FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 78: Hate That...

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 78: Hate That...



Paalala: Ang mga sumusunod na mga karakter ay sumailalim at nag-negatibo sa RT-PCR test. Charot!


Yes, andito pa rin tayo sa speed dating kineme scenes. Ang mga susunod na scenes ay mga ganap ng mga speed daters. Sana lang talaga may magkatuluyan, may maging friends ulit, may magkaroon ng closure at magkabalikan dun sa mga inday characters natin.


Tara makichismis tayo sa mga table ng mga bakla.


TABLE NO. 1 slash TABLE NG MGA PINAGTAGPO PERO HINDI TINADHANA



"San ka naka-park?"


Kinabahan bigla si Wendy sa tanong ni Rose na ex-kalandian niya a long long time ago. 


Kung di kayo familiar sa (super masalimuot) na nakaraan nung dalawa eh pwede nyo naman i-back read later yung story nila (or pwede din now na, click nyo lang 'tong mga links: Chapters 2831, 3350 ).


"Ah eh..." Di alam ni Wendy kung ano isasagot niya dun sa ka-simpleng tanong ni Rose.


Kung nabasa nyo kasi yung nakaraan chapters nung dalawa. Nagtapos yung lab story nila sa basagan kaya naman nung nakita ni Wendy  na by stroke of bad luck ay muling nag-kara krus ang tadhana at pinagtagpo ulit yung mga landas nila nung ex-kalanjutay niya dito sa speed dating kineme ay sinadya niyang sa malayo mag-park. Mahirap na no, baka magkabasagan na naman eh mahal ang palit ng windshield.


"Don't worry wala akong balak basagin ulit yung salamin ng kotse mo."


Ang Jacklyn-Jose-level nung kalma nung boses ni Rose kaya humupahupa yung kaba ni Wendy ng slight, napa-sigh of relief pa nga yung Hamster. Ang kaso mo lang eto ka, di pa na-eexhale ni Wendy yung na-inhale niyang hangin kanina eh may pahabol na tanong ulit itong si Rose.


"Di ba marunong ka magpalit ng gulong ng sasakyan?"


For a short moment parang nakalimutan ata ni Wendy kung papaano huminga. Feeling niya sa vulcanizing shop ang diretso niya after nitong speed dating kineme.


Napapra-ning-na-papraning-na-papapraning-ning na talaga itong si Wenday.


"Wendy, breathe."


Oo, nga naman hinga hinga din 'teh pag may time.


"Na-flat tyre kasi ako I'm just wondering baka pwede mo akong tulungan magpalit later."


"Sinong nakaaway mo at binutas yung gulong ng kotse mo?"


"Anong nakaaway? Wait, anong akala mo ba binutas ko yung gulong ng kotse mo?"


Parang walang nadinig si Wendy kasi busy sa pagku-compute sa utak si bakla kung magkano aabutin yung apat na bagong gulong.


"Hoy! Wendy!"


TOINK!


Nakaltukan nang wala sa oras si Aleng Wenday.


"Awuch... mashaket 'teh."


"Kulit mo kasi di ka nakikinig. Sinabi ko namang wala akong masamang binabalak sa kotse mo. Kaya whatever yung feeling mong revenge plot na binabalak ko eh stop na Wendy kasi walang ganun mumsh."


"You mean... di ka na galit sa akin?"


"Of course not. Ano naman kasing mapapala ko kung forever akong magagalit sa iyo?"


True! Tama ka dyan Rose!


"Every day... every night I've been thinking back on you and I... every day every night... I..."


"You what?"


"I..."


"Yes, you, what?"


"I realized buti na lang di naging tayo. Kaya kung ano man ang nangyari noon, kalimutan na natin. Let's move on na. If you want to be friends keri lang. Kung ayaw mo eh keri lang din. I wish you all the best in life na lang." 


"Eh?"


For real ba itong kausap ni Wendy? Kung lahat ng mga exes ganito ka non-toxic edi ang saya saya ng mundo. Ang kaso lang walang ganun in real life mars. Gaya na lang nitong mag-ex na ito...





TABLE NO. 2 slash TABLE NG 'I Just Hate That You're Happy'


"Buhay ka pa pala?"


Ang asim naman nang bungad ni Yeri sa ex niyang si Joy. 


"Oo buhay pa ako. Eh ano naman sa iyo?" Ma-shoray na sagot ni Chicken Joy. 


Yan tama yan Joyie. Wag kang papatalo sa ex mong squirtle. Tandaan mo ikaw ang iniwan, ikaw ang nasaktan! Ipaglaban ang karapatan ng mga API! Char!


"Wala! Paki ko naman sayo!"


"Eh bakit ang sungit sungit mo?! Lakas nang loob mong mag-bitter eh ikaw nga itong nangiwan!!!"


"Hindi ka iiwan kung hindi ka kaiwan iwan!!!"


"So, ako pa may kasalanan?!!!"


"Sige mag-pavictim ka pa Joy!!!"


Uhmmm... mga 'teh eksyusmi... uhmm di lang kayo ang tao sa cafe, baka lang gusto ninyong kumalma-kalma nang... ay PUNYETA!!! Anyare?!!! 


Leche pati ako napapasigaw na. Mga mumsh what happened?


"Yeri what da hell!" Naghilamos ng milk tea si Joy nang di inaasahan. Ang salarin ay walang iba kundi si Undin.




(15 secs ago...)


Naiinis si Yeri.


