FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 79: GAP...ang: The Series

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 79: GAP...ang: The Series


 

“Bani…” 

 

“Wag mo akong matawag-tawag na Bani! Di pa tayo close ulit!” 



 

Ay ang taray ni Ateng Baechu. 

 

Pero muntanga lang, kasi halatado naman sa mga linyahan ni accla na konting charot-charot lang eh bibigay na ulit ang Ipo/Angat/La Mesa Dam nya (wink wink tulad nung nangyari nung Chapter 55 - LINK) at maisusuko na naman ni ganda ang Bataan (tulad nung nangyari sa Chapters 23 - LINK, 24 - LINK and finally sa 25 - LINK).

 

Kaya wag n'yo masyadong pansinin ang pagsusungit ni Irene kay Seulgi kasi pa-press lang yun ng lola nyo hehe



 

“Eh, anong gusto mo itawag ko sa iyo?” Ayan, maganda yan Babiber soplahin mo yung topak ng ex GF mo (hopefully maging GF ulit).

 

Ligaya, ligaya ang itawag mo sa akin.

 

“Seryoso?”

 

“Ulol! Syempre hindi! Tingin mo sa akin si Rosanna Roces?”


 

Nangingiti na si Bebiber. Kumpara kasi sa atmosphere kanina dun sa café kung saan isinagawa yung masalimuot na speed dating kineme, eh medyo humupa hupa na yung tension between her and Irene. 

 

Right now, sya ang naghatid sa kanyang dating Bebibani pauwi ng bahay, (pero she’s working on maging Bebibani nya ulit yung kunehong pakipoots akala mo virgin char).


 

“Bye!” Umakto nang bababa si Baechu mula sa passenger seat ng kotse ni Seulgi nung by reflex ay hinawakan ni Seulgi yung kaliwang braso ni aling sunget. 

 

“Uy teka papasok ka na agad ng bahay ninyo Irene?”

 

“Oo uuwi na ako. And pwede ba, DON’T. TOUCH. ME!


 

Nyeta ka Irene, pasalamat ka maganda ka. Kasi kung ako nasa posisyon ni Seulgi kanina pa kita idinukdok sa dashboard ng kotse sa kaartehan mo. 

 

Pero buti na lang talaga love ka nung oso.


 

“Ay sorry.” Napataas pa ng kamay si Seulgi akala mo sumusuko sa PDEA after mabuy-bust operation.

 

“Ano may kailangan ka pa?”

 

“Meron, yung… (sabay finger heart kay Lola Baechu) mo,” tapos binanatan ni Seulgi ng eye smile na nagpalaglag DATI sa panty ni Ateng Baechu. 

 

“Mukha mo! Kala mo cute ka? Gago!” Tuluyan ng bumaba ng kotse si Irene. Nagmamadali si Ateng kasi nadadama na niyang lumuluwag na yung garter ng panty nya kahit kakabili lang niya ng bagong set sa 168 Mall.

 

Pero di pa nya nasasara yung pinto ng passenger seat eh as though nag-teleport at biglang nasa tabi na nya si Seulgi.

 

“Bani, pwede ba kitang i-text later?”

 

“Huh?! Anong SE.X sinasabi mo dyan?!”

 

Irene… maganda ka sana, kaso lang bingots ng tenga mo ‘teh.

 

“Text! Hindi Se.x… pero kung gusto mo rin nun, okay lang din sa akin hehe” Sabay kindat ng nakakaloko dun sa kunehong talandi. Kunwari pa ayaw ng chorva.

 

“Hutena mo, Seulgi!”

 

“Eto naman di mabiro hehe. Huy nagbago ka ba ng number? Di ka kasi nagre-reply kapag minimessage kita. Anong number mo? Pwede ko kunin?”

 

“NO.”

 

“Or i-chat?”

 

“NO.”

 

“E-mail?”

 

“NO.”

 

“IG?”

 

“NO.”

 

“Twitter?”

 

“NO.”

 

“Teams?”

 

“NO.”

 

“Slack?”

 

“NO.”

 

“Landline?”

 

“NO.”

 

“Smoke signal?”

 

“Tadu!”

 

Ay! Kakaloka si acclang Irene… Meghan Trainor ka teh?

 

Ikaw na ang…

 

Untouchable, untouchable (I'm feeling)
I'm feeling
Untouchable, untouchable (untouchable)
I'm feeling
(Nah to the ah to the, no, no, no)




 

 

Walang lingon lingon na pumasok ng kabahayan ng mga Bae-Kim yung bumabounce-bounce na kuneho. 

 

Deep inside, kilig pem pem ang lukaret kasi may isa na syang napatunayan after nung speed dating, at yun ay yung fact na love nya pa rin Seulgi, at si Seulgi love pa din naman sya. 

 

Pero syempre di naman ganun lang kadaling kalimutan ang mga nakaraan. 


May mga moments pa rin kasi na nag-Ce-Celine Dion-and-It’s-all-coming-back-to-me-now yung memories na iniwan sya nang walang kaabog abog sa ere nung tampalasang oso. 

