FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 44: Si Joohyuna na Walang Malay

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 44: Si Joohyuna na Walang Malay

"Si Val! Si Val! Puro na lang si Val! Si Val na walang malay!"
Vilma Santos in 'Saan Nagtatago ang Pag-ibig (1987)'

"Joohyun!"

"Po?"

"Abot mo nga sa aking yung bathrobe!"

"Opo Tyang."

*   *   *

"Joohyun i-charge mo nga muna itong phone ko."

"Okay Tyang."

*   *   *

"Joohyun!"

"Bakit po Tyang?"

"Kunan mo nga ako ng picture dito sa may balkonahe bilis!"

*   *   *

"Ayusin mo ngang kuha mo bata ka! Gandahan mo ng may mai-post ako sa Festbook mamaya."

"Yes Tyang."

*   *   *

"Joohyun!"

Its Tyang again...

*   *   *

"Joohyuna!"

And again...

*   *   *

"Joohyun asan ka na?"

And again.


*    *   * 

Si Joohyun! Si Joohyun! Puro na lang si Joohyun! Si Joohyun na walang malay! 
https://c.lazada.com.ph/t/c.Y1yK
Hala ayan na!

Nagdradrama na naman si Baechu.

Eh kasi naman kasi, kanina pa dumudugo yung tenga nya sa unli utos at tawag ni Tyang.

Kung pwede lang tumalon mula sa balcony ng hotel, ginawa na ng lola nyo kanina pa.

Ang kaso lang if ever she will do it, ang bagsak ng beauty ng granny ninyo ay sa man-made lagoon sa ibaba (syempre alangan naman sa taas), along with the fishes, the water lilies and the lumots.

Hindi bagok or pagkalunod ang ikakategi ni bakla kundi yung tubig na may live-'lactobabylamok kiti-kiti strain' na maiinom nya the moment na mag-jump right over sya  dun sa cold, cold water.

Yung matagal nang pinaplano na "romantic getaway with Bebiber" ni Baechu ay naging "horrormantic CAN'T-get-away with Tyang."

So masisisi nyo ba naman yung kuneho, if she would like to end her suffering that way.  Ang tindi naman kasing magbantay ni Tita. Ni hindi nga makuhang lumayo ng lola nyo kahit isang saglit kasi maya't maya hinahanap sya nito.

Kinumpiska rin ni Tita Cute Cute yung key card niya so kung sakaling mang makakatakas sya, for sure pagbalik nya it's gonna be...

Ppallippalli pihae right
Cherry bomb feel it yum


Your lola's gonna be the biggest hit on the stage. Kasi mabubugbog talaga sya nang bongga ni Tyang.
So maamong tupa at animo di makabasag pinggan muna ang persona ni Irenea... FOR NOW.


*    *    *

Matapos makapagpahinga nang konti at makagpalit ng damit pang-swimming ay nagtuloy  na rin sina Tita Cute Cute at Joohyun sa lobby ng hotel kung saan naghihintay yung iba pang mga officemates ng lola nyo.

Di naman kalakihan yung grupo, kasi  iilan lang naman ang empleyado ng company.

Sa araw araw na ginawa ng diyos ang masisilayan mo sa office ay yung pagmumukha nung tatlong magbebeshie, sina Joohyun, Amber and Solar.  Then there's Mark yung kanilang new hire and of course si Boss Sunny.

Kasama rin sa outing sina Manong Messenger at Ate Cleaner pero mga supporting characters lang naman sila sa office, so kebs.

Pero etong susunod na character ay major-major figure sa kumpanya na pinagtratrabahuhan ng lola nyo.

Meron tinatawag yung tatlong magbebeshie na 'Big Boss'. Sya yung founder slash owner nung kumpanya. May pa-mysterious effect etong si 'Big Boss' kasi bibihira lang itong bumisita sa opisina. Most of the time si 'Little Boss' (Ate Sunny) ang punong abala sa day to day running of the office.

Pero mukhang na-inspire ata sa pagbabalik ni Angel Locsin (as Jacinta Magsaysay) sa 'La Luna Sangre' itong si 'Big Boss' kasi naisipan din nitong mag-comeback. Nagpasabi sya that she will be joining the company outing. Pero maya maya pa ang dating ni Big Boss kasi may susunduin pa  itong friend.

Nung makumpleto na yung grupo ay nagsimula na silang lumakad papunta sa may restaurant by the beach.

