FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 68: HALA-Ween Spaycial

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 68: HALA-Ween Spaycial
Charoterang sprikitik, umappear ka vakler. Magpafeel, magpasense, ditey sa baler. Witiz shokoley ang udangchi ditey. Sa fezlaboom mo mars na super kalurkhey!
Seance scene  (Zombadings: Patayin sa Shokot si Remington -2011) 


Wag Mo Akong Ma-Terry Terry – First ever HALA-ween Spaycial 

October 30.

Ilang tulog na lang November 1 na… after ng November, December na at ilang tulog na lang magpa-Pasko na!
 
At dahil malapit nang mag-Pasko eh siguro ito na yung tamang oras para pagayusin natin ang dating mag-beshie na si Joohyun at Joohyun, I mean sina Seohyun at Irene.
Time to put everything behind and move on. We are starting fresh. Ayaw na ng lola nyo ang may kaaway pagdating ng next year kaya ngayon pa lang inaayos na ni ateng nyo yung mga relasyones nya na-strain (well lahat except for one. clue: it involves a bear).

Kaya naman nag-organize ang lola nyo ng out of town. Siguro makakatulong yung fresh air for all the parties involve. And Seohyun was kind enough naman to offer na dun na lang sa bahay nya sa Pangasinan tumuloy ang lahat.

It became like a mini and unofficial company outing kasi sumama na rin yung mga dating officemates ng lola nyo na sina Solar, Amber, Ate Sunny at pati na rin yung partner ni Seohyun na si Yoona. Kumpleto na ang lahat may kulang na lang na isa…
 
https://c.lazada.com.ph/t/c.bvGv?url=https%3A%2F%2Fwww.lazada.com.ph%2Fproducts%2Fchuwi-officialherobook-laptop-141-inch-19201080-ips-intel-x5-cpu-genuine-windows-10-borderless-keyboard-4gb64gb-1-year-warranty-thin-notebook-wifi-computer-pc-i299366847-s869314311.html&

“Kulang tayo ng isa pang sasakyan Boss Seohyun.” That’s Amber talking to Seohyun. 

“Oo nga mukhang kailangan pa nating magdala ng isa pang sasakyan.”

“Let’s bring my car!” Pagde-deklara ni Ate Sunny.

“Okay sige so dalawang sasakyan tayo. So you guys decide kung sino ang sasakay with me sa Montero  at kay Ate Sunny sa kanyang Focus.”

“I’ll ride with you Seohyun! Hehehe” That’s Ate Sunny.

“Okay lang Ate Sunny but who will drive your car?”

“Malalaki na sila bahala na sila sa buhay nila. Basta ako matutulog ako sa biyahe so sa iyo ako makikisakay.”

Biglang nagkatinginan yung magbebeshing yawa. Mga utak kriminal ang mga yun what do you expect, so in three, two, one…. 


Naguunahang kumaripas ng takbo sina Amber, Solar at Irene na makasakay dun sa Montero ni Seohyun.

Why? Kasi ganito, the car can only sit 5 people, dalawa sa harap tatlo sa likod. Yung back part ng kotse di na pwedeng pa-upuan kasi puno na ng mga bagahe at nung mga lalagyan ng mga anik anik at fudangs. Matik na sa harap uupo yung mag-jowang Seohyun at Yoona. Ang Ate Sunny naman may reserve seat na sa likod so that means may dalawa na lang spot na available. So that means whoever yung di sweswertehin na  makasakay ng Montero will have to ride Ate Sunny’s car, ALONE.

Two seats left eh meron tayong tatlong pesteng yawa. So alam na... bloodbath!!!

“NOOOOOOOO!”

“Tabi!”

“Alis!”

Prrrrrtttttt

Time pers! Nagdecided na si Ate Sunny na mag-referee.

“Para fair magbunutan na lang kayo. Kung kaninong pangalan ang mabubunot sya ang sasakay sa Focus. Game.” 

IRENE.

Ayan ha malinaw pa sa sikat ng araw, pangalan ng lola nyo ang nag-appear sa papel. Kaya no choice si Irenea kundi ang mag-isang bumiyahe pa Pangasinan. 

“Ate Sunny parang awa nyo na sama na lang ako dyan sa Montero. Kasya pa naman sa likod oh may is-space pa.”

“Ay naku Joohyuna kaya mo na yan malaki ka na.”

"I'll drive."
 
Huwaw may nag-vovolunteer as tribute. Sino kaya yun?

“Oh, buti Seulgi andito ka na. “

It's Bebiber! Meow meow meow.


🎃      🎃      🎃  
“Seatbelt.”

“Huh?”

“Bani yung seatbelt di mo pa nasusuot.”

“Anong BANI ka dyan?! Punyeta WAG MO AKONG MA-BANI BANI! DI TAYO CLOSE! Che! Tsaka wag mo 'ngang pakielamanan yung seatbealt ko. Mag-maneho ka na lang!”

Isang malaki at kumikinang na GOODLUCK sign para dun sa oso.  Etong hindi pa sila nakakalabas ng Makati na-punyeta na sya nung kuneho. Isipin nyo na lang kung gaano kahaba ang NLEX so meow.


A few moments later...
 
“Uhmm… Hyun… okay lang bang mag-radyo tayo?”

“Hmp…”

Sunget nung kuneho kala mo kung sinong maganda. Buti na lang medj immune na si Seulgi sa katarayan ng lola nyo kaya di masyadong tumatalab yung anik ni ateng sa kanya.

“Hihinaan ko lang ha. Para lang di ako antukin habang nagmamaneho.” Sabay bukas ng oso nung radyo.

🎶 At ngayon nandyan ka na di mapaliwanag ang nadarama
Handa ako sa walang hanggan hindi paasahin di ka sasaktan
Mula noon, hanggang ngayon… ikaw at ako 
[Ikaw at Ako (Moira Dela Torre, Jason Marvin)]

“Utot mo Moira! Maghihiwalay din kayo! Lipat mo nga yung radyo! Ang panget ng kanta.”

Ano ‘to may sumaside comment sa passenger seat. Akala ko ba di na BITTER si ateng?  Sinasabi ko na nga bang mina-meow meow lang tayo ni bakla.

Walang nagawa yung oso kundi ang sumunod sa kuneho.

🎶 Kung di rin tayo sa huli. Aawatin ang sarili na umibig pang muli...
[Kung ‘Di Rin Lang Ikaw (Moira, December Avenue)]
 
“Ikaw na ang madaming ka-forever Moira! Nyeta!”

Syempre sa takot na masigawan eh nagmamadaling inilipat ni Seulgi yung istasyon ng radyo. Kaso mukhang talagang may balat sa wetpu yung oso kasi di nga Moira yung kanta kaso yung ka-duet naman ni ate kanina yung kumakanta.

🎶 Kahit sandali
Palayain ang pusong di mapigil.
Sana tayong dalawa sa huling pagkakataon…
Na ika’y magiging akin

[Huling Sandali (Tayo Sa Huling Buwan Soundtrack- December Avenue)]

“Lipat mo nga yung kanta! Bakit ba puro ganyan ang mga kanta mo?!”

“Ah eh di ko alam wait lilipat ko yung…”

🎶 Ikaw mula noon ikaw hanggang ngayon… (what don’t tell me?) 
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan 
Hanggang ang puso ay wala ng maramdaman 
[Sa Ngalan ng Pag-Ibig (December Avenue)]

“Walang FOREVER PUNYETA! Seulgi ano ba?! Nananadya ka ba?!!!”

Hala triggered si ateng sa mga kanta. 

“So-sorry Bani este Joohyun di ko alam ba’t ganyan eh. Wait lang ililipat ko ulit yung istasyon.”

Aligagang naglilipat ng istasyon si Seulgi. And finally nakahanap yung oso ng istasyon na hindi Moira or December Avenue song yung pini-play. Siguro naman matutuwa na si Irene nito. Ang saya saya kaya ng kanta…

🎶 Kaya salamat sa pag-ibig mo… (see ang saya ng kanta) 
…pag-ibig mo. Lagi kang nasa puso’t isip ko, isip ko. 
At inaamin ko na na-mimiss kita… na namimiss kita… (hinga ng malalim) 
Sa akin ikaw pa rin ang BEBI ko  ang BEBI ko. 
Kahit wala ka na sa piling ko, sa piling ko.   
Pangakong ipagdadasal pa rin kita. Ipagdadasal pa rin kita. 
[Zebbiana (Skusta Clee)]

“KANG SEULGI!!! PUNYETA PATAYIN MO YUNG RADYO! KUNG AYAW MONG IKAW ANG PATAYIN KO! MAKIKITA MO IKAW NA ANG IPAGDADASAL TALAGA NYETA!”

So I guess no more radio for the BEBIBER… the BEBIBER 

Kasi gagalit si BEBI EX… si BEBI EX. 

Sana umayos ang BIYAHE nila… BIYAHE nila 


🎃      🎃      🎃  

“Hyun… Hyun gising na… Hyun?”

Sarap ng tulog nung kuneho linchak na yan. Kakahiya kay ateng pagod na pagod sa biyahe. Nakailang stop over sila on the way to Pangasinan tapos bawat stop over lumalapang si bakla. Na-betsin si Bebi ka yan borlogs. Walang kamalay-malay si ateng na dumating na sila sa bahay ni Seohyun.

“Anyare dyan?” Sabay nguso ni Amber dun sa kunehong ang sarap ng hilik sa may backseat ng Focus.

“Uhmm nakatulog sa haba ng biyahe.”

“Gisingin mo na. Ano pang hinihintay mo?” 

Oo nga naman Seulgi, anong hinihintay mo?   

“Natatakot akong gisingin kasi baka sigawan na naman ako.”

“Wuchu matatakot ka dyan hahaha pag-sinigawan ka i-kiss mo tingnan ko lang kung makapalag pa yan.”

Leche kang babaeng bakla ka. 
Mamaya ka sa akin. 
Sasabog bunganga mo sa akin mamaya humanda ka.

Hala gising na pala ang lola nyo nagtutulug-tulugan lang.

“Edi mas lalong sinigawan ako nito.”

“Kung ayaw mong gisingin it’s either iiwan mo yan dito sa sasakyan, bubuhatin mo sya papasok ng bahay or….”

“Or what?”

“I-kiss mo para magising, parang Sleeping Beauty lang hahaha.” Sabay lumakad na si Amber papasok ng bahay bitbit yung cooler kung saan nakalagay yung mga uulamin nila. 

Inamong babaeng bakla ka talaga. 
Mamaya ka talaga sa akin punyeta. 
Pero on second thought ano nga kayang gagawin nitong oso na ito? 
Pero wait, I’m sure iiwanan lang ako nitong Kang Hayop na ‘to. 
Pero never mind sanay na akong iniiwan. Sanay na ako Seulgi kaya sige go! 
Iwan mo ako dyan ka naman magaling eh.

Hala Lola nyo busy sa pagi-inner monologue habang yung oso naman on the side busy din sa pagiisip ng paraan kung papaano ipapasok yung kuneho sa loob. 

“Hyun…”

Sinubukan pa rin gisingin ni Seulgi si Irene. Pero pano gigisingin ang isang taon nagtutulugan?

“Hay no choice na, bahala na…”

Inilapit unti-unti ni Seulgi yung mukha nya sa mukha ng lola nyo.

Watdapak?! 
Gusto mo talaga akong i-kiss Seulgi? 
Sinasabi ko na nga bang oso ka kanina mo pa pala pinagnanasaan ang katawan ko. 
Lapastangan! 
Subukan mo talagang halikan ako, makikita mo…

This is the time na dapat gumigising na ang Lola Baechu nyo pero si gaga hinihintay niya munang lumapat yung labi ni Seulgi sa mga labi nya. Wuchu style talaga ng lola nyo bulok. Kunwari pa gusto din naman.

Unti-unti inilapit ni Seulgi yung mga… daliri nya sa… wait daliri? Whut?

OINK!

“PUNYETA KA KANG!!!!”

“So-sorry na Hyun! Ayaw mo kasing magising eh!”

“So ang paraan mo ng panggigising ay dutdutin ng daliri yung ilong ko?!”

“Effective naman.”

“PUNYETA!!!!” 

Alas ocho ng gabi.

Naghahanda nang matulog ang grupo kaya nag-aayos na ng sleeping arrangements. Sakto may tatlong kuwarto na available. Yung isa para kina Seohyun at Yoona. Yung isang kuwarto may isang malaking kama kaya kasya ang tatlo, so Boss Sunny, Amber at Solar. Yung last na kuwarto naman ay para sa…

“Wow pang mag-ex talaga ‘tong kuwarto na to, mag-EX na nagre-reconcile ayieee hahaha.” Pang-iinis ni Solar kay Irene after niyang makita yung last na kuwarto ay may dalawang magkatabing kama.

“Oo nga SIZ may little space for Jesus! Hahaha Wag ka na mag-panggap Irene maya-maya lang pagdidikitin mo rin yung mga kama para mas malaki yung gapang ground mo. Wag ka na mag-balatkayo SIZ kilala ka na namin. ” Sundot ni Amber.

“Mga leche! Magsi-layas nga kayo mga buset! Sirain nyo pang gabi ko!”

“Oo na oo na! Seulgi kapag may naramdaman kang gumagapang wag kang mag-alala hindi mumu yun kundi si Irene lang yun for sure. hahaha”

“Ina nyo! Layas!”

Tatawa-tawang umalis yung dalawang siraulo kaya sina Seulgi na lang at Irene ang naiwan sa kuwarto.

“Hyun, gagamit ka ba ng CR? Gusto mo mauna ka na?”

“Maligo ka na wag mo akong pakielaman.”

Ang sunget na naman ng lola nyo.

Nga pala yung bahay nina sa Seohyun is really really old. Sa sobrang makaluma ng design ng bahay yung CR nasa labas tulad ng mga lumang bahay dati. Wala rin kuryente dun kaya kung palaihi ka sa gabi eh better bring your own arinola kasi magkakasakit ka sa bato kung matatakutin ka.

“O-okay… ito pa lang flashlight. Wala kasing ilaw sa banyo bukas ko pa i-checheck kung anong prob so mag-flashlight ka na muna.”

Mga 5 minutes after makaalis nung oso ay bumalik na rin ito ng kuwarto. 

“Ang bilis mo namang maligo nagsabon ka ba ng maayos?”
Di pinansin ni Seulgi ang lola nyo patuloy lang ito sa pagpupunas ng buhok nya gamit ang tuwalya habang naglalakad papalapit sa kama nya. After nun naupo ito sa edge ng kama at tinitigan lang ang lola nyo na prenteng-prenteng nakahiga sa kama naman nya.

“Problema mo?”

No response from the oso. Patuloy lang itong nakatingin kay Bebibani.

“Wag mo nga akong titigan! Feeling mo naman mase-seduce mo ako. Che! Nek nek mo!”

“   .    .    .   “

“May gumagamit pa ba ng banyo?”

“   .    .    .   “

“Huy sumagot ka!”

No response pa rin.

“Bahala ka na nga! Maliligo na ako!”

Sabay dampot ni Irene dun sa flashlight na pinahiram sa kanya ni Seulgi. Kesa ma-buset sa roommate nya eh maliligo na lang sya.

“Lakas makatitig nyeta. Lakas ng loob mong titigan ako nang may pagnanasa. Sorry ka di na tayo, kaya hanggang tingin ka na lang Kang Seulgi. You can look but you cannot touch bish. Maglaway kang parang osong ulol dyan che!”
 
Wow lakas ng trip ng lola nyo may pa-monologue si Tanga habang naglalakad papuntang banyo. Nung malapit na sya sa banyo ay kapansin-pansin na may gumagamit nito.

“Tadung Seulgi na yun di man lang sinabi na may kasunod pala syang gagamit ng CR.”

Tok tok tok tok.

“Matagal ka pa ba dyan?”
 
“Huh?!”

“Sabi ko matagal ka pa ba?! Sino to? Solar? Amber? Ate Sunny?”

“Si Seulgi. Wait Hyun?”

“Seulgi?”

“Oo Hyun?”

“Wait akala ko ba nakaligo ka na?”

“Huh? Kaka-start ko pa lang. Nag-igib pa muna ako ng tubig. Bakit?”

“Impossible eh kanina nakita kitang bumalik ng kuwarto basa pa nga ang buhok mo.”

“What? How? Eh etong naliligo pa ako.”

Unti-unting nilingon ni bakla yung kabahayan sa likod nya. Tsaka nya iniakyat yung tingin nya sa bintana sa Second floor kung saan matatanaw ang bintana ng kanilang kuwarto. Biglang tumindig ang balahibo ni bakla kasi parang may nahagip syang babaeng nakatayo by the window. Split second lang yun, mabilis ang ganap kasi nga tumalikod bigla yung babae so yung hair na lang ang nag-register sa ateng nyo.

Meow!

“Seulgi daliaan mo punyeta!!!”

“What?! Geez saglit lang Hyun may sabon pa ako sa mata.”

TOK TOK TOK TOK 

Halos wasakin na nung kuneho yung pinto ng banyo.

Di na nakatiis yung oso kaya pinagbuksan na nya nang door yung kuneho para silipin ito.

“Hyun what’s wrong?”

“Ang bagal mo maligo yun ang what’s wrong!”

“Wait lang eto na malapit na ako.”

“Magbanlaw ka na bilis!”

