FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 21: Hiling

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 21: Hiling
"Ako ang First Love, First Kiss, First Everything"
Iza Calzado in the movie 'One True Love'


Ang Nakaraan sa buhay nina...

"Pandak!"

"Alien!"

Ganting sigaw naman nung batang sinabihan nang pandak.

"I hate you!"

"Hate you more!"

Di papatalong sagot na naman nung batang pandak na mukhang mini oso.

"I'm gonna tell Tita!"

Banta nung batang ka-war ni pandak na less greener version ni Yoda.

"Edi magsumbong ka!"

At nagsimula nang mag-walk out yung batang yoda.

Mukhang seseryosohin nito ang kanyang bantang magsusubong ito kay "tita," whoever that "tita" is.

Pero dedma lang yung oso sa ka-dramahan ng kanyang ka-buwisitan. Tuloy tuloy lang ito sa paglalaro ng basketball sa ilalim ng matinding sikat ng araw.

Dribble, dribble, shoot, shoot...
 
Ilang minuto ang nakalipas ay nakarinig yung mini oso nang malakas na sigaw mula sa loob ng kanilang bahay.

"Seulgi!!!"

Kung kanina ay not-a-care-in-the-world ang gustong i-project na image nung batang pandak, ngayon ay bigla itong binalot ng matinding takot after niyang marinig ang boses ng kanyang mommy.

Alam na ni Seulgi kung bakit sya tinatawag nang kanyang ina. At knowing na rin nya kung sino yung chu-chu na nagsumbong dito.

Sa loob loob ni pandak este ni Seulgi, "Chewy, patay ka sa akin mamaya."

🏀      🏀      🏀  

Kang Seulgi and Chou Tzuyu grew up together.

Matagal nang magkakilala ang mga Kangs' at Chous'.

Naging close yung dalawang angkan nung maging matalik na magkaibigan yung mga lolo nina Chewy at Seulgi.

Dahil dito, plus the fact na magkapitbahay din sila, kaya naman sa araw-araw na ginawa ng diyos ay pagmumukha ni Chewy ang nakikita ni Seulgi.

At dahil parang may shortage ng bata sa village nila nung time na lumalaki yung dalawang kids, they became playmates by default (by force).

"Seulgi anak, take care of Tzuyu okay? Tatapusin ko lang yung pag-preprepare ng pananghalian ninyo," bilin ng yaya ni Tzuyu kay Seulgi.

Heto na naman po tayo. Its another day in hell for the bear.

Matanda ng ilang taon si Seulgi kay Tzuyu, kaya naman kapag may playdate yung dalawa ay matic na yung oso ang naaatasang magbantay at magalaga dun sa nakababata.

Madali lang sana ang ganitong setup para kay Seulgi since hindi naman talaga alagain si Chewy. Ang kaso nga lang, may pagka-out of this world yung ugali nung alien 'friend' nung oso kaya palaging sa bangayan nauuwi yung mga laro nila.

Isang malaking goodluck na lang sa mga yaya nina Chewy at Seulgi kapag magkasama ang dalawang happy kids, kasi talagang may isang batang uuwi nang luhaan at duguan at the end of the day, at kadalasan si Seulgi yun.

One time umuwi yung oso ng may malaking poknat sa ulo, ng dahil sa kagagawan ni Tzuyu.

Buong araw kasing tinutukso at kinakantahan nung oso yung nakababata ng chu-chu-chu-chewing gum. So sa bwisit ni Chewy, ngumuya ito ng 2 bazooka tapos tsaka idinikit dun sa hair nung oso.

At dahil sobrang nakadikit yung gum sa hereret nung oso, wala ng choice yung yaya ni Seulgi kundi ang gupitin yung buhok nito, thus the poknat.

Sa lahat ng away nung dalawang bata-batuts, lagi na lang nasa kay Tzuyu ang huling halakhak, kaya naman ang tanong nung oso ay...

Bakit parang sa'kin lamang may galit
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Determined na magpakalayo-layo sa kanyang masalimuot na kalagayan yung oso.

