FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 69: Patayin Sa Sindak Si Irenea

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 69: Patayin Sa Sindak Si Irenea

Super late na hehe pero ito na finally yung continuation nung pa-HALAween spaycial.


“Good morning!”

Wait namamalikmata lang ba si Inang Baechu o talagang may Tyenelin Tyanak sa harap nya?

“Hi ate anong almusal?”

Punyeta! Tyanak nga!

Ah tama Undas nga pala. Araw ng mga mumu, mamaw, mga lamang lupa at mga characters sa ‘Shake, Rattle and Roll’.

“Anong ginagawa mo rito Yeri?”

“Correction ate, it is ‘NYO’ not ‘MO’ coz it’s plural not singular. Plural is more than one. I came here not as one, but with companions so therefore I conclude I am not single. So the term singular does not apply to me.”

Wait. Ano daw?

“Pinagsasabi mong Undin ka? May singular-singular ka pang nalalaman dyan. Eh kung singular-ngalin ko kaya yang ngala-ngala mong leche ka.”

“What I’m trying to say ate is kasama ko ang Tyang at yungbagonggirlfriendnya.”

“Huh?  Andito rin ang Tyang? At may kasama syang bagoong?”

“Hindi bagoong ate… bagong girlfriend ng Tyang.”

“Ahh… girlfriend. Wait whut?! GIRLFRIEND?!!!

“OO girlfriend! Sige isigaw mo pa Joohyuna. Tangna parang gulat na gulat ka ah.” That’s Tyang bigla itong nag-enter frame sa kabahayan at may kasunod itong babaeng sing-height lang rin nya na may mala-Elsa Vibe.

HUTENA BABAE NGA! DI KAYA ITO YUNG SINASABING BAGONG GIRLFRIEND NG TYANG?! 

 ☕        ☕        ☕

“So kamusta naman ang ang bago nyong step-Tyang?

“Di ko masyadong bet si ateng. Mukhang masungit eh. Tsaka mas sanay kami ni Yeri sa eye-smile ni Ate Fany, habang si siz may lazer-eyes. Kaya ka-afraid.

“Sabagay mukha naman talagang masungit si madam.”

“True besh.”

In case you are wondering, conversation ng mga mag-bebeshing yawa yan. Pinag-chichismisan nina Joohyun, Amber at Solar yung bagong jowa ng Tyang habang humihigop ng kape sa balkonahe.

“So maiba naman tayo… kamusta naman ang tulog Irenea? Nakarami ka ba?” Sabay segway ni Solar sa original topic ng chismisan nila, mas interesado kasi itong malaman ang mga ganap sa kuwarto nina Seulgi at Irene kagabi.

“Uhmm… alam nyo mga besh may something weird kagabi.”

“Bakit? Para ka bang kinikilabutan?”

“Oo besh kinilabutan talaga ako.”

“First time mo na-experience yun no? Yung para kang naiihi na ewan.”

“Oo oo ganun na ganun yung pakiramdam ko kagabi punyeta pano mo nalaman yung ganung feeling Amber?”

“Naka-experience din kasi ako nang ganun dati.”

“Seryoso? Talaga?”

“Namen! So anong ginawa mo besh?” Follow up question ni Solar sa lola nyo.

“Hindi ko alam ang gagawin ko nung time na yun, ni hindi ako makakilos. Tapos alam nyo yung pakiramdam na gusto mong sumigaw pero walang lumalabas na boses.”

“Yes!” Magkasabay na sagot nina Amber at Solar.

Baechu: “So na experience nyo na rin pala ang multuhin?”

Solar & Amber: “Iba talaga ang feeling kapag nag-iintense orgasm no?”


Sabay na nagtanungan ang mga pashneang yawa kaya medyo naguguluhan sila. Ang mga bakla, magkaiba pala sila ng intindi sa topic na pinaguusapan nila.

Baechu: “Anong intense orgasm pinagsasasabi nyo dyan?”

Solar & Amber: “Anong multo ang sinasabi mo dyan Joohyuna?”


Edi meow.

https://ko-fi.com/tengudness


“Hyun, gusto mo paghimay kita ng tuyo?”

“Hyun, eto nga pala pinaghiwa kita ng kamatis.”

Yan ang manahin ninyo, almusal pa lang dumidiga na. Seryoso pala talaga yung oso na ligawan muli ang lola nyo kaya tamo iaabot lang yung plato ng pritong tuyo at itlog kung maka-eye smile si loko dun sa kuneho wagas. 

Ganda ng mood nung oso, wag na natin kontrahin. Kaso lang yung kuneho dahil kulang sa tulog, mas dumoble ang pagiging masungit.

“Ako Ate Seulgi di mo itatanong kung ano gusto ko?” Humihirit sana si Yeri kay Seulgi kaso lang mukhang nadedma sya nung oso kasi abalang abala ito sa pagaasikaso sa lola nyo.

“Hyun, kain ka pa oh may longganisa pa dito oh.”

See? Talagang kay Baechu lang sya naka-focus. Pero as usual, di sya pinapansin ni Bebibani. Kaya naman napilitan na ang Ate Sunny na makisawsaw.

“Hoy Joohyuna kanina ka pa kinakausap ni Seulgi pansinin mo naman.”

“.    .    . “

Aba ang lola nyo talaga daming alam na eme.

“Hyun, gusto mo pa ng sinangag?”

“Joohyuna…”

Yan last warning mo na Irenea from Ate Sunny kaya umayos ka na.

Bumuntonghininga muna si Irene bago tumungin kay Seulgi at very slight na tumungo at ngumiting plastic. Natuwa naman ang oso kasi finally pinansin na sya ni Bebibani. Dali dali nyang inabot kay Irene yung bowl na lalagyan ng sinangag.

“Seulgi, nakatulog ka ba ng maayos sa kuwarto nyo?”

“Yes, Ate Seohyun.”

“May ginawa pa ba kayo kagabi?” Teka mukhang may hidden meaning yung sundot na tanong ni Ate Sunny ah. Kaya naman yung mga bunny ears ng lola Baechu nyo alerto.

“Wala naman Ate Sunny…”

Oh Baechu safe yung sagot ni Bebiber, you can relax na.

“…after namin maligo ni Hyun natulog na rin po kami agad.”

Or maybe not. Yari ka Baechu.

“Wait, what? Tama ba narinig ko naligo at natulog kayo?” 
Wag kayong ano may kino-confirm lang naman si Ate Sunny.

“Uhmm… Yes ate.”

“Pwede paki-elaborate.” Alam nyo na siguro kung sino ang mga nag-rerequest ng more details. Syempre sino pa edi yung mga chismosang BFFs ng lola nyo na sina Amber at Solar.

“Ah eh… naligo kami sa banyo. Tapos natulog, yun lang.”

Stressed ang lola nyo sa sagot nung oso. Kilala nya si Seulgi, di papasang spy si ateng kasi isang malaking chuchu si tanga. Buti na lang andyan si Beshie Seohyun to save the bear and the kuneho.

“Ano ba kayo, isa lang ang banyo sa bahay so what Seulgi is trying to say ay pareho sila ng ginamit na banyo pero of course they took turns sa paliligo. At yung tulog of course isang kuwarto lang sila so syempre sabay sila ng tulog pero of course hiwalay ng bed. Kayo talaga ang dudumi ng utak nyo.”

Ngarud! Hay… salamat na lang kay beshiecakes na restore yung dignidad ng lola nyo.

Pero ang mga chismosa gusto may confirmation pa galing kay Seulgi.   “Uhmm tama di naman kami sabay na naligo ni Hyun… iniilawan ko lang sya habang naliligo sya.”

*GASP

Masamid samid si Irene sa narinig nya, nasa kasagsagan pa naman nang higop ng kape ang lola nyo nang  marinig nya yung sagot ng oso.

Piyesta ng mga chismosa.

“So Seulgi, nakita mong bold si Irene?”

*Sinalaksak ni Irenea yung half eaten na longganisa sa bunganga ni Amber. Edi nanahimik si baklang bato.

