FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 37: Aktibista

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 37: Aktibista
"Kung walang kikilos, sinong kikilos? Kung di ngayon, kailan pa?"
Vilma Santos in 'Sister Stella L'


Nakaraan chapter...

"So... ano nga ulit yung prinoprotesta ninyo?"

"Tuition hike. They are proposing to make it Php12 per unit."

"Ah okay... magkano ba dati?"

"Nine."

"O-kay..."

"Yabang neto! Porke naka-private school ka!"

"What?! Wala naman akong sinabi ah!"

"Naku Seulgi tigilan mo nga ako," sabi ni Wendy sa kanyang BFF na mukhang oso habang pinandidilatan ito. "Di lang naman yung pagtaas ng tuition yung dahilan kung bakit kami nag-rarally... something to do with government subsidy, free education... uhmm... basta yun! Di ko rin alam yung detalye basta ang sabi lang nila walang klase, lumabas ng classroom at pumunta dito. So here I am."

Iniikot ni Seulgi ang kanyang paningin sa kanyang surroundings, tapos nagtanong yung oso, "eh ako... ba't andito din ako?"

Oo nga naman, ano nga ang rason nung oso to be there?

Una sa lahat, di naman sya estudyante nung unibersidad kung saan nagaganap yung protesta.

Pangalawa, kung kutis at kutis rin lang ang pagbabasehan ay angat na angat yung pagiging yayamanin nung oso.

Oo naka simpleng t-shirt at jeans lang si Seulgi but if you will look closely, you will know naka-signature brands yung oso from head to toe. Ang lakas din maka-alta sosyedad nung humahalimuyak na perfume nung oso, na yung pangalan ay ang hirap i-pronounce kasi French.
"Hakot." Maikling sagot ni Wendy sa tanong ng kanyang BFF.

"What?! You do know that my school is from the other side of the planet pa."

"Ang arte neto! I miss you na kaya. Di na kita masyadong nakikita lately, so imaginin mo na lang na we are hanging out. Tsaka as if naman you have some place else to go, tapos na ang mga klase mo and wala naman na kayo nung jowa mong alien... so you are free."

Nang dahil sa narining ay biglang lumungkot yung mukha nung oso. Pinaalala na naman kasi ni lecheng BFF yung very recent break-up nila ni Tzuyu.

Hanggang ngayon kaya naka on-repeat pa rin yung kanta ni Ella Mae Saison sa phone ni Seulgi.

It still hurts everytime ma-memention yung pangalan ni ex.

Chewy.
Chewy, who left without even saying that she's leaving.
Seulgi was hurt.
And it really won't be easy to forget yesterday, and she prayed that Chewy would stay.
But then she was gone and oh so far away.


Kapit kamay! Sabay sabay tayo mga beshie for the chorus!

I was afraid this time will come...

Ay wag na nga lang, mahaba masyado.

Basta, the bear decided to "keep on dreaming till her heartaches end" tapos.

Napansin ni Wendy na mukhang naglalakbay na yung diwa ng kanyang BFF. "Huy! problema mo?!"

Tingin si Seulgi sa kanyang BFF, "Wendy..."

Hala kang hamster ka...

"Naku Seulgi! Wag dito please."

"She said she won't leave me..."

Yan na nga ba ang sinasabi ko...

Iiyak na yan. Iyak na yan.

"Huy ano ba! Mamaya ka na umiyak... kapag na-tear gas na tayo."

Palaglag na sana yung luha ni Seulgi kaya lang naudlot after niyang marinig na may possibility na ma-tear gas sila while rallying.

"Di nga?" Tanong nung gullible na oso.

"Tangi walang ganun, anong akala mo naman nasa Mendiola tayo."

Ay yun naman pala eh so... tuloy ang drama...

"Hu hu Chuwey! Why?" ayan na nga umatungal na nang tuluyan yung oso. Yung mga rallyers napapatingin na sa direksyon nung mag-beshie.

"Huy! Umayos ka nga..."

"Wahhhh Chuwey... Chuwey..."

"Seulgi tahan na... sorry, ng dahil sa akin naalala mo na naman sya. Don't worry di na natin bati yung alien na yun."

Sisinghot singhot yung oso.

"Tahan ka na. Wag mo na syang isipin. She doesn't deserve you."

