FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 22: Marvin Gaye

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 22: Marvin Gaye
"Rejection is the greatest aphrodisiac."
Eugene Domingo in 'Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme (2009)'


"Seulgi."

"Tzuyu?"

"Kamusta ka na Seulgi?"

". . ."

"Uhmm... Seulgi?"

Naalis yung pagkakatingin ni Joohyun sa babaeng nagngangalang Tzuyu at nalipat ang atensyon ng lola nyo sa oso sa kanyang tabi na tila nagma-manequin challange magisa.

Wala pa ring imik si Seulgi. At dahil nafe-feel na ni Baechu na hindi makakabuo ng coherent words yung oso any time soon nag-decide ito na iintroduce ang kanyang sarili.

"Hi, I'm Irene."

"H-hi, I'm Tzuyu."

😠       😠     😠

"So... hindi ko alam na mahilig ka pala sa magaganda at matatangkad?"

Tanong ng lola nyo kay Bebiber while they are on their way back from the hospital.

"Hmm?"

"Tzuyu. Your ex."

"Bani..." napatingin si Seulgi sa mga kasama nila sa sasakyan.

Kasalukuyang nagmamaneho si Wendy, habang si Joy naman ay nakaupo sa tabi nito.

Sa may backseat naman ay nakaupo in order yung oso, yung tyanak at yung kunehong umuusok ang ilong.

"I know, I know she's just an ex, it's just... it's just..."

"It's just what Bani?"

Hindi malaman ng lola nyo kung papaano nya itatawid yung gusto nyang sabihin kay Bebiber without sounding jealous.

Gusto sana niyang itanong kung bakit parang natigilan si Seulgi after niyang makita si Tzuyu.

Bumalik na ba yung dati nitong feelings para kay Tzuyu?
Ano makikipagbalikan na ba yung oso sa ex nya?
Makikipaghiwalay na ba ito sa kanya?
Ano na?!
Nag-rurun wild na naman yung imagination ng lola  nyo.

Ang dami niyang gustong itanong kay Seulgi but your granny decided to keep her mouth shut.

"Nothing." Ang tangi na lang nasabi ni Baechu.

"Bani..."

"It's fine Seulgi. I believe you when you said na kaibigan na lang ang turing mo sa kanya ngayon. I know that you always tell me everything so I trust you."

Para namang tinamaan si Seulgi dun sa last three words ng kanyang Bebibani.

I trust you.

"Uhmm, Bani I have something to tell you nga pala."

"Ano yun?"

At dahil may balat sa wetpu at lagi na lang wrong timing yung oso, ngayon pa naisipan ni Seulgi sabihin kay Bebibani yung tungkol kay Krystal.

"Remember Krystal? The girl I told you about dati. I kinda..." at ikuwento na rin ni Seulgi yung istorya nung Iphone sa lola nyo.

Matapos ang explanation nung oso ay isang malutong na 'Whut?!' ang pinakawalan ni Baechu na nadinig nung mga passengers nung kotse.

Pinipigil pigilan na lang talaga ni Baechu ang sarili na ihulog si Bebiber mula sa umaandar na sasakyan.

Bakit nga ba nung nagsabog si Bathala ng sensitivity at good timing ay absent si Seulgi?

Hindi man lang ba nito naisip na hindi pa gaanong nakakamove on si granny mula sa "Tzuyu issue" ay may bago na naman itong isipin.

Hay naku bebiber...

Nung una kaya pang magtiis ng lola nyo.

Iniisip na lang niya na may pagka-old fashion lang talaga siguro si Seulgi kaya naman hanggang ngayon ay "pending" pa rin ang status ng kanyang pangarap na chorva.

Pero after nyang ma meet yung ex ni Seulgi at malaman niya ang tungkol kay Krystal... Ay! Pack up na muna mga bes ang Maria Clara image.

Sa daming umaaligid na inday sa kanyang Bebiber kailangan na ng lola nyo ng "downpayment" dun sa pangakong forever ni Seulgi.

At kung hindi madadaan ni Baechu sa santong dasalan ang ganap, well now bring on the santong paspasan.

Puno na ang salop ni Baechu.

Walang matigas na tinapay sa nagiinit na kuneho.

Dumating na ang panahon na iwi-wish ni Seulgi na sana naging polar bear na lang sya dahil sabi nga sa Game of Thrones, "Winter is coming... Baechu is cumm... coming."

And winter has finally arrived.
 
"Here is the key card to your room Ms. Irene. Just give us a ring if you need anything. Hope you and your friend have a wonderful stay here at Days and Night Hotel," sabay abot ni Ate Reception dun sa maliit na folder kung saan nakaipit yung key card sa room nina Bebibani at Bebiber.

Ngayong nasa mga kamay na ni Irenea ang susi ng langit (key card), ay siksik, liglig at umaapaw ang excitement ng lola nyo.

She finally have Seulgi all to herself.

No Yuju, no Tzuyu, no Krystal and no tyanak around.

Nagtataka siguro kayo no, kung papaanong nadala ni Joohyun yung oso sa isang hotel sa Tagaytay for an overnight stay.

Well, desperate times calls for desperate Baechu, este... measures.

A day before the check in... 

"Yerim, tawagan mo nga si Chicken Joy. Sabihin mo pumunta sya dito sa Tondo ngayon din."

"Ate, para que?"

"Aba at may papara-para que ka pang nalalaman, sundin mo na lang yung inuutos ko kung ayaw mong mabengga nang vongga vongga."

Wala nang nagawa pa si Yerim kundi ang sumunod sa utos ng kanyang ate. Kinuha nito ang kanyang phone at nagsimulang i-text ang kanyang kasintahan.

At dahil may pagka-criminal minded din itong si Yerimi tulad ng kanyang ate. She knows exactly what to tell Joy para mapasunod ito in an instant.

From Yerimi :

Baby I'm bored, punta ka naman dito sa bahay.
Don't worry wala sina ate... we can do whatever we like. 

Halos liparin ni Joy ang Tondo matapos niyang ma-receive yung text ng kanyang baby squirtle.

After an hour ay kumakatok na yung masunuring chicken sa tahanan ng mga Bae.

Walang kamalay malay yung pinsan ni Seulgi na isang malaking entrapment operation pala ang lahat.

Na balak pala siyang iaalay sa mga anito ni Ate Irene kapag di nito nasagot nang tama ang mga itatanong nito.

Yung pinaplano sanang afternoon cuddling session with her Yerimi ay naglahong parang bula nang pagkabukas ng pinto ay mukha ni Ate Irene ang sumalubong kay Joy.

Agad na dinala ni Irene yung manok sa kuwarto at duon nya sinumulan ang interrogation session.

"Sabihin mo sa akin Joy, ano si Tzuyu sa buhay ni Seulgi?"

"Po?"

"Si Tzuyu, yung ex ni Seulgi. San sila nagkakilala? Ilang taon naging sila? Bakit sila nagbreak? I want to know everything."

"Uhmm..."

"I will tell my sister to break up with you kapag di ka sumagot nang maayos!"

At dahil sa takot na mawalan nang jowa, nagsimula nang kumanta yung manok.

Para kay Joy, dedma na siya sa 'cousin to another cousin confidentiality rule' mas mahirap kayang mawalan ng GF.

Yung jowa nacho-chorva, yung pinsan hindi.

I-chinika ni Joy ang lahat nang nalalaman niya tungkol sa relasyones nina Tzuyu at ni Seulgi, habang tahimik namang nakikinig si Baechu.

"Yun na ang lahat nang nalalaman ko ate Irene, peksman." Pagtatapos ni Joy sa halos isang oras na pagsasalaysay tungkol sa history ng TzuGi.

"Okay."

"So pwede na po ba akong umuwi ate Irene?"

"No."

"Ang unfair naman ate, sinagot naman ni Joyie ang lahat ng mga tanong mo." Si Yerim na ang nag-protesta in behalf of her girlfriend na kasalukuyang nakagapos sa poste ng kanilang higaan.

"Hindi ka pa pwedeng umuwi Joy kasi kailangan mo pa akong tulungan sa pagplot kung papaano ko masosolo si Seulgi before sya tumungo sa US. So kung ako sa iyo I will find a comfortable position, because this is gonna be a long afternoon for you."

At dito na po nagsimula ang pagiging war prisoner ni Chicken Joy, sa kamay ni General Joohyuna.

Hindi naman natin masisi si granny kung sakali mang naka-full on battle mode ito.

Matatangkad, magaganda, edukada at mga man-nya-nya-man kaya ang mga karibal ni Baechu kay Seulgi.

Ano na lang ang panama ng nagmumurang 5" 3 (with heels pa ata) na height ng lola nyo sa 5" 7 na height ni Tzuyu.

Hindi rin naman nagmula sa pamilya ng mga haciendero't haciendera ang lola nyo so ligwak na siya kung sakaling outstanding balance sa bangko ang paguusapan.

Sa ganda lang talaga medyo nakalalamang ang lola nyo, yung the rest dadaanin na lang niya sa chorva.

Kaya naman hell bent ang lola nyo na ipaexperience dun sa oso kung ano ang kaya nyang gawin inside the bedroom, kaya kailangan talagang matuloy na yung "ganap."

By hook or by crook.

May isang quotable quote sa librong 'The Alchemist' na nagsasabing, “When you want something, all the Universe conspires in helping you to achieve it.”

Mukhang pumapasok sa banga itong linya na ito sa current situation ni Joohyun.

All your granny wanted was a simple lunch with Bebiber, pero somehow napakinggan ng universe ang matagal na niyang idanadalangin.

Irene already had the restaurant booked and everything when she found out na wala na pa lang drivers ang pamilya Kang.

Sabi ni Joy nasibak daw sa trabaho sina Kuya Jim at Kuya Dan kasi may ginawa daw ang mga ito na di swak sa moral code ni Papa Kang.

Parang may suspetsa na ang lola nyo kung ano yung dahilan at napack up ang beauty ng mga baklang bato, pero she couldn't care less.

May mas importanteng bagay sa mundo na nangangailangan ng undivided attention ng lola nyo.

Mula sa mga impormasyon na nakalap ni Baechu mula kay Joy, kaya naman ni Seulgi na mag-drive as long as may sikat pa ang araw, kasi medyo hirap na itong mag identify ng kulay kapag madilim.

Wala din daw gaanong problema si Seulgi sa pagidentify ng traffic lights since kabisado naman nito kung saan sa traffic light makikita yung green at red light.

Sa loob loob ng lola nyo, "Perfect... just perfect."

Dali daling kinancel ni Irene yung binook nyang table for two sa isang italian restaurant sa Greenbelt earlier at nagpareserve ito ng table sa another restaurant.

Sinabihan na din niya si Bebiber to come and pick her up sa boarding house, which was exactly what Seulgi did.

Halos lumuwa ang mata ng lola nyo nang madatnan niyang nakaparada sa harap ng kanyang boarding house, ang isang bagong bagong kulay silver na BMW X7 SUV (gone na yung Montero, salamat naman).
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/

Alam na ni Baechu kung sino ang nasa loob nung sasakyan. Ito'y walang iba kundi si Bebiber. Tama talaga ang naging desisyon ng lola nyo na di magjowa ng dukha, char!

"Bani, san mo gustong kumain ng lunch?"

"Bebiber, nakapagpareserve na ako nang table sa isang restaurant. Don't worry malapit lang naman yun."

"Okay, you're the boss. Just give me the directions." At nagsimula nang magdrive si Seulgi papunta sa kung san man yung restaurant na sinasabi ng lola nyo.

Tuloy tuloy lang sa pagdra-drive yung oso nang ma-realize nyang parang pa-coastal na ata yung tinatahak nilang direction.

At dahil super wep wep, watch me nay nay ang oso, hindi nitong makuhang magtanong mang lang dun sa kunehong nakaupo sa tabi nito.

Walang kamalay-malay yung oso na yung 'malapit na restaurant' na sinabi ng lola nyo ay sa Tagaytay pala matatagpuan!

At natuloy na nga yung late lunch nung magkasintahan sa isang restaurant malapit sa Sky Ranch.

Gaya nang nakasanayan, puno na naman ng landian yung lunch date nung dalawang pabebe girls, kaya halos 4pm na rin nang matapos silang kumain.

Hindi pa nakuntento ang lola nyo at inaya pa niya si Bebiber na magkape sa isang popular na cafe sa Tagaytay, and as usual madali na naman nitong napapayag si Seulgi.

At para talagang sumasang-ayon ang universe sa maitim na balakin ng lola baechu nyo, unexpectedly biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Because of the rain, Irene and Seulgi were forced to stay at the cafe a little longer. Baka kasi  mahirapang magdrive si Seulgi due to low visibility, si abangers na lang muna silang tumila yung ulan.

Halos magiisang oras ng bumubuhos yung ulan kaya  nagwoworry na yung oso, pero yung kuneho not a care in world kasi talagang parte ng kanyang master plan ang aliwin si Seulgi hanggang sa maubutan sila nang pagkagat ng dilim sa Tagaytay. The sudden rain made everything easier for her.

Gaya ng ipinapanalangin ng lola nyo, halos malapit ng magtakip silim nung tumila yung ulan.

"Bebiber, sa tingin mo kakayanin mo pang magdrive?"

Please say no, please say no...

"Uhmm... I don't know I can try, babagalan ko na lang sigurong magmaneho."

Whut?! Cannot be, borrow one from one!

"No Bebiber. Ayokong mahirapan ka."

At wag mo rin akong pahirapan...
"O kung okay lang sa iyo Hyun, magcommute na lang kaya tayo pauuwi?"

"What?! And what about your brand new car?"

"I'll just leave it here. I'll just ask someone to come and pick it up na lang bukas."

"Eh Bebiber what if may numenok nitong mamahalin mong kotse."

"Uhmm... Ano kayang maganda nating gawin Bani?"

May alam ako Bebiber!

"How about we stay here in Tagaytay for the night. Bukas na lang ulit tayo bumiyahe kapag maliwanag na."

Ayun oh!

Lola nyo talaga.


Present time...
 
"...have a wonderful evening here at Days and Night Hotel." Gandara pa ng ngiti ni Ateng  Reception kay Irene habang iniaabot nito yung key card sa lola nyo.

Sa loob loob ni Baechu, "Oh yeah, I will definitely enjoy my stay here at your hotel."

Cue in the song... let's Marvin Gaye and get it on.
 
The ganap is finally happening!
 
Tito Marvin! Let's get it on!
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
May bume-versace on the floor. And it is not Bruno Mars kundi si Baechu. Told yah, 'BASTA MAY TYAGA, MAY CHORVA" Ang kaso lang mukhang mauudlot pa ata. 
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]