 

Kaya before magbalik loob si accla sa kanyang chorva days eh need na muna niyang masigurado na kaya na syang panindigan ni Seulgi (oo), 

na mamahalin sya ng buong buong ni Seulgi, 

at kahit sa pagtanda sa kanya yung Oso… 

…teka parang kanta ‘to ah.

 

 

 

Matapos ihatid ng tanaw yung murit na kuneho ay nangingiti si Seulgi na sumakay na ulit ng sasakyan. 

 

Mukhang mahabahaba pang ligawan days ang bubunuin nung oso para lang makamit ang malagkit at matamis tamis na ‘OO’ nung kuneho, pero keri lang sabi nga nila diba, “Pag may tyaga, may chorva” Char!

 

So kahit na ilang tinik ay kaya na niyang tapakan, kahit ilang awit ay aawitin na nung oso at kahit  na ilang dagat ay handa nang tawarin ni Bebiber para kay Bani my labs.

 

Binuhay na nung Oso yung makina ng sasakyan nang biglang may tyanak na nagsalita from the back seat.

 

“Ate Seulgi, baka lang nakakalimutan mo andito pa ako sa likod.”

 

Napalingon bigla sa likod si Seulgi.

 

“Nyak! Anong ginagawa mo dyan Yeri?”

 

Nakalimutan ng Oso na yung magkapatid ang hinatid nya, hindi lang si Bebibani. Pero dahil busy sa paglandi yung oso eh nakalimutan niyang may Undin pa silang kasama.

 

Pagkababa ng sasakyan may pahabol pang message yung kapatid ni Irene kay Seulgi.

 

“Ate Seulgi.”

 

“Yes, Yeri.”

 

“Goodluck sa panliligaw mo kay Ate.”

 

“Thanks, Yeri.”

 

“Just don’t break heart again.”

 

“I won’t”

 

“Beri good, kasi just so you know Ate Seulgi, may mga naka-save ng numbers ng PDEA agent, NBI Agent, mambabarang from Siquijor at gun for hire sa contact list ng Ate Irene. So, fighting Ate Seulgi!!!”


 

*****************************************



 

7:00AM

 

Umaga na… para kanino ka bumabangon? 

 

Nescafe lang ang peg, char! 


Si Irene, di ako sure para kanino bumabangon ‘tong hutenang kuneho na ito, kasi ayan oh, mataas na ang araw pero ang lola ninyo tulongges pa. 

 

Sarap ng hilik ni accla kasi napuyat kagabi kakanood ng Thai GL Series sa phone nya, naimpluwensyahan nung Thai na friend ni Beshie Jennie.

 

Sarap ng pagkakabalot ni Irene ng kumot ng biglang walang kaabog abog na pumasok yung  dear sisterette nya ng kuwarto.

 

“Sawadika!!!”

 

Malakas pa sa engine ng mga motor sa kalsada sa labas yung boses nung intruder na Tyanak so paanong di maalimpungatan yung Lola ninyo? Pero wait Thai yun ah, pati yung Undin nanonood din? #GapTheSeries

 

 

“Yeri, putris ka! Aga aga ang ingay mo!”

 

“Oh, ate gising ka na hehe. Wait… ehem ehem… ‘Good morning Bani! Did you have a good sleep? May gusto ka bang gawin today? Gusto mo lumabas? If you need anything, just message me. Love you, Ingats!”

 

“Huh? Saan mo naman gusto pumunta Yeri? At bakit imemessage pa kita eh isang sigaw lang dinig mo na?”

 

Clueless yung magandang dyosa na kagigising lang kaya amoy panis na laway pa yung bunganga.

 

“Eksyusmi Ate, binasa ko lang yung text message na para sa iyo. Tsaka, duh? I will never call you, Bani.”

 

“Bani?”

 

“Yung message galing kay Ate Seulgi!”

 

“Huh?!”

 

“Di ba kahapon nagsasabi si Ate Seulgi na itetext ka, kaso lang panay panay ‘NO’ ang sinasagot mo. Kaya siguro sa akin na lang pinadaan yung message niya. Anong gusto mong ireply ko kay Ate Seulgi?”

 

“Sabihin mo sa kanya, ‘CHE!

 

Sabay talukbong ulit ng kumot nung Baklang Kuneho.

 

“Wow, sunget, amazing.” 

 

Exit na Yeri, balik ka na lang sa mga susunod na scenes.

 

 

 

11:00AM

 

Sarap ng panood ng YouTube ni Acclang Kuneho sa sala. 


Busy sa panonood ng ‘Gap the Series’ si ateng. 

 

Andun na sya malapit sa pre-chorvahan part, pero as usual may lamang lupang sisira ng moment ng lola ninyo.

 

“Ate, pinatatanong ni Ate Seulgi kung kamusta daw araw mo?”

 

Kahit labag sa loob niyang i-pause yung pinapanood nya eh wala syang choice kasi ayaw nyang may ma-miss na part dun sa pinapanood nya, lalo na sa mga ‘IMPORTANT’ parts na bet na bet nung Kuneho, if you know what I mean hehe

 

Pagka-pause eh tsaka binanatan ni Irene yung kapatid nya nang, “Paki nya sa araw ko?!”

