FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 66: Sakura Sakura

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 66: Sakura Sakura

 “Ako si Sailor Moon! Tagapagtanggol ng pag-ibig at katarungan. Sa ngalan ng kapangyarihan ng buwan, parurusahan kita!” 
Sailormoon Catchphrase




First day in Japan Japan Sagot sa kahirapan. Ano kayang itinerary nina ateng Baechu at Jennie?

Ohori Park.

Anong meron sa Ohori Park? Malay ko di naman ako tagadun. Charot!

Picnic picnic daw under the trees sabi ni Beshie Jennie. So gumora nga ang mga bakla sa parke.

So imagine yung mga sakura trees naka in full bloom tapos underneath pipicture ka. Pak! Pang koreanovela ang setting!

“Girl try naman natin yung Havana Havana pose.”

*Havana Havana Pose – Pose na favorite gawin ng lola Baechu nyo. Ito yung pose na may pa-shoulder’s si mayora, tapos medyo naka-lean back ng konti and then yung mukha di naka-tingin sa camera lam nyo na yung parang may nililingon sa baba na parang na stiff neck na ewan ganun.


“Perfect! Isa pa Irene! Konting taas ng tingin… yan ganyan! Beautiful! One more!”

One more pa daw, so si ateng nyo nag-start nang mag-change ng anggulo para sa kanyang next shot pero meron syang napansin. Parang may nahagip sya na figure ng tao na nakatago sa puno.

“Ready! One two three… click* Nice!”

Natapos ang picture taking, moving on naman dun sa itsurang Takeshi Castle na anik.

Sunod naman si Baechu kay New Found Beshie Jennie. Pero may biglang na-feel si Baechu, of course nag-enenjoy syang maglibot pero kasi may feeling sya na parang may nakasunod sa kanila. Lam nyo yun? Parang may chenes na nakabantay sa kanila pero di nya malaman kung ano or sino. Ewan basta tuloy tuloy lang sa pasyal si Baechu.
 
https://c.lazada.com.ph/t/c.bDVt?url=https%3A%2F%2Fwww.lazada.com.ph%2Fproducts%2Fizone-izone-shirt-kpop-shirt-sakura-miyawaki-sakura-miyawaki-jersey-shirt-premium-thick-tshirt-shirtcircuit-i336664477-s747450480.html&

All throughout their vacation sa Japan ganun lang naman ang naging routine nila Jennie at Irene. Arrive sa tourist spot, picture picture, ikot ikot, tikim tikim ng delicacies tapos move on to the next stop on their list.

Di ko na iisa-isahin ang mga pinuntahan nila lola nyo kasi wala masyadong istorya dun. Kuwento ko na lang yung last night ni Baechu sa Fukuoka.

Kasi itong si ateng ninyo biglang naisipang mag “me” time sa last hours nila sa Fukuoka kaya ang kuneho nagbidabida na maglilibot daw mag-isa. Edi sige pinagbigyan ni Jennie. Kanya kanya na daw muna. Magkita na lang daw sila sa hotel later. So yun na nga ang ginawa nila.

Pero sabi nga nila kung anong iginanda, syang ikinagaga.

Ang lola nyo so bright bright talaga, kasi sukat ba namang iwan ang wallet at keycard ng hotel nila. Masyado kasing excited mag-picture ni tanga kaya yun camera bag lang ang nabitbit nya.

So itong si lola nyo lagot, nasa counter ng 7-eleven. Kahit anong kapang gawin nya eh wala syang mailalabas na datung pambayad dun sa mga binili nya. Kasi nga si wallet nandun sa hotel.

Nung mukhang malapit lapit nang ipadampot ng cashier sa lespu yung lola nyo ay biglang may nag-appear na knight is shining shimmering splendid.

“Ikuradesu ka?” Tanong nito sa cashier sabay labas ng credit card.

Huwaw may nagbayad sa mga pinamili ng lola nyo and it’s none other than  “Unnie-jinjja-nice-body”!

Kahit may pagka psycho-psycho si Ateng JJ eh in fairness to her sinagip nya si Baechu from tiyak na kalaboso.


“Uhmmm… thank you for paying for this. Arigato.” Sabay itinaas pa ni Baechu yung mga ‘pinamili’ niya from 7-eleven.

Linchak na yan! Ng dahil sa banana flavored milk, isang pack ng dried seaweed snacks and magazine muntikan nang mapa-deport ang lola nyo!

“Hai, hai.”

Eto na naman po tayo, goodluck naman kung magkakaintindihan ‘tong dalawa.

“Okay, okay…” Wala kang masabi ateng no? Come on Lola Baechu I’m sure naman na meron kang natatagong konting Nihonggo somewhere dyan sa baul mo. Labas mo na ateng.

Bubulong bulong ang lola nyo, mukhang may naaalala na Japanese phrase si bakla…

🎶 Mecha mecha, kurushii kobe date fui ni naze ka…

What Baechu? Mecha mecha? Di ba theme song ng Ghostfighter yun?

🎶 Tatoe arashi ga hukuo tomo, Tatoe oonami areru tomo. Kogidasau…

Nyeta! Last mo na Baechu kundi ma-VoVolt In ka na nang di oras!

🎶 Mijika ni Arumono… 


Sinabi nang last mo na eh!

🎶 Gomen na sunao janakute. Yume no Naka nara iero…

Tangina Baechu? Sailormoon naman binabanatan mo. Are you for real?

Hay naku wag mo ngang i-attempt na mag-Japanese ateng. Manahimik ka na lang please. Kasi kapag di ako makapagpigil baka maparusahan kita sa ngalan ng DILAW NA BUWAN este ng buwan.

Si Ateng JJ, ngingiti ngiti lang. Di ko na siguro kailangan pang ielaborate at nafigure out na rin naman na ni Baechu na si Ateng JJ yung na-fefeel nyang sumusunod sa kanila magmula nung isang araw pa. Kahit na stalker si Ateng di naman natatakot si Joohyun kasi kung di dahil sa pangi-istalk nito eh naghihimas na sya ng rehas ngayon. So pasalamat pa rin sya dito.

“Uhmm… you want.” Iniaalok ni Baechu yung kanyang Banana Milk kay Ateng JJ.


Si ate Japan Japan biglang nanlaki ang mga mata.

Grabe naman parang banana milk lang kung makareact si ate kala mo naman nanalo ng 5k sa Go Banana. Pero wait lang, isang straw lang yung available at nainuman na rin ni Baechu yun kanina so that means… SHEEE*T!!!

Wala na. Huli na. Nakainom na agad si Ateng JJ.

Punyeta! Ikaw na ateng. Anong masasabi mo sa lasa ng laway ni Lola… BAECHU!!! NO!!!
 

Wala na huli na! Si Tangang Joohyuna after ibalik ni Ateng JJ yung bote ng Banana Milk eh nakuha pang simutin ito before itinapon.

So technically nagpalitan ng laway tong dalawang meow meow so ano na sunod? Check in sa motel? Charot!

“You hungry?”

“Huh?”

“I know a place. Delicious ramen. Come come, I’ll show.”

Hay marunong naman pa lang mag-English si Ateng JJ at inaaya pa nyang kumain ng ramen ang lola nyo. Baechu ramen daw kayo sabi ni ate, ano sagot mo?

“Okay.”

🌸          🌸          🌸

“Hmmm… oishi!” Ligayang-ligaya si Joohyun dun sa ramen. In fair totoo yung sinasabi ni Ateng JJ, masarap nga talaga yung ramen dun sa pinagdalhan nya kay Baechu.

“Hai. hai.”

Wait nga nung nakaraang chapter pa ako Ateng JJ nang Ateng JJ, eh ano nga ba talaga name ni Ateng?

“By the way, what’s your name?”

“Huh?”

“Name? Uhmm, my name is Irene…” tinuro pa ni Baechu yung sarili nya para makatulong sa pageexplain, sabay lipat ng turo kay Ateng JJ. “And your name is…”

“Ah name!”

