FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 65: Japan Japan

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 65: Japan Japan

“Naekkeo naekko naekko naekko naekkeoya. Malhaejullae pick me up."



May chika ako sa inyo mga bakla…

Yung mga pang-MMK na linyahan ni Baechu last update lalo na yung last line ng lola nyo na “better kung wala ka na” isang malaking chenes!

Kasi sa kaibuturan ng ka-anik-anikan ni Baechu ay hoping pa rin syang matatama ang mga tadhana nila ni Bebiber. Umaasa si Baechu na may pa-Avengers: Endgame ang lablayf nya.  Yung tipong pipitik lang si bakla then charan teleport to the past. 

Nakaraan kung saan yung chorva life ni ateng ay buhay na buhay pa tulad ni Iron Man. Hay… Kuyang Thanos where you at bit*ch? Borrow na muna nung gauntlet mo, pa-experience lang si Baechu. Charot!

Pero siguro nga, kahit na makumpleto pa natin yung mga bato ni Thanos. At kahit isama pa natin yung bato ni Darna eh waley na talaga. Ang sad lang kasi alam nyo yun? Invested na tayo parepareho sa lablayf nung kuneho. Tapos ending, hiwalayan din naman pala.

Hay kailan pa kaya muling babaha ng pagmamahal sa buhay ni Joohyuna? Talaga bang tagtuyot na sa Angat Dam? Kailan pa kaya muling mabubuksan ang ‘Dam’ ng lola nyo? Kung pwede lang talaga eh no?  Pero sabi nga nila ang nakaraan ay nakaraan na.

Kahit masakit sa loob ni Baechu kailangan nyang gawin yun. Di na rin kasi alam ni ateng kung ano ba talaga yung nadadama nya. Iba na yung Beachu 6 months ago, sa Baechu ngayon.

Yung dating Baechu na nag-shishining shimmering splendid ang mga mata, everytime kasama si Bebiber at may pa-a-whole new world na mga ganap (whispers: chorva) gone with the wind na.

Meet Baechu 2 point OW, 2019 edition.

Bolder, wiser, sexier… pero yung height at bra size same same pa rin.
 
Wag kayo! Di na yan pokmaru! Ishtrong na si bakla. We have Seulgi to thank with. Lam nyo na, sabi nga ni Ate Regine na taga-Velasquez (Tondo, char), “…you’ve made me stronger for breaking my heart. You ended my life and made a better one start. You taught me everything from falling in LOVE to letting go of a LIE. Yes, you’ve made me stronger baby by saying goodbye.” (kinanta nyo no? wuchu aminin nyo na.)
 
Ano nga bang talagang nangyari dun sa loob ng six months na nawala yung oso?

Medj madami kaya I’ll explain briefly kaya bilis bilisan nyong umintindi ha.

Game?

Okay!

Nagka-amnesia si Bebiber.

Yun! Naaksidente. Bagok ulo. Di na knowing kung sino sya. Charot!

Joke lang hehe

Kasi naman ang daming nangyari sa life nung oso tinatamad na ako i-explain isa isa. Kaya lam nyo na, kapag may pa plot twist yung mga binabasa or pinapanood nyong storya na amnesia sa malamang lamang tinatamad na magisip yung otor nun.

Pero ibahin nyo ako! Ang sipag ko kaya, as in meow. So para di na kayo malito ganito talaga ang nangyari… uhmmm… ganito kasi… uhmmm… sige nagka-amnesia na nga lang rin para moving on na agad tayo. Char!

Hay ganito kasi talaga ang nangyari. Papa Kang is really sick, as in on the verge of dying kind of sick. Kaya nawala bigla yung oso kasi inilipad nila si Papa Bear abroad para dun magpagamot.

Eh bakit di kumontak kay Bebibani? Bakit nawala na lang parang bula yung tampalasang oso?

Well kasi sa daming ganap nung mga panahon na yun yung oso nahihilo nalilito na. Sabay sabay lahat as in. Yung heart attack ni Daddy nya, yung news na binabawi na nung first wife ni Papa Kang yung lahat ng properties nila. Yung mom nya blaming Seulgi na she is the reason kung bakit inatake si Papa Kang. Ganern as in pang heavy drama ang mga ganap.

Ayaw na ni Seulgi na magworry ang dad nya kaya nag crash course sa Adulting 101 yung kawawang oso. Wala na syang maasahan kundi sarili na lang nya. Yung yaman nila nag-disappear overnight. Her family is all she has left. Selfish man isipin pero wala na din kasing ibang choice si Seulgi. Piliin nya si Bebibani edi parang pinatay na nya yung mga magulang nya. Ganun talaga realtalk na tayo. Ang tanging sinasabi na lang ni Seulgi sa sarili nya para di pagsisihan yung naging decision nya ay yung fact na she has nothing to offer na. No bright and prosperous future para sa kanila ni Bebibani. Kasi eto nga wala na yung rangya na nakasanayan nya. Iba na yung Seulgi 6 months ago sa Seulgi ngayon.

