"Oo,
bahay ko 'to!, Dahil ako ang nagbabayad ng ilaw, ako ang nagbabayd ng
tubig! Get out of my house! I don't need a parasite!"
MARICEL SORIANO in 'SEPARADA'
🔊 Welcome to Mobile Legends
🎶 I love it when you call me señorita (Sabon sabon)
I wish I could pretend I didn't need you (Nag-blow pa ng bubbles)
But every touch is ooh la la la ohh la la la
🎶 I love it when you call me señorita (Sabon sabon)
I wish I could pretend I didn't need you (Nag-blow pa ng bubbles)
But every touch is ooh la la la ohh la la la
🔊 Five seconds till the enemy reaches the battlefield, Smash them!
Bahhhh… nasa mood si Tita Cute Cute ahhhh… pakanta kanta pa habang pinapaliguan si Chow Fan. Pero kung gaano kasaya ng Tyang, eh sya namang kina-gloom gloom ni Joohyuna on the side.
Bahhhh… nasa mood si Tita Cute Cute ahhhh… pakanta kanta pa habang pinapaliguan si Chow Fan. Pero kung gaano kasaya ng Tyang, eh sya namang kina-gloom gloom ni Joohyuna on the side.
Kanina pa ni-lalazer eyes ni Baechu yung walang kamalaymalay na aso. Konting konti na lang kasi talaga ko-KOTA KINABALU na
si Chow Fan dun sa kuneho. Ang dami na kasing “atraso” nung aso sa
kanya, kahapon nga lang may ganap na naman between sa mag-among aso at
kuneho.
🔊 All troops deployed
“Tigilan mo nga yang tingin mo ng masama kay Chow Fan Joohyuna. Hindi naman kasalanan ng aso na tatanga tanga ka at naisipan mong gamitin as shampoo yung shampoo ng aso. Dapat nga si Chow Fan ang magalit sa iyo kasi binawasan mo yung shampoo nya.”
🔊 All troops deployed
“Tigilan mo nga yang tingin mo ng masama kay Chow Fan Joohyuna. Hindi naman kasalanan ng aso na tatanga tanga ka at naisipan mong gamitin as shampoo yung shampoo ng aso. Dapat nga si Chow Fan ang magalit sa iyo kasi binawasan mo yung shampoo nya.”
“Wow Tyang! Ako pa talaga ang may kasalanan?”
“Oo
kasi shushunga-shunga ka! Now tigilan mo na nga yang pagmamaldita mo at
pahiram nga ako ng blow dry mo, tutuyuin ko lang itong si Chow Fan.”
“Nooooooo! Ayaw tyang!”
“Tumigil ka nga Joohyun! Kunin mo na yung blow dryer bilis!”
“Nooooo!!!”
“Anong no?” Napatayo na ang tyang mula sa pagkakaupo sa kanyang bangkito na gamit nya habang pinapaliguan si Chow Fan.
Patay kang kuneho ka! Ano may ipaglalaban ka pa?
🔊 Initiate Retreat!
🔊 Initiate Retreat!
“Noooooo! Stop!!!!”
“Woof!”
“Anong sabi mo?”
“Woof woof!”
“Ang pasaway mo talagang aso ka!”
“Woof Woof woof”
“Che! Wala akong paki kung nasasaktan ka! Umayos ka ngang hayop ka para matapos na ako sa pagtutuyo sa iyo.”
Kala
ko naman lalaban si Baechu against Tyang. Yun pala hanggang porma lang
pala ‘tong si Ateng. Eto nga sya pa mismo ang nagtutuyo kay Chow Fan.
“Umayos ka sabi! Sige ka kakalbuhin kita makita mo!”
Medyo
kumalma naman na si Chow Fan. Pero ito talagang lola nyo may sa
pagkapasaway din talaga kasi nanahimik yung aso eh sukat ba namang
sundutin yung pwet. Ayan tuloy away na naman ang ganap.
“Ano lalaban ka? Ano ano?”
“Woof!”
“Pangit! Kala mo cute ka!”
“Woof woof!”
“Anong sabi mo? Susumbong mo ako kay Tyang?”
Wow yung kuneho nakakaintindi ng lenguwahe ng mga aso?
“Woof!”
“Sige magsumbong ka! Paki ko eh bahay ko ‘to! Sampid ka lang!”
“Woof woof woof!”
