FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 42: QuizBear

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 42: QuizBear
Walang opening line... wala wala wala! Chour! 


Imaginin nyo lang na nanonood kayo ng quiz bee pero dahil si Kang Oso ang contestant eh let's call it na lang Quiz Bear.

Let's begin with the easy round.

Question number 1, for 1 point.

"Papaano at saan mo nakakilala yung Mijoo?"

"Si Mijoo? Uhmm... nung college, sa school ni Wendy."

One point for the oso.

Oh tama naman ah. Nung college naman talaga nagkakilala sina ateng aktibista at yung oso.

Kaya lang patay yung hamster. Kasama na si BFF sa watchlist ni Baechu, bilang sya ang dahilan kung bakit nagkataong nagkatagpo ang mga landas nina Seulgi at Mijoo.

"At pano ka naman naligaw sa school ni Wendy?"

"Ha? Ah eh... niyaya lang niya akong umattend ng school rally nila."

"At yung babae mo dun mo nakilala sa rally?"

Makasabi naman ng 'babae' ang granny nyo wagas.

"Uhmm.. oo isa sya sa mga student leaders dun."

"Oh edi sya nang intellectual! Sya nang may ipinaglalaban!"

"Bani..."

"Hay naku! Next question na nga lang...ano ang theme song nyo?"

"Eh?"

"Ang sabi ko... ano. ang. theme. song. nyo?"

At iniangat pa ng lola nyo yung kawali. Ready to fry na naman ang peg ni bakla.

"Sagot!"

"Ah eh... I don't know, I don't remember... wala ata."

"Ata? So di ka pa sure?"

"Uhmmm... uhmmm..."

"Ano?!"

"Mijoo used to sing me a song. Madalas niyang kantahin yun kapag napupunta kami ng Timezone."

"Aba punyeta! May pa-timezone timezone pa kayong nalalaman! Ang lalandi nyo, dun pa talaga kayo nagligawan. Ang cheap nyo ha!"

Uuuyyyy selos...

"At ano naman yung kanta aber?"

"Uhmmm... 'Alipin'."

"Alipin? Panong tono nun?"

At kumanta naman agad yung oso...

Ako'y alipin mo kahit hindi batid.
Aaminin ko minsan ako'y manhid.

 

"Korni nyo!"

Wow ah... ang judger nang dating nung kuneho. Akala mo naman yung musical taste nya pang-alta, eh alam naman nating lahat yung mga bet nyang songs.

"Uhmm... eh Bani, tayo?

"Anong 'tayo' ka dyan?"

"Anong theme song natin?"

"Whut?! Nakalimutan mo na?"

"Bani wala ka namang sinabi sa akin."

"Ano ka ba naman? Kinanta ko na yun dati."

"Ano ba yun?"

"Ikaw."

"Ikaw? Yung pangkasal? Yung kay Sharon Cuneta?"

"Si Ate Shawie bang kumanta nun? Akala ko si Yeng."

"Yeng?"

"Oo di ba kay Yeng yung, ikaw..."

...ang pag-ibig na hinintay
Puso ay nalumbay ng kay tagal
Ngunit ngayo'y nandito na ikaw
Ikaw.


Putaragis! See, see I told yah.

"May Korean version pa nga yun eh... nega. hangsang gidaryeotdeon sarang..."

Hay naku lola nyo talaga... mag-average round na nga lang tayo. 

Question number 1 for 2 points.

"Ilang taon naging kayo, bakit kayo nagkahiwalay at sinong nakipaghiwalay?"

Two points lang yun? Seryoso?

"Ilang taon? Sandali lang, wala pa nga atang one year."

"Sinong nakipag-break?"

"Sya."

"At bakit naman sya nakipag-break?"

"Ang sabi nya may iba na daw so yun, she left."

"Ganun lang yun? As in?"

"Oo."

"Oh anong ginawa mo?"

"Sabi ko pagusapan na muna namin yung issue. I told her we can work things out."

"Work things out?!"

Hala ka... "Ang shunga mo rin no. Work things out ka dyan eh tamong sabi ni bakla may iba na. Don't tell me naghabol ka."

"Uhmm... oo." Mahinang sagot ni Seulgi.

"At hanggang san ka nakarating?"

"Sa elevator."

Waw! Ang layo nang narating nung oso in fair. A for effort, E for estrawberi...Charot!

"At bakit mo naman sya hinabol? Ang engot mo rin no?"

"I don't know, initial reaction siguro. Mas naka-focus ako dun sa fact that she's breaking up with me, kaya nung sinabi nya na 'may iba na' hindi ko masyadong naintindihan. Basta I just had that urge to run after her and apologize or something."

"Apologize?! Ilang bote ba ng rugby ang nasinghot mo nung bata ka ha? Ikaw pa yung mag-sosorry, ikaw na nga itong niloko!"