“Ano pang ginawa nyo sa loob ng banyo Ate Seulgi.”

*Para matahimik tulad ni Amber nilamutak ni Irene yung sunny side up na itlog sa mukha nung Undin.

“Ano chismis pa kayo?”
 
Nakaamba na yung kamatis ng lola nyo, malilintikan talaga yung next na hihirit.

“Wala namang nangyari kagabi I swear. After patayin yung ilaw nakatulog na rin kami agad.”

“At pano mo naman nalaman na tulog na yung kasama mo sa kuwarto aber?” That’s Solar, naka huling hirit pa ang ate mo kasi malayo sya kay Baechu so di sya abot nung kuneho at nung kamatis.

“Uhmm… kasi katabi ko sya.”

“Watdapak?!” Gulat yung mga nagaalmusal.

“Whut? Anong katabi?” That’s your Lola Baechu. Kahit sya nagulat sa sinabi nung oso.
 

 ðŸ™€        🙀         🙀

Baka lang nakakalimutan nyo na maliban sa bakasyon at bonding ay undas ang ipinunta ng mga lola nyo sa Pangasinan. Kaya naman they still observed yung bisita sa mga puntod kyeme kyeme.

At wag kayo, may eksenahan pang ganap sa sementeryo kanina.

Pano ba naman kasi nagkaroon ng eksena between Tyang Taeyeon, yung bago nyang girlfriend, yung ex ni Tyang na si Ate Fany at yung bago rin nitong girlfriend.

Naguguluhan ba kayo? Ganito kasi…

Dating mag-jowa sina Tyang T at Ate F diba?

Nag-break sina Tyang T at Ate F kasi na-fall out of love daw si Ate F kay Tyang T.

May bagong jowa si Ate F.

Si Tyang T, nagjowa din para daw it’s a tie.

Nabalitaan ni Tyang na uuwi ng Pilipinas si Ate F kasama ang kanyang bagong jowa.

At syempre alam nyo naman na kay Tyang namana ni Baechu yung pagiging utak kriminal kaya naman nag-plot si Tyang ng scene kung saan magkakaharap-harap silang apat.

And yung chance na iyon ay nangyari nitong Undas. 

So imaginin nyo na lang kung ilang brain cells ang pinagana ni Tyang Taeyeon para mag-krus ang landas nilang lahat. Pwedeng pwede na syang writer ng 'Ang Probinsyano' sa galing 'nyang gumawa ng mga scenario na sakto eh eto nga nagkakatotoo na ngayon.

“So ito pala ang pinalit mo sa akin?”

“Taeyeona, what are you doing here?”

“Binibisita ang puntod ni Lola Ling.”

(Back story: Si Lola Ling ay yung lola ni Ate Fany na nategibombs nung Chapter 09. Nagpunta pa nga ang Tyang nung nilibing si Lola Ling. Hundred percent sure si Tita Cute Cute na magpupunta sa puntod ng kanyang dear lola si Panyang the moment na umuwi ito ng Pinas. Kaya naman eto, just like what Tyang have predicted may eksenahan sa harap ng puntod ni Lola Adelaida ‘Ling’ Suman biyuda de Latik charot!)

Syempre dahil ayaw na ni Ate Fany na magkagulo pa eh hinayaan na lang nya si Taeyeona na mag-alay ng flowers at magdasal sa harap ng puntod ng kanyang dear lola.

Kaso mo eto ka… eh mukhang eksena talaga ang ipinunta ni Tyang sa sementeryo kasi ready na ready na itong makipag-smack down dun sa new jowa ni Panyang.

Tall, dark ang pretty ba naman kasi si new jowa, tapos kung makahawak kay Fany wagas.

Ang balak lang naman talaga ng Tyang ay ang iparada yung new girlfriend nya (actually di na new, basta kuwento ko na lang sa inyo ang backstory nila later). 