Kaya naman nagdiwang ng bonggang bongga si Seulgi nung nagsimula na siyang pumasok sa school, kasi di na niya masyadong nakikita si Chou Tzuyu.

Pero sadya talagang mapaglaro si Destiny, kasi after a few years ay nag-start na ring mag-aral yung batang alien, so it's UNLI Chewy for the oso... sa bahay... sa school... at pati sa service pauwi.

Kaya naman ang tangis nung oso ay...

Bakit parang sa'kin lamang may galit
Ang madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

"Seulgi, sunduin mo na nga si Tzuyu sa room nila baka ano nang nangyari dun."

"Ayoko nga yaya."

"Sige na baby... di ba mabait ka naman? Dali na para makauwi na rin tayo. Promise bibilhan kita ng pringles later."

At dahil naniniwala yung oso na kasama sa basic food group yung pringles, agad na itong sumunod sa kanyang yaya at ngayon nga ay on the way na sya sa classroom ng kanyang mortal enemy.

Naabutan ni Seulgi si Chewy na mag-isa sa loob ng kanilang silid.

"Hoy Chewy! Ano pang ginagawa mo dyan? Lumabas ka na ng room nyo at nang makauwi na tayo."

Nanatili lang nakayuko si Tzuyu.

"Hoy! Anong problema mo?!"

"Ayoko pang umuwi."

Mahinang sagot ni Chewy.

"Huh?"

"I don't wanna go home."

Sa loob-loob nung oso, "What the? Ano na namang drama ito Chou?"

"And why?!"

"I don't want to see Mommy and Daddy."

"Guess what? I don't care! Your parents probably do not want to see you too. Tigilan mo na nga ako sa kaartehan mo Chou. Lumabas ka na ng classroom ninyo or else--"

Hindi na naituloy ni Seulgi ang kanyang sinasabi kasi nakarinig na sya nang mga mahihinang hikbi.

"What the? Umiiyak ka?"

Sniff... sniff...

"Stop crying!"

Sniff... sniff...

"Sinabi nang..."

Sniff... sniff

Di na malaman nung oso kung ano ang gagawain nya. Kailangan niyang mapatahan itong si Chewy ASAP kasi kung hindi ay baka malagot na naman sya sa kanilang yaya. Sabihin nito sya na naman ang may kasalanan... think Seulgi, think Seulgi...

Well, na-try na ni Seulgi na ang pasigaw-sigaw na pagpapatahan kay Tzuyu pero wa epek.

So change strategy yung oso...

"I'm sorry."

Sniff... sniff...

"I'm sorry, di ko sinasadya yung sinabi ko kanina."

Sniff... sniff...

"Sorry na... wag ka na namang umiyak..."

Sniff...

"Tzuyu... please tahan ka na... baka kasi isipin na naman ni yaya na pinaiyak kita. Sige na naman stop crying na."

Sniff...

"Kaya ba ayaw mong umuwi kasi nagaaway na naman sina Tito at Tita?"

". . . "

Tumango lang nang slight si Tzuyu.

"O-okay... eh how about kung dun ka na muna sa bahay namin mag-stay? I'm sure mommy wouldn't mind."

"Talaga?"

Finally nag-salita na rin si Chewy.

"Yup."

"Can I stay in your room?"

"My room? Y-yeah of course, stay as long as you like. So tahan ka na... mas lalo kang nagmumukhang alien kapag umiiyak ka."

"I hate you."

"He he he, joke! Tara uwi na tayo. Nagpromise si yaya na bibilhan nya ako ng Pringles, I will ask her to buy you something too."
Hindi na maalaala ni Seulgi kung kailan nag-start yung getting-along-with-each-other stage nila ni Chewy. Basta napansin na lang niya na she became less and less annoyed whenever she sees Tzuyu.

Mas maayos na yung interaction nila, at wala na ring umuuwing luhaan at duguan sa kanilang dalawa or rather... hindi na umuuwing duguuan at luhaan yung oso.

At not unlike nung mga bata sila, hindi na isinusumpa ni Seulgi ang mga oras that she spends with the the young alien.

Na realize din ni Seulgi na may hidden cuteness din naman pala itong 'mortal enemy' nya bakit ngayon lang niya napansin.