Buti tumigil na sa pagiyak yung baby bear.

"Sorry ulit. Promise I won't mention her again, ang maganda pa siguro..."

😍 Awww... ang sweet naman ni BFF...

"...hawakan mo na lang itong placard para may pakinabang ka"

...or maybe not. 🙄

"Kainis to!" medyo nangingiting sabi ni Seulgi habang inaabot yung placard.
💦     💦     💦

"Ano ba yan Seulgi basa na ng pawis yung likod mo oh! May baon ka bang extra shirt?"

Koda ni Mother Wendy habang dinadama yung likod ng kanyang BFF.

"Wala, pero may bimpo ako sa kotse."

"Ah okay good. Ako na lang yung kukuha nun mula sa sasakyan, tsaka ikukuha na rin kita ng maiinom. Basta stay put ka lang dito, don't go anywhere."

"Okay."

Lumayas na si Wendy para kunin yung towel na ilalagay niya sa likod ng kanyang alagang oso.

At dahil sabi nga ni Mother Wenresa, stay put... so stay put talaga ang peg ni Seulgi, ni ga-dangkal hindi kumikilos yung oso.

Ang kaso mo mainit. ♨️

Kasalukuyang tirik ang araw... and you know naman what happens to polar bears when they are under direct sunlight.

Good thing may dalang payong sa bag si Seulgi. So safe from the harmful rays of the sun yung skin nung oso.

Ang kaso mo ulit, ang sabi ni mudrabels "stay put" pero nang dahil sa orange na payong nung oso "nag-stand out" din ito.

San ka naman kasi nakakita ng nag-rarally na nakapayong?

Mukha talagang out of place yung oso kaya naman nilapitan siya nung isa sa mga student leaders na organizer nung rally.

May hawak pa na mega phone si ateng.

📣 "YUNG TOTOO, NANDITO KA PARA MAG-PROTESTA O PARA SUMAYAW NG SINGKIL?"

Mataray na tanong ni ateng aktibista dun sa oso.

Medyo nataranta si Seulgi, kasi napatingin yung mga rallyista towards her direction.

"Huh?"

"Yung payong nyo po."

"Payong?"

"Ang sinasabi ko po mahal na prinsesa, siguro naman di lingid sa kaalaman ninyo na hindi lang ikaw ang naarawan at naiinitan. Lahat kami dito handang masunog ang balat kung ito ay isang paraan para ipahatid sa ating gubyerno na seryoso ang mga magaaral ng pamantasang ito sa kanilang hangarin na magkaroon ng de kalidad na edukasyon. Naririto rin kami upang isatinig ang aming mga hinanaing tungkol sa kasalukuyang administrasyon at ipaalala sa kanila na itinatag ang institusyon na ito para sa mga mag-aaral na kapos sa salapi. "

Bigyan ng jacket si ate! Ang haba ng koda ni bakla.

"Huh? But I'm not--"

"Kung ayaw mong nabibilad sa araw edi sana sa pribadong paaralan ka pumasok."

Kinut short ni ateng aktibista yung sinasabi nung oso.

"Actually--"

"Pwede ba tigilan mo na ang pag-iingles mo mag-Tagalog ka na nga lang!"

Hyper na si ateng, may pagsigaw nang ganap.

"O-okay. Uhmm..."

"Ano?!"

Kulit din ng lahi ni ateng aktebista. Very proactive si bakla sa panonopla, kaya tuloy di makabuo ng kumpletong sentence yung oso.

"A-ate ang... gusto ko lang naman sabihin ay--"

"Seulgi!!!" Enter frame yung stage mudra ni Seulgi.

Very concern si Wendy kasi mukhang may umapi dun sa alaga niya while she was gone.

"Seulgi anong nangyari sa iyo?! Anong kaguluhan to?"

Ang dramatic nung entrance ni Wendy, akala mo mag-aala-Maricel-Soriano-wala-walaan acting. Are you all familiar with that scene she did with Snooky Serna? Yung scene kung saan nasa parang sementeryo sila... yung may linyahan na... "Mula pagkabata ikaw na ang chenes, ikaw na ang anik... Pati ba naman pagmamahal ng itay ipagkakait mo. Inagaw mo ang lahat sa akin! Lahat!!!!" Tapos sabay bunot dun sa krus na nakabaon dun sa puntod ni itay para ihambalos kay Snooky.

