FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 28: Twitter

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 28: Twitter
"May tenga ang lupa, may Twitter ang mga bakla. Ayan, trending ka!"
Matet de Leon as Rowena, from the TV series "The Legal Wife (2014) 

 Matapos ang memorable na gabi ng lola nyo sa EK, nag-declare na muna ng moratorium si Baechu sa pag-aangkat ng negative at angsty feelings.

So that means, stop na muna ang granny nyo sa panonood nang mga kadramahan at news program sa TV. No more senate hearings for your lola.

Suspended din until further notice ang subscription ng lola nyo sa Kapamilya TV at Cinema One.

At dahil na-achive na ni Irene ang kanyang monthly quota ng luha after niyang mapanood yung episode 1 to 14 ng Goblin, tigil din muna sa panonood ng koreanovela ang lola nyo.

Basta anything that can spoil your lola's good mood ay ban na muna for the meantime.

Itatanong ninyo siguro, why all of a sudden?

Aba syempre, your lola is super happy and in love.

Dinaig pa ni bakla si Rupunzel sa haba ng kanyang hair after yung vonggang-vonggang proposal kemerloo ni Bebiber.

Hanggang ngayon nga pakiramadam pa rin ng lola nyo she is floating on air.

Bebiber's love has put your lola on top of the world.

It was Seulgi, who put the blue back in your lola's sky.

She put the rainbow in your lola's eyes.

Because of her, there's colour everywhere.

Baechu got all that she have waited for and she could not ask for more... except for more chorva... chos!

Tama nga yung sinabi dun sa favorite song na nipi-play ng lola nyo every morning...

Sometimes, you gotta be bold! (figuratively and literally, chos!)
Just rock the world!
Boombayah!
 
Ay wrong song... Lalala lalala lalalala Happiness! pala.

Ah basta!

Masaya ang lola nyo period.

Wag na kayong kumontra.

At dahil masaya ang lola nyo, f na f ni baechu ang pag-gegeneral cleaning at pag-aayos ng bahay.

Sinimot ng granny ninyo yung lagayan ng marumihan. Pinalitan din niya ang mga kurtina sa sala.

Pati yung mga punda ng unan at kobre-kama hindi rin nakaligtas sa mini makeover project ng lola nyo.

Ang color of the day, purple ... o diba Barney na Barney.

At walang pwedeng umapela. Not even Tyang, the Tyanak o yung dalawang kuya nila.
 
🧹     🧹     🧹
 

Matapos linisin yung mga kuwarto at sala ay yung kitchen naman yung sunod na inatake ni Baechu.

Kasalukuyang bising bisi ang lola nyo sa pag-dedefrost ng ref ng may na-realize sya.

Bakit nga bang mag-isa lang syang kumikilos sa bahay?

Nasaan na yung daughter of a tyanak niyang kapatid na si Yeri?

"Yerimi!!!"

"Oh ate!"

Pasigaw na sagot ni Yeri mula sa kuwarto.

"Halika ka nga dito bata ka at tulungan mo akong maglinis ng ref!"

Mabilis naman na tumalima yung tyanak at sumunod sa command ng kanyang ate. Mahirap na no, magbabagong taon pa naman. Baka kapag sumagot sagot pa sya ay biglang topakin ang kanyang ate at pasabugin yung kuwitis sa bibig nya, afraid.

Yung tyanak na ang nag-take charge sa paglilinis ng ref, habang ang lola nyo naman ay hinarap yung lagayan ng mga delata.

Okay naman ang trabaho ni Yeri, pero may napansin si Joohyun.

"Hoy Yeri! Bakit ba maya't maya ay tumutunog yang phone mo?"

"Ah eh ate mga notifications lang yun ng mga app, tsaka ka-chat ko rin ngayon sa FB si Joyie."

"Punyeta! Di pa ba kayo nagkakasawaan ng jowa mo? Kahapon lang buong araw ata siyang nagbabad dito sa bahay. Wala pa nga atang balak umuwi yun kung hindi ko pa pinagtabuyan."

"Eh di ba sabi mo dati ate, kapag may klase wala na munang date date. So ngayong bakasyon sinusulit namin ang aming time together."

In fair, gumagaling na sa pangangatwiran yun tyanak ah... winner na yung mga comeback nya sa ate nya.

"Ah okay..."

Tumalikod na si Baechu para ipagpatuloy ang kanyang pag-oorganize ng cabinet nang biglang nagsalita si Yeri.

"Look ate may bagong Twitter post si Ate Seulgi."

https://twitter.com/tengudness

Sabay ipinakita ni Yeri ang kanyang phone sa kanyang ate dear.

Tinitigan ni Joohyun yung pic na pinost ni Bebiber sa Twitter, #NewYork #Dinnerwithmyfamily.