 

“Ah, okai… [typing on her phone] paaaa-kiii moooo daww saaaa a-rawww ng aaaa-te. [message sent]

 

Wait, sinend talaga ni tangang Yeri yung reply ng ate nya? Adik sa alright si Undin hahaha.

 

“Uy gagu Yeri, sinend mo talaga?!”

 

“Yes. Hehe” Sabay exit ng mabilis sa sala.

 

“Siraulo!”

 

 

 

 

12:30PM

 

Lunchtime…

 

Sarap ng himay ni Irene ng hipon at higop ng sabaw ng sinigang ng may natanggap na text message si Dear Sister Undin.

 

“Ate, nakakain ka na daw ba ng lunch tanong ni Ate Seulgi?”

 

“At bakit nya inaalam? Nasa kanya ba yung plato ko? Sya ba may dala ng kaldero?”

 

[typing on her phone again] baaaa-kiitttt moooo daawww… [TOINK!]”  Bago pa makapag-send na naman ng reply ang kapatid nya ay inunuhan na niya itong tuktukan gamit yung sandok ng kanin.

 

“Aray Ate!”

 

 

 

 

4:00PM

 

“Ate, ano daw gawa mo sabi ni Ate Seulgi?”

 

“Tena mo Yeri! Tigilan mo na nga ako!”

 

“Bakit ako? Eh, tagasabi lang naman ako ng mga message ni Ate Seulgi. Kung ina-unblock mo na lang ba yung number ni Ate Seulgi edi sana di na niya need na ipadaan pa ang message nya sa iyo through me. Ang arte kasi…”

 

“Leche ka Yeri!”

 

“Ah ganun… wait nga… [typing on her phone again] ’Ate Seulgi…wala namang gawa ang ate, lilinis lang ng house. Kung gusto mo daw pwede ka punta dito sa house [message sent]

 

“Wait, sinend mo talaga yun?”

 

“Yup!” Ngingiti-ngiti si Undin.

 

“Tarantado ka Yeri!” Sabay bato sa mukha nung Undin nung basahan na hawak ni Baechu na gamit nya habang nagaalis ng mga alikabok sa mga anik anik sa kanyang kuwarto.

 

“Pwe! Ate naman…”

 

“Loko ka bawiin mo yung sinend mo, delete message!”

 

“Di ubra ate text yung sinend ko.”

 

“Buset kang Tyanak ka!” 

 

[TEXT MESSAGE RECEIVED]

 

“Ate! Nag-reply si Ate Seulgi.”

 

“Anong sabi?”

 

Wow, curious ka din Irene? Anyare dun sa pakipot-kipot, birgin birginan mong dramakels?

 

“Sabi nya, ‘Okay. Be there in 30mins, with snacks.

 

“30 mins?”

 

Nagkatitigan yung mag-ate for a few second, nang biglang may na-realize si Baechu. In 30mins may aakyat ng ligaw kay Irenea, pero si Accla di pa naliligo hihi…

 

 

 

 ***********************************************

 

 

 

“Uhmmm… Bani, you have something on…”

 

“Hmmm?” 

 

“Uhmmm… may sauce ka sa…”Sabay turo sa may gilid ng labi ng lola ninyo.

 

P*tangines! This is it! May ganitong scene na napanood yung ate ninyo kanikanina lang habang nagbo-browse sa YouTube. 

 

Yung first pilot nung GL series na pinapanood ni accla, may scene dun kung saan si character 1 may sauce sa baba, tapos si character 2 (ka-lab team) imbis na punasan ng tissue yung baba eh dinilaan yung sauce, na nauwi sa halikan, na nauwi sa…

 

“Here oh.” Inabutan sya ng tissue ni Seulgi. 

 

…na nauwi sa waley for Irene.

 

You know what time it is? It’s inner monologue time bit#ches!


 


Irene Inner Monologue: Nyetang Oso ‘to! Ang hina sa GAPang moves kahit kailan. Buset! 



 

Frustrated si Irene, kasi nung first season ng lovelife nila sa WMAMTT eh sya yung top. 

 

Gusto naman ma-experience ni bakla yung sya yung isinasalya sa pader at ibinabalibag sa kama. 


Kaso lang eto ka, parang gusto na rin niyang ibalibag si Seulgi, hindi sa kama, kundi palabas ng bahay.

 

Di ba dati ayun dun sa salawika-landian na bet na bet ni Irene dati na, “Pag may tyaga, may chorva.” 

 

Ngayong 2023 may new version na si bakla, “Pag may chorva, kahit wala ng nilaga.”

 

So, ang big big question is, “Kailan nga ulit ang chorva?”

 

 

#GAPang:The Series

 






#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt 


[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]  

2 comments:

  1. Natapos ko na rin po latest updates!!! Thank you for updating, author! Sobrang laking GV dala sakin ng WMAMTT. Looking forward to read the next chor—, ay chapters po pala BWHAHAHA Will support you po, goodluck po on writing otornim!

    ReplyDelete

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]