FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 81: Kung Ako Si Han Sohee, Will You Be My Jungkook?

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 81: Kung Ako Si Han Sohee, Will You Be My Jungkook?

Put you stamp on it...


"Bani, alam mo ba kung nasaan yung favorite jacket ni Winter?"


Nga nga. Malay naman ni Ateng Irene dun sa hinahanap na jacket ni Seulgi. Eh kung yung bra nga na suot nya kagabi di nya alam kung saang impiyerno napunta after syang ma-"Jungkook" ni Seulgi (see explanation below).

Meaning ng ma-Jungkook: Hinango sa mga lyrics ng kanta ni kuya that goes like this...

Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday (a week)
Every hour, every minute, every second
You know night after night
I'll be meowing you right, seven days a week


So... need ko pa ba mag-explain further or gets nyo na? Mukhang gets nyo naman na hehe 


Put you stamp on it...


"Bani, how about our passports? Sa'ng bag mo nilagay?"


Ante Oso, asa ka pang may mapipiga kang info dun sa nag-loloading na kuneho? Basta ang huling natatandaan lang ni Irene kagabi ay di pala totoong anak ni Leona (Janice de Belen) si Chiara sa Dirty Linen.

I want it all, uahage smack (Smack it down)


"Bani, are you okay?"


No, she's not okay Seulgi, hindi ba obvious? Matapos mo ba namang i-smack down kay ateng na she's a mother kuneho, expect mo keri lang sya? Kita mo naman na di maalis ni Irene yung mga mata nya dun sa dalawang cute na bagets na kumakanta at sumasayaw sa harap nya ng You turn around to piece of me, piece of mind.

Di na nakatiis ang ateng ninyo kaya nilapitan na niya yung dalawang mini bunnys para ma-inspection nya nang malapitan ang result ng pagsasanib ng mga DNA nila ni Seulgi (mukhang nagsanib na naman yung toyo at suka sa brain ni accla kaya kung ano ano na naman ang naiimagine).


"Hi, what's your name?" Nakangiting bati ni Irene kay bagets #1.


"Mommy JOOOO!" Caught by surprise si Bebibani ng biglang lumingkis sa mga binti niya si dawter # 1. 


Joohyun Inner Monologue: Punyeta ang cute!!!


"Wi-winter?" Medj di sure si Ateng kung tama ba yung hula nya na ito yung Winter na binabanggit kanina ni Seulgi.

"It's Karina, Mommy Joo ano ba?" Medyo nag-pout pa ng kaunti si dawter numero uno kaya lalong tuloy syang nag mukhang cute.


Punyeta ang kyowti kyowti talaga!!! 


Di mapigilan ni Joohyun ang mag-fangirl sa sarili niyang anak.


"Karina, you are very pretty." 


"Syempre mana ako sa mga mommys ko."


Wow proud Momma si Ante Kuneho. 


Now na tapos ng i-quality check ni Irene si dawter# 1, let's move on to dawter # 2. 


"Ate Karina look oh!"


May tinuturo si dawter number 2 kay dawter number 1 somewhere over the rainbow. Now, this time sure na si ante ninyo na ito na yung 'Winter' na minention earlier ni Seulgi. 


"Winter." Tinawag ni Irene yung attention ni dawter number 2.


"Yes, Mommy Joo?" Tiningnan with shining shimmering splendid eyes ni Winter yung Mommy Kuneho nya.


Kingina ang cute talaga!!!


Alam nyo yung sa sobrang cute nung Winter eh kung pwede lang ibulsa sya ni Irene para lagi lagi niyang makikita yung cuteness ni Winter anywhere she goes.

Pero binasag ni Seulgi yung pagda-day dream ni Ateng Irene with her...


"Guys we really need to hurry up na or we will be late for our flight."


Uy, hurry up na daw kayo kasi baka ma-late na kayo sa flight. Speaking of which... saan nga ba ulit kayo punta? To the moon? Skirrt skirrt? 






                    ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈ ✈

In fair umabot naman according to sched yung newlyweds and the two bagets sa airport.


"Shoots! Delayed ang flight natin. So what do you want to do kids?" Di naman disappointed si Seulgi kahit na 2hours delayed yung flight nila sa land of sawadekha. Knowing her eh mukhang excited pa nga itong magisip ng mga ways to kill time while waiting for their flight, at ganun din sina Winter at Karina. 

"Let's go to the cafe!" That's Winter, mukhang like Seulgi eh mahilig din sa pagkain itong si bunso.

"Let's go to the bookshop!" Wow, mukhang mahilig mag-aral si ante like... of course di nagmana kay Irene, kasi nuknukan nang tamad magbasa si accla. Speaking of accla, where the bloody hell is she? (Oh! 'No kayo? Akala nyo di ko kayang mag-British accent no? Ano kayo ngayon... char!)

Sa likod ni Seulgi at nung dalawang bagets ay may isang kunehong hindi maipinta ang mukha. 

