FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 80: Irenea, Ang Kunehong Pinagpala

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 80: Irenea, Ang Kunehong Pinagpala



"Thank you Lord ha. Pandesal lang naman hinihingi ko sa inyo, hamburger binigay nyo, may fries pa."

Irene of My Amnesia Girl 2010




“Ngiiii… ang ginaw meow…”

 

Dama to the bones na ni ateng Joohyuna yung lamig ng aircon kaya naman mas lalong isinalukbong ni accla yung duvet over sa ulo nya. At dahil mahilig sa fetal position ang lola nyo kapag natutulog ay mas lalo nya pang isinubsob yung ulo nya dun sa yakap yakap nyang unan.

 

Cue in yung cellphone alarm ni Ante.

 

Kringggg…. Kringgggg…. Kringgg… (apaca old school ng alarmtone ni baks)

 

“Hmmm… 5 mins…”

 

Bah… tumatawad sa alarm, mukhang tinatamad pang bumangon si madam ahhhh….

 

Yung 5mins ni ganda naging, 10mins na naging 15mins plus another 5 mins then another 5 mins… 

 

Buti naman bago pa naging 30mins yung tawad ni ate ay na-realize niyang hindi pala sya ipinanganak na tagapagmana ng kompanya at hindi nagtatapos sa Sy, Gokongwei, Musk or Zobel ang apelyido niya so… ghurl you better get the fcuk up coz those bills ain’t gonna pay itself, so you better fcking work, bich.

 

“Eto na babangon na oh… babangon na…” Umisang final embrace pa sa unan niya si ate before finally ay sinimulan na niyang ang kanyang pagbangon sa kinasasadlakan niyang putik char, I mean sa kama. 

 

Pagkalanding ng mga paa nya sa floor ay matik ng hinanap ni Irene kung nasaan na yung tsinelas nya. Pagkasuot sa mga ito ay actong tatayo na si bakla ng may biglang ashe-asheng ingles inglesan na nagsalita from behind your lola.

 

“Bani, hi… good morning.”

 

Wait… that voice sounds familiar.

 

“Great you’re awake. What do you want for breakfast Bani?”

 

Nyeta super familiar ng boses na yun talaga…

 

“Bani?”

 

Pusangna yung unan ni Ateng nagsasalita!!!

 

Ibig ko sabihin, yung unan na yakap yakap buong magdamag ni Irene ay hindi pala “unan” lang kundi isang magandang nilalang na may pa-cat eyes at nakakakatulo laway na abs na ngayon ay nag-hehello nang bongga kay Irene, kasi naman sino ba namang nagsabi dito na matulog nang naka-bra lang… wait naka-bra lang?!!! Wait… patingin ako kung may pan... panjama. Ayun naka panjama nga, anong iniisip nyo ba? 

 

“Anong ginagawa mo dito Seulgi? Bakit ka nasa kama ko? At bakit ganyan ang suot mo? May balak kang reypin ako no?!!! Manyak! Animal!”

 

Huwaw kung makabintang si Ate Irene akala mo walang kabahidbahid ng kamunduhan yung utak nya. Eh kung babalikan lang natin yung mga earlier chapters ng story eh walang ginawa si accla kundi ang mag plot ng mga gapang at chorva plans. So, ante kuneho, don’t us. [Click link to read earlier chapters]

 

“Huh?! Seriously Bani?” Medyo confused na rin si Seulgi kung bakit ke-aga aga may pitik sa utak yung Bebibani nya (yung oso naman parang bago nang bago).

 

“Anong ‘seriously’ ka dyan? Anong ginagawa mo dito sa kama ko? Nyeta may balak kang gapangin ako no?!”

 

Wow, Irene big words hahaha (again refer to earlier chapters para magkaalamanan na kung sino ang mothership of all gapang moves) [Click link for the chapter kung saan unang nagtagumpay yung maitim na balak ni Irene kay Seulgi]

 

“Wait, what? Bani may role playing ba tayo? Like seryoso, this early?” 

 

Hindi sa ano mga baks ha, pero mukha confused talaga yung cute na oso (na may… hello abs! pa-experience naman ng isang himas dyan oh, gusto ko lang ma-feel kung ano feeling ng… wait gagi pati ako nadi-distract sa abs ni Seulgi. San, na ba ako? ah yun!) 

 

Not to mention na mas daring pa nga ang suot ngayon ng lola nyo compare dun sa bra at panjama ni Seulgi. Kasi si ante nyo naka manipis na oversized white T-shirt at alam na alam mong walang bra under kasi… meow. Tapos mention ko na rin na buti pa si Seulgi kita natin na naka panjama, si ante di ko sure kung meron bang pangibabang saplot or baka natatakpan lang ng oversized T-shirt nya (I hope).

 

“Roleplaying pinagsasasabi mo dyan?” Confused kuneho, yung oso mas lalo, pati ako confused na rin.

 

“Roleplaying… like what we did last night.”

 

“Huwat?!!! Anong like last night ka dyan?! Ibig sabihin may nangyari sa atin kagabi?!!! Sinasabi ko na nga ba isa kang mapagsamantalang oso!!! Idedemanda kita ng…”

 

Oh, sige Joohyun idedemanda mo sya ng what? Reyp… with consent? Charchar!

 

“You don’t remember last night?”

 

“Itatanong ko ba kung alam ko?”

 

“Di mo talaga naaalala. Were you drunk ba kagabi?”

 

“Drunk? Gago! Ikaw, adik ka ba? Te muna dinroga mo ako no? Para sumama ako sa iyo, tapos… tapos… dun mo na pinagsamantalahan yung… yung kahinaan ko.” Sabay niyakap pa ni Ante yung sarili nya, pa-victim na pa-victim ang drama ng pusangna.