“Yes yes, what’s your name?”

“Ah, name uhmm…”



🌸          🌸          🌸
“Seulgi!”

“Wen… ugh!”

Hindi na natapos ni Seulgi yung greetings nya sa kanyang beshie. Pano ba naman kasi ‘tong si BFF kung maka-hug tinalo pa yung asawa ng bagong layang preso. Sa higpit, yung oso nagkakaroon na nang difficulty in breathing.

“We-wendy di-di ako maka-kahinga…”

“Ay sorry naman.”

 “It’s okay Wanda. Kamusta ka na?”

“I’m so good! Ikaw kamusta ka na? God I’ve missed you. Kamusta na sina Tito at Tita? San na kayo n’yan nakatira?”

Tanong ni Wendy sa kanyang kaibigang oso habang hinihila niya ito papunta dun sa may corner part ng kanyang ca’fe para maupo.

“Uhmm I missed you too. Mabuti naman sila, si daddy ayun umookay na kahit papano. May inuupahan kaming apartment okay naman yung place. Medyo may kamahalan yung rent pero okay na rin kasi malapit lang naman sa office. So I can swing by the house in case na kailangan nila ako.”

“I see I see. And talaga bang kina Ate Seohyun ka na nag-wowork?”

“Oo. Okay na kami ng ate. She offered me a position in her company. And yung ibang medical bills ng dad sya na ang nag-shoshoulder.”

“Mabait din naman pala yang sisterette from another mother mo no?”

“To be honest di ko rin ini-expect that she will be that… you know? Understanding of our situation. Pero siguro dala na rin ng sobrang awa nya kay dad kaya ayun she helped us. Kahit na ano pa motibo nya I’m just thankful to her.”

“Yun nga eh. Buti na lang din talaga naisipan mong lumapit sa kanya.”

“Out of desperation. Wala na akong maisip na taong pwedeng lapitan kaya kinapalan ko na yung mukha ko.”

“Uhmm… ganun pala. Uhmm… speaking of desperation. Di ko na pala nasabi sa iyo na si  Joohyun…”

“Oh ano nangyari kay Joohyun?”

“Uhmm… wala naman she just came here dati, hinahanap ka…”

“Oh tapos anong nangyari? Anong sinabi mo sa kanya?”

Anong nangyari? Ayun nagwala lang naman yung jowa mong may pagka-halimaw sa banga. Itinaob lang naman nya yung mga lamesa at silya dito sa cafe just to make sure na di ka nagtatago sa ilalim. And muntik na nyang ihagis sa mukha ko yung espresso machine after kong sabihin na di ko alam kung nasaan ka.

Yun! Yun sana ang gustong isagot ni Beshiecakes Wendy sa tanong ni Seulgi. Pero buti na lang napigilan nya yung sarili nya. Matagal na rin naman na nung nangyari yung pagwawala ni Baechu dun sa cafe so what’s the point nang pagukilkil pa sa nakaraan. Ang mahalaga buhay pa sya till this very moment.

“Ah eh wala naman. Hinahanap ka lang.”

Dramatic music cue!


Drama-drama moment ng oso.

Biglang nawala ang sigla at saya sa mga mata ni Seulgi. Mayamaya pa ay nagunahan na ang mga luha ni Bebiber.

“Uy Seulgi okay ka lang? Huy wag ka nang umiyak, tahan na.”

Nag-kick in agad yung motherly instinct ni Wanda kaya niyakap agad yung kanyang kaibigang oso.

“Wendy she hates me. Joohyun hates me.”

Sa loob loob nung Hamster, No shi*t. May sa the hulk kaya yung jowa mo ngayon mo lang narealize? Of course di ma voice out ni beshie yung kanyang opinion kasi di naman helpful sa situation.

“Uhmm… just give her time. I’m sure kapag na-explain mo sa kanya yung mga nangyari maiintindihan ka nya.”

“Sabi nya, better daw kung wala na ako. Anong ibig sabihin nya dun?” Parang batang nagtatanong yung oso sa kanyang beshie na hamster.

