FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 40: Bayang Magiliw

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 40: Bayang Magiliw
"Ganito ba talaga ang tadhana natin?"
From the movie 'Heneral Luna'



"Ano nga ba ulit yung ginagawa natin dito?"

"Naghihintay."

Wow ah... with matching echo pa yung boses nung sumagot.

"Naghihintay? Ng ano?"

"Hinihintay natin ang iyong muling pagkabuhay."

And there's that echo again.

"Muling pagkabuhay?! Anong muling pagkabuhay ang sinasabi mo dyan?! Magdadalawampu't tatlong taong gulang pa lang kaya ako. Papaanong kailangan kong ulit mabuhay? Sandali huwag mong sabihin patay na ako? Ibig sabihin nandito tayo ngayon sa... langit?"

"Oo tama, hinihintay natin na muli kang ipanganak. Kahit ako iniisip ko rin napakabata mo pa para mamatay pero ganun talaga ang buhay. Kung langit ang tawag ninyo sa lugar kung saan napupunta ang mga kaluluwa ng mga yumao, ito na nga siguro iyon."

"Ibig sabihin patay na talaga ako?!"

Hindi na napigilan ni Seulgi ang mapasigaw matapos kumpirmahin ng kanyang spirit guide na kamukha ni Moonbyul ng Mamamoo... na tegi na nga talaga sya for real.

"Bakit ba parang takang taka ka? Sa tingin mo ba matapos yung nangyari sa iyo ay umaasa ka pang mabubuhay?"

"Nangyari sa akin? Ano na nga bang nangyari at nandito ako ngayon?"

"Hindi mo maalala?"

"Hindi."

"Hmm..."

"Hmm?" Pag-uulit ni Seulgi dun sa pag-huhum ng kanyang kausap.

"Hmm..."

"Hmmm? Pwede ba sabihin mo kung ano ang ibig sabihin nung 'hmmm' mo?!"

Hala ka mainit na ang ulo nung babaeng mukhang oso. Well kahit naman ako siguro mag-wawild bear mode kapag nalaman kong, I'm now one of the dearly beloved.

"Hindi na mahalaga Seulgi kung papaano ka namatay. Ang mas importante ngayon ay kung papaano kang ipapanganak muli."

Ayun naman pala, no need to worry kasi the bear is up for reincarn-ekek naman so she'll be back to earth soon.

"Hindi ba pwedeng ibalik mo na lang ako sa dati kong buhay?"

"Hindi pwede yung ganun no... ang nakaraan ay nakaraan na.

"Ay ganun..."

"Alam mo bang espesyal ang kaso mo Seulgi. Nang dahil sa ginawang mong sakripisyo nung ikaw ay nabuhuhay pa, binigyan ka ng pagkakataon na mamili kung anong uri ng buhay ang gusto mong danasin kapag ikaw ay muling bumalik sa daigdig. Gantimpala kumbaga sa kabutihang nagawa mo noon."

"Ows hindi nga?"

"Seryoso."

"Talaga?!" Hala na-excite yung oso. "Ibig sabihin ba nun pwede kong hilingin na sana yung mga magiging magulang ko ay sina inay at itay pa rin? Pwede ko rin bang hilingin na sana ipanganak ako sa isang kilala at mayaman na angkan? At saka gusto ko rin yung magiging asawa ko, kung maari ay mabait, guwapo at matipuno?"

"Hmmm... pwede kung ipakiusap sa itaas na yung mga mga magulang mo sa susunod na buhay ay sina inay at itay mo pa rin. Pwede ko ring hilingin na ipanganak ka sa isang mayaman at makapangyarihan na angkan. Pero yung tungkol sa asawang matipuno... ate di ubra..."

"Hala? Bakit naman di pwede? Ibig sabihin ba nun tatandang dalaga ako sa susunod kong buhay?"

Nalungkot yung oso nung mapagtanto niya na old maid pala ang ending nya sa kanyang next life.

"Wala ka talagang matandaan Seulgi?"

"Huh? Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi uubra yung pakulo mong asawang matipuno, guwapo at ano pa man. Kasi bago ka pa namatay ay may hiniling ka nang iba."

"Ha?! Ako?!"

"Hay naku..." bumuntong hininga na muna yung spirit guide nung oso bago ito nagsimulang mag-explain.

"Ganito kasi ang nangyari..."

https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/wag-mo-akong-ma-terry-terry-chapter.html

Mabalik tayo sa panahon ng hapon.

I'm not kidding we are really going back sa panahon ng mga sakang, Harakiri, Micky Mouse Money at ng mga Makapili.

Now you may all be wondering kung papaano mag-susurvive sa ganito klaseng surrounding ang ating sweet and lovable Bebiber.