 

“Uhmm I don’t know what are we doing, pero Bani pwede ba mamaya na lang tayo mag-role playing or whatever ha kasi we are gonna be late for our flight.”

 

“Tado! Mukha ba akong nagko-cosplay?!!! Roleplaying ka dyan!”

 

“Oh sige sige na, but Joohyun we really need to start getting ready or else baka maiwan tayo ng eroplano, mag-eempake pa tayo oh.”

 

“Eroplano?”

 

“Yup, airplane. We’re going to Thailand.”

 

“Thailand?!”

 

“Yup, for our honeymoon.”

 

“Honeymoon?!!”

 

“Yup, diba nagpagusapan natin na after ng marriage ceremony natin dito sa UK ay magha-honeymoon tayo sa Thailand.”

 

“MARRIAGE!!!”

 

“Yes, few days ago we got married here. Wait, are we doing ba ulit yung roleplay natin kagabi where you pretend na you are not my wife and kunwari one night stand? Is that what you wanna do ba? Sige later let’s do that again, pero now we really need to get ready.”

 

“WIFE?!!!”

 

Okay, parang nagmalfunction yung brain ng kuneho kasi puro one word lang nagreregister sa jutak ni accla.

 

“Yes, Mrs. Kang Irene, you are my wife.”

 

“NO!!!”

 

“What?”

 

“Di ko maalalang nagpakasal tayo.”

 

Parang binuhusan ng malamig na tubig yung itsura ni Seulgi. After nung bitaw ng mga salita ni Irene. Nag-sink in na kay Baby Oso na totoong buhay na yung acting nung Bebibani nya. 


“Wait, you don’t remember?”

 

Inisang pasada ni Irene yung paligid nya. Lahat bago sa paningin nya…

 

Yung kuwarto, hindi ito ang kuwarto niya sa Tondo. It cannot be kasi malayong malayo yung set up at sa laki nito kumpara sa mala-closet size na kuwarto ni ante sa Tondo.

 

Yung view sa labas ng bintana puro green grasses and trees, hindi tulad sa Tondo na pader ng bahay nina Aling Siony yung view.

 

At pati weather di nakikiayon kay accla kasi yung inaakala niyang aircon ay natural air pala, kasi nga naman nasa Hengland sila so ganito talaga set-upan ng temperature ditey mala Harry Pottah (di yan nagmumura, silent R kasi British Accent).

 

Eto na, iuunleash ng Lola nya ang pang Gawad Urian acting nya kasi patakbo syang tutungo sa salamin sabay aaktong shocked si ante with matching kamay sa bibig, tapos konting mata-mata acting sabay lilinya ng…

 

“I don’t…”

 

Huh? Busit na yan… Yun lang talaga nakayanan mo na line ante?

 

“…basta kagabi natatandaan ko after ng ‘Dirty Linen’ nagpunta ako ng kuwarto para matulog then eto pagkagising ko andito na ako. Itong damit ko hindi ito ang suot ko nung natulog ako. Itong buhok ko, hindi ko natatandaan na nagpa-dark brown ako ng kulay ng buhok. And…”

 

Yown! Nahapyawan na ng tingin ni accla yung mga kamay niya at finally sa dinamidaming bagay na bago sa paningin ni Irene meron isang bagay syang nakikilala at natatandaan at iyon ay yung diamond ring sa ring finger nya, the same jamond ring na dating binigay sa kanya ni Seulgi nung nag-propose kinemeroo ito sa kanya (see CHAPTER 27: Bear With A Ring - click link to read the chapter), nung panahong di pa magulo ang mundo ng mag-jowa.

 

Pero si jamond ring may kasama, and by the looks of it, it looks like… yup confirmed wedding ring. 

 

“Seulgi, did we really got married?” 

 

“Yes. You were so beautiful and happy that day…” Nakangiting sabi ni Seulgi while looking at both of their reflection sa mirror. At since feeling nung Oso medyo kalma na yung kuneho ng slight ay nagkalakas loob na itong i-back hug ang lola ninyo

 

“…hindi ko alam anong nangyari sa iyo Bani. Seems like medyo foggy yung memories mo now. Pero don’t worry Bebibani, sabi nga natin sa wedding vows natin in sickness and in health. Tsaka sa dami ng pinagdaanan nating ups and down, I’m sure we will also get through this. Hinding hindi ka namin iiwan, me and our daughters will always be here for you.”

 

 

Kalma na diba si ante… okay na eh. She got what she always wanted simula pa lang sa CHAPTER 1 [link to the chapter] ng story. 


Si icing sa cupcake nya… 


Yung hindi nya makuha dati sa santong dasalan ay nakuha na niya finally sa santong gapangan. 


Bongga ni Ante kasi ang hinihiling lang naman ni mumsh ay ang ma-experience yung pandesal abs ni Seulgi, pero dahil si Irenea na ang kunehong pinagpala sa lahat eh na-upgrade yung pandesal nya sa value meal, with upsized drink and fries.





Si Bebiber at ang kanyang pangakong forever. 

 

Nakulayan na sa wakas yung pangakong forever ni Seulgi kay Joohyun. 

 

Na-fast forward na nga eh tamo nga pa-honeymoon na ang peg nila. Pero teka muna bakit may…

 

“Sandale! Anong DAUGHTERS pinagsasabi mo dyan Seulgi?!” 

 

 

 

MABABASA ANG SECOND PART BUKAS… BAKA BUKAS Chariz hehe


 

 

 





#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt 


[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]  

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]