FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 38: The Beauty, the Beast & the Alien

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 38: The Beauty, the Beast & the Alien
"Ano bang mas madaling kalaban, yung p*tang mahirap o yung p*tang mayaman?"
Christine Reyes in 'No Other Woman (2011)' 


Mga pangyayari nung nakaraan na chapter 36.

Remember the Ateng Adele night special? Na siningitan ng lola ninyo ng "I Should Be So Lucky... my shupah lookie lookie lookie."

Yup, that night.

Kaarawan ni BFF Wendy.

Invited sa pa-piging ang granny ninyo, si Bebiber, Joyie, yung tyanak at si Tita Cute Cute. And of course mawawala ba naman sa anik si Rosa Mistika (Rose).

Included din sa guest list sina Tzuyu, Momo, Sana at sa di maipaliwanag na kadahilanan (its all because of Momoring) nag-appearance din yung isa pang ex ni Seulgi na si Mijoo.

At may pa-spaycial song number si ateng... Rolling in the Deep.

With the oso's two exes present and with Bebibani in the mix kung ako kay Bebiber mag-roroll na lang talaga ako sa deep, kaysa hintayin ko pang magwala yung jowa kong kuneho na ngumangasab ng PVC pipe kapag galit.

At para di na mahirapan ang SOCO sa kanilang imbestigasyon if ever you know... tamaan ng topak ang lola nyo, ibibigay ko na yung current blocking nung mga characters para mas madaling ma-identify yung mga bodies... let's start with Baechu.

Imagine your granny as the center of the universe... moving around her are the planets. Charot!

Syempre mawawala ba naman sa tabi ng lola nyo si Bebiber. Sumunod kay Seulgi ay si BFF Wendy, Rose at Chewy.

Sa to the left-to the left naman ng lola nyo nakaupo yung Tyanak, si Chicken Joy at yung other supporting characters.

How about Tita Cute Cute? Ayun nagsosolo si tyang sa sulok at kasalukuyang ini-istraw yung kanyang ikalimang bote ng Tanduay Ice.

Bago pa man mag-start yung party-party ay mahigpit na binilinan ni Baechu si Bebiber na wag... na wag... na wag... makikipagusap or titingin kay Chewy.

Sumunod naman si Seulgi. Halos magka-stiff neck na nga yung oso kasi di nito inaalis ang pagkakabaling ng mukha niya kay Bebibani kasi mahirap na no afraid... of the dark.

Ang kaso mo eto ka... biglang nawala sa isip ni Seulgi ang kanyang sinumpaang tungkulin nung umestage na yung kanyang ex chenes.

Mijoo is looking straight at Seulgi.

Yung oso naman is also staring back at Mijoo.

Kitangkita ng lola Baechu nyo yung eye to eye moment ni Bebiber at nung unknown na babae, kaya naman naka on-alert yung lola nyo at kasalukuyang ni-lalazer eyes yung oso.

At dahil malakas ang radar ni Yeri like her ate, may gut feeling ang tyanak na sugo ni dakilang Badjula yung babaeng kumakanta. Mataman nitong tiningnan si ateng rolling in the deep.

Si Chicken Joy naman na katabi ni Yerimi ay abangers sa kung anong eksena ang magaganap between the exes and the why nang kanyang pinsan. She knew Mijoo were trouble when she walked in.

Tulad nung manok na-sense din agad ni BFF Wendy yung seriousness nung situation kasi she is one of the few people na nakakaalam na mag-jowa dati sina Seulgi at Mijoo, pero ngayon...

baby now they got bad blood,
you know it used to be mad love,
so take a look at what they have done,
coz baby now they got bad blood, hey!


Things might go cray cray tonight, kaya naman naturally titingin si BFF Wendy sa tao sa room na pinaka-concern sya...

Sa lola Baechu ninyo kanino pa ba.

Sinundan naman ng tingin ni Rose kung sino yung sina-sight nung hamster at hindi na sya nagulat nung nalaman nya na sa kuneho nakatingin si babe.

Naki-join na rin sa staring contest si Tzuyu.

Halos lahat nakikiramdam sa kung anong susunod na mangyayari, except for one... si Momo, ang tigapaghatid ng delubyo sa buhay ni Kang Seulgi.

Wai-care si bakla sa mga eme eme sa kanyang surrounding area. Mas focused yung Haponesa sa chibug sa kanyang harapan. Kung alam lang niya na siya ang dahilan kung bakit parang pusang di maihi ngayon ang itsura ni Seulgi.