Sa nakalipas na anim na buwan si Seulgi ang naging sandalan ng mommy nya sa pagharap ng mga problema. Nung nasa abroad sila, Seulgi have to work odd jobs para lang makatulong sa mga gastusin. She have to juggle two work at the same time. Sa pagod sa trabaho wala ng panahon yung oso na isipin pa yung mga naiiwan nya sa Pinas. Her family needs her, and wherever her family is dun sya.

Question: Eh bakit sabi ni Mijoo magkasama si Seulgi at Tzuyu?

Answer: Maniwala kayo dun kay Ateng Mijoo, sina-pyche lang nya si Baechu para mag-freak out si tanga. She is an ex afterall, di ba nga gusto nya all for herself yung oso? Kaya yun gumaganti si bakla. Don’t worry a few days after nun, naging jobless si ateng kasi nga di ba binawi ni Mrs. First Wife Kang lahat ng properties nila Seulgi so yun nakasama yung kumpanya ng dad nya na nabawi. Which means Mijoo is out of a job. Karma is a Reveluv talaga.

Question: Eh anong nangyari dun sa engagement chuva ni Seulgi dun sa isang guy na sa tagal di ko na din maalala yung name?

Answer: Wala na yun. Dahil di na mayaman ang mga Kangs di na tuloy ang kasal ganun lang kasimple yun.

Question: Eh papaano si Tzuyu?

Answer: What about her? Eh wala na sila nung oso matagal na, so no point na pagusapan pa natin sya.

Q: Kung nag-abroad, eh anong ginagawa ni Seulgi dito sa Pinas?

A: So di pwedeng bumalik kapag nag-abroad, ganern? Char! Well after ng operation at gamutan abroad ay naisipan ng mga Kangs na bumalik na ng Pinas. At dahil di na mayaman they need to start from scratch. Since Seulgi is running out of options she swallowed her pride at buong pagpapakumbaba na humingi ng tulong sa kanyang one only sisterette na si Seohyun. At dahil di naman pusong bato si Seohyun eh kahit papano ay tumulong naman to, she even gave Seulgi a job in her company. Yun yung reason kung bakit nag-krus ang mga landas nina Seulgi at Irenea last time dun sa office.

Q: Any info you would like to share with the readers?

A: So ano pa bang mga ganap… ah yun break na sina Yeri at Saeron. Mukhang fling fling lang ang lahat kaya eventually they drifted apart. Kaya to Tyanak, welcome to the club daw sabi nina Tyang at Joohyuna.

Yung café nina Seulgi at Wendy ayun buhay pa rin. Pero si Wendy na yung sole na may ari nun since nagpa-buy out si Seulgi kasi need nya ng money. 

Si Tyang Taeyeon ayun surviving pa rin. Medj tanggap na nya na wala na talaga si Panyang sa buhay nya. Hindi na rin sya nagtitinda sa Divisoria kasi si Mayor Isko maylabs masyadong ginalingan yan tuloy gone na yung mga vendor sa kalsada ng divi. Pero don’t worry kasi may online shop naman si Tyang so tuloy ang kabuhayan. Sya nga pala may bagong hobby ang Tyang, ang pagpapa-tattoo. Every other week ata may bagong tattoo si Tyang.

Q: Kamusta na si Bebibani?

Ayun unemployed pa rin. Pero she is enjoying life naman kaya hayaan na natin. Busy si ateng dun sa Balik Alindog Project nila ni New Found Beshie, Jennie from the black. In fair effective yung workout-workoutan nung dalawa kasi yung siomai tummy ng lola nyo unti unti ng nagdi-disappear.

Lam nyo buti na lang talaga kamo at nagkrus ang mga landas nung dalawang murit. Somehow they were able to help each other na maka-move on dun sa mga exes nilang meow meow. Iba rin kasi yung may kadamay ka na relate na relate sa situation mo. Mas magaan harapin yung heartbreak kasi alam mong di lang ikaw yung naka-experience nun.

