?” 

 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt #wenjoy

RevelMatch. Ang bukod tanging dating app/website kung saan sinisigurado ng mga creators (yung mag-beshing Irene at Jennie) na by hook or by crook magkaka-jowa ka. Lakas maka-press release ng mga ate ninyo eh sila nga mga waley lablayf.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]