Panong 'di sya maiinis eh para naman kasing indifferent yung mga ex nya sa existence niya. Hutenang buhay yan, 2 failed relationships, 2 exes tapos pareho pa silang andito. Bakit ba parang lahat masaya maliban lang sa kanya? (Umamin ka na kasi Undin na di ka pa rin nakaka-move on.) 


Yung inis ni Yeri may naka-mix na self pity at panghihayang. Ah basta! Kahit yung tyanak di din niya ma-explain yung nafefeel niya. Basta naiinis siya as in. At kung hindi masaya si Yerimi, dapat lahat di rin masaya. Damay damay na punyemas! At dahil isa sa namana ni Yeri sa kanyang ate kuneho ay ang pagiging war freak at utak kriminal, kaya naman walang hesitation na dinampot nung Tyanak yung baso ng milktea (50% sugar with extra pearls) na inorder niya kanina. 


Pero nevermind the milk tea kasi I'm sure dahil sa nangyari malamang-lamang magkakaroon ng World War 3 sa cafe. Inang 'yan! Get your sheet together mga ate! 


"Joy, what happened?" That's Seulgi, pinsan ni Joy.


"Hoy, Yeri anong problema mo?!" That's Irene, kapatid ni Yeri.


"Wendy where are you going?" That's Rose na kasalukuyang ka-table ni Wendy. Si Wendy na Beshiecakes ni Seulgi. At, si Wendy na mukhang jowa ni Joy.


"Okay ka lang ba Joy?" That's Wendy na parang nagteleport papunta sa table nina Joy at Yeri. Buong pagaalalang punas punas ng panyo ni Wenday yung mukha ni Joyie na nanglalagkit dahil sa milktea.


"Sandali, ano 'to Joy? Sya na ba yung bago mo? Bilib din ako sa iyo Joy kukuha ka na rin lang yun pang pinsan ng ex ng ate ko pa." That's Yeri na ex ni Joy. Si Yeri na kapatid ni Irene. Si Irene na ex naman ni Seulgi, na pinsan ni Joy at beshie ni Wendy (wow di sya nakakalito ha).


"Is everything all right?" That's Jennie na Beshie ni Irene, na kapatid ni Yeri, na ex ni Joy na mukhang jowa ni Wendy na ex kalandian ni Rose na beshie din ni Jennie na beshie ni Irene na ex ni Seulgi na beshie naman ni Wendy (ano kaya pa?)


"Uhmmm... excuse me guys..." That's Saeron, ex din ni Yeri. Mukhang sasawsaw din itong si ateng sa kaguluhan. "...Uhmm guys sinong nakakaalam sa inyo kung saan yung CR?" Pitsi animal ambot... mag-CR ka na 'teh bilis! Kasi pagbalik mo may giyerang magaganap.



Bonus part... totally walang paki sila sa mga pa-ganap kasi guest characters lang naman sila.


Thank U (for calling)... NEXT!


 Youngsook (call center agent ng PLDT): Hi my name is Youngsook. How can I help?


Lisa: Sawadikap.


Youngsook (call center agent): Ay bilingual account si mumsh. Please stay on the line while I transfer you to my supervisor (nag-clap pa si tanga).


Lisa: Huh?


Ate Youngsook wala ka sa floor ng call center nasa speed date ka. Ay whatever! Next!





Youngsook (call center agent at kasalukuyang naglalabas ng sama ng loob sa lovelife): Buti pa yung mga caller ko, nag-adjust lang ako ng Php500 sa account nila tuwang tuwa na. Samantalang yung ex ko, buong buhay ko inadjust ko na, di pa rin natuwa iniwan pa rin ako. Ano kayang pwede kong gawin para bumalik siya?


Hwasa (Ma-gugulay sa talipapa): Ay naku yang mga ganyang tao parang customer lang yan, bumabalik lang sila kapag di mo nasuklian. 


Uhmm... ano yun palengke lang? TL parang awa mo na, yung matino naman plis!!! 






Jessie (singer/rapper/ songwriter at matagal nang imbiyerna sa mabagal na internet ng PLDT): Tangina ninyong mga taga-call center bakit ba ang tagal tagal ninyong sumagot ng telepono?! Mga pakshit kayong lahat! Pakshit din ang PLDT! Bakit ba gustong gusto ninyo akong pinaghihintay?


Youngsook (call center agent, reyna ng queueing): Hindi ko ginustong paghintayin ka, sadyang marami lang kayo sa queue ko. Pero promise in real life never ka na maghihintay. And I will put you on hold este hold on to you forever.


Jessie: Sayo na yung forever mo! Sana yung bilis mong ma-fall, kasing bilis din ng wifi ko!


Youngsook (paawa effect): Ganyan ka naman eh. Lagi kang galit kahit wala naman akong kasalanan. Tapos naaalala mo lang ako kapag may problema ka (sa internet). Kapag kausap mo naman ako kung sino sino ang hinahanap mo (supervisor). Hindi pa ba ako sapat?


Jessie: HINDEEE. You'll never will! Ayoko na sayo paasa ka. Bye. Lilipat na ako sa Globe!


Youngsook (the woman who can't be moved): Kahit na iwan mo pa ako, an-DITO lang ako kapag kailangan mo ako.


Jessie: Goodbye!


Youngsook: Wait!


Jessie: What?


Youngsook: Is there anything... else that I can help you with?


Jessie: Siraulo!


Youngsook: Thank you for calling. Have a nice day! NEXT!!!




#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt 


[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]  


No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]