Tonight is going to be a battle between the beauty (Baechu)... the beast (Mijoo)... and the alien (Chewy). 
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html
🐰 From the kingdom Animalia!

Phylum Chordata, subphylum Vertebrata.

Class Mammalia, order Lagomorpha, family Leporidae.

(kung di mo ma-gets... alam na this, ligwak ka sa Bio no?)

She loves hopping around in the damuhan and playing with eggs... easter eggs.

Her diet consists of carrots, cabbage and Seulgi's abs.

Her hobbies includes doing Bebiber... este the laundry, ironing and cleaning.

Ang nag-iisang Bebibani sa buhay ni Bebiber.

Ang kasalukuyan, ang hinaharap at ang magpakailanman nung oso.

Ang pinakamagandang kuneho sa balat ng bunny world... Bae Joohyun!

Nananampalataya ang lola nyo sa kasabihang, "aanhin pa ang gabi kung walang katabi, aanhin ang katabi kung wala namang mangyayari, I thank you!"

*Hair flip, hip sway, exit. 

🛸 Nagmula naman sa far far away universe kung saan nag-originate sina Shaider, Stitch, Vegeta, Kalel at Yoda.

Ang babaeng kapag nakita mo mapapakanta ka na lang ng...

Signal bonae signal bonae (Sending you a sign, sending you a signal)
Jjirit jjirit jjirit jjirit (Buzz buzz buzz buzz)
Nan neoreul wonhae nan neoreul wonhae (I want you, I want you)
Wae baneungi eoptni (Why is there no reaction)


She who came from the stars.

Ang alien na unang nakatikim sa mga labi ni Bebiber kaya naman imbiyernang imbiyernang ang lola Baechu ninyo.

She was the bear's first love, first kiss, first heart break, first everything. (well except dun sa alam nyo na *wink)

Ang babaeng nagmula sa kalawakan...

Cutest!

Girl in...

in the galaxy, galaxy... Chou Tzuyu!

Naniniwala yung alien na "green is the new black".

Ang linya nya kapag may umaaway sa kanya ay, "Please bitch, to the hand you talk. Because listening I am not."

*Sabay wasiwas ng light saber. 

Bakit maliit yung pic nung kay Tzuyu? Syempre tinik sya sa lalamunan ni Baechu bakit ko pa palalakihin exposure nya? Charot!

And last but definitely not the beast este the least... ang babaeng maraming ipinaglalaban sa buhay.

Makabayan, makatao, makakalikasan, maka...bebe Pampanga! (korni last na pwomise hehe)

The girl who rallied her way to Seulgi's heart... Lee Mijoo!

Naniniwala si ateng sa kasabihang, "ang taong di marunong lumingon sa pinanggalingan ay... magiging malansang isda."

Ten tenen ten ten tenten... score 97... Awesome!

Natapos na finally yung song number ni ateng rolling in the deep.

Is this the beginning of the end for the oso?

Pagkalapag ng mic ay nagstart nang maglakad si ateng rolling in the deep.

Unang lumapit si Mijoo sa birthday girl.

Nikakabahan yung oso kasi remember katabi lang niya si BFF and any moment pwedeng sumegway si Mijoo sa kanya and when that happens... rak en roll na.

Pero nakahinga naman ng kaunti si Seulgi nung magpalitan ng simpleng "happy birthday" "oh thank you" si BFF and si ex chenes.

The exchange was super civil, its as if Mijoo met Wendy for the first time that night... so sa isip-isip nung oso she will just have to be nice and umakto na di niya kilala si Mijoo and everything will be okay.

Between pretending and telling Bebibani about her other ex, mas gugustuhin na muna ni Seulgi ang mag-pretend. Hindi nya pa kasi alam kung papano niya isasalaysay kay Joohyun yung tungkol sa nakaraan nilang dalawa ni Mijoo, kung ano na yung bago nilang set-up ngayon at yung binitiwang statement ng kanyang ex chenes na "I'm here to get you back."

Iniisip pa lang ni Seulgi kung papaano niya sasabihin kay Bebibani ang mga iyon, sumasakit na yung brain niya. Basta ang main goal nung oso ay mairaos ang kanilang introductions nang walang tumitimbuang isa man sa mga party people.

"Sya nga pala Mijoo, this is Rose." Pakilala ni Wendy sa kanyang jowajowaan.

"Nice to meet you Rose."

Abot ng kamay, shake hands, next...

"And this is my bestfriend Seulgi."

Inihahanda na nung oso ang kanyang "dati-kitang-jowa-but-for-the-sake-of-world-peace-i'll-pretend-i-don't-know-you" type of acting.