Seulgi also finds Chewy's clinginess adorable. Kahit na magkaiba sila ng year, the younger girl will always find a way to meet up with Seulgi, sa library, sa cafeteria at kahit sa CR.

Tzuyu and Seulgi became good friends.

Finally peace is restored.

Okay na sana ang lahat.

Then this happened...

"Seulgi pwede mo ba akong samahan sa mall later after school?"

"I can't, sorry."

"Ang tagal na mula nung huli tayong lumabas. Lagi ka na lang kasing busy."

Nakasimangot na sabi ni Chewy.

"I'm really sorry. I'll come with you kung pwede lang, kaso I can't, may lakad ako."

"San ka pupunta? Sama na lang ako sayo."

"What? Anong sama ka dyan?"

"Sige na..."

"No."

"Why?"

"Because its a date."

"It's a what?"

"I'm having dinner with a friend, and we are gonna watch movie after."

"No."

"Anong 'no' ka dyan?"

"You can't go on a date. I won't allow it!"

"Yeah right and who are you, my mother?"

"Basta you can't go on a date!"

Sa loob-loob na naman nung oso, "god ano na namang topak nitong alien na to?"

"Why are you being like this Chewy?"

"Don't go Seulgi."

"I'm really sorry Chewy, but I already promised my friend that I will meet him later so..."

"I hate you!"

And with that halos patakbong iniwanan ni Tzuyu yung clueless na oso.

"WTF bakit ba ang hilig mag-walk out nung alien na yun pag-naiinis?" bulong ni Seulgi sa sarili.


After nung date nung oso...
 

Naghihintay sa may harap ng gate nila Seulgi si Tzuyu.

"Tzuyu?"

"Nag-enjoy ka ba sa date mo? Did you have fun?" Straight to the point na tanong nung alien dun sa oso.

"Huh? Yeah I had fun. Tzuyu what are you doing here? It's late na."

"Promise me you won't go on a date with that guy ever again."

"What? And why would I do that?"

"Basta!"

"Ano bang problema mo ha? Meron ka ba?!"

"Stupid!"

"Alam mo, try mo kayang makipag-date din, baka naiingit ka lang kasi."

"Gosh, I really hate you right now!"

And mukhang mag-wawalk out na naman itong kaaway ni Seulgi.

"What the? You're walking out on me again."

Medyo umiinit na yung ulo nung oso kaya naman hinawakan nya sa shoulders... wait scratch that mas matangkad si Tzuyu so more on inabot nung oso yung shoulders ni Tzuyu that made the younger girl face her.

"Kanina ka pa may something. What is wrong with you? "

"What is wrong with me? Ikaw kaya itong nuknukan ng manhid!"

"Wait, what?"

"I hate you!"

"Huh? Wait... you hate me na naman. Well then, the feeling is mutual. I hate you more!"

"I really really really... really hate you right now!"

"Same... akala mo--"

Na-cut off yung hate speech nung oso kasi na-lip-chu-lip na sya nung kabangayan nyang alien.

Medyo nawindang yung oso dun sa ginawa ni Chewy kaya di ito agad nakagalaw.

1... 2... 3... 4... 5 secs. then puff!

Di na ma-feel nung oso yung mga malalambot na labi ni Chewy, pati si Chewy gone na rin.

"What the? Na-walkoutan na naman ba ako nung alien na yun?"


Nakahanda ang puso
Kahit pa ako ay masaktan


"What are you doing here Seulgi?"

"I'm taking you home"

"Well guess what? That role was already taken, remember my 'prom date'... yeah, he's over there. So I don't need you to take me home."

"No. Hindi ka magpapahatid dun sa mukhang insektong yun."

"What's up with you? At teka nga, anong ginagawa mo dito? You already have your busy life with your 'university friends' so why don't you go to them."

"I need to talk to you."

"About what?"

"About what happened the other night."

"Are you talking about the kiss? It doesn't mean anything, so please Seulgi let's just forget about it."

"You kissed me Tzuyu."

"Yes I did. It's nothing. I need to go na, so if you would please excuse me."