Alam nyo na, gusto lang niyang ipakita na “hey, I’m fine after mo ako iwan. Sya nga pala ito ang bagong GF ko, ang ganda di ba? Mas maganda sa iyo, tsaka mas mayaman.” Mga ganung chenes ba. Kaso lang cool lang dapat ang Tyang during the meeting, kaso mo eto ka ulit, turns out Tyang is not cool with meeting yung babaeng dahilan ng hiwalayan nila ni Fany-My-Love-So-Sweet.

Di talaga kasi masikmura ni Tyang na imaginin na habang sya miss na miss si Fany dito sa Pinas at nagtyatyaga sa bidyocall eh etong kaharap nya na babaeng kapre ay pinagsasawaan ang katawan ng kanyang Panyang sa Amerika.

‘King ina lang talaga. By the end of the day may masusumpak sa mukha ang Tita Cute Cute, handa nyo na yung OR.

“Babe, gusto mo uwi ka na muna ng bahay?”

Tang na! Babe?! Kalma Tyang, kalma.

“No I’m fine here.”

Pinapauwi na muna sana ni Fany si new jowa para di na sila magbangga ni Taeyona kaso mo ayaw jumuwi nung babaeng kapre. 

Sa loob loob ng Tyang, "Oo wag kang umuwi hayup ka kasi ilalabas ko na yung wild card ko. Tang na ka!"

Told yah pang-teleserye ang utak ng Tyang kasi here comes the plot twist…

 “Jessica?”

Meet Tyang’s new GF (na not so new). Old friend ng Tyang dati kaya knowing din ni Ate Fany. Dating nakachenes ng Tyang noong dalagang pilipina pa sya, kaso lang they lost touch nang nag-emigrate sa Amerika yung family ni Sica.

At dahil malungkot si Tyang these past months, ay nahalungkat nya sa FB yung profile ni Ateng Sica kaya eto meow nagmuling ibalik ang tamis ng pag-ibig sila.

Jessica Jung, no di sya related kay Carl Jung. Ex ni Tyang, na business woman, slash model, slash designer, slash ice queen, slash soon to be…

“Fany si Jessica nga pala fiancee ko.”

Boom! Parang Neneng B ang kanyang katawan.

“Fiancee?”

“Yes. And Jess si… si… ano nga palang name mo?”

“Yuri.”

“Ah Yuri, Jess Honey si Yuri girlfriend ni Fany. You know? Yung girl na kinukuwento ko sayo ng nung nakaraan.”

“Ah… yes, right.”

Told yah may pagka-ice queen talaga si ateng kaya alam mo yung feeling na kahit ‘yes, right’ lang ang sinabi nya mapapaisip ka ng bongga deep inside. Like ano yung ibig sabihin ng ‘yes, right’ mo? Ano yung nang iinsulto ka ba or what? Jessica has that effect on people. 

Weird lang kasi di umuubra yung mga ganyang anik nya kay Tyang. Taeyeon has that effect on her kahit noon noon pa kaya naman true (and first) love nya talaga ang tyang ever since the world began. 

Dami lang ganap kaya di natuloy ang love story nila noon. Pero mukhang umaayon si destiny sa pairing nila this time kasi they’ve reconnected and na-realize nya love pa rin nya ‘tong dorky na pandak na ex nya kaya naman di na sya nagpaligoy ligoy pa propose na agad boom!

“Uhmm, Taeyeona are you done? Can we go home na? Kasi medyo umiinit na?”

“Oo tapos na ko let’s go home na Sica. Good bye Fany.”

In your face Panyang, in your face boom! 


 ðŸ‘»       👻       👻

Gabi na naman ng lagim charot!

After ng bisita sa sementeryo at pasyal pasyal ng konti sa munting bayan ng Sison, Pangasinan ay syempre nagbalik na sa bahay ang mga ate nyo.

At syempre by this time alam na ng mga characters na may presence of mumu sa kabahayan. Naliwanagan na rin ang lahat na yung ‘Joohyun’ na katabi nung oso kagabi ay hindi si Bebibani kundi si Bebimumu.

Linchak na yan kinilig na yung oso eh nabutata pa.

“Anong feeling nang may katabing mumu Seulgi?”

Dahil walang TV at wala ding signal sa bahay eh chismisan ang naisipan nina Amber at Solar na pampalipas oras habang nagpapantok. Nakahiga silang apat kasama sina Seulgi at Joohyon ngayon sa sala kasi evicted ang mga beauty nila sa kanikanilang kuwarto. Sina Tyang at Sica ang nakapuwesto ngayon dun sa room kagabi nina Seulgi. Habang sina Undin at Ate Sunny dun sa room naman nina Solar.

“Uhmm… okay naman masarap matulog kasi malamig.”

“Malamig kasi yung katabi mo malamig hahaha” Tawanan yung mga chismosa.

“Pwede ba wag na tayong mag-usap about sa multo? Pwede?”

“Oh come on Irene, I’m sure di na mag-aappear yung mumu no.”

“Sige pag dumating yung mumu una ko kayong ibibigay mga chismosa!”

Dedma lang si Irene dun sa mga chismosa kasi ang sarap pa ng kuwentuhan nila tsaka ang ganda kaya ng puwesto nila. Magkakatabi silang apat sa sala under one kulambo. Walang aircon kaya hinayaan na lang nilang bukas yung bintanang sliding chenes kaya naman tanaw na tanaw nila if ever may mag-appear sa ilalim ng puting mumu sa dilaw na buwan outside.

“So anong ngang nangyari Seulgi?”

“Last night kasi nung patulog na ako may naramdaman ako na nakatayo sa tabi ng kama ko sa may ulunan na side. I thought si Hyun yun gustong tumabi sa akin kaya I moved a little bit at tinapik ko yung empty space sa kama para to show na okay lang na tumabi sya sa akin.”

“Feeling mo naman!”

That’s Irenea. Sumasabat si bakla habang nagkukuwento yung oso.

“Shush!” Sabi ng mga chismosa.

Tuloy sa kuwento yung oso, “tumabi naman yung yung something sa akin. Tapos naramdaman ko na medyo nanginginig sya kaya kinumutan ko sya.”

Huwaw ang bait ng oso hahaha

“Tapos?”

“Tapos yun, di na sya nanginginig. Tapos naramdaman kong niyakap nya ako—“

“So nagpayakap ka naman?!” Talaga ‘tong Lola Baechu nyo sumasabat na naman.

“Akala ko kasi ikaw yung katabi ko kaya hinayaan ko lang. Tapos after a few minutes, may parang nararamdaman akong humahalik sa may leeg ko.”

Punyeta! Wag nyong sabihin na may gumapang talaga kay Bebiber kagabi at hindi si Baechu yun.

“Seryoso?” Di makapaniwala ang mga chismosa.

“Oo tapos yun nakatulog na ako.”

So kaya naman pala good mood yung oso kaninang umaga kasi akala nya bati na sila ni Bebibani yun pala mumu yung kayakap nya… nyahaha.


 ðŸ˜´       😴       😴

Kalaliman ng gabi.

Mga nasa Japan na ang diwa ng mga katabi ng lola nyo pero si Ateng nyo di pa rin dalawin ng antok. Mas lalong nawala yung desire ng lola nyo na matulog kasi bigla syang naiihi. Ang kaso mo nga lang afraid ang lola nyo na bumangon para mag-CR. Titiisin na lang daw ni bakla hanggang sa mag-umaga. Kaso mo lang lang eto ka ulit may naramdaman na mga yabag ang lola nyo from outside the kulambo.

Wag kayong ano dyan di ‘to tulad ng kanta ni Nina na “Love Moves in Mysterious Ways”. Di love ang nag-move kundi something else… something… new? (simpleng plug ng kanta ng Tyang charot!)

May nagmo-move in a mysterious ways and Baechu is not that brave to find out who, what or why kaya naman si bakla nagmamadaling nagtalukbong sabay siksik sa katabi nya who happens to be Bebiber. Wuchu style mo Baechu lokbu. 
 
At katulad kagabi yung mga yabag tila papalapit unti unti sa higaan ng mga lola nyo. Pasalamat na lang si Baechu kasi nasa gitna sya nakahiga with Solar and Amber na nakapuwesto sa sides so safe na safe ang lola nyo. Or maybe not, kasi maya maya may naramdaman na parang may kamay na humahawak sa kanang paa ng lola nyo. Inaykupo!

Sa takot ni Joohyuna ay walang sabi sabi syang lumingkis kay Seulgi. Sa loob loob ni bakla kung sakali mang kukunin sya ng mumu ay sisiguraduhin nyang di lang sya ang makukuha meow. Damay damay na ampota ano sya lang? Unpair!

“Joohyun?”

It’s Bebiber. Nagising yung oso na may nakalingkis sa kanyang kuneho. Pero since dedma sa pride na muna ang lola nyo eh di pa rin sya bumibitaw kahit na nahuli sya ni Seulgi na nakayakap.

“Joohyun, what’s wrong?”

“Mumu.”

“Ha? May mumu kang nakita? Don’t be afraid I’m here. Wag ka na matakot, di ka mahuhurt ng mumu, I won’t let them. Kaya shush wag ka na matakot.”

Huwaw, bawi bawi rin pag may time Seulgi no? Sabagay maganda yan simulan mo nang bumawi sa mga kasalanan mo kay Joohyuna. Simulan mo sa pagsama sa kanya na umihi sa baba.


 ðŸš½       🚽        🚽

“Joohyun tapos ka na?”

That’s Seulgi sa labas ng banyo habang hinihintay na matapos umihi ang Lola nyo.

“Oo eto na malapit na.”

Matapos umihi syempre babalik na sa loob yung dalawang meow meow ang kaso mo eto ka, may parang silhouette ng babae na nakatayo by the door. And then suddenly parang nagteteleport unti unti yung silhouette kasi unti unti itong lumalapit sa kinatatayuan nung dalawang mag-ex.

Punyeta! I told yah may mumu eh ‘king ina di malaman nung dalawa tuloy kung saan tatakbo.

“Hyun!” Sigaw ni Seulgi sabay hatak sa lola nyo papasok ulit sa banyo.

Di na nakakaisip masyado yung kuneho kaya sumunod na lang rin ito sa oso. Nang makapasok sa loob ay mahigpit na niyakap sya ni Seulgi sabay narinig niya ito na nagdadasal nang malakas.

Nung nakadalawang abaginoong maria na si Seulgi ay may nadinig silang mahihinang katok. Juskupo! Santamaria ina ng awa! Otoke?

“Go away masamang espiritu!”

Wow in fair talaga matapang yung oso.

Tok Tok Tok biglang lumakas yung mga katok.

“Seulgi…”

“No Hyun wag ka matakot I’m here.”

Tok tok tok

“Sinabi nang di kami natatakot sa iyo eh!” Umaktong bubuksan ni Seulgi yung door nang pigilan sya ni Irene.

“Hyun, dito ka lang whatever happens wag kang lalabas hanggat di ko sinasabi. Don’t be afraid.” Kiniss pa ng marahan sa noo ni Seulgi yung kuneho bago nito unti-unting binuksan yung pintuan ng door. Ipininid din kaagad ni Seulgi yung pinto pagkalabas nito kaya naman di nakita ni Irene kung ano yung nasa labas. Nagulat na lang ito ng madinig nya ang malakas na sigaw ni Seulgi mula sa labas…

“Nooooooo!!!!!”

“Seulgi?! Seulgi?! Anong nangyari?!”

No answer from Seulgi.
 
“Seulgi?!!! Please answer me!”

Wala pa rin.

Naguunahan na yung mga luha sa mga mata ng lola nyo. Halo halo na yung nadarama ni Baechu. She’s afraid and worried kung ano na nangyari sa kanyang bear in shining fur. Gustong gusto na nyang matapos ‘tong nightmare na ito, kasi konting konti na lang talaga at matetegibombs na sya sa takot swear.

“Seulgi!”

Wala talaga.

Kailangan mo na talagang maging strong Baechu. You can do it!

