FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 73: Lab Sick Ghurls

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 73: Lab Sick Ghurls

“Oo na, ako na! Ako na mag-isa!” 
Tere (Jennylyn Mercado) to jeepney barker in English Only, Please (2014)


Para sa mga readers ng “Wag Mo Akong Ma-Terry Terry” ipagpaumanhin po ninyo, may masamang balita po ako sa inyo. Kahapon ng hapon ay tuluyan na pong sumakabilang barangay ang ating pinakamamahal na si Chow Fan the Chow Chow. 
 
Di na kinaya nung aw-aw ang hirap at pasakit na matagal na niyang ini-endure sa piling ni Baechu. Masahol pa daw kasi sa HAYOP ang trato sa kanya nung kuneho. At dahil sa never naman niya na feel na welcome siya sa kabahayan ng Bae-Kim at parte siya ng pemily ay naisipan na lang niyang maglayas.

She’ll just take her chances na lang daw na ma-pick up siya ng mga tauhan ni Mayor Isko at madala siya sa City Pound of Manila. And, who knows baka daw sakaling si Yorme pa mismo ang umampon sa kanya eh super like na like ni Chow Fan yun kasi bet na bet niya yung  anak ni Yorme na si Joaquin.

So, yun nga out of the picture na si Chow Fan. Kaya nawalan na rin ng palusot si Seulgi na dumalaw kina Baechu. Baka kasi kung magpumilit pa siya eh imbis na maka-akyat ng ligaw eh baka siya ang ang iakyat at itapon sa bubong ni Baechu.



Kaya naman... otoke? 
 
How to win Bebibani back? Eh busying busy pa naman sa pagta-Taylor Swift yung kuneho nowadays. Sabi nga dun sa kinakanta ni Irene nung isang araw…


I forgot that you existed. 
And I thought that it would kill me but it didn’t. 
I forgot that you existed. 
It isn’t love. It isn’t hate.  
It’s just indifference. 
I forgot that you…


ARAY! Feeling ni Seulgi s’ya yung pinatatamaan ni Bebibani. 

(Talagang ikaw yung pinatatamaan ni Joohyuna shunga! Wag ka nang in denial Kang. Feelingerang osong ‘to.)

Sabi pa naman sa naaral ni Seulgi sa Psychooo Psychoooo 101, may something in common ang love and hate in a sense na parehong may some kind of emotion na involve. 

Indifference, yan ang mabigat kasi that means wala kang effect sa tao AT ALL. Equivalent to a person not caring whether you exist or not. 

Kaya super otoke talaga. Seulgi, ano na beh?
 

🤔     🤔     🤔


To help our Bebiber, brainstorm tayo ng ideas mga bakla.

Bakla 1: Ano kaya kung sabihin niya na buntis siya at si Joohyun ang ina charot! 

As if naman naman makakabuo sila ng baby meow. Next!


Bakla 2: Ano kaya kung sabihin niya na kunwari may taning na buhay niya at ang last wish niya ay magkabalikan sila. 

Maganda sana yan. Kasi syempre for sure pagbibigyan siya ni Irene. Mataray lang si Baechu pero di naman s’ya pusong bato. Ang kaso lang baka tuluyan siya nung kuneho kapag nalaman nitong gawa gawa lang nung oso yung sakit niya meow. Next!


Bakla 3: Eh, kung kidnappin na lang kaya niya si Bebibani? 

‘Wag yun katakot baka makulong siya. Next!


Bakla 4: Kung hampasin na lang kaya niya ng bote sa ulo para magka-amnesia parang Koreanovela lang ang peg. Oh, dava winner!

Gaga! As if naman uubra ang  pukpok bote strategy kay ateng eh matigas pa sa asero yung bunggo ni Baechucakes.


Hay naku! Walang useful dun sa pinagsama-samang pwersa ng mga braincells nung mga baklushes. Kaya Bebiber, you are on your own.

Wala kang ibang choice kundi i-level up yung panliligaw mo kay ateng kuneho. 