It means kung pwede ka lang ipatumba, ipinatumba ka na niya matagal na. Pero she can’t so better na wag ka na lang magpapakita sa kanya ever. Di ko rin talaga alam paano ako nagka-crush dun sa jowa mo dati, pero buti na lang natauhan ako. Buti na lang narealize ko na may sa-Valentina si Irene kapag galit.

Again di masabi ni Wendy ang mga nasa sa loob nya kaya isang matipid na, “I don’t know Seulgi” lang ang kanyang naisagot.

“Seulgi do you still love her?”

5 seconds
20 seconds
Uhmm… medyo matagal ang sagot ah.
30 seconds. Waley pa rin. Seulgi! Ano na besh? Mahal mo pa ba ang Lola Baechu namin?


"Oo."

Uhmm ano daw? Pakiulit nga kasi medj mahina reception namin.

“Yes? Mahal mo pa rin si Joohyun. So… uhmm ano na balak mo Seulgi?”

“I want to make things right again Wendy. Gusto ko bumawi kay Joohyun.”

“Sure ka na ba talaga dyan sa gagawin mo?”

“Sure na.” Determined na sagot nung oso.

Yun oh!


🌸          🌸          🌸
 
Kala nyo talaga just because Seulgi and Irene is over it doesn’t mean it’s really over, and if I think it over, maybe you'll be comin' over again, and I'll have to get over you all over again (‘king inang kanta ni Katy Perry yun  hayup maka-tongue twister.)

Ah basta! Para kay Seulgi, Never Really Over pa yung lovestory nila ng kanyang Bebibani. At kung kailangan ligawan nya yung Kuneho edi ligawan problema ba yun.

“Okay.” Umaprub sign pa si BFF Wendy.

Isang malaking goodluck Bebiber!

As the author of Wag Mo Akong Ma-Terry Terry. I officially welcome you to witness this once in a lifetime event kung saan si Seulgi naman ang magkakandarapa kay Baechu (haba ng hereret ng lola nyo). Let the nakakalokang game of ligawan commence!


 
🌸          🌸          🌸
 
“Oh ate you’re back!”

“Yes I’m back at wag kang mag-alala wala kang pasalubong sa akin.”

“Nu ba yan ate walang pasalubong? Kahit keychain? Or ref magnet man lang?”

“Para sa mga half Tyanak, half Undin na katulad mo, nope walang pasalubong.”

“Lasma naman talaga sa gedli (malas sa gilid) oh.”

Di na pinansin ni Irene yung hirit  ng kanyang kapatid na prenteng-prenteng nakahilata sa sofa. Pagod sya mula sa biyahe kaya saka na sya makikipagbuwisitan dito. Iniwan na lang nya yung mga maleta nya sa sala saka sya tumuloy sa kanyang kuwarto. At dahil nga pagod pagkapasok ay dirediretsong nahiga ang lola nyo sa kama. Huli na nyang napansin na may foreign object syang katabi sa higaan.

Ano ba naman ‘tong si Yeri? Ang laki laki na nag-teteddy bear pa rin. Sa loob-loob ni Baechu.

At dahil alam ni Joohyuna na yung tyanak lang naman for sure ang nag-mamayari dun sa teddy bear ay walang abog abog na sinipa nya pa-evict ng kama yung fluffy bear.

Blag!

After a few seconds ay nagulantang yung kuneho dahil tila may umiiyak na kung ewan dun sa ibaba ng kama.

Napabangon si ate nyo para silipin kung ano yun. Nagulat na lang si bakla ng biglang kumilos yung inaakala nyang teddy bear.

At dahil medj malakas na yung iyak or ingit nung something eh pati yung Undin napapunta ng kuwarto ng di oras.

At dun na nga nya natunghayan yung kawalanghiyaang ginawa ng kanyang ate.

“Hala! Ate anong ginawa mo kay Chow Fan!!!”

“Chow Fan?”

Taka si ateng nyo. Sino si chow fan?

