For fanfic readers, Thai GL fans and people who scream at their screens

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 70: Flights, Hindi Feelings

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 70: Flights, Hindi Feelings

WMAMTT Chapter 70 (Preview): 
Saglit na segway sa namumuong love life nina Wendy at Joy. Akalain ninyong may potential loveline pala yung dalawa. Totyal kasi sa Singapore pa yung developan setting nung dalawa. Sila na ang naka-couples' trip pero di naman sila couple.
(Keep scrolling to read full chapter)


"Catching flights, not feelings
I'm not tryna hurt myself, tryna burn myself."
Song Title: Flights, Not Feelings (Aespa)


Special Chapters (Part 1 of 3) - WenJoy Side Story

“Anong ginagawa mo dito?!”

“Ikaw anong ginagawa mo dito?!”

Akalain mo nga naman nagkataong nagkatagpo lang ang peg nina Wendy at Joy. Walang wala naman kasi sa hinagap at planuhan nung dalawa na magkru-krus ang mga landas nila lalong lalo na of all places ay dito pa sa airport.

Sa Ninoy Aquino International Airport.

Sa Gate 108 ng NAIA.

Sa pila sa Gate 108 ng NAIA, kung saan nagaabang ang mga passengers boarding Cebu Palikpik Flight 5RV01, scheduled to fly from Manila to Singapore 19:50.

No, no, no, no... anyare at may pa meet and greet ang dalawa sa airport of all places?

Medyo pinagana saglit nung dalawa ang kanilang mga braincells and now knowing na nila yung hayup na may gawa nang kanilang mala-tadhanang pagkikita.

“Seulgi!” Magkasabay na sigaw nung dalawa.

 *      *      *

Ah okay, gets ko na ang nangyari...

Naalala nyo yung pa-anniversary trip kemerloo sana ni Seulgi sa kanyang Bebibani dati? (READ CHAPTER 57: May Ganap) Yung time na di pa kumakanta ng “ako ay pinagpalit pero di yun masakit, alam ko sa sarili ko na ako ay MASIKIP” ah ‘yeah’ ‘wait’ ‘huh?’ (yung last part ng lyrics parang di ata tama… I’m not sure charot!)

Since nagkanda-leche leche na and everything eh hindi natuloy ang trip abroad. So para naman di masayang yung kinemeng effort ni Seulgi dun sa booking ng accom sa Agoda at lahat ng mga tickets sa mga attractions. Para di sayang yung mga packages na nabili nya sa Klook eh yung pwede ipagamit kay Joy yun pinagamit na nya, pati nga yung pocket money sana nila ni Bebibani na Singaporean dollars yung iba dun ibinigay na nya kay Joy (take note hindi lahat binigay kay Joy, why kaya?). Si plane ticket waley na magagawa dun gone with the wind na. 


*      *      *



“Wait, what? So yung other half ng pocket money sayo napunta?”

“Oo mukhang ganun na nga... wait other half? Binigyan ka din ni Seulgi ng pocket money?” Sagot-tanong ni Wendy.

“So sa atin pala binigay ni Seul yung pocket money at yung mga tour packages tsaka accom na sana ay para sa kanila ni Irene.”

“Wait, binigay? Hindi bigay ‘to, ano 'to fly now pay later, sya yung nagbook ng plane ticket ko pero lahat babayaran ko din pagbalik.” Revelation ni BFF Wendy.

“Sya din nag-book ng plane ticket ko. Pero wait, seryoso? Papaano ka napapayag ng pinsan ko sa ganoong arrangement?”

“Sabi nya kasi sayang naman daw yung mga packages and accommodations na binook at binayaran nya. So, sabi nya baka gusto ko mamasyal yung bayad kahit sa December na.”

“Watda?!”

Punyeta intsik na intsik talaga yung oso. Pagdating sa pera wais si Bebiber. Ginawan ng paraan ni Seulgi na di masayang yung mga ginastos nya para sana sa anniv chenes nila ni Bebibani.

So, alam na natin na kay Joy napunta yung Klook tour packages. Mga activities na sana gagawin nila Bebibani at Bebiber noong sila ay mag-jowa pa. Pero as you all know break na sila (told yah wala talagang forever).

Pero going back dun sa dalawang meow meow na on their way sa isang couple’s trip pero di naman sila couple.

Ano kayang mangyayari sa level up trip nung dalawa sa Singapore? 

 *      *      *

“Enjoy your meal.”