Kung kinakailangan mong i-light it up like dynamite yung buong Tondo para matuwa naman si Bani sa iyo eh gawin mo na ‘teh. Bago pa tuluyang ma-forget ni Baechu that you existed.
 
 


🧨     🧨     🧨

Habang busy sa pagiisip ng mga makalaglag penti ligaw tactics yung oso. Ang ateng niyo naman na kuneho busying busy sa new project nila ng kanyang beshiecakes na si Jennie from the Block. 

Nakuwento ko naman na sa inyo dati sa CHAPTER 65 na yun nga unemployed pa rin ang Lola Baechu ninyo. But, don’t cha worry kasi may cut naman si ateng niyo dun sa online shop ng Tyang na bonggang bongga na ang kinikita sa ngayon. Tapos maliban pa dun eh may other freelance ekek si ate ninyo with web/game design and everything keme. At eto nga may new big project sila ni beshiecakes Jennie. Ano yung new project? Well actually it’s a start up. Nag-develop yung mag-BFF ng dating app/website. 

RevelMatch. 

Ang bukod tanging dating app/website kung saan sinisigurado nila na by hook or by crook magkaka-jowa ka. Kung sakaling sa loob ng 3 months ay wala ka pa ring lovelife 100% money back guaranteed. 

Ashually, hindi lang si Baechu at Jennie ang may stake dito sa start up kineme ng lola ninyo. Pati si Beshie Seohyun may investment din sa anetch kaya heto may business meeting ang mga bakla sa office nina Seohyun and… yes, nagtagpo na ang mga landas nila ni Seulgi kanina. Dahil again nakuwento ko na din naman na sa inyo sa CHAPTER 65 na dun kasalukuyang nagwo-work yung oso.

“Uhmmm, on the way pa lang ang Ate Seohyun. Sabi niya mga 15-20mins dadating na siya. In the meantime, Bani, anong  gusto mo? Coffee, tea, softdrinks, water… anything?”

Sadista mode ang kuneho kaya naman…

“Bagong kulong tubig meron kayo?”

-Gulp!- Napalunok nang bongga yung oso.

“Kailangan talaga bagong kulo yung tubig, Hyun? Hindi pwede room temperature?”

Leche ka Solgi!!! Pinatulan mo pa talaga kagagahan nung kuneho! Alam mo namang nang-tritrip lang yang si luka. Ikaw naman si gatong.

“Sige try mong magluto ng cup noodles gamit yung room temperature na water na binibida mo. Tapos lamunin mo yung hilaw na noodles nang walang nguyaan at singhutin yung seasoning.”

-Awtsu!- Ang harsh naman masyado nitong Lola ninyo.

“Ah, para ba sa cup noodles? Sorry, di mo naman sinabi na gutom ka pala. Sige sige pagluluto kita. Wait lang ha.” Lalakad na sana palabas ng conference room yung oso nung mukhang may gustong humabol ng order.

“Excuse me, miss. Ako di mo tatanungin kung ano gusto ko?”

Oo nga pala present din sa meeting si Jennie from the Block.

“Uhmm, yes, sorry. What can I get you miss?”

“What can you get me? Hmmmm… Ang gusto ko lang naman ay magka-jowa na may pandesal abs, mukhang member ng kpop band, pero yung giling pang-Nectar level. And, then of course dapat mayaman, well educated, hindi manloloko at babaero. Yun lang. Meron ba kayong ganun?” 

Mag-beshing toyo nga ‘tong dalawa. Bagay na bagay silang magkasama ni Baechu. Harujusmiyo!

“Eh?” Napatanga nang slight yung oso. Kaka-start pa lang ng pasok niya sa office pero parang gusto na niyang umuwi. Oma!

“Wala kayong ganun?”

Bilis ng iling nung oso.

“Ah, okay. How about Diet Coke?”

Bilis ng tango nung oso.

“Coke’s fine. Hehe thanks.” 


🍜     🍜     🍜


“Anong hinahanap mo Seulgi?” 

“Oh, hi. Amber, wala na ba tayong cup noodles?”

Kaka-time in pa lang ni Amber this morning sa office. At, gaya nang nakagawian pagkalapag ng bag sa desk niya ay diretso s’ya sa pantry para sa libreng biscuit at kape (mani na lang tsaka butong pakwan ang kulang lamay na. joke!). 

“Noodles? Naku, wala na. Kahapon kasi may mga nag-over time kaya ayun nung nagutom, yung cup noodles ang binanatan. Bakit di ka ba nakapag-almusal sa bahay?”

“No, hindi para sa akin. Para sa bisita ng Ate Seohyun.”

“Wow, ang aga naman ng business meeting ni Big Boss. Sinong bisita? Lalaki ba? Guwapo?”

“Uhmm, babae.”

“Babae? Para sa anong project?”

“Di ko pa alam. Pero yung client sigurado akong kilala mo.”

“Kilala ko? Sino?”
 

😃     😃     😃
 

“IREEEENNNNNEEEEE!!!!”

Di naman masyadong excited si Amber na makita ang lola niyo no? Kung makasigaw yung babaeng baklang bato dinaig pa yung asawa ng mga OFW sa airport.

“Oh, Amber. Kamusta?”

“Ikaw ang kamusta? Anong meron at napadpad ka dito sa office?”

“Ah, wala may business meeting lang kami with Seohyun. Nga pala si Jennie friend ko. Jennie si Amber officemate ko dati dito sa company.”

“Hi, Amber.”

“Hi.”

So, introduction introduction, keme keme. Now, chismosa mode ON na si Amberitang Bakla.

Bulong bulong pa si tanga kay Baechu, “Nagkita na ba kayo ni… alam no na.”

“Huh?”

“Nung ex mo.”

“Ah, yun. Oo, kanina.”

“So, kamusta naman?”

“Anong kamusta ka dyan?”

“Kamusta. I mean. May sparks ka bang naramdaman? Kinilig ka ba? Nag-water ka ba nung nakita mo siya? May nadama ka bang anything?”

“Huy! Nyetang baklang ‘to agang aga ke-bastos ng bunganga.”

“Ay, sorry naman. Pero ano nga?”

“Anong ano nga ka dyan? Business meeting ang ipinunta ko dito hindi lovelife. At tsaka wala akong time lumandi, at wala akong balak lumandi.”

“Edi ikaw na ang babaeng walang bahid dungis.” Mahinang bulong nung babaeng bakla.

“Anong sabi mo Amber?”

“Ah, eh wala. Sabi mo wala kang time, wala ka din bang time mag-almusal sa bahay?”

“What?”

“Yung ex mo kanina naabutan ko sa pantry na naghahagilap ng cup noodles. Para sa iyo daw. Gutom ka daw kasi sabi mo. Baka daw di ka pa nagaalmusal.”

“Oh, eh asan na kamo yung noodles ko?”

“Ayun kasalukuyang binibili pa sa 7/11.”

“What?!”

“Teh jubos na cup noodles sa pantry kaya yung ex mo sa laki ng pagmamahal sa iyo ayun nagkukumahog na nagpunta ng 7/11 just for you.”

“Ganun? Yaan mo s’ya. Malaki na s’ya.”

“Uhmmm… ang kaso lang ‘teh may naka-schedule kasi na…”

“Hi, guys! Sorry, I’m late.”

Di na natuloy ni Amber yung sinasabi niya kasi dumating na si Big Boss Seohyun. So, any minute mag-start na yung meeting ng mga ateng ninyo kaya naman kusa nang dinisappear ni Amber yung presensya niya sa conference room.


🤝     🤝     🤝


“Available na sa app store yung app Seohyun.”

“That’s good to hear, Irene.”

“Yup, Miss Seohyun. We just need to see if our business model really works.” That’s Beshie Jennie. 

“Paano?”

“Well…” Medyo sinulyapan pa nang slight ni Jennie yung beshiecakes niyang kuneho across the conference table bago niya itinuloy yung kanyang suggestion na may or may not have a huge effect sa future ng kanilang start up.

At, para may sense of suspense (para kay Irene) ay ibinulong pa ni Jennie yung kanyang idea kay  Seohyun.

“Hmmm… I think you are right. Wait.” Sabay tayo ni Seohyun at naglakad papalabas ng conference room.

“Ha? What? Anong right? Anong wait?” 

Lost in the convo si Baechu. Pero mamaya na s’ya, kamustahin na muna natin yung cup noodles ni ateng ninyo.


🍜     🍜     🍜


“Okay ka lang ba? Hingal kabayo ‘teh? Gusto mo tulungan na kita?”

“I’m okay Amber. Thanks.” Kahit hulas at basang basa ang kilikili (di kasi nag-Rexona) ay nakuha pa ring ngumiti nung oso.”

“Huy, Solar. May two hundred ako sa iyo ha.”

“Oo alam ko Amber!”

“Two-seben na utang mo sa akin.”

“Pano naging two-seben?! Eh, nung isang Linggo one-payb lang yun ah.”

“Remember yung about dun sa aw-aw? One kiao yun remember. So, one payb, plus one kiao, plus two hundred so a towtal of two-seben.”

“Ah, okay, okay sige.”

Tataka kayo panigurado kung ano yung pinaguusapan nung dalawang luka ‘no? 

Well, you see may bagong past time yung dalawang lapastangan friends ni Baechu. Ginawa nilang daily entertainment ang pagpustahan yung  mga chain of events at resulting outcomes sa buhay nina Bebiber and Bebibani. 

For example, nung nabalitaan nila na niregaluhan ni Seulgi ng chow chow si Baechu. Nagpustahan yung dalawa kung ilang buwan tatagal si chow fan sa bahay ng mga Bae-Kim. Amber won.

At, eto nga nakakubra nang additional two hundred si Baklang Bato matapos niyang pumusta na mag-stairs pabalik ng office si Seulgi. 

Weyo? 
 
Kasi ganito, di ba nga lumabas para bumili ng cup noodles ni Bebibani si Seulgi. Ang hindi alam nung oso may naka-schedule na earthquake drill kemeroo yung buong building around that time. And, kasama sa drill yung pagpatay saglit sa elevator. 
 
Pinagpustahan nung dalawang ewan kung ano ang gagawin ni Seulgi. Maghahagdan kaya yung oso kahit na sa 27th floor located ang office nila sa takot na masinghalan ni Irene or hihintayin na lang nito na matapos ang drill at hayaang malipasan ng gutom yung kuneho. 

Aliw na aliw yung dalawa sa mga kagaguhan nila. Mas enjoy daw kasi yung pustahan nila kesa sa jueteng at suertres. Oh, di ba mga lecheng putres talaga.
 
🍜     🍜     🍜

Finally, ready na yung cup noodles ni Bebibani. Yehey! Makakakain na si Irene. Di na init ulo ni ateng. Ang kailangan na lang gawin ni Seulgi ay i-deliver si cup noodles sa conference room nang biglang nag-appear sa pantry si Boss Seohyun. 

“Andito pala kayong lahat. Anyway, where are the others?” 

“Ah, Maam Seohyun, si Boss Sunny po may meeting kasama si Mark.”

“Ganun ba. Anyway, busy ba kayo?”

“Hindi naman masyado boss.”

“Good. Please follow me sa conference room may gusto lang sana akong i-discuss at hingi na rin ako ng opinyon ninyo.”


🍜     🍜     🍜

“Bani, sorry natagalan yung noodles.” Very apologetic yung oso habang inilalapag yung cup noodles.

“Hmp!” 

Impakta talaga ‘tong kuneho na ‘to, nakuha pang sungitan si Seulgi. Kung alam lang niya na halos…

“Uhmm, how about my coke?”

“Ah, here Jennie. Sorry natagalan ha.”

“It’s fine.” Buti pa itong si Beshiecakes Jennie understanding di tulad nung kuneho. Nung nagsabog si Bathala ng kasungitan si ate ninyo kumota ng bongga.

“Jennie, would you like to explain to them what we need to do?”

“Sure, Miss Seohyun. Hi, guys my name is Jennie. Irene and I develop a dating app. Yung app di naman masyadong kumplikado. Just like the rest of dating apps in the market we offer premium membership and comes with it are access to special features. But, what truly sets us apart from the rest of our competition is the app’s ability to guarantee that you will find your special someone through the app.”

“Wait, seryoso?” Now, that got Amber’s attention.

“Yes. Aside from the algo, meron din kaming secret software that can process data and predict kung magwo-work ba yung relationship ng isang couple or not.”

“Secret software?” Now, that got Solar’s attention.

“Yes, secret meaning di pwedeng i-discuss here for proprietary purposes.”

“Okay, so what do you need us for?” That’s Amber asking Jennie a question.

“We need to see if our business model works. So, we need people to test the app.”

“Wait. Whut? So, yun yung kaninang binubulong bulong mo Jennie?”

“Yes. Irene, I think we need people we can trust to review our app objectively.”

“But, can’t we have just have our users leave a comment or anything?”

“Mas maganda kasi kung kakilala natin yung magre-review nung app this way maiiwasan natin na may ma-leak na mga info. Tsaka think of it this way, alam mo yung science lab experiment mo nung grade school ka? May mga series of test kayong kino-conduct tapos develop a hypothesis in the end? So, parang ganun ang gagawin natin.”

“Are you for real?”

“For real Irene.”

“Well, makes sense naman. So, anong suggest mong gawin natin?”

“We need to plant a guest user, a member or whatever sa app. Someone attractive. That someone will interact with the members pero we will monitor closely yung mga convo nila. We will also study yung pattern nung mga activities nila sa site and nung mga nakaka-interact nila. At dahil ang app natin ay may mga special features na wala yung iba like yung, ‘free one-time all expense paid date’  we also need to observe that, and see kung effective nga ba yung offer na iyun, and kung papaano pa natin mai-improve yung ibang exclusive offers natin.”

“Okay… so ano namang kinalaman nila sa app natin?” Sabay hinagod pa ng tingin ni Baechu yung tatlong salingkit sa meeting.
 
“They will be the guest users.”

“Whut?! Wait, seryoso?” 

“Seryoso. Oh, di ba ang bright ng idea ko? Hehe.”

“Eh? Bright? Sinong nagsabi?”

“I think it’s a good idea.” That’s Boss Seohyun backing up yung bright idea ni Jennie.

“Good idea? Si Solar, may asawa. Si, Amber, may jowa. And si… nevermind. Ang point ko is...” 
 
Ay, nilagpasan si Seulgi meow meow meow. 😿

“That’s why they are perfect!” Seryoso, ba talaga ‘tong si Big Boss?

Biglang na-excite sina Solar at Amber sa idea na they will get to flirt with different people and get paid doing it. Dream job para sa dalawang murit.

“Eh?”

“Kailangan natin ng data from different sample demos. May asawa, may jowa, singles, mga 'in a relationship', yung may 'it’s complicated' na love life at yung whole spectrum ng LGBTQIA community.

“But, why can’t we just test the singles na lang muna?”

Ayan, nalungkot bigla yung dalawang murit. Kasi kung pagiging single ang criteria eh ligwak na sila. So, that means…

“Remember, nung isang araw may nabanggit ka sa akin na may gusto ka sanang idagdag na feature sa dating app?”

“Huh? Ano nga ba ulit yun, Jennie?”

“You wanted to add a ‘cheater rating’ sa profile ng bawat members.”

HUWAAAATTT?!!!! May pa-ganun?

“Yes, I wanted to add that dahil ayokong pamugaran ng mga manloloko at mga kabit yung app natin that’s why I suggested it.”

“Kaya nga perfect sina Solar at Amber kasi through them we can observe kung papaano ang galawan ng mga currently not single. Magagamit nating yung mga data na makokolekta natin para gawing cheater resistant yung app natin.”

