FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 27: Bear With A Ring

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 27: Bear With A Ring
"When you realize you want to spend the rest of your life with somebody, you want the rest of your life to start as soon as possible." 
When Harry Met Sally (1989) 


"So... anong masamang hangin ang nagdala sa iyo dito Yerimi? At talagang isinama mo pa yung jowa mong manok no?"

"We followed you ate."

Chill na chill na sagot nung tyanak.

"Excuse me?"

"Hay... gusto lang namin masigurado ni Joyie that you and Ate Seulgi are both okay so we decided to follow you around yesterday."

"Follow? Paanong 'follow' ang ginawa nyo?"

"Follow as in, follow."

"Huh?"

Bumuntong-hininga muna si Yeri bago ito nagsimulang magpaliwanag.

"Kahapon... when you we're at the restaurant, umorder kayo ni Ate Seulgi ng pork sisig, inihaw na pusit, gambas, piniritong isda, 3 cups of garlic rice tsaka 2 bottomless ice tea."

"How did you--"

"We followed you nga diba."

"Seryoso? Don't tell me hanggang nung nagkape kami kabuntot din namin kayo."

"Yep."

Nakangiting sagot nung tyanak.

"Sa hotel?"

"Of course."

And in 3, 2, 1...
Toink!


"Ouch Ate!"

"Ano naman itong mga pakana mo Yerimi ha?"

"I'm just worried lang naman ate. Uso pa naman ang date reyp ngayon."

"Adik ka ba?! Bente-sais na ako Yeri. Kung may mangyari mang ganap, kagustuhan ko rin yun!" hala nadulas na ang lola nyo, "Plus hinding hindi gagawin sa akin ni Seulgi yun." Bawi-bawi rin pag may time Baechu.

"Di naman sa iyo ako nagaalala ate."

"Ay pun--!"

In 3, 2... toink!

"Ate naman!"

"Leche ka! Anong tingin mo sa akin?!"

"I'm just taking some preventive measures ate. Ang sabi pa naman dun sa nabasa ko, reyp is a criminal act punishable by reclusion perpetua (life time imprisonment) or death."

"Watda?!"

In 3... toink!

"Adik ka talagang bata ka! Anong akala mo sa akin? Hayok sa laman? Hinding hindi ko gagawin yun kay Seulgi!"

"Sure ka ate?"

"Ampo--"

In... toink!

Ayoko na! Sawa na akong mag-count down. KOTA KINABALU na sa kutos yung kawawang tyanak.

Tahimik lang na nakikinig sina Wendy at Joy dun sa away nung mag-ate. Mahal pa naman nung dalawa ang life nila.

Natigil saglit yung bangayan nung magkapatid nung mag-ring yung phone ni Baechu.

Si Tita Cute Cute tumatawag.

"Hello tyang."

"Oh Joohyun, asan ka ngayon? Kasama mo ba si Yeri?"

"Ah eh tyang..." hindi malaman ni Baechu kung ano ang unang ipapaliwanag sa kanyang tita.

One, kung bakit sya di umuwi kagabi ng Tondo. And two, kung ano ang ginagawa nya sa Tagaytay at sino ang kasama nya.

Pero teka pano naman nalaman ni Tyang na magkasama sila ni Yeri ngayon?

Not unless ini-spluk na ni Yeri yung details ng kanyang date with Seulgi kahapon.

Sinasabi na nga ba ni Joohyun, isa talagang malaking chu-chu yung tyanak.

"Tyang pano mo nalaman na magkasama kami ni Yeri?"


"Wapakels ka na dun. Hoy kayong mga bakla, wag na muna kayong umuwi ng bahay at may ALL NIGHT party kami dito ng mga amiga ko... you know its a HOLIDAY so, no minors and vir.gins allowed. Intiendes?"

Nakowww... kung alam lang ni tyang.

"Pero tyang san naman kami pupunta ni Yeri?"


"Malaki na kayo, you can manage. Mura lang ang Sogo, i-check in nyo na muna ang mga sarili ninyo, nang ma-experience nyo naman. O kaya dun na muna kayo sa mga jowa ninyo. Or better yet, isama nyo sila sa pag-check in nyo. Para que pang nag-jowa kayo."

"For real tyang?"

"Tang na ka! Kinilig ka naman. Dalhin mo muna ang kapatid mo sa boarding house mo sa Makati. Bukas ng umaga pwede na kayong umuwi, tamang tama may katulong na akong maglinis ng bahay. Claro?"

"O-okay tyang."


"Good. Oh sige na, yung kapatid mo alagaan mo Joohyun. Adios!"

Na-drain yung energy ni Baechu after nung pong call nya with Tita Cute Cute.

"Ate, anung sabi ng tyang?"

Napatitig na lang si Joohyun sa kanyang kapatid.

It's gonna be a very long and tiring day for the kuneho.
 

📱      📱     📱

The number you dialed is either...
 

Grrr!

Sagad sagaran na talaga yung inis na nadarama ng lola nyo. Wala talaga sa mood si Baechu and somehow apektado ang lahat ng kasama nya sa sasakyan.

Pero salamat na lang sa BFF ni Seulgi na si Wendy na may unending supply of happy thoughts. Yung kaninang gloomy na atmosphere sa kotse ay biglang sumaya.

"You guys wanna go to Enchanted Kingdom? My treat!"

And with that nagsimula nang mag-hyper yung mga kasamang happy kids nina Joohyun at Wendy.

"Yay! I love EK! Let's go ate!"

Excited na sabi ni Yeri.

"No."

"But why ate?

"Because I said so."

"Pero ate, sayang naman yung araw kung magmumukmuk tayo sa boarding house."

"Oo nga naman Irene, sayang yung araw tsaka sakto ang ganda ng weather today. It will be fun! Trust me. Sige na Irene, let's go to EK... please."

Wala ng nagawa pa si Joohyun. May point din naman kahit papaano yung kapatid nyang tyanak.

Tsaka nahihiya na syang tumangi sa BFF ng kanyang Bebiber.


🎡     🎡      🎡

At eto na nga ang lola nyo, si Wendy, si Yeri at si Chicken Joy sa Enchanted Kingdom... where the magic lives forever!
 
Magmula ng pumasok sila ng theme park ay parang na-botox yung mukha nung BFF ni Seulgi, kasi di na nawala yung ngiti sa fest nito.

Iniisip tuloy ng lola nyo kung ito ba yung first time nitong makapunta ng theme park, kasi parang everything is amazing to her. Lahat ng makita nito, parang gusto nitong bilhin at iuuwi.

Pero in fair kay BFF, kahit na aliw na aliw ito sa pagsakay sa mga rides at sa pagbili ng kung ano anong mga anik ay tuloy tuloy pa din ang effort nitong pasayahin si Irene.

Eventually, medyo nag-loosen up na rin naman ang granny nyo at sandali nitong nakalimutan yung yamot na nararamdaman niya towards Seulgi.

Sakay duon, sakay dito. Ikot duon, ikot dito.

Nung magsimula nang sumakit yung mga paa nung mga happy kids ay nagyaya ang mga ito na sumakay ng Ferris Wheel.

Naunang sumakay ng carriage sina Yeri at Chicken Joy.

When it was your lola and Wendy's turn to ride the next  carriage ay biglang nagdahilan si Wendy na may bigla itong nakitang gusto niyang bilhin kaya ang ending, mag-isang sumakay ang lola nyo.


Alam nyo na naman na siguro ang nangyayari kapag naiiwang mag-isa ang lola Baechu niyo with her thoughts, it's inner monologue time!

Pero nagsisimula pa lang mag-internalize ang lola nyo habang unti unting gumagalaw yung Ferris Wheel ay biglang nag-ring ang phone nito.

Bebiber calling...

Ang talipandas na oso tumatawag.

"HELLO!!!"

Masungit na sagot ng lola nyo.


"He-hello. Bani?"

And with that ay umariba na sa pagtalak ang lola nyo. Kahit yung couple sa kabilang carriage ay dinig na dinig yung pagbubunganga ng granny nyo sa phone.

RIP Bebiber's eardrum. 

Nung saglit na nahinto ang litanya ni Joohyun ay nakasingit ng isang mahinang, "I'm sorry" si Seulgi.

"Sorry? Yung lang ang sasabihin mo sa akin after what you did?!"


"I'm really sorry Bani... I love you."

Iniexpect na ni Seulgi na sisigawan na naman sya ng kanyang Bebibani, pero things took a weird turn kasi bigla na lang nag-mellow yung boses nung kuneho, para pa nga itong maiiyak.

"Ba't umalis ka na agad Bebiber kanina? Di ka man lang nagpaalam."


"Sorry talaga Bani. Tumawag kasi ang daddy, he was looking for me so I have to rush back. Ayoko nang mag-worry ka kaya di na kita ginising. Did Wendy took care of you?"

"Yes she did." 


"That's good to hear. So what are you doing now?"

"Uhmm... Andito kami ngayon sa Enchanted Kingdom." 


"Enchanted? Wait, is Wendy still with you?"

"Oo, actually this was her idea. Pumayag na rin ako kasi gusto rin nina Yeri at Joy na mag-Enchanted. It's a long story. Anyway, anong oras na nga ba ulit yung flight nyo papuntang US?"

"12:45am."

"So talagang hindi na kita makikita bago ka man lang umalis bebiber?"

"I'm sorry Bani."

 
"Wala ka na bang ibang sasabihin tonight Bebiber kundi puro 'sorry'?"

"Sorry."

"Tamo."

"Okay, I'll stop na."

" . . . "

"Bani?"

"I will miss you Bebiber."

"Me too.You look so lovely tonight Bebibani."

"Lagi naman."

"Mag-iingat ka sa pagbaba ng Ferris Wheel, baka matalisod ka sa haba ng hair mo."

"Har har... funny Seulgi."

Sarkastikong sagot nang lola nyo. Pero she suddenly realized something.

"Teka, papano mo nalaman na nakasakay ako ng Ferris Wheel?"

"I guessed."
 

"Ah..."

"Next time na sumakay ka ng Ferris Wheel, I'll make sure that you are with me."

 

"Yah, keep dreaming sa tingin mo sasama ako sa iyo."

"Naman!"

"Muka mo! Sige na pababa na rin ako. Call me later pag nasa airport kana."

"Yes I will. And Bani, don't hold the ride attendant's hand. Guwapo pa naman si kuya. Kamukha ni Goblin. Magseselos ako sige ka."

"Baliw! Sige na."

"I'm not kidding Bani."

At para namang na-curious ang lola nyo at pasimple nitong sinipat si kuya attendant to check kung tama nga yung sinasabi ng kanyang Bebiber.

Weird... kasi medyo hawig nga ni kuya si Gong Yoo.

"Wait, pano nalaman na..."

"Na what Bani?"

"Where are you Seulgi?"

"Can you guess?"

"Ulol! Seryoso asan ka ngayon?"

"Nasa puso mo."

"Korni mo oso ka! Last mo na yan, ever! Asan ka na nga?!"

Matapos makababa ng Ferris Wheel ay nagpalinga-linga si Baechu sa paligid. She is still on the phone with Seulgi.

"Seulgi asan ka na?"

"Just follow yung matabang wizard Bani."

Wizard? Asan na ba yung lecheng wizard na sinasabi ni Bebiber.

Ay punyemas! Is Bebiber talking about Eldar the Wizard?

Pinuntahan ni lola nyo yung Eldar na sinasabi nung oso. Kasalukuyan itong sumasayaw sa gitna ng park.

"Bebiber, nakita ko na yung wizard. Asan ka na?"

" . . . "

"Bebiber?"

" . . . "

"Hello?"

And then naputol na yung line.

Sinurvey ng lola nyo ang paligid. She cannot find Seulgi. And she also cannot find yung mga kasama nya kanina.

After matapos sumayaw nung wizard at ng mga julalay, nito ay biglang nag-iba yung music na tumutugtug.

You're just too good to be true
Can't take my eyes off you


Punyeta! What's with the song?

Pardon the way that I stare
There's nothing else to compare


At nilapitan na si lola nyo ni Eldar the Wizard.

Napapalibutan na si Baechu nung princess ng EK at yung solid gold dancers nung wizard.

Speechless ang grand mama ninyo.

Suddenly isang mascot na oso na may tangan tangan na buket of flowers ang lumapit sa lola nyo.

You're just too good to be true
Can't take my eyes off you


Parang maiihi ang feeling ng lola nyo.

Ano na this?

Bago pa nakapagreact ang lola nyo ay nag bend down on one knee na yung bear mascot.

Di mawala wala yung tingin nang lola nyo dun sa oso sa sumasayaw sa harap nya. Ikaw na Baechu talaga!

I love you baby!

Biglang natigil yung song...

And then the bear showed Jooyun a velvet box.

At dahil ang lalaki ng mga fingers nung bear si lola nyo na ang nag-open nung box... and yup knowing na nyo kung ano yung laman nung box.

It's a ring! JAMOND RING!!!

Windang ang lola nyo. Pero slight lang yun kasi biglang naglabas ng karatula yung mga julalay nung Wizard.

Ang message nung mga placards...

Will. You. Marry. Me. ?


Ang lola nyo na talaga... sya na! Sya nang pinagpala sa babaeng lahat!

Suddenly may bagong song na nagpla-play sa background.

Ampota of all songs...

Romantic na kanina eh...

Anyare bes?

Ba't biglang naging kpop?

Don’t say no oh oh
maeumi apa neodo geureochana
dashi wa jweo naega mottwen geoni
 


"Don't Say No" ni Seohyun? Proposal song??? Pero wai-na-khur ang lola nyo sa kung ano man ang nag- paplay na song.

Nothing or no one can ever ruin your lola's moment.

Not tonight.

Because tonight, is the night your lola is gonna...

Baby don’t say no mideo yeojeonhi
naega jeonbuyeotteon neoin geol
Oh oh oh oh don’t say no


... say "Yes, Bebiber" in front of everybody.

Medyo di ata narinig nung oso yung sagot ng lola nyo kaya inulit ni Irenea yung sagot nya. This time pasigaw na para sure na madidinig nung oso.

"Yes, Bebiber!"

At with that ay paatakeng lumambitin ang lola nyo sa leeg nung oso.

Niyakap nang mahigpit ni Seulgi ang kanyang Bebibani.

After a few seconds ay may isinenyas ito sa mga staff nung parke, then boom... fireworks everywhere.

And again, nagbago ulit yung background music...


Well tama naman yung song, di na waley ang lola nyo. Havey na havey si bakla. So kebs na tayo sa mga song choices.

Busy ang lahat, busy din yung mag-jowang Tyanak at Chicken Joy dun sa may DJ's Booth.


"Yeri, let's play another song."

Next Song: Dumb Dumb 

Pasalamat na lang talaga yung dalawang mag-jowa at busy si Baechu sa kanyang moment in time, kung hindi ay baka pinasagasaan na niya ang dalawa sa Space Shuttle.

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Read Next 28: Twitter
May madi-discover ang ateng nyo ng dahil sa Twitter. Pasalamat ang oso wala sya sa Pinas. Pero yari sya for sure. Habang si BFF nung oso may yayariin este may mangyayari este basta me-ganap! Kung ano man yun basahin nyo na lang.
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]
 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]