Well believe or not, part ng HUKBALHAP (Hukbong Bayan Laban sa mga Sakang este Hapon) yung oso that time. She is one of the spies ng kilusan sa outside world. Parang
Matahari lang ang peg pero less sexier and less coniving na version.

At eto nga may spaycial mission ang ateng nyo.

Hindi naman mahirap yung misyon nung oso, all she needs to do is to
deliver a letter to another kilusan commander, that's all.

Pero Seulgi being Seulgi. Naisip ni inday na since sa gabi sya maglalakbay nag-woworry sya na baka antukin yung kabayo niya kaya naman naisipan nung oso na painumin ito ng isang timbang kapeng barako... so after an hour or so into her journey yung kanyang horsey-horsey ay tzugi-tzugi na.

So no choice yung
shushunga-shungang oso kundi maglakad.

Kung kailan pa sya makakarating sa kanyang patutunguhan no one knows.

Pero somehow her little misfortune worked for her kasi wala syang kamalay-malay ma-memeet pala niya ang kanyang Destiny along the way.

Que in the background music...


Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo... 

Meet Irenea Mercado Realonda y Pianono biyuda de Pan de Coco.

Nagmula sa de buena familia, na di na binuenas after nung dumating ang mga hapon.

Ang dating haciendera, ngayon ay nanganganib na
masadlak sa buhay ng isang comfort women.
Ang lola nyo naman kasi, gabing gabi na ay nasa labas pa rin. Ayun tuloy, na-sight (nakita) at na-corner nung mga nagpapatrol na de-bayonetang mga sakang.

"MomoSan, kami wo kaki ageru aizu kara subute ga haimaru no..."

Sabi nung isang sundalong hapon sa kanyang kasama.

"Anong sabi mo?!"

Hyper ang lola nyo, syempre di nakakaintindi ng
Nihongo.

"SanaSan, ginga mo tobi koete kimi to nara rekishi wo kaerare sou..."

Sagot naman nung MomoSan.

"Punyeta! Anong mga pinagsasabi nitong mga sakang na to!"

"Hai punyeta?" Clueless na tanong nung isang hapon.

"Oo hai! Punyeta you! You! Animal! Punyeta!"

"Arimal?" Tanong ni SanaSan.

"Oo mga animal! Anong gagawin nyo sa akin?! Mga hayup! Saklolo! Tulong! Tulong!!!"

Nagsisisigaw na si Irenea.


Puri ang nakataya no, so talagang manlalaban si bakla.

Mukha namang dininig ng langit ang panalangin ni Irenea kasi out of nowhere ay sumulpot ang isang dalagang mukhang oso.

"Bitiwan nyo sya!" Sigaw ni Seulgi.

"Hai!" Sagot nung isa sa mga attackers ng lola nyo.

"Huh? Anong daw?!" Tanong nung dalagang oso. Wala sya sa Q and A portion ng Miss Universe so di sya pwedeng umechos ng "uhmmm can I have an interpreter please?"

"Kundi ka ba naman
tonta! Mga Hapon 'tong mga hinayupak na ito. Di nakakaintindi ng tagalog!"

Pagsusungit ni Irenea sa kanyang supposedly
bear in shining fur.

"Ay oo nga pala. Ano ba sa Nihongo ang pakawalan nyo sya?!"

"Aba'y malay ko!" Naiinis na talaga si Irenea, di nya alam kung ililigtas ba sya talaga nitong babaeng mukhang oso na ito o baka ang mangyayari sa huli  ay
pagtitig-isahan pa sila nung mga manyak na hapon.

"Ay naku! Bahala na nga! You sumosan! Come here... do do do-mo arigato!"

Matapang na hinamon ni Seulgi yung mga hapon.

At ang weapon of choice nung oso...
frying pan.

Pasensya naman di sya nakapaghanda. Malay ba naman niyang mapapasabak sya sa labanan eh ang misyon lang naman niya ay mag-deliver ng sulat. Yung kawaling pamprito dinala nya so that she will be able to cook something kapag nagutom sya along the way.

Pero luck must be really on the oso's side kasi nagawa niyang i-TKO yung dalawang manyakis na sakang, with the help of her ever reliable kawali.

"Salamat." Matipid na sabi ng lola nyo after nung maaksyong rescue operation.

"Walang anuman." Sagot nung oso.


Ba't di pa patulan...

...Ikaw ang hantungan
At bilang kanlungan mo
Ako ang sasagip sa'yo 

And ito na ang simula nung forever's not enough (sabi nga ni Sarah G) nung dalawang lovebirds.

"At dyan nagtatapos ang storya ng pag-iibigan ninyo ni Irenea."

"Ha?! Yun na yun? Eh sa kuwento mo hindi naman ako namatay."

"Hindi, mamamatay ka rin matapos ang isang linggo wag kang mag-alala. Hindi ko na pinaabot dun yung istorya kasi puro lang naman landian at lampungan ang ginawa ninyong dalawa bago yung araw ng iyong... alam mo na 'pamamaalam sa mundo.'"

"Yung bang gantimpalang tinutukoy mo, may kinalaman ba yung huli kong misyon?"

"Yung tinutukoy mo ba ay yung misyon na ibinigay sa iyo ni Kumander Ligaya? (Joy)"

"Oo."

"Ateng ligwak na yung misyon mo sa simula't simula pa lang. Ng dahil sa iyo inatake sa puso yung kabayo mo. At dahil dun ay nagulo yung plinaplano sanang pagatake ng mga kasamahan mo."

"Eh kung hindi iyon, ano yung tinutukoy mong kabutihang ginawa ko nung nabubuhay pa ako?"

"Ah yun, ganito kasi... yung sulat sana na iaabot mo sa mga kinauukulan ay naglalaman ng mga impormasyon kung saan manggagaling yung mga puwersa ng hapon na aatake sana sa isang bayan malapit sa Bulacan. At dahil huli na nung nakarating yung sulat, ay hindi nakapaghanda ang ating puwersa nung umatake ang mga hapon."

"Kasalanan ko ang nangyari?"

"Oo, medyo. Pero wag kang magalala bumawi ka naman kasi salamat sa tulong mo nagawa ninyong pasabugin yung isa sa mga barracks nung mga sundalong Hapon."

"Talaga?"

"Naman!"

"Anong ginawa ko?"

"Ikaw yung nagtanim ng mga dinamita, ikaw rin yung nagpasabog. Pero sa bagal mong tumakbo ayun... dito ang bagsak mo sa huli."

"Ah yun pala ang nangyari. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ako pwedeng makapag-asawa sa aking susunod na buhay?"

"Hay naku di mo talaga maalala? Pwes ganito yung nangyari..."


"Irenea mahal ko..."

"Sol, kailangan mo ba talagang gawin ito?"

"Oo, kailangan... para sa bayan."

"Sol..."

"Alam mo ba napakasuwerte ko kasi nakilala kita. Labis mo akong pinaligaya mahal ko."

"Mahal na mahal din kita Sol."

Tanging ngiti na lang ang naiganti ni Seulgi sa kanyang love of her life, her destiny, her everything.

Kung hindi siguro kina MomoSan at SanaSan, yung dalawang manyakis na hapon na muntik muntikanan nang lumapastangan sa puri ng kanyang Irenea ay baka hindi nag-krus ang landas nilang dalawa.

Kung hindi sila nagkakilala edi walang happiest bear in the planet ngayon.

"Mahal ko magtatakip silim na, kailangan ko nang umalis."

"Ipangako mo Sol... ipangako mong babalik ka sa akin."

"Ipinapangako ko. Mahal na mahal kita Irenea. At kung sakali mang mangyari ang bagay na pareho nating ikinatatakot, tandaan mo ito...
ikaw ang aking tadhana at ang pagmamahal ko sa iyo ay walang hanggan. Kung kinakailangan kong makiusap... magsumamo sa Panginoon upang ibalik niya ako sa piling mo gagawin ko."

Ba't di salubongin Ang puso ko at kunin

Ang diwang malaya Wag na wag mag-pabaya pa
Ikaw ang pag-ibig Pakinggan ang himig ko
Wala na sanang lalayo Mundong ito ay hihinto 
.
.
.
.
.
.


 "Sol..."

"Seul?"

"Seulgi!"

"Hoy Kang Seulgi!"

Biglang napabalikwas nang gising yung oso...

"Irenea?"

"Anong Irenea ka dyan?!"

As usual hyper na naman ang lola nyo.

"Uhmmm, I mean Bani?"

"Oh ngayong gising ka na pwede mo na sigurong ituloy yung chinichika mo kanikanina lang... sino nga ulit yung sinasabi mong EX mo? Ayus-ayusin mo ang pagsagot  Kang Seulgi kung ayaw mong ma-knock out ulit ng frying pan!"

Banta ng lola nyo dun sa kawawang oso.

As of the moment ang daming tanong ang tumatakbo sa utak ni Seulgi... pero ang pinaka-importantatious of all siguro ay kung...

"...saan nagmula yung kawali?"
 
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Isang buong kabanata kung saan "Bida ang Sakit." Sakit bunga ng pag-ibig, kashungahan, ng pag-ibig, ng kashungahan, ng pag-ibig and again kashungahan. Ito ang chapter kung saan napapakanta na lang si Krystal ng, "Dito tayo, hindi tayo... Sa Jollibee bida ang sa...kit."
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]  
 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]