Yun! Yun sana yung supposedly acting ni BFF, kaya lang after niyang makita kung sino yung kausap nung alaga niya ay biglang napipi yung hamster. 

Knowing ni Wendy si ateng aktivist, of course who doesn't... eh kilala si ateng sa school as one of the student leaders, crush ng bayan, model student, model activist, model everything.

"Kaibigan mo ba to?" ma-shoray na tanong ni ateng aktibista dun sa bagong dating na hamster.

"Ah.. oo..."

"Yung kaibigan mo, pagsabihan mo. Sabihin mo sa kanya, kung ayaw niyang naiinitan ay umuwi na lang sya."

"Ah ganun ba Mijoo... sige pagsasabihan ko itong kaibigan ko. Pasensya na ha."

Inismiran muna ni ateng aktibista yung oso bago ito umexit frame.

And that's how Seulgi and Miljoo met.

So you all may be wondering, how did these two went from chenes to lovers?

Here's how...
 
Few weeks after their meeting.

Nag-krus na naman ang landas nung alta-altahan na oso at ni ateng aktibista na pro-poor, pro-gay, pro-renewable energy, pro-biotics... korni I know last ko na pwomise.

Sumama si Wendy sa protesta against foreign intervention ek-ek sa harap ng US embassy. At dahil nga bestfriends for life ang drama nung magkaibigang oso at hamster, matik na plus 1 si Seulgi sa mga ganitong pagkakataon.

"Ikaw na naman pala mahal na prinsesa."

Ganda ng bungad ni Ateng Aktivist.

"Huh?"

"Bakit ba sa tuwing magkikita tayo puros 'huh' na lang ang nadidinig ko sa iyo?"

"Eh?"

"Ngayon 'eh' naman."

"Uhmm... hi?"

"Anong ginagawa mo dito?"

"Binitbit ako ng kaibigan ko na si Wendy dito sa rally as hakot."

"Ah ganun ba... may dala ka bang payong?"

Di pa rin pala nakaka-move on itong si ateng mula sa incident nung nakaraang rally. Kawawa naman yung oso mukhang ma-bubully na naman ng walang kalaban laban.

"Ah eh..."

Nagiisip ng magandang maisasagot si Seulgi nang biglang tumawa ng malakas si Miljoo.

"Nagbibiro lang ako ano ka ba." Sabi ni ateng sabay smile ng wagas dun sa oso.

May ganda naman palang naiitatago itong si Miljoo di lang kaagad napansin ni Seulgi. Kasi naman kasi, nung una silang nag-meet na-buenamanuhan kaagad yung oso ng kashungitan.

Pero ngayong medyo relaxed si ateng, nagkaroon ng chance si Seulgi na pagmasdan yung beauty nito.

Kalma naman yung rally in fair. Medyo nakakasingit pa nga ng small talk yung oso at si ateng aktivist, getting to know you lang ang peg.

Pero kung kailan patapos na yung rally ay tsaka naman nagkaroon ng problema yung mga nagsisipag-protesta with the police officers.

Nagkapalitan ng mga maiinit na salita, nagkamurahan, nagkatulakan... and right in the middle of the rally ay yung two lovebirds.

Things started to get serious, may pa-tear gas pa ngang handog si mayor.

Sapilitan nang itinataboy ng mga pulis ang mga rallyista.

Magulo na ang lahat. Pero di pa rin natitinag ang mga protesters kaya naman nag-change tactic yung dispersal team. A police mobile suddenly appeared and it started ramming over the group. May mga mangilanilan na tinaman ng sasakyan, isa na dito si Seulgi. Kaya naman sa emergency room ang bagsak nung kawawang oso.
 
🏥     🏥     🏥

"Seulgi anak what were you thinking? Anong nangyari sa iyo? Anong masakit sa iyo?"

That was Seulgi's mom.

Napasugod ng di oras sa ospital yung nanay nung oso after she got a text from Wendy telling her that Seulgi got into a little accident.

"I'm okay mommy. Don't worry nagalusan lang ako, nothing serious."

"Are you sure?"

"Yup."