"No no no no... I'm not gonna let you walk out on me again Chou Tzuyu."

Humarang si Seulgi sa daan para masigurado na hindi na ulit sya malalayasan ni Chewy.

"What do you want Seulgi?"

"I want you to tell me what you feel about me."

"Ano bang gusto mong madinig Seulgi ha?"

"Just say it Tzuyu."

"Fine! Oo na! May gusto na ako sa iyo. That I want us to be more than friends. Are you happy now Kang?!"

". . ."

"Now that you know what I feel, can I go now? My prom date is probably looking for me na."

At nagsimula nang mag-walk out ulit si Chewy nang pinigilan naman sya ni Seulgi."

"No, you are not going anywhere Chou Tzuyu."

"Let me go Seulgi. Kung wala ka rin namang balak sabihin na mahal mo rin ako, then siguro mas maganda if we stop being friends. "

"Why?"

"Aba, may pagka-sadista ka rin no? Sa tingin mo ba hindi ako masasaktan kapag nabalitaan kong you're dating someone? That everytime I see you with a guy, I would always wish na sana ako na lang yung ka-date mo, na sana ako na lang yung kasakasama mo."

"Edi, kung yun yung problema mo edi let's date each other na lang."

"Akala mo hindi masakit-- wait what did you say again?"

"Huh?"

"Tama ba yung dinig ko...you said, 'let's date each other na lang?'"

"Uhmmm yah I did."

". . ."

"Tzuyu?"

"Seulgi, I need you to go inside and tell my prom date that I do not need him to bring me home later."

"O-okay."

"And Seulgi..."

"Uh?"

"Isipin mo na kung saan mo ako dadalhin for our first date."
 

💓      💓     💓

Kung sino man para sa'kin
Hindi ko sasayangin
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

Akala nyo happily ever after na... well...
"So, you're leaving me again."

"I have to, it's for the best."

"Please don't do this to me again Tzuyu."

"We are hurting other people Seulgi. I feel guilty everytime that I am with you."

"No, please don't say that. It was my decision. Kasalanan ko ang lahat, so let me carry all the guilt."

"Seulgi..."

"Please let me fix this, let me fix 'us'... just give me some time."

"I'm sorry Seulgi."

💔      💔      💔

Kung sino man para sa'kin kahit magalit
Madayang tadhana iyong pansinin
Wala na bang karapatan
Na pagbigyan ang hiling?

"He-hello?"

"Oh great finally sinagot mo na rin yung tawag ko."

"What do you want Joy?"

"Wala naman... uhmmm, Seulgi are you doing something tomorrow?"

"I have classes tomorrow."

"Ah yes, may pasok ka nga pala... pero how about after?"

"After class? Bahay malamang. Why are you asking?"

"Ha? Ah eh nothing... pero since you're free, would you like to go on a blind date?"

"What?! No."

"Sige na naman Seulgi, promise panalo sa ganda yung ka-date mo."

"No thanks."

"Sige na naman oh... if you go on a date with her, I promise I'll do anything you ask."

"Anything? Talaga lang ha..."

"Gagawin ko lahat, except anything that has something to do with male body parts."

"So that's a 'no' then. Okay, fine."

"Sige na naman, couz... sige na..."

"What's in it for me?"

"Sabi ko nga sayo diba I'll do anything with the exception of course of you know... so gora ka na. Tsaka ka na mag-decide what you want in return, just say 'yes' na muna."

"Okay fine."

"Talaga?! Great! Thanks Seulgi, you're the best cousin in the world talaga."

"Whatever! So what's the name of this blind date girl?"


"Bae Irene."
 
Ay naku Seulgi ano pang hinihintay mo? Tara na! (play video below)
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Di na kaya ng powers ng lola i-contain ang kanyang pagnanasa. Sabi nga sa isang peymus na salawikalandian ni Joohyuna, "Walang matigas na oso, sa nagiinit na kuneho." Desperate times calls for desperate Baechu, este... measures. Alamin natin kung gaano ba talaga ka desperada ang lola nyo, at ano ba yung 'Master Plan' kyeme netong si Bebibani.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]