Maliban sa pag-eexercise at pagkain ng takoyaki may isa pang pinagkakaabalahan yung dalawang mag-beshie at yun ay ang pagtra-travel. Kahit wa work ay afford pa rin naman ni Baechu ang maglakwatsa kasi may cut sya dun sa online shop ni Tyang since sya yung nag-set up at minsan nag mamanage ng online account ni Tyang. Tsaka richness si NFB Jennie kaya money no problem. She is also a vlogger. So walang prob sa mga bakla ang mamasyal to their hearts content. Eto nga kakalanding lang nila sa  kanilang first destination outside the motherland.

https://www.lazada.com.ph/products/xiaomi-redmi-note-8-pro-6gb-ram-128gb-rom-i419104651-s1029336786.html?laz_trackid=2:mm_150730654_51851502_2010901502:clk5hhokg1dpq4av6n7cgm

Mga bakla welcome to the Fukuoka, Japan… Japan sagot sa kahirapan!  (sabi nila you read it as Fu.kow.ka ganernnnn)

Ang kaso lang eto ka, kanina pa sa airport ang mga ate nyo pero di pa rin sila makahanap ng transpo papunta dun sa kanilang hotel. Lost in translation at literally lost sina ateng. Ang tanging nihonggong nabaon nila mula NAIA ay “oishi” at “arigato.” Kaya ayan nung maglanding sa Land of the Rising Sun eh meow meow na yung mag-beshie.

“Uhmm excuse me, Sir we need to go to this place. Can you take us?” Sabay pakita ni Jennie dun sa printed booking confirmation nila na kung saan nakalagay yung address nung hotel.
https://tengudness.blogspot.com/p/wag-mo.html

“Hai Hai.”

“You know?” Pag-coconfirm ni Jennie.

“Hai.”

“Is it far?”

“Hai hai watashi no kite.” Sabi nung hapon na kausap ni Jennie from the black.

“Huh watashi what daw girl? Anong sabi ni mamang sakang?” Litong tanong ni Baechu kay New Found Beshie.

“Di ko din alam girl pero wala akong tiwala kay manong. Mukhang Yakuza eh.” Bubulong bulong na sabi ni Jennie kay Baechu. “Ano… uhmm domo arigato Mister Roboto.” (Lech parang kanta yun ah?)

In an attempt to be useful and di maging butaw eh nagprisinta ang lola Baechu nyo sa paghahanap ng transpo papunta sa kanilang hotel.

“Besh, gusto mo ako naman ang magtanong?”

“Sige sige go Irene kaya mo yan. Fighting!”

And with that ay gumora na ang ateng nyo parang humanap ng mapagtatanungan.

Naghahanap ng girl si Joohyun, yung mukhang katiwatiwala at di mukhang member ng Triad.

May na-ispotan naman kaagad si bakla kaya here goes nothing…

“Uhmm… sumimasen.” Huwaw! Ang lola nyo marunong pa lang mag-nihonggo!

“Uh.” Takang napalingon si Ateng Japan Japan.

“Kimi dora… este kimi wa… uhmm know this place?” Katulad ng ginawa ni Jennie ipinakita din ni Baechu kay Ateng Japan Japan yung printed na address ng hotel nila.

Weird lang kasi si Ateng JJ imbis na sa papel tumingin eh sa fest ni Joohyun nakatitig.

“Hoteru you know?” Sinubukan pa rin makipag-communicate ni Joohyun dun sa Haponesang animo na-engkanto na ewan.

“Eh? Nani…” Finally nagsalita na si Ateng Japan.

“Hoteru. Hotel oo hotel. You know? Room, bed, sleep.” Nagsleeping gesture pa si Ate nyo para mas maintindihan ni Ateng JJ.

“Hai. Hotel, sleep. Hai Hai hai.”

“Yes yes hai. Uhmm can you show directions, go to hotel.”

“Ni ikitaidesu ka?”

Meow, di naintidihan ng lola nyo yun kaya yes na lang sya.
“Hai Hai…”

“Chottomatte.”

“Ano daw sabi ni bakla? Choco latte?” As usual di intindi ni Baechu yung sinasabi ni Ateng JJ.

“Sabi nya ‘wait a minute’ daw.” Sagot naman ni Jennie. “Hai hai” Si Jennie na yung nag-confirm na-gets naman nila yung sinasabi nung haponesa. After nun ay nawala saglit si Ateng. Pagbalik nya ay may dala na itong back pack na kinuha nya mula dun sa umiikot na flat na escalator (baggage conveyor belt). Sumenyas sya sa dalawang mag-beshie na parang pinasusunod nya yung dalawa sa kanya. Syempre sumunod naman sina Jennie at Irenea. After ng ilang hakbang ay natagpuan na lang nung dalawang mag-beshie na nasa harap na sila ng ladies comfort room.

“Ne?” Sabay turo pa dun sa CR sign.

“Uhhmm, besh…” may kung anong inaabot si Irenea kay Jennie. “Hawakan mo na muna ‘tong passport ko hahampasin ko lang ng maleta tong japayuki na to.” Beast mode si Ateng Joohyuna nyo afraid.

“Teka teka baka naman naccr si ate kaya dito muna tayo dinala.” Buti na lang chill lang ‘tong si Jennie from the Black.

“Eh sana sinabi nya agad.”

“Girl kahit naman sabihin nya di rin natin maiintindihan kaya yaan mo na.”

“Kaloka kasi eh.”

Si Ateng JJ as usual nakatitig lang kay Baechu habang nagdidiskusyun yung magbeshie on the side.

“Okay okay go go go we’ll wait here.”

“Hai hai” Sagot naman ni ateng bago pumasok ng CR.

Mukha namang tama intindi ni New Found Beshie kasi after mag-CR ay dinala na sila ni Ateng JJ sa parking lot ng airport.

“Ano… nimotsu. Toranku.”

“Ano daw besh?”

“Lagay daw natin yung maleta natin sa trunk.”

“Wow naintindihan mo yung sinabi ni Ateng?”

“Di ko sure pero kasi tinuturo nya yung maleta natin tapos yung trunk ng kotse so bahala na si batman.”

“Ayusin mo pagtratranslate besh. Mamaya mga katawan na pala natin yung ilalagay nitong Haponesa na ‘to sa trunk ng kotse.”

“Sus matatakot ka eh ang cute cute kaya nitong si Ate.”

“Sabagay.”

“Ikimashou? (Let’s go?)”

Of course alam nyo na siguro ang sagot nung dalawa no? “Hai” (meaning: yes). Yun lang naman ang alam nilang Japanese.
 

🧳        🧳         🧳

In fair jumakpot yung dalawang mag-beshie dun kay Ateng Japan Japan kasi nakalibre sila ng taxi. Bait din ni Ateng JJ dahil di lang nya tinuro kung saan yung hotel, hinatid pa nito yung mag-beshie sa hotel.

“Domo arigato mister roboto miss…? Uhmm what is your name?” 

Yes I know I know kanta yung ‘Mister Roboto’ pero yaan na natin si Jennie malay naman nyang mag-Japanese kasi.
 
“Ne?”

“You’re name? What’s your name?” Sabay point point kay Ateng JJ para kahit papano makatulong sa pag-eexplain.

“Hai.” Sabay bow ni Ateng JJ.

“Wait what?” Nalilito si Jennie.

“Di ka siguro na-gets, yaan mo na. Tara kunin na natin yung mga maleta natin para makapag-check in tayo at ako’y super tired na.” 

Wow ikaw na tired, Baechu.

Talagang nilubos lubos ni Ateng Japan Japan ang kanyang serbisyo publiko kasi pati mga bagahe nung magbeshie sya pa nag-abot sa mga ito. 

“Thank you so much Miss Pretty Eyes. You’re a true life saver.” 

Kahit 90% sure na di sya maiintindihan eh sinubukan pa rin ni Jennie na iparamdam kay Ateng Japan Japan how thankful she is. Si Ateng JJ naman nag-bow bow tapos, nag-hai hai lang. After magba-bye ay nagsimula ng maglakad papasok ng hotel si Jennie. Now its lola Baechu’s turn to say ‘thank you’.

Since di rin sure kung maiintindihan ba sya ni Ateng JJ ay nag-thank you na lang rin at nagba-bye si Joohyuna. Pero di tulad kanina, itong si Ateng JJ di kumikilos ni hindi nga rin nag-bow bow eh. Nakangiti lang ito habang nakatingin kay lola nyo. 

Medj na-aawkward na si Baechu kaya naman, nagba-bye na lang ito ulit at nagstart na tumalikod para pumasok ng hotel.

“Unnie…”

Unnie?
Di ba Korean yung ‘Unnie’?
Don’t tell me di pala Haponesa ‘tong naghatid sa amin kundi Koreana.
Punyeta kaya naman pala di kami magkaintindihan eh… 

Ayan nag-momonologue na naman sa utak nya ang Ateng Baechu nyo. Nalito sya ng slight dun, pero never mind kasi addict sa Koreanovela si bakla kaya may alam na mga basic Korean phrases ang lola nyo. 

“Deh?” Ayan na nag-start ng mag-Korean ang lola nyo.

“Unnie, jinjja nice body.”

Nakangiting sabi ni Ateng Japan Japan sabay nag-thumbs up pa si bakla sa lola nyo.
 
 

Next update sundan natin yung mga (mis)adventures nung mag-beshie sa Japan Japan sagot sa kahirapan.

#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet
May na-Naekakeo naekko naekko naekko naekkeoya. Malhaejullae pick me up ang lola Baechu ninyong admirer sa Japan. May haponesang nabighani sa ganda ni Unnie-Jinjja-Nice-Body. 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]