"Okay sige I'm gonna talk lang muna to your doctor."


Paglabas ni Mommy Bear sya namang pasok ni Mijoo.


"Kamusta nang pakiramdam mo mahal na prinsesa?"

"Huh?"

"Ayan ka na naman sa 'huh' mo."

"Ah eh... yup im okay."

Silence...

"Seulgi... salamat nga pala kanina."

"Thank you for what?"

"Ako dapat yung tatamaan nung sasakyan pero iniharang mo yung katawan mo kaya ikaw tuloy yung napuruhan."

"Ah yun ba, it's nothing anyone would have done the same."

"Pero Seulgi..."

"It's fine Mijoo you don't need to feel guilty about anything and you don't have to thank me repeatedly. It's okay."

"Ganun pa man, salamat Seulgi. Bilang ganti, kung may kailangan ka... kahit ano pa man yun basta kaya kong ibigay magsabi ka lang."

"Uhmm... talaga?"

"Oo."

"So if I ask you to smile for me you will do it?"

Uyy... this must be the start of something new.


❤️     ❤️     ❤️

START NUNG SOMETHING NEW

"Seulgi!"

"Mijoo? Mijoo anong ginagawa mo dito sa school namin?"

"Nabanggit sa akin ni Wendy na ganitong oras ang labasan niyo."

"Okay... pero why are you here?"

"Gusto mo bang mag-kape Seulgi?"

"Coffee?"

"Coffee, kape... pareho lang yun!"

Hala ka ang bilis namang uminit ng ulo ni ateng.

Basta talaga nakakarinig ng salitang banyaga si inday medyo na-hahyper ito. Allergic kasi si bakla sa mga alta. Pero weird lang kasi na-tatake niyang makipagusap kay Seulgi.

"O-okay... there's a Starbucks nearby, super lapit lang pwede nating lakarin."

"Hindi tayo mag-stastarbucks, masyadong mahal ang kape dun."

"Ah ganun ba... don't worry my treat naman."

"Hindi ako papayag!"

"Huh?"

"Ako ang nagyaya, kaya ako ang may sagot."

"But..."

"Wala ng pero pero Seulgi, magkakape tayo, ako ang magbabayad tapos."

"Okay... eh saan mo gustong mag-kape Mijoo?"

"Dito?"

Tanong ni Seulgi kay Miljoo nung nasa harap na sila ng 7eleven.

"Oo dito, bakit may reklamo ka?"

"Wala... may sinabi ba akong ayaw ko?"

"Buti naman. Mainam nang maliwanag."
❤️     ❤️     ❤️

MAY SOMETHING NEW

Nag-start sina Seulgi at Mijoo sa kape sa 7eleven.

Yung kape nasundan ng unli-lugaw sa may karinderia malapit sa universidad nina Mijoo.

Tapsilog sa may kanto papunta sa school naman nina Seulgi.

Then ice cream sa Mcdo.

Tapos burger and fries sa Jabee.

Chaofan sa Chowking and so on.

The two went on a dozen minidates.

What are they?

Well kahit sila hindi din nila alam.

Basta they enjoy each others company.

Nagiging less violent and less argumentative si Mijoo when she's around Seulgi.

Si Seulgi naman nagiging intellectual kapag kausap si Mijoo.

Kahit na completely different yung interest nung dalawa, somehow they are able to keep their conversations going.

Everything is super chill between the two.

Pero dumating sa punto na gusto nang malaman ni Mijoo kung ano nga bang balak sa kanya nung oso.

She wanted to know kung may patutunguhan ba itong kain kain nila sa labas.

At dahil naniniwala si ateng aktibista sa sinabi nung character ni Ate V sa Sister Stella L, "kung walang kikilos, sinong kikilos? kung di ngayon, kailan pa?"

Kaya naman habang busy si Seulgi sa kanyang siopao, ay sinumalan na ni ateng ang kanyang "pagkilos."

"Sabihin mo nga sa akin Seulgi, ano bang balak mo sa akin?"

Si ateng very direct to the point.

"Huh?"

"Ayan ka na naman sa 'huh' mo Seulgi!"

"Ah eh, sorry... uhmm Mijoo ano nga ulit yung sinabi mo?"

"Gusto ko lang malaman Seulgi kung ano ba tayo?"