"Oo, bahay ko 'to! Dahil ako ang nagbabayad ng ilaw, ako ang nagbabayad ng tubig!”
Hala hala mainit na ulo ni Baechu, nagdradrama-drama na rin si bakla. “Get out of my house! I don't need a parasite!"
“Joohyun!!!” Sigaw ni Tyang from the kitchen.
“Yes tyang!”
“Pagkatapos mong tuyuin si Chow Fan, dalhin mo sya dito sa kusina para mapakain mo na sya.”
“Opo Tyang.”
😃 Tita Cute Cute: 5 points (syempre si Tyang yan no, so iba ang points system sa kanya)
🐶 Chow Fan: 2 points
🐰 Baechu: Bokya
🏹 🏹 🏹
Nom Nom Nom… Sarap ng kain ni Chow Fan.
“Ano sarap ba?”
“Woof!”
“Dapat
lang eh akalain mong mas mahal pa yang dog food mo sa bigas namin. Sige
lang kain ka lang, (pabulong) mabulunan ka sanang hayop ka.”
“May sinasabi ka ba Joohyuna?”
“Ah eh wala Tyang.”
“Wag
mong kalimutang painumin si Chow Fan ha. Tapos may box ako ng treats na
binili para sa kanya. Bigyan mo si ChowFie ng isa after nyang ubusin
yung dog food nya.”
“Yesss Tyang.”
😃 Tita Cute Cute: 10 points
🐶 Chow Fan: 3 points
🐰 Baechu: ZE to the RO
🏹 🏹 🏹
Knock knock
Nasa Japan na yung diwa ng Lola Baechu nyo ng may marinig syang sunod sunod na katok. Pilit na ibinagon ni Baechu ang sarili para pagbuksan kung sino man yung kumakatok sa kuwarto nya disoras ng madaling araw.
Nasa Japan na yung diwa ng Lola Baechu nyo ng may marinig syang sunod sunod na katok. Pilit na ibinagon ni Baechu ang sarili para pagbuksan kung sino man yung kumakatok sa kuwarto nya disoras ng madaling araw.
“Oh Tyang bakit po?”
“Ano to Joohyuna?!”
Idinilat pilit ni Baechu ang kanyang mga mata para makita kung ano yung sinasabi ng Tyang.
Bumungad sa lola nyo ang pagmumukha ni Chow Fan.
“Woof!”
“Oh bakit problema tyang?”
“Problema?
Di ba sabi ko sa iyo dyan mo patutulugin si Chow Fan sa kuwarto mo para
di mainitan. Kuwarto mo lang ang may aircon dito sa buong kabahayan.”
“Ayaw Tyang!”
“Anong sabi mo?”
Wag ka na kasing humirit Joohyuna kung ayaw mong ikaw ang patulugin ni Tyang sa sala.
😃 Tita Cute Cute: 15 points
🐶 Chow Fan: 4 points
🐰 Baechu: Waley pa rin points hanggang ngayon
So
far masasabi natin na yung little peace offering ni Seulgi ay big piece
of suffering para kay Baechu. Imbis na humupa ang galit nung kuneho ay
mas lumalala pa. Konting konti na lang talaga at si “peace offering” ay
gagawin nang offering ni Joohyuna sa dambana ng mga manginginom para
ma-azucena at maging pulutan ng mga sunog baga.
Naku wag naman sana. Pero Baechu’s got a plan.
“He he he, patay kang aso. Bilang na ang mga araw mo sa pamamahay na ito.”
“Woof!”
“Yes ‘woof’ all you want malapit ka na mapa-deport sa impiyernong pinanggalingan mo.”
🛡️ 🛡️ 🛡️
Kinabukasan.
“Ano
ba ‘tong topak mong bata ka at nagpatawag ka ng emergency family
meeting?” Sabi ng Tyang habang humahatak ng silya sa dining table.
“Oo nga ate ano ‘tong drama drama mong meeting?”
“Well I gathered you here today because meron tayong big decision to make.”
“At
ano naman yung ‘big decision’ na sinasabi mo Joohyuna? Wag mong
sabihing itutuloy mo na yung balak mong bumili na lang ng sperm para
mag-anak na lang at di na mag-asawa?”
“Nope Tyang, hindi pa handa ang mura kong katawan…”
“Nagmumura kamo.” Singit nung Tyanak.
“Shadap
you piece of shitake mushroom! Anyway, as I was saying… hindi pa handa
ang katawan ko magbuntis and hindi tungkol sa pagbubuntis ang meeting na
ito. It’s about that dog.”
🔊 You have slained an enemy
Biglang napatayo yung mga tenga ni Chow Fan. Parang naiintindihan nyang kasalukuyan syang ‘on trial’ kaya she needs to be on alert.
Biglang napatayo yung mga tenga ni Chow Fan. Parang naiintindihan nyang kasalukuyan syang ‘on trial’ kaya she needs to be on alert.
“Oh ano namang prob nung aso?”
“That dog can no longer live in this house, kasi di ko na afford.”
“Mahal ang dog food.”
🔊 Triple kill
"Mahal ang pa-grooming.”
🔊 Monster Kill
"Mahal ang pa-vaccine."
🔊 Savage
"Mahal ang kuryente. Mahal lahat."
🔊 Impossible!
"At sya nga pala Tyang sira na yung aircon natin."
🔊 Triple kill
"Mahal ang pa-grooming.”
🔊 Monster Kill
"Mahal ang pa-vaccine."
🔊 Savage
"Mahal ang kuryente. Mahal lahat."
🔊 Impossible!
"At sya nga pala Tyang sira na yung aircon natin."
"So yun… di na pwede manirahan yung aso na yan dito kaya Yeri ibalik mo na yang aso na yan kung san man yang lupalop galing.”
🔊 God Like
Wala
nang nagawa yung mag-Tiya na sina Yeri at Tita Cute Cute. Mukhang final
na yung desisyun nung kuneho kaya para di na magtuloy tuloy yung
killing spree ni ate sige na lang si Baechu na ang...
🔊 Legendary
🔊 Legendary
😃 Tita Cute Cute: 15 points
🐶 Chow Fan: 4 points
🐰 Baechu: 1 point, plus 4 points for dramatic skills. For a towtal of payb points!
Kinabukasan after nung kinabukasan.
Maganda
ang mood ni Joohyuna habang nanonood ng ‘Magandang Buhay’ sa sala.
Tahimik ang mundo ni tanga kasi syempre solo nya ang buong kabahayan and
of course nai-dispatch na nya yung asong tinik sa kanyang lalamunan.
Gone with the wind na yung parasite na aso sa buhay ng lola nyo. So peace is finally restored.
Ligayang
ligaya sa panonood kina mumsh nung kuneho nang biglang may kumatok. At
dahil nga solo lang sa bahay si ateng nyo eh napilitan si Joohyun na
pagbuksan yung kumakatok.
“Magandang araw po. Maam kayo po ba si Ms. Bae Joohyun?”
Magalang na bati ni kuyang kumakatok.
“Ah eh ako nga po.”
“Ms. Bae ‘san ko po ilalagay yung inorder nyo?”
“Ha? Anong inorder?”
“Yung inorder nyo pong aircon.”
“Whut?! Kailan ako umorder ng aircon?”
“Sabi
po dito sa invoice kahapon po. Fully paid. Under the name Bae Joohyun.
Tama naman po diba kayo si Bae Joohyun? Tama rin po yung address.”
Bahhhh…
yayamanin ang lola nyo may bagong aircon. Kaso lang mukhang may
confusion chenes. So ang lola nyo tumawag mismo sa store, at eto nga
kasalukuyang kausap ni ateng sa phone ‘yung manager ng store.”
“Maam, yan po kasi yung instructions na nakalagay sa invoice. Nakadetalye yung address at pangalan ng bumili.”
“Imposibleng ako ang bumili kasi nga di ako ang bumili. Gets nyo ba ako?”
“Wait lang Ms. Bae, credit card po ang ginamit na pambayad sa item and uhmm yung pangalan po sa card ay… Kang Seulgi.”
🔊 Our turret is under attack!
“Tampalasang oso!”
🔊 Our turret is under attack!
“Tampalasang oso!”
“Po?!”
“No ayokong tanggapin yung item! Isoli nyo yang aircon sa kanya, I don’t need it!”
Hala mainit ang ulo ni ateng nyo.
Ilang
minuto pang debate ang naganap. Subalit, dadapuwat, sa kabila ng lahat
at kahit labag loob nya ay tinanggap na rin ni Baechu yung aircon para
tapos na ang usap. Ipapa-problema na lang ni mumsh kay Yeri yung
pagsosoli nito kay Seulgi, tulad na lang ng nangyari dun kay chow fan.
Ang
bright na sana ng idea ng lola nyo na sirain ng kusa yung old aircon sa
kuwarto nya (yes ganun ka-hardcore si bakla para lang mapalayas yung
aso). Kaso lang di na-anticipate ni ateng yung next move ng ex nyang oso
which is yun nga ang bumili ng bagong aircon.
😃 Tita Cute Cute: 15 points
🐶 Chow Fan: 4 points
🐰 Baechu: 5 points
🐻 Bebiber (new fighter): 1 point, plus 30 points (syempre no mahal ang aircon. Tsaka ang points system parang SM Advantage lang every Php1,000 = 1 point , doble reward kung gagamit ka ng BDO credit card chos!)
🐻 Bebiber (new fighter): 1 point, plus 30 points (syempre no mahal ang aircon. Tsaka ang points system parang SM Advantage lang every Php1,000 = 1 point , doble reward kung gagamit ka ng BDO credit card chos!)
Itutuloy na sana ni Joohyuna yung panonood kina Mumsh Karla, Melai at Jolina nung may kumatok na naman.
“Delivery for Ms. Bae Joohyun.”
“Anong delivery?”
“Delivery po ng Happy Pet dog food po.”
“Whut?! Eh wala naman akong aso!”
🔊 Our turret has been destroyed
At tulad lang rin nang nangyari sa aircon eh di na nakaporma si Baechu at ni-receive na lang nya yung delivery. Bahala na si Yeri magsoli nung lahat nang iyon kay Seulgi.
🔊 Our turret has been destroyed
At tulad lang rin nang nangyari sa aircon eh di na nakaporma si Baechu at ni-receive na lang nya yung delivery. Bahala na si Yeri magsoli nung lahat nang iyon kay Seulgi.
“Dog food dog food aanhin ko naman yan! Di naman nasasaing yan leche!”
And as if on cue ay may kumakatok na naman sa pinto.
“Miss pa-receive na lang po dito.”
“Para saan kuya?”
“Para sa dalawang kaban ng bigas po.”
Yan Baechu may masasaing ka na!
Knock Knock
“Punyeta! Di na ako nakanood ng TV! Kung another delivery na naman 'to punyeta ayoko na! Umiinit na talaga ulo ko.”
😃 Tita Cute Cute: 15 points
🐶 Chow Fan: 4 points
🐰 Baechu: 5 points
🐻 Seulgi: 31 + 8 points for the dog food and another 8 points for the bigas = 47 points
🐻 Seulgi: 31 + 8 points for the dog food and another 8 points for the bigas = 47 points
Knock Knock
“Oo sandali! Punye…”
Di na naituloy ni Baechu yung pagmumura nya kasi syempre isspeechless si ateng.
“Hi! Di nakatulog kagabi si Chow Fan mukhang di na sya sanay sa ibang bahay. Kumain ka na ba? May dala akong pagkain. Tara kain tayo.”
“Hi! Di nakatulog kagabi si Chow Fan mukhang di na sya sanay sa ibang bahay. Kumain ka na ba? May dala akong pagkain. Tara kain tayo.”
It’s Bebiber!
“Anong ginagawa mo dito?” Masungit na tanong ni Baechu.
“Binabalik si Chow Fan…”
“…tsaka nanliligaw.”
“…tsaka nanliligaw.”
😃 Tita Cute Cute: 15 points Follow @tengudness
🐶 Chow Fan: 4 points
🐰 Baechu: 5 points
🐻 Seulgi: I love you 3,000!
Baechu’s base / heartu is under attack.
🐻 Seulgi: I love you 3,000!
Baechu’s base / heartu is under attack.
Abangan sa mga susunod na chapters ang nakakalokang ligawan keme nung dalawang ewan. O baka naman paikot-ikutin lang tayo nitong dalawa pero sa dulo ng walang hanggang ang isasagot lang din naman ni Baechu kay Bebiber ay... (play video below)
#Seulrene #Seulgi #Irene #Fanfics #RedVelvet #Asianfanfics
First
ever Halloween spaycial ng Wag Mo Akong Ma-Terry Terry. Handa nan ninyo
ang mga sarili ninyong ma-ki-la-ba-tu-tan dahil may pa-spaycial
apperance ang isang mumu sa chapter na ito.
[BACK] [VIEW ALL CHAPTERS] [HOME]
No comments:
Post a Comment