Gathering yung natitirang tapang sa dibdib nya ay dahan dahan syang sumilip sa maliit na butas dun sa lumang pinto ng banyo. Weird nga lang kasi walang ibang makita yung kuneho kundi kulay red lang.

Tinawag nya ulit yung pangalan ni Seulgi. Nang wala pa ring madinig na sagot ay lakas loob na binuksan ng lola nyo yung door. Wala syang balak matigok sa loob ng kubeta kaya naman she’s making a run back to the house bahala na si Lord sa kanya.

Luckily mukhang tapos na yung bangungot kasi pagkalabas ng banyo ay wala na yung mumu na gumugulo sa lola nyo. Kaya naman nakatakbo ito pabalik ng bahay. 


 ðŸ˜Œ       😌        😌

“So pakiexplain mo nga ulit sa amin Irene yung nangyari kagabi.”

Umaga after ng gabi ng lagim. Kasalukuyang busy ang mga bakasyonista na nagaayos ng kanilang gamit.

“I told you Seohyun may mumu na naman akong nakita kagabi. And it is not just me pati Seulgi nakita rin yung mumu.”

“It’s true Ate meron talaga kaming nakita ni Hyun kagabi.” Pagkoconfirm ni Seulgi sa statement ni Bebibani.

“Eh anong nangyari at si Irene nakabalik ng bahay at ikaw naman natagpuan namin na mahimbing na natutulog sa loob ng kotse.”

“I actually do not know Ate Seohyun. I went outside para silipin kung ano ba yung kumakatok then suddenly everything went blank.”

“Okay okay anyway paalis na naman na tayo ngayon. And I’ve already talked to the caretaker, so sya na ang bahala dito sa bahay. If they want to live here edi tirhan nila pero kung wala namang gagamit eh mas mabuti pa kung ibebenta na lang nila ‘tong bahay.”

Matapos mag-empake ay isa isa na nilang ikinakarga yung kanilang mga bag sa sasasakyan katulong si Mang Jose yung caretaker.

“Maam Irene, naikuwento po ni Maam Seohyun na may nakita at naramdaman daw po kayo dito sa bahay?”

“Meron po Mang Jose.”

“Salamat na lang po sa Diyos at okay po kayo. Maganda po sana kung makakadaan muna kayo ng simbahan bago tuluyang bumalik ng Maynila.”

“Bakit po Mang Jose?”

“Para na ring sa proteksyon nyo. Mahirap na baka sundan din kayo nung espiritu.”

Meow! Naku Baechu dumaan kayo sa Manaoag bago umuwi mahirap na.

“Ah okay okay po sige Mang Jose, dadaan po kami ng simbahan later.”

“Mabuti naman. Alam nyo po kasi maam usap usapan na talaga ng mga taga dito yung misteryosang babae na madalas magparamdam dito sa lumang bahay.”

“So marami na ring pong nakakita din dun sa White Lady?”

“Marami maam. May iba pa nga pong nakapagsabi na may kakaiba daw po dun sa white lady.”

“Anong kakaiba Mang Jose?”
 
 
“May mga nakapagsabi po maam na yung white lady daw po ay may nanlilisik at pulang mga mata.”

Biglang nagtayuan yung mga balahibo sa katawan ng Lola Baechu nyo.

Pulang mata? 😱

Nung sumilip sya kagabi dun sa butas sa door ng bathroom wala syang nakita kundi kulay pula lang… kulay pula take note, hindi manok na pula kundi kulay na pula.

Pula... punyeta!

Don’t tell me yung naka-eye to eye ng lola nyo ay…

“Seulgi!!! Dalian mo uwi na tayo ng Maynila!!!

Geuraeseo nan nunnunanna... Mummumumamma

May mumu mama, mumu-mu-mama
 
 
 
 #seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/
Saglit na segway sa namumuong love life nina Wendy at Joy. Akalain ninyong may potential loveline pala yung dalawa. Totyal kasi sa Singapore pa yung developan setting nung dalawa. Sila na ang naka-couples' trip pero di naman sila couple.
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]