“Magbabanlaw na wait lang.”

“Oh anong gagawin mo?”

“Magbabanlaw tulad ng sinabi mo.”

“Wait lang sasama ako sa loob.”

“What?!”

“Papasukin mo ako dali! Ayoko sa labas malamig tsaka malamok.”

“Hyun…”

Is-peechless yung oso. Parang may ganap na silang ganito dati ah… di kaya may binabalak ‘tong EX nya kaya may pa-chenes na ganito.

“Hoy wag kang feeling! Papasukin mo ba ako o gusto mong magbanlaw habang bukas ang pinto mamili ka!”

“Ah eh…”

Walang nagawa si Seulgi kundi tuluyang papasukin yung kunehong ewan. Di malaman ni Seulgi kung anong una niyang tatakpan kasi naman exposed na exposed yung kawawang oso.

“Uhmmm… Hyun talikod ka please.”

“Whut?! Feeling mo naman sisilipan kita!”

“Eh kasi ang weird nang ganito.”

“Ang dami mong sinasabi mag-banlaw ka na nga lang!”

So nagbanlaw nga yung oso. Di nya alam kung ano bang problema nung kuneho pero she know well enough na kung di pa sya magbabanlaw eh mapu-punyeta na naman sya so banlaw it is.

“Tapos na ako Hyun. Ikaw na.” Maglalakad na sana pabalik ng bahay si Seulgi ng pigilan sya ng lola nyo. 

“San ka pupunta?”

“Babalik na ng kuwarto. Why?”

“Dito ka lang.”

“What?”

“Dito ka lang.”

“Huh?”

“Dito ka lang samahan mo ako, at ng may tagahawak ako ng flashlight.”

“Ah o-okay.”

So eto ang mga ganap sa loob ng banyo. Si Seulgi nakatalikod habang iniilawan ang lola nyo na dahan dahan na naliligo on the side. 

“Huwag mo akong sisilipan!”

“Di kita sinisilipan!”

“Muka mo maniac!”

“Excuse me di kaya kita sinisilipan. Feeling mo naman.”

“Che! Abot mo na nga lang sa akin yung tuwalya ko!”
Na syang inabot naman ni Seulgi kay Irene ang kaso mo si lola nyo peeling talaga.

“Hoy wag mo akong silipan!”

“Sinabi nang di kita sinisilipan. Tsaka eh ano naman kung makita ko yan aarte arte ka pa eh nakita ko na rin naman na yan dati. Para namang may itatago ka pa sa akin.”

“Anong sabi mong hayup ka?”

At bago pa naman maka-sagot yung oso eh natuktukan na sya ng tabo sa ulo ng lola nyo. 

👻     👻     👻

Kalaliman ng gabi. 

Sa sobrang pagod mula sa pagmamaneho ay nakatulog agad si Seulgi. Pero kabaligtaran dun sa naghihilik na oso, yung kuneho dun sa kabilang kama di mapakali. 

Kanina kasi nagtatapang tapangan lang ang lola nyo pero scared sh*t si bakla kasi hundred percent syang mumu yung nakita nya kanina, yung kaninang kausap nya sa kuwarto yung Seulgi na di nagsasalita at yung babae sa may bintana mga meow meow yun sureness.

Pero di magawang magkuwento ng lola nyo kay Seulgi kasi nga di pa sya tapos magsungit sa oso sa mga atraso nito sa kanya. 

Ang kaso lang talaga ni-ki-ki-la-ba-tu-tan talaga yung kuneho kasi feeling nya may naglalakad sa labas ng kuwarto nila. She can hear footsteps. Kung bubukas talaga yung door wala ng pride pride lilipad na si ateng nyo sa tabi ni Seulgi. 

Pero thankfully tumigil na yung tunog ng mga yabag sa labas.

Hayyyy… nakahinga na ng maluwag si ate nyo. Finally pwede nang matulog si bakla.

Nytie nyt Bani… 

Nagsisimula nang dalawin ng antok si ateng nyo nang naramdaman nyang parang lumundo yung paanang side ng kama na para bang may umupo or tumabi sa kanya.

Nyahahaha… nay ku po! HALA ka Baechu! 

To be continued…
(Part 2 – last part coming super soon)
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Kung may "Patayin Sa Sindak Si Barbara" si Ms. Lorna T. pwes si Baechu meron din. Kaso lang sa version ni ateng ninyo di lang kayo sa sa sindak mamamatay kundi sa kakatawa. :)
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME] 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]