Wow, in fair make sense. Kaso lang how, how de carabao?

“Okay. And, how about…” 

How about what, Baechu? Wahahaha si ateng parang alangang ituloy yung sentence niya kasi may some sort of slight meow meow meow na namumumuo sa anetch of a heart niya.

“Oh, you mean Seulgi? Kasama din siya sa guest users of course.”

“Pati ako ate?”

“Oo, kasama ka.”

“But, ate…”

Oh-oh mukhang may namumuong tropical depression somewhere sa conference room.

“Sandali lang Seohyun…”

“We need her Irene. She’s single and she’s pretty.” Sumingit na sa pagex-explain si Jennie. “Not unlike sa case nina Amber at Solar na profile lang nila ang gagamitin natin. With Seulgi we are planning to have her interact with the app members directly. She will also have access sa lahat ng special features ng app.”

“Huh!” Duet na nag-react yung dalawang murit. Dream job na sana nabokya pa. Profile lang pala nila ang kailangan for testing purposes wahahaha. 😹

Pero di lang sina Solar at Amber ang nag-react ng, “Huh?” May isa pa at iyon ay walang iba kundi si Tropical Depression Baechu.

“Eh kung singlehood pala ang criteria why not me na lang?”

“You?” This time it was Jennie and Seohyun naman ang nag-duet sa pagre-react.

“Ako na lang! Oo, ako na nga lang! Ako na single! So, ako na lang.”

“Irene, you can’t.”

“At, bakit di ako pwede, Jennie?”

“Because, you’re the one in charge of analyzing the data and the one observing the developments.”

Wait. 
That means…

PUNYETA!!! That means… 

Si Baechu na EX ni Seulgi na may hidden feelings pa rin dun sa oso pero she’s trying hard not to show it at kasalukuyang tina-try i-win back ni Seulgi, is in charge of a special task force kung saan parte ng trabaho niya ang i-observe kung paano makipaglandian at lalandiin back yung EX niyang love pa rin naman niya but don’t tell anyone because it’s a big big big big secret. (Whew! Hiningal ako sa pagbabasa tagal kasi nung tuldok nyemas.)

Nananadya ba itong sina Beshicakes Seohyun at Jennie? 
 
Expect ba nilang manonood lang peacefully on the side  si Joohyuna habang inoobserve kung papaanong yung dati niyang kalandian ay may kalandian nang iba, at may lumalandi sa dati niyang nilalandi. Pero di yun ang issue, ang issue ay gusto pa rin niyang siya ang nilalandi nung dati niyang kalandian kahit na ang press release ng ate ninyo kanina ay  wala siyang balak lumandi (gets ninyo?).

I'm telling you, the name 'Irene' may mean goddess of peace pero that's something that will never apply sa personality ng lola ninyo. 

So, humanda na kayo sa mga next chapters na rated SPG, striktong patnubay at gabay ng magulang ang kinakailangan. Maaaring may maseselang tema, lenguwahe, slight karahasan, slightly may chorvahan (kung sinisuwerte si Baechu), slightly may horror (kapag minamalas si Seulgi) but rest assured waley drugs.
 
❤️      ❤️     ❤️

"Since you are both here naman na. Irene, why don't you help Seulgi set up her profile sa app. Make sure it's a good one para mas maraming ma-attract na members. And, don’t forgot to mention 'BI' in her profile. More matches more fun!" Sabay may pa-wink wink pa si Beshie Jennie kay Irene.

Meow! Balakayojan! Kakanta at sasayaw na lang muna me.

We are the labsick ghurlssss!!!

 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt 

[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]



Malakas talaga ang hatak nung kuneho sa dark forces of kamalasan. Akalain mong na-UNO Reverse  Card yung dapat sanang revenge plot na plinaplano niya. Pero according nga dun sa salawikain na na-memorize ng ateng ninyo from grade school, “Ang umaayaw ay hindi nagkakajowa, ang nagkakajowa never umaayaw.”  Ano daw?

2 comments:

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]