"Eh?"

Again, di na naman agad na-gets nung oso kung ano nga ba ang gustong sabihin ni Mijoo.

"Anak ng... ang sinasabi ko po mahal na prinsesa gusto mo ba akong makarelasyon?"

"Relasyon? Uhmm... I don't know. Ikaw ba anong gusto mo?"

"Gusto kita. Gusto kong maging tayo."

Wow si ateng very clear sa kanyang mga statements.

"Mijoo..."

"Gusto mo ba ako Seulgi?"

"Uhmm... I like you--"

"Yun naman pala, edi tayo na."

"Ha?"

"Tayo na."

Hindi pa tapos yung sinasabi nung oso, nag mega-declare na kaagad si ateng na officially, sila na ni Seulgi.

Parang scene lang sa exam yung nangyari ah... tipong finish or not finish pass your paper.

Question is, ano nga kayang kahihinatnan nitong relasyones nitong dalawa.

Will it be a pass or a fail?

❤️     ❤️     ❤️


SOMETHING


Kain sa labas, hatid sa bahay.

Magmula nung maging "official" sina Mijoo at Seulgi, ito na ang naging routine nung mag-jowa.

Medyo boring pero wala naman na silang choice. Super dami kasing extra curricular activities itong si Mijoo, si Seulgi naman is also busy with school stuff.

Magaling lang sigurong magdala ng relasyon yung dalawa kaya somehow they were able to make it work.

Gaya ng nakasanayan, inihatid ni Seulgi ang kanyang kasintahan sa bahay after nilang mag-dinner.

Usually she will say goodnight, then mag-gugoodnight din si Mijoo. Then that's it.

Bukas kung may free time sila ganun ulit ang gagawin nila.

Pero tonight parang ma-brebreak yung routine...

"Bye Miljoo, I'll see you tomorrow."

"Uhmm Seulgi."

"Yes?"

"Gusto mo bang pumasok na muna sandali?"

"Ha?"

"Tuloy ka muna sa loob sandali, maaga pa naman tsaka sakto wala yung mga kasama ko sa bahay so walang maingay at magulo."

"Uhmm... okay."

Pumasok naman sa loob ng bahay yung oso.

"Pagod ka ba Seulgi? Baka gusto mo munang humiga sandali sa taas, sa kama ko."

Ayan na. Ayan na... sinasabi ko na nga ba may balakin itong si ateng dun sa innocent na oso.

"Im not that tired naman Miljoo, kaya okay lang."

"Sige na Seulgi, kahit silipin mo na lang yung kuwarto ko."

"O-okay."

Hindi naman masyadong obvious na naghahanap ng ganap itong si ateng no?

Nasa kuwarto na yung dalawa. So ano na next?

"You have a nice room Miljoo."

"Salamat Seulgi."

Click. *sound of the door being locked.

Patay kang oso ka.

What happened inside Miljoo's room, I'll leave it to your imagination na lang.

Clue, hindi lang yung usual routine nung mag-jowa ang na-break that night... may iba pang na-break... charot!

❤️     ❤️     ❤️

MAY NEW NA

Seulgi and Mijoo have a simple relationship.

Kapag sinabi ni Mljoo na may gagawin sya, Seulgi always understands.

Kapag nagsabi si Seulgi that she needed to be somewhere, Mijoo always says okay.

They never fought.

Or siguro masyado lang busy yung dalawang mag-jowa with other stuff na wala na silang time para mag-away. Kung meron man silang kinaiinisan sa isa't isa, they just let it go na lang.

For months ganito ang naging gawi nila.

They are so used to this kind of set up na hindi na nila napansin na hindi na sila tulad ng dati.

❤️     ❤️     ❤️


ANG THE END NUNG DALAWA


"Maghiwalay na tayo Seulgi."

"What? Ano ulit yun Mijoo?"

"Ayoko na sa iyo."

"Wait lang... baka naman pwede pagusapan na muna natin ito. Let's just--"

"May iba na Seulgi."  
 
 💔     💔     💔
 
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Tonight is going to be a battle between the beauty (Baechu)... the beast (Mijoo)... and the alien (Chewy). Sino kaya sa dalawang exes ni Seulgi ang unang itutumba ni Original-Visual Kuneho?  

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]