Paano ba naman kasi, sya lahat ang may hatak hatak ng mga maleta nila since si Seulgi ang may akay akay sa mga bagets. Buti na lang maganda si ante, nunca syang mapagkakamalang yaya nina Winter and Karina. Pero that's not the point... ang point is... leche nakalimutan ko na ang point, kain na nga lang muna tayo.


                     📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖 📖

"So, guys go ahead hanap na kayo ng books na gusto ninyong basahin sa plane. Pero remember ha, one book each lang." Ang cute ng itsura nina Karina at Winter habang binibigyan sila ng instructions ni Seulgi bago nya pakawalan at hayaang fly like a bird yung dalawang bata sa loob ng bookstore ng airport. 


Hinayaan nilang mag-roam around yung mga cuties sa store habang sila naman ni Irene ay naupo somewhere near lang din pero tanaw pa rin nila yung mga kids. So finally, may chance na si Bebibani na ma-interview yung oso sa mga ganap sa buhay nila na as of know ay singlabo ng tubig kanal dahil sa mga missing bits and pieces ng memorya ni Joohyuna.


"So Seulgi..."


"Irene?"


"So..."


"So?"


"So ano nga?"


"Anong ano nga?"


"Kuwento ka na dali!"


"Ah you mean..." Gets na nung oso kung ano gustong ipakuwento ni ante.


"What do you wanna know ba?"


"Yung..." Sabay nguso dun sa dalawang bagets na busy sa pagba-browse dun sa shelf ng mga children's book,"...paano?"


"Ah the kids. Uhmm... Si Karina was adopted, while si Winter through surrogacy."


"Ahhh owki owki..."


Sige mag-process ka lang dyan ante.


"So, that means hindi ako ang nag-iri dun sa dalawa?"

Minsan talaga kahit mahal mo yung tao, ang sarap pa rin minsan krompalin ng bibig nya sa sobrang taklesa. Pero buti na lang talaga eh lab na lab sya ni Seulgi.


"No, but you are just as much as a mother to those kids. They love you and that's all that matters. And who knows, now na that we are married we might have kids of our own, I want us to have a daughter that  looks just like you." 


Wow, ang sweet naman nung oso.


"Parang tanga tong si Seulgi..." Ashe ashe arte nung kuneho busit. Feeling mo talaga panalo na sya sa life.


"I'm not kidding Irene."

Alam mo yung moment na parang may pa-background music na nagpaplay sa utak ni Irene dahil usapang buntisan na yung topic nila ni Seulgi. 


Nagpa-play sa utak ni accla yung solo song ni Kuyang Jungkook na, 'Seven'.

Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday (a week)
Every hour, every minute, every second
You know night after night
I'll be meowing you right, seven days a week

"Gusto mo bang sundan na natin sina Winter at Karina?" With matching tingin na nangaakit... na malagkit... na may pagnanasa... at naghahanap ng chorva kay Seulgi.





"Uhmm... what do you mean by that Bani?"


Oh, loko ano daw gusto mo accla? Ayusin mo sagot mo.

"Want to make babies tonight Bebiber?" May pabulong pa sa tenga ni Seulgi na paandar yung malanding kuneho, Very 'Resort's World Manila' lang ang  peg. (bulong during one of their earlier ads - search nyo sa Youtube).

"Ahhhh... I don't know how, pero maganda itanong na muna natin kay Tita Taeyeon."


"Itanong kay Tyang?!"


Oo nga naman bakit kay Tyang itatanong? Need ng special permission? Special dispensation? Special order? 


"Sabi mo gusto mong sundan na sina Karina at Winter."


"Oo nga. Eh bakit need ko tanungin ang Tyang?"


"Because she will be the one to decide on that matter."


"Whut?! Hanggang ngayon ba na kasal na tayo eh nakikisawsaw pa rin ang Tyang sa mga decision ko sa buhay?" Handa nang makipag-smack down si Ante kay Tyang Taeyeon kahit na thousand miles away sya sa Pinas.


Oo nga naman kasi, tanda na ni accla may asawa na't lahat may humahadlang pa rin sa chorva live nya. No no no no no, cannot be borrow one from no one.


"Hindi naman sa nakikielam ang Tita Taeyeon sa life decisions mo or natin now that we are married. Pero she's the only one who can decide if she will have another kid or not."


Wait! Saglit! Un momento por favor... chotto matte kudasai.


"... IF SHE WILL HAVE ANOTHER KID OR NOT." Sabay lilingon si Irene sa direction nung dalawang bagets sa bookstore na kasalukuyang super focus sa pagbabasa ng libro na hindi pa nila bayad, dahil hindi pa sila makapili which one to pick, tapusin na lang daw muna nila yung chapter one. So going back, susundan ng camera yung direction ng tingin ni Joohyuna and then zo-zoom in ang camera dun sa dalawang bagets, magbu-blur yung background habang tuloy ang camera sa pag-focus sa mga bagets. 


"Nyeta! So sinasabi mo ba na hindi ako ang ina nung mga yun?!"


"You are!" 

Kanina lang sabi mo Seulgi na yung totoong ina ay si Tyang tapos ngayon iba na naman ang storyline. Bithc which is it?


"Sabi mo ang Tyangangina!"


"Bani, don't swear!"


"Hindi ako nagmumura sira. Kinaklaro ko lang yung sinabi mo na si Tyangangina."


Inulit pa ulit ni ante.


"Tama naman ako di ba? Na si Tyang ang ina nina Karina and Winter."


"Well, yes legally si Tita Taeyeon and yung partner nya yung parents nina Karina and Winter. Pero for the kids, we are also their mommies in a sense, kahit si Yeri yun din tawag nila."


"Ahh... owki owki. Wait, ang tyang may partner?"


"Yes, meron... teka nga Bani gaano ba kalala yung pagkakauntog mo at nawala sa memorya mo yung mga ganap four years ago akala ko yung recently lang ang di mo maalala?"


"Kung nauntog ako asan ang bukol?!"


Tama naman makes sense... San nga naman yung bukol Seulgi? Turo mo dali.

"Eh, di naman lahat ng nauuntog nagkakabukol..."


Yown... that's correct. Good job ka dyan sa sagot na yan.


"... meron ding mga may bukol pero di naman nauntog." Sabay nguso sa dibdib ni Ateng Joohyuna. At dahil mabilis ang utak ni ante basta sa kagagahan gets na niyang inaaalimura ni Seulgi yung nagmumurang muffins niyang bust size.


"Tado ka Seulgi!"


"Just kidding hehe" Sige daanin mo sa pa-cute Seulgi, banatan mo ng eye smile, alam naman natin lahat na weak sh*t si Irene pagdating sa makalaglag panti mong kyowtiness.


"Pero ang Tyang nga may lovelife?"


"Yup!"


"Good for her."


"Taga saan yung nakatuluyan ng Tyang?"


"Well taga-dito sya, well half half."


"Dito? You mean British?" Tongina nakatisod ng kalahi ni Hermione Granger ang Tyang. 


"Oo. She's a lawyer." Tongina kung si Joohyuna parang tumama sa 6/55 Grand Lotto, si Tyang Taeyeon naman hindi pahuhuli 6/45 Mega Lotto kay Tita Cute Cute.


"Sabi mo half half. Ano yung other half?"


"Thai. Don't worry you will meet her or rather meet her AGAIN pagdating natin sa Bangkok when they come pick us up. Nauna lang silang lumipad dun since may mga need lang silang ayusin na docs kaya naiwan sila Karina and Winter sa atin to babysit. Even si Yeri nauna na din sa Thailand."


"Si Undin nasa Bangkok!"


Talking about the biggest tinik sa chorva life ni ante. 


"Kasama yung tyanak sa honeymoon natin?!!! Paano na yung..."


Cue in the background song.

Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday (a week)
Every hour, every minute, every second
You know night after night
I'll be meowing you right, seven days a week

Minsan talaga sa buhay kahit sing ganda ka pa ni Han So Hee, you just can't have it all di tulad ni SM Malls. Paano na yung continuation nung every hour, every minute, every second, night after night na chorving her right?

"No, hindi sya kasama if that is what you are worried about hahaha"


"Hah... buti naman."


"Besides, busy si Yeri sa company nung partner ni Tita Taeyeon so I doubt she would like to hang around with us. And by the way, if you see Yeri sa Bangkok, call her 'Katy' mas prefer na nya yung new name niya kaysa sa 'Yeri", she's British-in-law daw kasi, since British yung napangasawa ng Tyang."

"Katy katy pa syang nalalaman akala naman niya ikinaganda nya yung new name nya."


"Hehe sakyan na lang natin yung trip nung kapatid mo."


"Eh, yung partner ng Tyang, ano name?"


"Hay... you really don't remember Bani?"


"Seulgi, kung tanda ko ba eh sa tingin mo magtatanong pa ako?"


"Hay, pasalamat ka maganda ka pa rin kahit na may temporary amnesia ka."


"Parang tanga 'to." Sabay hampas ng slight ni ashe asheng malanding kuneho kay Seulgi. So feeling talaga nya maganda sya busit.


"At kahit na may amnesia ka, hindi ako magsasawa na ipaalala at ipadama sa iyo how much I love you."


"Kainis to ang korni." Isang slight na hampas ulit sa shoulder ni Seulgi. Korni pero kinikilig ang pempem mo teh? 


"It's Rebecca."


"Huh?"


"Rebecca, yung name ng partner ng Tita Taeyeon. Becky for short. Her name is Rebecca Armstong."


"Rebecca Armstrong? Wait, hindi ba sya yung sa Ga..."


 Yes ante... this Becky 😁  ⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇⬇



                       






#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt 


[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]  

1 comment:

  1. Welcome back po ulit, author! Read this after ko po magreview, very perfect as reward! 😁 Namiss ko sobra sina Bebiber at Bebibani at curious pa rin ako ano ba talaga nangyari kay Bani HAHAHAH! Will wait for more po. Salamat sa pagsusulat! <3

    ReplyDelete

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]