FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 24: Ang Ganap (Part 2 of 3)

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 24: Ang Ganap (Part 2 of 3)
5 minutes went by...

"Bebiber... matagal ka pa?"

"Just give me 2 more minutes Bani."

 
10 minutes...


"Bebiber?"

"Yes Bani?"

"Tagal ka pa?"

"I'm almost done."

"Okay." 


15 minutes...

20 minutes...

45 minutes...


Halos magiisang oras nang naghihintay ang lola ninyo, pero nasa lungga pa rin nya yung oso.

Di na nakatiis ang lola nyo kaya naman bumangon na ulit ito mula sa pagkakahiga, para katukin ulit si Seulgi.

Nakabalot lang ng dubet (duvet)  ang lola nyo, wiz na sya anything underneath kasi syempre expected ni bakla may round 2 pa yung chorvahan session nila ni Bebiber.  Round 2 na kanina pa 'hanging by a moment'  dahil sa delaying tactics nung oso.

"Kang Seulgi! Lumabas ka ngayon din! Bibilang ako nang tatlo at kapag di ka pa lumabas after, naku talagang makikita mo... Isa! --"

Seulgi being Seulgi. ONE pa lang ay binuksan na agad nito ang pinto. Afraid yung oso na baka wasakin ni Irenea yung door kung hindi pa nya ito bubuksan.

"There you are. Bakit ba ang tagal mo sa loob?"

"I'm sorry Bani."

Mukhang naka-shower na yung oso kasi naka-bathrobe at basa na ang buhok nito nung lumabas.

"It's okay. I was worried kanina, yun pala nag-shoshower ka lang pala. Ba't di mo sinabi agad."

"Uhmmm Bani... sorry for what I did kanina."

"Huh? Kanina?"

"Oo kanina. I'm sorry Bebibani."

"Huh? Bakit ka nag-sosorry?"

"Uhmm... you know for doing that to you kanina."

"Doing that to me? Ano bang ginawa mo sa akin kanina na nangangailangan ng sorry mo?"

Honestly, talagang clueless si granny nyo kung ano yung tinutukoy ni Seulgi at bakit nag-sosorry yung oso sa kanya.

"You know for doing that to you."

"Doing that to me?... Teka wag mong sabihing nagsisisi ka sa nangyari kanina?"

Na-alarm bigla ang lola nyo.

Naku Bebiber don't tell your Bebibani na di mo kagustuhan yung mga nangyari kanina, tingnan lang natin kung san ka pupulutin after.

"What? Syempre naman gusto, kaya lang...I think I was a little... rough on you kanina. I was a bit drunk and wasn't thinking clearly. I didn't know it was your first. I also did not bother to ask man lang. Im so sorry Bebibani. Kung alam ko lang, sana mas naging maingat ako kanina."

"Aww... Bebiber..."

Di malaman ng lola nyo kung ano ang ire-react sa sinabi ni Bebiber. She finds Seulgi's reasons cute. Kung iba siguro, dedma na kung nasaktan man nila yung partner nila. Basta sila ang concern nila ay makaraos.
"I hated myself for doing you that way kanina. That's why I was in the bathroom for a long time, I'm trying to wash the drunkenness away."

Naku kung alam lang nung oso, na bet na bet nung kuneho yung wild wild chenes nila kanina, she wouldn't feel this guilty.

"It's alright Seulgi. You weren't that rough naman kanina."

Wuchuchu...

"Im sorry talaga Bani."

Ngumiti ang lola nyo tapos ginawaran ng medyo toned down na kiss si Seulgi. Its your lola's way of reassuring Seulgi that everything is fine.

❤️     ❤️     ❤️ 

Nakahiga ang lola Baechu nyo sa kama habang pinapanood si Seulgi na kasalukuyang nag-boblow dry ng buhok.  Naisipan na ng lola nyo na isuot na muna  ulit yung mga hinubad nya kanina, kasi medyo nilalamig na sya (salamat naman).

"Bebiber?"

"Hm?"

"I just wanna know... bakit mo nga pala in-assume na hindi na ako... uhmm... you know?"

"Huh? Oh that... uhmm..."

"Why Bebiber?"

Pinatay ni Seulgi yung hairdryer at unti unting humarap kay Bebibani, "Uhmm kasi..."

"Kasi what?"

"Naisip ko lang kasi syempre you are --"

"I'm what? Teka, porke ba tiga-Tondo ako akala mo babaeng pakawala na ako ganun ba?"

At bumanat na naman po ng pang-FAMAS na acting ang lola nyo. Di man lang nito nahintay na matapos si Bebiber sa pagsasalita.

"What?! Of course not!"

"Anong akala mo sa akin? Easy to get? Na isusuko ko na agad yung Bataan matapos lang na may mag-I Love You sa akin. Yun ba ang iniisip mo Seulgi?"

"Eh?"

"Iniisip mo ba na I'll just easily give up my vir.ginity to someone whom I just started dating? Kahit na matalino, medyo guwapo at medyo mayaman pa sya?"

"What? Wait, are you talking about Atom your ex? Did he--"

"Maruming babae na ba ako sa paningin mo Bebiber?"

Ayan na! Kung maka-acting ang granny ninyo OA.

"Now wait, I didn't say --"

"Answer me Bebiber!" 

 
"Sabi ko nga I'll answer na... eto na nga oh...uhmm... akala ko you're no longer a vir.gin kasi..."

"Kasi ano!?"

"Kasi... you're..."

"Kasi I'm what?!"

"... old... na."

". . . "

"Bani?"


And in three, two, one...


"Punyeta kang oso ka!"

Sabay inihambalos ni Irenea yung unan sa pagmumukha ni Seulgi.

Sapol yung oso!

"Hayup ka! Weh!? Wala pa kaya akong 30!!!"

And muli ay hinambalos ng lola nyo yung oso gamit yung unan.

"Aray! Bani don't be mad."

"Panong di ako magagalit? Eh kung makasabi ka ng 'you're old' dyan wagas! Mas mukha pa kayang tanders yung pinsang mong si Chicken Joy compare to me!"

"Aray! Bani sorry na oh..."

Hinihingal na napahiga ang lola nyo sa kama after niyang bugbugin yung oso.

"Bani sorry na. Peace na tayo."

"Che!"

Papakipot pa ang lola nyo. Pero nung tinabihan na siya ni Seulgi, automatic na yumakap na agad sya dito.

"Seulgi."

"Hm?"

"Ilang taon ka nung first time mo nakipag- you know?"

"Ha? Ah eh uhmm..."

"Was it with Tzuyu?"

"No."

Na-kahinga ng kaunti ang lola nyo nung sabihin ni Seulgi that Tzuyu was not her first, pero wait there's more... kaso ang sabi ni Bebiber 'no' so maybe she did it with someone else.

Parang gustong huntingin ni Baechu yung makating inday na lumapastangan sa kainosentehan ng kanyang Bebiber.

How dare she?!

Pero bago yung nationwide manhunt operation...

"Anong pangalan nung first na naka-chever mo?"

Rekta na no... di na nagpaligoy-ligoy pa ang lola nyo. Your granny needs all the information she can gather, para mapa-tokhang na niya yung aswang na nakauna sa kanyang Bebiber.

"Uhmm... Bani... I have something to tell you."

Parang may na-sesense na tensyon in the air ang lola nyo. She's wondering ano na naman kaya yung sasabihin ni Seulgi sa kanya.

"Oh ano yun?"

"I'm still a vir.gin."

Di na mabilang ng lola yung kung ilang beses na sya na pareact ng 'wait, whut?!' tonight.

Napabangon pa nga yung granny ninyo mula sa pagkakahiga sa sobrang gulat.

"Huh? Paano? Eh saan mo natutunan yung kanina?"

Oo nga naman Bebiber... Saan? May classes ka bang inattendan? Magkano per session? San mag-eenrol? Charot!

"Uhmm ganito kasi... pano ko ba i-eexplain... uhmm... I have done some stuff... but not all."

And again, for the second time tonight clueless na naman ang lola nyo kung ano yung pinagsasasabi nung oso.

"Eh?"

Bakas na bakas sa mukha ni Seulgi na hirap na hirap na syang itawid yung kanyang explanation.

"Gosh this is so embarassing... ganito kasi Bani..." sabay bumulong yung oso sa tenga ng lola nyo.

" . . . "

"Bani?"

"So..." nakakunot ang noo na simula ng granny ng ninyo... "ang sinasabi mo Bebiber, may chinever ka pero ikaw di ka nagpa-chever?"

"Bani!"

Sus yung oso ayaw pang ipasabi out loud, akala mo naman may iba pang makakarinig sa revelation nya maliban kay Baechu.

"Oo na, oo na, sorry naman... so... ano tama ba yung intindi ko?"

"Oo, parang ganun na nga."

Hay naku jusme... nakahinga bigla nang maluwag ang lola nyo. So di na kailangang kontakin ni Baechu yung hired assasin na sanggang dikit ng Tyang.

Whoever that girl is, Joohyun is sending her a telepathic "thank you, your lost."

"Bebiber, why?"

"Why, what?"

"Why did you not do it with her?"

"I don't know. I just did not feel like doing it with her. Sabi ko sa sarili ko, I'll only do 'it' with the person whom I think I can spend the rest of my life with. Tsaka maliban sa pagiging old  fashioned, may pagka-hopeless romantic din ako kasi I also believe na meron isang taong nakalaan para sa atin, na merong forever. Kaya naman I'm trying my best to save myself for that special person."

Nag-shining shimmering splendid bigla yung mga eyes ng lola nyo.

So this is it! Its time to ask the million dollar question.

Dito nakasalalay yung Round 2 nung pangarap na chorva ng lola nyo.

"Bebiber, sa tingin mo... ako ba yung special person na hinihintay mo?"

"Uhmm... I don't know... it depends kung..."

Nakanam! Bebiber anone?! Anong klaseng sagot yan?!

"It depends?!"

Ayan na nga ba ang sinasabi ko

"Punyeta! Anong ibig sabihin nung 'it depends' mo?!"

And bago pa nakareact yung oso ay nahataw na sya nung kuneho ng unan.

Nagsimula na naman yung bugbugan session.

"May iba ka pa bang hinintay na 'special' someone oso ka?! Ha!"

"Ugh! Hyun wait calm down..."

"Anung calm down ka dyan?!"

"Wait Bani timeout na muna."

"Timeout your face!"

"Wait lang... (boink) ugh! Let me just...  (boink) ugh! Let me just... Bani wait!"

Struggle is real for the oso.

"Bani let me just get my phone, ugh! I need to show you something."

Umisang hampas pa ang lola nyo dun sa oso bago ito napasalampak sa kama.

"At bakit (hingal hingal)... anong kailangan mo sa (hingal) sa phone mo?"

At dahil mukhang lowbat na si Bebibani, nagkaroon yung oso ng oppurtunity na abutin yung kanyang phone . After a few minutes she started talking again.

"Alam mo Bani I have another reason why nagtagal ako dun sa loob ng bathroom kanina."

"Ano yun?" Low bat na talaga si Baechu kasi di na ito masyadong nagtataray.

"I was debating whether tonight is the right time to tell you about this." Sabay iniabot ni Seulgi yung kanyang phone sa lola ninyo.

Joohyun was looking at a picture, ang sabi dun sa picture "Infinity Twist Micropave Diamond Ring in Rose Gold"... wayt, jamond? as in JAMOND?!

Now wait a minute, your granny is looking at a diamond ring, emphasis on the word "a diamond ring" so sureness hindi ito couple ring.

So kapag isa lang, it can only mean one thing...

"Remember the day we wrote the post its? That very same day, I ordered this ring. I don't have the ring with me. Its in my safe at home."

"Seulgi..."

"I was too afraid to show it to you, alam ko kasi na maraming magbabago kapag sinabi ko sa iyo ang tungkol dito."

Ayan na, ang dramatic na ng mga kaganapan, very Star Cinema like na yung ung mga eksenahan.

Ang kaso Baechu being Baechu, umiral na naman ang pagiging utak kriminal ng lola...

"Wait, maniwala naman ako na para sa akin nga talaga yung ring. Baka ginoggle mo lang yung picture para may palusot ka. I need proof."

Proof? Proof pala ang hanap ni inang... Seulgi swiped the screen of her iphone na kasalukuyang nasa mga kamay pa rin ng lola nyo.

Another picture was shown on the screen, enlarged picture ito nung jamond ring na tinititigan ng lola nyo kanina.

The picture is showing the engraving on the band of the ring.

Ang sabi nung engraving, "Ber ❤️ Bani"

"I think I have found that person that I have been waiting for, and it's you Bae Joohyun. Will you be my forever Bebibani?"

". . ."

"Bani?"

". . ."

"Seulgi..."

"Bani?"

Medyo ninenerbyos na yung oso.

Para kasing 30 secs delayed na yung inaasam niyang 'yes' from the kuneho.

Wrong timing na naman ba yung oso?

"Uhmm Bebiber... wait lang..."

Bumaba mula sa kama  si Joohyun at patakbong tinunggo yung bathroom.

This time it was the bear who was left speechless.
 
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Sa hinahabahaba ng prusisyon sa chorva din pala ang tuloy. Finally naabot na rin ng Lola nyo ang 'DULO.' Kapit lang nang mahigpit aabutin natin ang mga tala, tala, tala, ta-laaaaa! Ang ningning ng mga tala'y nakikita ko sa iyong mga mata (singing with hand movement plus the getting-down-while-making-bukaka step).

1 comment:

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]