Nai-ready na rin nya yung kanyang opening spiel. All she needs to do is deliver the line, oh di ba super easy. Ang kaso mo naunahan sya ni ex chenes...

"Of course I know Seulgi."

"Wait pano mo nakilala si Bebi-- si Seulgi?" Singit ng lola nyo sa convo.

Akala nyo wala na sa eksena ang granny nyo no?

Well she is still very much in the scene and she is dying to know kung papaano, saan at kailan nagkakilala si Seulgi at yung babaeng nagngangalang Mijoo.

Nagsimula nang pagpawisan ng malamig yung oso. Sina BFF at si Chicken Joy naman were both holding their breaths.

"Ah eh syempre kilala ko si Seulgi... how could I not when she happens to be my..."

Nagsimula nang i-recite nung oso ang "Mi Ultimo Adios" sa kanyang utak. Sinumulan nang mamaalam ni Bebiber kasi any moment from now ay ipa-firing squad na sya.

Na-activate yung bunny ears ng lola nyo. Hinihintay ni Baechu yung susunod na sasabihin ni Mijoo.

"...she happens to be my BOSS."

"Boss?!" Sabay sabay na react nung mga party animals.

"Boss? How?" Follow up question ng lola nyo.

"Well technically she is my boss. I don't work directly UNDER HER... NOT YET. Because right now I report to Mr.Kang, the owner of the company and Seulgi's dad. Pero in the future kapag pinasa na ni Mr.Kang ang pagpapatakbo ng company kay Seulgi then thats the time she is OFFICIALLY my boss."

Teka bakit parang may pa-double meaning itong si ate nung inemphasize niya yung "under her" "not yet" at "officially"?

Ay naku umayos ayos sya kung ayaw niyang ma-ray gun sya ni Baechu. 

"Ah ganun ba... okay." Tatango-tangong sagot ng lola nyo habang yung oso sa tabi niya ay tahimik. Di na nadugtungang yung... Adios, Patria adorada, region del sol querida... kasi nag-shift yung oso from pamamaalam to pananalangin na sana kainin na ng lupa yung ex chenes niya.

"Im sorry. I don't think we have been introduced, I'm Mijoo. Whats your name?"

Eto na yung moment na gusto sanang iwasan ni Seulgi hanggat maari.

Dati pinaliguan siya ng coke at popcorn ni Bebibani nung one time na inakala nito na ex nya yung nameet nito sa Araneta (chapter 11).

That was a false alarm and yet umuwi yung oso na nanglalagkit. Eh pano pa kaya ngayon?

One, totoong ex niya si Mijoo, and two mag-fliflip ng bongga ang lola nyo for sure kapag nalaman nito na gusto ni ex chenes na magkabalikan sila ni Seulgi. Baka instead of coke ay gas na ang ibuhos sa kanya ni Irenea tapos sabay silaban siya.

"Irene." Matipid na sagot ng lola nyo.

"Hi Irene. Alam mo may nakapagsabi na ba sa iyong maganda ka?"

"Naku hindi naman masyado." Pa-humble kemeroo ng lola nyo, pero deep inside... matagal ko ng alam bakla ka.

"Alam mo I have a friend na single. He's gwapo and mayaman bagay kayo nun."

Biglang nag-iba yung mood nung oso, she is wondering kung ano ang gustong palabasin nitong ex chenes niya.

"Ah eh sorry but I'm already dating someone na."

"Talaga. Sayang naman. Sa ganda mong yang im sure you deserve someone BETTER."

"Im happy with he-- him." Keme ng lola nyo, muntikan pang madulas si bakla buti na lang nakapagpigil sya. She is being careful lang naman, lalo na labas sa circle of friends nila si Mijoo.

"Ganun pero if ever--"

May sasabihin pa sana si Mijoo pero buti na lang nag-to the rescue si BFF Wendy.

Di nya alam kung ano bang end game nitong hitad na ex ng BFF niyang oso, pero malakas ang feeling nung hamster na may balak talagang itong ibugaw si Irene dun sa friend niyang single.

Wendy will never allow it, pano na lang siya este yung friend niyang si Seulgi. No no no cannot be.

"Ah Mijoo nakapag-dessert ka na ba? Halika sa kitchen may itinabi akong slices ng black forest. You should try it, super sarap nun." Sabay hatak kay Mijoo sa kitchen.