Ang ganda ng ngiti ni Seulgi sa picture.

Napapagitnaan si Bebiber ng isang babae at isang lalaki.

Na-recognize kaagad ni Joohyun kung sino yung babae sa picture. It's the future mother-in-law (MIL). Ang pretty talaga nung nanay nung oso, kahit walang muk-up nangangabog pa rin yung beauty.

After kay Mama Kang ay itinuon naman ni Baechu ang kanyang attensyon sa lalaki sa photo. Malakas ang feeling ni Joohyun its Papa Kang, the future father-in-law. Grabe ang papable ni padir, kamukha ni Richard Yap.

Maganda yung ina, ang guwapo nung ama, ang super cute nung anak...  lalo tuloy lumakas yung desire ng lola nyo na magpalahi kay Bebiber. Charot!

Nagsimula nang mag-imagine ang lola nyo na napapalibutan siya ng mga mini-bebibers nang biglang binasag ni Yeri ang kanyang daydreaming moment.

"Ate can I have my phone back?"

"Mamaya na may tinitingnan pa ako."

"Eh ate you can look at it naman using your phone."

Oo nga naman no, anong ginagawa nung iphone na ibinigay sa kanya ni Seulgi.

Ang kaso wala syang naka-install na Twitter app sa kanyang phone and most important of all... waley din syang Twitter account.

Well what do you expect from your lola?

Ni FB account nga wala si bakla. Twitter pa kaya. And don't get me started on Instagram.

Oo, your granny works for a mobile app company. Pero Joohyun dislikes any type of social media. Wala syang nakikitang need for her to socialize, so your granny can't be bothered by those hashtags, likes and hearts.

Pero now that she knows that Seulgi is on Twitter... "socializing", so alam nyo na siguro ang next move ng lola nyo...

"Yeri."

"Yes ate?"

"Tulungan mo akong gumawa ng account sa Twitter, NGAYON DIN."



📱     📱     📱


Matapos ang dalawang masalimuot na oras ng turuan at 'sang dosenang konyat from her ate ay nagtagumpay naman si Yerimi sa  pag-seset sa mga accounts ng kanyang ate .

At ngayon nga dinner time na, pero ang inaatupag pa rin ng lola nyo ay ang pag-nanavigate sa kanyang mga accounts.

Aliw na aliw si bakla sa pagtingin sa mga old photos and posts ni Seulgi sa FB at Twitter. Ligayang-ligaya din ang lola nyo sa pag-tap dun sa heart button, at take note nagko-comment si bakla kada post.

Joohyun was about to heart yung latest post ni Seulgi kasama yung family nya, na magiging family na rin ng lola nyo in the future, when suddenly there's a new post from Bebiber.

Ang caption nung photo, Coffee with an old friend. #PetiteShellCafe #NY

Who the hell is this "old friend"



Well, first of all its a 'HE' and HE is very good looking, at tsaka mukhang yayamanin.

Super dikit na dikit itong si kuyang old friend kay Bebiber sa photo, kaya naman yung lola nyo biglang nag-init ang tenga.

Hanggang sa New York ba naman may umaaligid pa rin dun sa oso.

Nagsimula nang marebolusyon yung damdamin nung kuneho.

Asan na ba yung dislike button when Joohyun needed it?

Pero kahit na ba meron, its not enough.

Triggered si lola nyo... goodluck explaining Bebiber.

👎     👎     👎


HOTEL ROOM

"So... what's your name?"

"You know that already."

"I mean your real name."

". . . "

"You are not gonna tell me are you?"

". . ."

"Fine, how about I tell you my name first... I'm Chae Young, Park Chae Young."

"Chae Young? So saan nanggaling yung PinkRose na profile name mo?"

"Rose is my other name. Only my family calls me Chae Young."

"So, I should call you 'Rose' then. Okay, got it."

"You can call me anything you want... BABE."

"Huh?"

"You look nervous?"

"No, I'm good."

"You don't have to be afraid. We're not gonna do anything you do not want to do. Kaya nga sinabi ko sa iyo yung real name ko, to ease some of your doubts and to prove to you that I have nothing to hide."

"O-kay."

"So..."

"What?"

"Your name babe?"


"Uhmm... Wendy. My name is Wendy."

"So Wendy... wanna have se.x?"

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
 
Read Next 29: Last Flight  
Last flight ang title ng chapter pero wag ka, ang prob ni Baechu hindi by air, kundi by sea. May issue si bakla sa kanyang ScarBAECHU Shoal also known as walang Kapanatagan Shoal. (Ang di maka-gets ng joke, di updated masyado sa Phil. geography meow). Anong prob ng lola nyo sa kanyang "DISPUTED ISLAND"? Ay naku malaki! 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]