Nilapitan ni Yeri yung teddy bear at binuhat nya ito. Dun lang napagtanto ni Baechu na di pala teddy bear yung katabi nya kanina kundi isang living and breathing na chow chow!


“It’s okay, baby. You’re okay. Di ka na mahuhurt nung bad na ale I promise.” Pag-aalo ni Yeri dun sa tuta na sinipa ng lola nyo kanina.

“Teka teka teka. San galing yang aso na yan?”

“May nagbigay.”

“Sino?”

“Secret.”

“Sino?!”

“Trust me ate you don’t want to know.”

Toink! 

Yan kasi, ayaw pa kasi sumagot ng maayos yan tuloy na-sampolan ng ate nya.

“Aray naman ate.”

“Sumagot ka nang maayos Yeri kung ayaw mong ingudngud kita next!

“Hay naku! Si Ate Seulgi! Ayan masaya ka na ate? Kay Ate Seulgi galing si Chow Fan, peace offering daw.”

Dun dun dun dun…

Hala hala. Nag-start nang maginit ang kaloob-looban ng ateng nyo. Madinig lang ang pangalan nung kapunyepunyetahang oso ang lola nyo nag-start ng magtransform into some kind of a monster.

“Peace offering? Peace offering?!!!”

“Ulit-ulit ate?”

“Hoy! Tyanak! Na-gaylahan ka lang nung lecheng oso ng etneb nakalimutan mo na yung sakit at hirap na dinanas ko.”

“Di kaya etneb ate.”

“Ano? Takwarents?”

“Higher ate.”

“Siraulo! Hoy ngayon din ibalik mo yang aso na yan sa impiyernong pinagmulan nya. Ibalik mo sya dun sa demonyong oso na  yun!”

At dahil sa lab lab na ni Yeri si chow fan syempre di sya papayag na magkahiwalay sila nung kanyang cute na cute na new puppy. Wala na nga syang jowa, mawawalan pa sya ng pet. No way!
 
Minsan nang lumaban si Undin para sa pagibig. Pero ang shakeet pala kapag narealize mo na lumalaban ka pero yung taong ipinaglaban mo ang mismong bumitaw (Saeron kasi anong ginawa mo dun sa Tyanak). Pero Chow Fan taught Yeri how to love again, kaya naman fight for Chow Fan is what she will do. Ang kaso lang eto ka, gustuhin mang lumaban ni Yeri, alam niyang this is a battle she will never win on her own. Kailangan nang mag-request for back up ng Tyanak or else baka sya yung maging First Blood sa epic battle between Bebibani and Chow Fan.

“Tyang!” Sigaw ni Undin.

“Tyang? Wag mong sabihin pati si Tyang kasabwat din?”

“Si¡” (reverse exclamation point yun mga bakla kasi is.panish yung word.)

Enter frame yung Tondo Version ni Marimar na medj kinulang sa height, sa dibdib, at sa tan. It’s no other than Tyang Taeyeon.

“Mananatili dito sa pamamahay si Chow Fan sa ayaw mo at sa hindi.”

“Pero Tyang…” Hihirit pa sana si Ateng ninyo pero na blangka na sya nung feelingerang si Marimeow.

“Wala ng pero pero! Mi casa, es tu casa. Intiendes¿

Ano daw? Na-lost ako ng bongga sa is.panish ni Tyang. Pero whatevs, mi casa ek ek daw so that means feel at home lang si Chow Fan. In other words wala nang say si Baechu.

Chow Fan, stays and that’s final.

🐶  Chow Fan (aso na oso o oso na aso) : 1 point  
VS
🐰 Bebibani (pinakamagandang kuneho sa balat ng lupa) : bokya

Next chapter kaya makaka wan point na si Baechu against Chow Fan? 
 
 
 
#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet #Asianfanfics

Sino kayang first blood? Ang ma-eenemy double kill? Ang ma-tritriple kill? Ang mag-iinitiate retreat? Ang mag-rerequest for back-up kina Irene, Tyang, Chow Fan?
 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]