Salamat na lang kay BFF nagkaroon ng opportunity si Seulgi na mailayo si Joohyun from Mijoo. At para masiguradong di na muling magkakapagusap yung dalawa, she need to get Bebibani out of that place as soon as possible.

🐻     🐻     🐻

Attempt no. 1

"Bani gusto mo na bang umuwi?"

"Ha... ah eh pero pano ang tyang?"

Napatingin si Seulgi kay tita cute cute na kasalukuyang bumibirit sa tabi ng videoke machine. One thing she have learned about tyang ay never na never mong i-iinterrupt ito kapag kumakanta, lalong lalo na kapag nakainom kung ayaw mong maboljak ng mic.

🐻     🐻     🐻
 
Attempt no. 2

"Bani nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain dun sa restaurant na dati nating kinainan, yung may masarap na mami? Mukhang bukas pa sila, pwede nating i-take out yung order natin and eat it somewhere else. "

"Alam mo naman di tayo pwedeng lumayo Bebiber, baka hanapin tayo ng tyang. Tsaka gutom ka ba? Gusto mo ikuha kita ng pagkain sa kitchen?"

Patay kang oso ka!

"Ah no no no Bani Im fine." 

🐻     🐻     🐻
 
Attempt no. 3

Wala na talagang maisip na paraan si Seulgi para makumbinsi si Joohyun na sumama sa kanyang umalis sa party-party.

Meron syang naiisip pero... this is the first time she will do this so hindi niya alam kung papano niya sasabihin kay Joohyun yung binabalak niya.

Pero dahil of outmost importance na mapaglayo yung jowa niya at si ex chenes she will try... bahala na si Wonder Woman kung mag-wowork.

"Bani... do you maybe... uhmm... gusto mo bang..."

"Ano yun Seulgi, may gusto ka bang sabihin?"

"Uhmm... I just want to ask kung..."

"Anong kung?"

Medyo nag-lean in pa yung oso dun sa tenga nung kuneho para mas madinig nito yung sasabihin niya.

"Kung maybe... you would like to get out of here and go somewhere quiet... yung tayo lang."

Napatitig ang lola nyo kay Bebiber.

Tama ba yung nadinig niya... her Bebiber... her innocent, pure, cute little bear... nag-aaya ng ganap?

"Talaga?" Pag-coconfirm ng lola nyo.

Tumango-tango yung oso.

"Seryoso Bebiber?"

"Ayaw mo ba?"

"Di ah! May sinabi ba akong ayaw ko?!"

Hala yung lola nyo... di naman masyadong halata na kulang na kulang sa CHOR to the V to the VA si bakla.

"Ano Bani let's go?"

Pero teka wit papano na yung kasumpasumpang pangako ng lola nyo sa harap ng picture frame ni Mama Boa at Tyang?

"Wait pano ang tyang?"

"Uhmm..."

Ayan, mukhang nagdadalawang isip na tuloy yung oso.

Kapag nagkataon mapapakanta ng di oras si Baechu ng...

Urong sulong ka bakit ka ganyan
Urong sulong kaaaa


Ang granny nyo naman kasi ang dami pang kyeme gustong gusto naman.

"So we can't Bani?"

"Of course we can! Bahala na si Yeri at yung jowa niyang manok kay tyang. Tara na Bebiber." Tumayo na ang lola nyo sabay hila kay Seulgi.

Nabuhayan ng dugo si Baechu kasi naman kasi, ilang linggo na rin kayang tigang ang lupa.

The chorva odds has not been in her favor lately.

Bukod sa bantay sarado siya ni tyang, madalas ding busy ni Seulgi kaya naman hanggang kain sa labas and chika chika na lang ang nangyayari sa mga dates nila.

But tonight tila bumabawi ang tadhana sa lola nyo kasi this time mismong si Bebiber na ang nag-vovolunteer as tribute.

Kaw ba naman tatanggi pa kung isang tulad ni Seulgi ang mag-aya sa iyo ng ganap?

Kapag ganyan, gora na agad waley ng tanong tanong. Buka mo na agad yung...

...puso mo and let love in charot!


Pero umariba na naman ata yung balat sa wetpu ng lola nyo.

Kasi naman right by the door may isang green alien na nakatayo.

"Seulgi can we talk?"


Ayan na!

Nagsimula nang magdilim ang paningin ng lola nyo.

Asan na nga ba si Kuya Gus Abelgas?
 
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
 
May showdown si Bebibani at yung kalahi ni Shanchay (Meteor Garden) na Ex ni Bebiber. Saksihan kung papaano mag-transform si Irenea from a super kuneho sa banga.
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME] 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]