"Pakiramdam ko kasi kasalanan ko ang lahat. Siguro kung mas nag-focus lang ako sa kanya baka hindi nangyari yun."

"Kasalanan? Ang kasalanan ay yung nakalimutan mo yung birthday nya. Kasalanan yung na-late ka sa date nyo. Kasalanan din yung nakalimutan mo yung favorite nyang klase ng chao-fan at toppings habang umoorder kayo sa Chowking. Yun, yun ang mga kasalanan. Pero yung nakahanap ng iba yung malanjutay mong ex kasi feeling nya wala ka ng time for her aba'y sa mga tanga lang bebenta yang ganyang line of thinking."

Haba ng koda ng lola nyo ah in fair...

"So anong sabi sa iyo nung ex mo nung nakita ka nya? Ano nakikipagbalikan ba sya? Nagsisisi na ba sya kasi kumerengkeng sya nung kayo pa? Sinabi mo ba na taken ka na?"

Nakanam! Ang tindi rin ng instincts ng granny ninyo. Akalain nyong natumbok nya kaagad yung  gusto sanang mangyari ni Mijoo. Yung oso tuloy na kaharapan niya sa kama pinagpawisan bigla.

"Uhmm... ah eh Bani--"

"Ay naku sabihin mo sa kanya punyeta sya! Lumayo-layo sya kamo sa iyo kung ayaw nyang masumpak sa mukha!"

Nadinig mo yun Bebiber?

"Wag na wag kong mababalitaan na umaaligid aligid yung hitad na yun sa iyo. Kasi I swear magmumukha ka talagang panda sa laki ng blackeye na ibibigay ko sa iyo."

Napalunok bigla yung oso. San ba nakaka-order ng 'Invisibility Cloak' tulad nung gamit nina Ron at Harry Potter mga beshie?

"Huy Kang Seulgi nakikinig ka ba?!"

"Ha?! Ah eh yes Bani."

"Mabuti naman. Basta winarningan na kitang oso ka."

Oh warning daw Bebiber... umayos ayos ka kung ayaw mong mag-ala Taylor Swift yung kuneho at mapa-kanta ng...

Ooh, look what you made me do
Look what you made me do



Difficult round na.

"So yung Mijoo yung kinukuwento mong una mong naka-chever?"

Eto na it's going down for real...

"Oo."

Yan tama yan Bebiber.

Tuloy tuloy mo lang yang 'isang tanong, isang sagot' mo na chenes... Donna Cruz lang ang peg.

Basta don't say anything kung di naman tinatanong.  Keep your answers short, para iwas bugbog.

"Yun na yun?"

"Ha?"

"'Oo' lang talaga yung isasagot mo sa akin?"

"Bakit ano pa bang gusto mong malaman?"

Ay tangang oso. Okay na kanina eh... Donna Cruz remember? Anyare bear?

"Kaninong idea yung chorva? Saan nangyari yung chorva? Ilang oras yung chorva?"

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh.

"Sagot!"

"Ha? Ah eh...uhmm... sya."

"At pumayag ka naman agad haliparot ka!"

"Hinda ah! Malay ko bang yun ang gusto nyang mangyari. Inihatid ko lang kaya sya sa bahay nila tapos kamukat-mukat ko nasa kuwarto na niya ako."

"Dinala ka nya sa kuwarto?! At sumama ka namang hayop ka!"

"Eh tinanong nya ako kung gusto ko raw makita yung kuwarto nya."

"Anak ng! Ano kayo? Nasa showroom ng 'Our Home' sa SM? First time mo bang makakakita ng kama?"

Umakyat yung dugo sa bunbunan nung kuneho. Kasi ganun lang pala kadaling ayain yung oso. Kung alam lang nya edi sana matagal na niyang ginawa yun... char!

"Sabi kasi nya silipin ko lang daw yung room nya. Kaya yun sinilip ko naman. Tapos nung nasa loob na kami ang sabi nya higa daw muna kami. Sabi nya meme na muna daw kami sandali kasi medyo inaantok daw sya."

"Whut?! At naniwala ka naman. "

"Mukha naman talagang syang inaantok Bani. Pati nga rin ako nakatulog sandali tapos pagising ko--"
Teka, mukha kailangan ko na atang mag M rating for the chapter ah...
"Oh anyare paggising mo?"

"Yung kamay nya nakapatong sa..."

"Ano? Nasaan yung kamay nya?"

Dunun... dunun... dunun (shark attack background music )

"Hawak yung kamay ko..."

Ahhhh hawak lang naman pala yung kamay eh... maliit na bagay.

"Tapos dinala nya yung kamay ko sa may bandang chest area tapos she made me massage her... you know. Then after dun she guided my hand pababa sa--"

That's it! 

Your granny can't take no more. Ayaw na nyang marinig yung mga susunod na sasabihin ni Bebiber kasi mamatay na talaga sya sa selos.


Nilingon ni Seulgi yung walang kibong kuneho na katabi niyang nakahiga sa kama.

Himala di dumadamoves ang lola nyo. Ang tagal na kaya mula nung una at huling beses na naka-experience ng chorva si Baechu.

Pero sabagay kahit sino naman siguro mawawalan ng gana after yung nakaka-stress na Question and Answers portion nung dalawang mag-jowa.

"Bani, galit ka ba?"

"Huh?" Sumagot naman yung kuneho pero di pa rin ito kumikilos, nanatili lang itong nakapikit.

"Galit ka?"

Paguulit ni Seulgi sa tanong nya.

"No, I'm not. I'm just tired lang that's all."

"Yung about kay Mijoo--"

Napadilat bigla yung lola nyo.

"Tapos na tayong magusap about sa kanya di ba? Nalaman ko na yung mga dapat at gusto kong malaman about her, thats enough. Like Tzuyu, she is just part of your past now so wala na akong paki sa kanya."

"Bani, I  promise I'll stay  away from Mijoo as much as possible."

Biglang hinarap ni Baechu yung katabi nyang oso, sabay konyat dito.

"Muka mo! Parang ganyan din kaya yung sinabi mo kay Krystal. Ang sabi mo you won't talk to her ever. Oh eh anong nangyari? Diba kinontak mo parin sya?"

"Bani..."

"Hay naku! Ewan ko sa iyo, bahala ka na nga sa buhay mo."

Sabay bangon ng lola nyo mula sa pagkakahiga.

"Bani..."

"Che!"

"Huy sorry na oh..." Sabi nung oso sabay back hug dun sa lola nyo preventing the rabbit from going anywhere.

"Alam mo bang nakaka-ubos ng energy ang magselos Seulgi?"

Ayan na nag-start ng tumeleserye ang lola nyo. "Minsan gusto kong sabihin sa iyo na magsungit ka naman paminsan minsan para naman mabawas bawasan yung mga fangirls mo. At tsaka sana makalimutan mong maligo ng isang linggo. Tingnan ko lang kung hindi ka layuan ng mga fanboys mo."

"Pero Bani I'm not doing anything naman."

"I know you're not. Kaya lang syempre I can't stop myself from thinking that way. Pasensya ka nag-jowa ka nang ubod ng selosa."

"Pero alam mo... ang cute mo pagnagseselos." Sabi ni Seulgi sabay kiss sa batok ng lola nyo.

"Nek nek mo!"

"Gusto mo ng kiss sa neck? Okay."

And inatake na nung oso yung leeg ni Joohyun.

"Ahihihi wag dyan Bebiber may kiliti ako dyan... ahihihi..."

Ay naku! Sawayin nyo nga yung lola nyo... ang landi nampota!

Pababa na yung direksyon nung kisses ni Seulgi, pero bago magkalimutan ay may gusto na munang liwanagin ang lola nyo.

"Pero seryoso Bebiber, promise me na you won't talk to your exes na magmula ngayon."

"Okay I promise."

"Talaga?"

"Oo naman. I'll do anything para lang di mag-selos ang Bebibani ko."

"Pwomise?"

"Promise. I'll love you Bani."

Wuchuchu ang paduday ng lola nyo akala mo sixteen. 


"Bebi-- ahhhh Bebiber... ahhh..."

Alam nyo na siguro kung anong ganap no?

Kasalukuyang busy ang lola nyo so *tooooooot...

"Bebiber... ah ahhh ahhh..."

"Bebi--"

Ringggg. Ringggg. Ringggg.

"Bani may tumatawag ata sa iyo."

"Ha ha ha..."

Hiningal pa ang lola nyo wait lang...

"Bani."

"Huh?"

"Baby you have a call." Sabay inabot ni Seulgi yung phone ng lola nyo para i-check kung sino yung tumatawag.

Tyanak calling...

"Bani si Yeri tumatawag."

"I-reject mo na--"

Di ata nadinig nung oso yung sinasabi ni Baechu kasi siniwipe na nya to the right yung fingers nya so yun... say hello to the anak ng kadiliman.

"HELLO ATE!!! ASAN KA NA BA?!!! ANG TYANG KANINA KA PA HINAHANAP!"

Yari ka Baechu.

Say goodbye na to your rejoice-so-smooth-walang-sabit na hair kasi next chapter kakalbuhin ka nang bonggang bonggang ni Tita Cute Cute.
 
Closing anes song: Di ko alam may Japanese version pala ang isang tanong isang sagot ni Ateng Donna :))
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt #wenjoy

Ng dahil sa isang lata ng corned beef ay ipinagkanulo ni Yerimi ang kanyang Ate Joohyun. Isang latang corned beef lang pala ang sisira sa chorva life ni Irenea. But how how de karabaw? 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]