“Thank you.” Nakangiting sagot ni Wendy sa stewardess na nag-serve ng kanyang dinner in-flight. Ang saya ng halo nung hamster sa kanyan mainit-init na rice na may toppings na korean barbechenes na pinartneran pa nya ng malamig at umiisparkle pa na coke in can.

Kung anong ikinasaya ni Wendy ay siya namang ikinainis nung katabi niyang manok. Gutom na kasi si bakla, at ang kasalukuyang hanging hinihinga nya ay  made up of 60% cabin air, 40% amoy nung masarap na dinner nung katabi nyang hamster. Yung salivary gland ni ate rak en roll na. Kaso lang on the budget si Chicken Joy kaya naman nagkasya na lang siya sa lunok-laway. 

Naiinis ng konti si Joy kasi naman yung pinsan nya nung nag-book ng plane ticket di pa sinama yung meal on board at 20kl na extra baggage. Tapos kamukat mukat mo sabay pala sila ipinagbook ni Seulgi kaya eto magkatabi ang seats nila ni Wendy.

Mukhang nadala ata sa telepathy ni Joy si Wendy kasi on her 5th subo ay naalala nya na may katabi syang hyena in chicken suit.

“Uhhmm, kain tayo?” Nahihiyang aya nung hamster sa katabi nya.

“No, thanks.” Sabay baling ng tingin sa other side ng cabin, papalayo sa nakakatakam na chibug ni Wendy.

Ang ma-PRIDE nung CHICKEN, kala mo naman may pambili.

Pero buti na lang si Mother Wenresa mabait kasi umorder sya ng another set ng meal para sa kanyang katabi na ngayon ay kuntodo naka-earphone, kaso lang mas malakas pa yung kulo ng sikmura nya kesa sa engine ng eroplano.

Nasa ikalawang kanta na sa playlist niyang titled, “Move on Songs – Para Sa Mga Ipinagpalit, Pero Hindi Masakit,” ay may naramdamang kumakalabit sa balikat nya si Joy.

“Kain ka, oh.” Nakangiting alok ni Wendy kay Joy.

“Uhmm…” Aaarte pa sana si Ligaya, kaya lang malakas talaga ang tawag ng sikmura kaya naman tinanggap na nya yung fudangs na alok ni Wendy.

“Tha-thank you.”

“You’re welcome Joy.”

Wuchu… magkakadevelopan na yan.

“Joy, mamaya mo na lang iabot yung bayad mo sa Changi Airport.”

“Wait, what?! Akala ko libre 'tong...”

Wag na natin alamin yung next na convo nung dalawa fast forward na tayo sa… 

*      *      *
“Hello, can you bring me here?” Inabot na lang ni Wendy yung maliit na papel kung saan nakasulat yung address ng pag-iistayan niyang Air BnB kay manong taxi driver na Singaporean. Mukhang alam naman ni manong yung lugar kasi tumango ito sabay binuksan yung trunk ng kanyang sasakyan.

Pagkalagay ng kanyang maleta ay isasara na sana nung hamster yung trunk nang biglang may…

“Wait! Lalagay ko pa yung maleta ko!”

Napalingon naman si Wendy sa direkyon na pinagmulan nung tinig. Hindi na siya nagulat kung sino yung nagsusumigaw na manok.

“Joy? Anong ginagawa mo?”

“Sama ako sayo.”

"What?"

Two people with broken hearts na nag-decide maG catch ng FLIGHTS, NOT FEELINGS.

Ang tanong, mapanindigan kaya nila?

 
#seulrene  #tagalog #wmamtt #wenjoy

READ MORE CHAPTERS:

Chapter 71: Hello, Love, Buset! 
Sinisimulan na ni Joy mag-move sa mala-Hello, Love, Goodbye na lovestory nila nung Tyanak sa tulong ni Wendy. Yung hamster na kaya ang rason ni pekeng Joy to stay?


Chapter 72 : Ikot Ikot Couple
Andyan na sa harap mo. Abot kamay mo na 'teh. All you need to do is say the magic words at magkakajowa ka na. Pero ganun lang ba talaga kadali yun? Oo, Joy, ikaw yung pinariringan ko kaya 'wag ka na mag-maangmaangan school of acting diyan bukelya ka na bakla. 




Malakas talaga ang hatak nung kuneho sa dark forces of kamalasan. Akalain mong na-UNO Reverse  Card yung dapat sanang revenge plot na plinaplano niya. Pero according nga dun sa salawikain na na-memorize ng ateng ninyo from grade school, “Ang umaayaw ay hindi nagkakajowa, ang nagkakajowa never umaayaw.”  Ano daw?








1 comment: