FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 26: Merong Ganap! And I Keep Telling Myself

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 26: Merong Ganap! And I Keep Telling Myself
“Akala mo lang wala... pero meron! Meron! Meron!”
Carlo Aquino in  'Bata, Bata...Paano Ka Ginawa? (1998)'

 
I didn't know that I was starving 'til I tasted you  
Don't need no butterflies when you give me the whole damn --  
 
"Aray!"

Napahimas sa ulo bigla yung tyanak after maglanding sa skull nya yung malutong na kutos na pinakawalan ng kanyang ate.

"Aray naman ate! Weh?"

"Ayoko yung song, palitan mo."

Very emotionless na statement ng lola nyo.

Para di na makutusan muli ng kanyang ate ay pinalitan agad ni Yerimi yung kanta.

Be in bed all day, bed all day, bed all day,
Fu*cking in, Fighting on
It's our paradise and it's our war
-- Toink!

"Ouch! Ate bakit na naman?"

"Yung song di ko BED -- este BET. Lipat mo."

Skip to the next song...

All your body talk,
your body talk 
your -- Toink! Toink!

"Ano na naman ate?!"

"Yung song."

Skip to the next song...

I'll make love to you
Like you want me to
And I'll hold you tight
Baby all through the
-- Toink! Toink! Toink!

Gets na nung tyanak kung anung gustong mangyari ng kanyang ate, kaya pinalitan na lang nya ulit yung kanta.

Let's talk about se.x, baby
Let's talk about you and me
Let's talk about all the 
--  Toink! 10x

At dahil dun sa last song about se.x ay nanalo nang limpak limpak na kutos si Yerimi courtesy of her loving ate.

"Nu ba ate?! Anung akala mo sa ulo ko 'bluetooth remote device' na naka-connect sa speaker? Kung ayaw mo yung mga kanta eto yung phone ko ikaw na mamili."

Sabay iniabot ni Yeri nang patalikod yung kanyang phone kay ate dear na nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan.

Nakabusangot naman na hinablot ni Baechu yung phone.

Agad nitong nakita yung pangalan nung playlist na kanina pa pinatutugtog nung gaga niyang kapatid.

Playlist Name: MOMOL Music

Punyeta! Kaya naman pala puro tungkol sa chorva yung theme ng mga pinatutugtog nung tyanak.

And speaking of chorva... kagabi... yung ganap nila ni Bebiber.

It wasn't a dream... or was it?

May nangyari nga bang ganap? Wait, sureness si Baechu na meron...

Wahhh!!! Bebiber! Where na you?!!! 
Mabalik tayo sa mga kaganapan kaninang umaga...

"Wendy? Anong ginagawa mo dito?"

"Uhmm..."

"Nasaan si Seulgi?"

". . . "

"Wendy..."

"Irene..."

"Anung ginagawa mo dito?"

"Uhmm..." ang tagal sumagot nung BFF nung oso, "... ca-can I answer your question later kapag nakapagbihis ka na?"

Napatingin si Baechu sa kanyang appearance. Oo nga naman, nakabalot lang ang lola nyo ng duvet wala na siya anything underneath.

At dahil nga umaasang may continuation pa yung ganap nila kagabi talagang sinadya ng lola nyo na i-reveal yung kanyang mapuputing shoulders. Po.rnstar na po.rnstar ang kaitsurahan ni bakla, no wonder nako-conscious si BFF.

"Ah right..."

"Tell you what, why don't you get dressed na muna tapos after mong makapagayos we'll go get something to eat downstairs. I'm sure you're hungry. I'll answer all of your questions later during breakfast. Okay ba iyon?"

"O-okay, sige."

"Great! I'll wait for you outside."

Nagsimula nang lumakad palabas ng kuwarto si Wendy when your granny stopped her.

"Huwag ka nang lumabas, pwede ka naman maghintay na lang dito sa loob. Sandali lang naman ako, so... yun... dito ka na lang maghintay. Okay?"

"Okay."

Sandaling nagpaikot-ikot si Baechu sa kuwarto.

"Are looking for your clothes? I've put them here." Sabay turo ni Wendy sa bedroom bench kung saan nakapatong at maayos na nakatupi yung pieces of clothing ng lola nyo.

"O-okay, thanks."

Dali daling kinuha ni Baechu ang kanyang mga damit at nagtungo sa bathroom para magbihis.

Pagkasarang pagkasara ng pinto ay dire-diretso si Joohyun sa may salamin. Dito na tinanggal nang tuluyan ni Baechu yung balot nya.

Tinitigan ng granny ninyo ang kanyang katawan.

She's checking for marks or any signs na magpapatunay na may ganap ngang nangyari kagabi.

Ampota! There is none.
Malinis trumabaho yung oso.
Or yung oso nga ba talaga yung nakachor-- shet!
Wait... how about I go lower... punyeta!
Why am I doing this?
I'm pretty sure I was with Seulgi last night.
Di pa naman ako ganun kalasing para...
No!
I did it with Seulgi.
Seulgi and I did it.


Now say it again Joohyun, with more feelings... with more conviction.

I did it with Seulgi!
 

Oo Baechu medyo nalilito ka lang ngayon, akala mo lang walang nangyari kagabi pero meron! Meron! Meron!

You did it with Seulgi.

And speaking of Seulgi, where the hell is she?


🍳     🍳      🍳

After makaorder at iwanan ni ateng waitress, ay nag-brace-yourself na si Irenea for the moment of truth.

"Wendy nasaan si Seulgi?"

"She has to leave early."

"Leave early?"

"Uhmm, yes she went home."

"Went home?"

"Yes, she went home."

"Bakit sya umuwi?"

"I don't know, she didn't say."

Wala na, wala nang ibang naririnig ang lola nyo kundi yung ume-echong statement ni Bebiber kagabi...

...I'm trying my best to save myself for that one special person.
Last night everything was perfect, your lola felt she was over the moon because of happiness.

Pero now... now parang gusto nyang sipain papuntang moon si Seulgi.

Talipandas na oso!
 

Matapos nyang makuha ang aking yamang likas ay gone with the wind na ang drama ng kapunye-punyetahang oso na yun!  
Makikita mo Kang Seulgi idedemanda kita ng reyp! (with consent)
 

Ramdam ni Wendy na may namumuong Hurricane Irene at that very moment kaya sinubukan nyang pakalmahin ang lola nyo.

"I'm sure Seulgi has a very good reason why she has to leave, so don't worry that much Irene."

Worried? Your lola Baechu worried? Hah! Kung alam lang ni Wendy kung ano talaga ang ini-inner monologue nung kuneho.

"Hindi ba ngayon din yung flight nila ng family nya papuntang US?"

Kalma-kalmahang tanong ng lola nyo kay Wendy.

"Ah oo nga pala, yes mamayang gabi. So baka dahil doon kaya kinailangan ni Seulgi umuwi kaagad."

"Hindi man lang niya ako ginising para magpaalam."

"Siguro, she just don't want to ruin your sleep."

"She left me all alone... in a hotel. After we... after nyang --"

Hala-hala... ayan na nga ba ang sinasabi ko, ayan na nagdra-drama na ang lola nyo.

"You are not alone, I'm here naman so don't be sad."

Napatingin si Irene kay Wendy. Oo nga pala, nakalimutan nang itanong ng lola nyo kung bakit nga ba andito sa Tagaytay itong BFF ni Seulgi.

"Ano nga palang ginagawa mo dito Wendy?"

"Seulgi called and asked me to take you home."

"Seryoso?"

"Yes. You are still sleeping nung dumating ako."

"Tapos?"

"Umalis na rin kaagad si Seulgi. She told me to stay inside the room and to watch over you. She told me that you would probably freak out kapag nagising kang magisa sa kuwarto at wala sya, so there I was."

"Ganun ba... that's so nice of you."

"Nah, its nothing. So go eat na your breakfast. Tapos after we check out of the hotel, we can drive around Tagaytay a little bit bago umuwi. Alam mo ba, I saw this wonderful cafe kanina on my way here and parang masarap yung mga cakes nila. Do you like cakes? I'm sure you like cakes. Anyway we can check it out later."

In fair kay BFF, effort kung effort si ateng sa pagu-uplift ng mood ng lola nyo.

Pero wa effect yung effort kasi ang glum glum ng awra ng lola nyo.

"Pwedeng diretso uwi na lang tayo?"

"Ha? Why?"

At hala! Ayan na... nagstart nang mag-sad puppy eyes si Joohyun... naalala niya yung time na magkasama sila ni Seulgi kahapon. Ngayon hindi na makulay ang buhay kasi wala sa tabi nya si Bebiber.

Nag-sink in na rin sa lola nyo na most probably matagal tagal pa bago pa niya makikita ulit si Seulgi kasi ngayon na rin ito magfla-fly patungong US.

"Im not in the mood."

Maikling sagot ni Baechu.

"But I already told, Yeri and Joy that we can go horseback riding later."

"Hindi ko bet ang mangaba-- wait, ano ulit ang sabi mo?"

"That we can go horseback riding later?"

"No hindi yun, may binanggit ka na pangalan."

"Yeri? And... Joy?"

"Watda?! Don't tell me andito din sa Tagaytay yung kapatid kong tyanak at yung jowa nyang manok?!"

"Yes."

"Whut?!!!"
 
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Next Chapter 27: Bear With a Ring 
Ang lola nyo na talaga! As in! Si Baechu na ang babaeng bukod na pinagpala sa babaeng lahat. Sya na ang Dyosaaaaa! Anong mase-say? Havey na havey!
 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]