Medyo malapit lang naman yung dalampasigan from the hotel kaya lang kasi sa laki nung Beach and Country Club may nagiikot talagang service within the area to bring the guests around the club. So yayamanin ang peg nung mga taga-Tondo for today.

Ang kaso mo eto ka... nung makita na nina Tita Cute Cute at nung Tyanak yung mga nakahain na malalaking sugpo, nagtatabaang mga crabs at inihaw na baboy ay nakalimutan na nila yung pa-sosyal effect nilang drama.

At dahil ex-member ng 'kalatog-pinggan'  ang Tyang, di uso sa kanya ang hiya-hiya pagdating sa ganitong mga handaan. Kapag sinabing lamon... lamon it is.

Distracted ang Tyang sa pagkutsara sa taba nung crab na sya naman nitong ipapatong sa mainit na kanin kaya 'di nito napansin na natakasan na pala sya nung alaga niyang kuneho.



*   *   *

Few minutes ago...

"Psssst..."

Nagpalinga-linga si Baechu. Sya lang naman yung tao sa may buffet area so nag-wowonder sya kung sino yung sumitsit kani-kanina lang.

Nung walang makita ay itinuloy na ng lola nyo ang pagsandok ng kanin.

"Pssssstttt..."

There's that sitsit again. Pero there's no one around talaga (*Kris Aquino voice).

Ayan na nikakabahan na ang granny ninyo... duwakis pa naman sa mumu si bakla kaya konting chenes lang natatakot na ito.

"Pssst!"

That's it ayawan na!

Kakaripas na sana ng takbo si Joohyun pero buti na lang may nagsalita.

"Bani..."

Finally knowing na ng lola nyo kung sino ba yung sitsit nang sitsit magmula pa kanina.

Surprise! It's Bebiber!

Pero asan na nga ba si Seulgi?

"Bani dito sa ilalim."

Huh? Sa ilalim ng buffet table?

Inangat ng lola nyo yung tabing na kurtina nung lamesa.

Watdapak?! Nasa ilalim nga yung oso!

"Bebiber anong ginagawa mo dito sa ilalim?"

Now pareho nang nasa ilalim ng table yung mag-jowa.

"Waiting for --"

Di pa natapos mag-explain si Bebiber pero ang lola nyo wai na paki kasi syempre na-miss nya yung oso so... pa-kiss daw muna.

So eto nga kaya nasa ilalim yung oso ay -- wait isa pa daw nasarapan si bakla...

Yun nga kaya nasa-- last na daw pwomise.

After makadami ni Baechu ay naituloy na ni Seulgi yung sinasabi nya kanina, "hinihintay kita kasi di ba ang sabi mo wag na muna akong magpakita sa Tyang mo. Eh I super miss my Bebibani so yun I followed your group nung nakita ko kayo sa lobby ng hotel kanina."

Awww... ang sweet naman nung oso.

At dahil dyan, pa-kiss daw ulit yung kuneho...

But wait there's more.

"Pwede later na kayo tumodo ng chenes kasi baka lang di nyo napapansin, I'm also here."

It's Chicken Joy. Nasa ilalim din pala ng buffet table si bakla.

Bale kasi ang original plan is, Joohyun and Seulgi will come to the outing together... and they will live happily ever after.

Kaya nga lang biglang sumingit sa picture yung kapatid sa pananampalataya ng lola nyo. So Joy was brought in to the picture as well. The manok will serve as a distraction para di masyadong mag-chuchu yung Tyanak. So tuloy ang ligaya.

Pero dahil nga may mga nangyari na mga anik anik. Eto ngayon, pati si Tyang kasama na rin.

So isang malaking goodluck na lang talaga dun sa mga balakin sa buhay ng lola nyo.
 

*    *    * 

Masayang bumalik si Joohyun sa tabi ni Tyang.

At dahil happy ang lola, napadami ng kain ng manggang hilaw at bagoong si bakla. In short, di na muna sya pwedeng maligo agad.

Awra awra na muna sa may dalampasigan ang pinagkaabalahan ng lola nyo, habang nagpapababa ng kinain.

And while doing that ay may nakitang  babae si Joohyun,  and it looks like the woman is walking towards her direction.

Tinitigan ni Baechu yung mukha nung girlaloo, and after makilala kung sinetch si ateng ay napasigaw na ang lola nyo nang, "Joohyuna!"

"Joohyuna!"

Nope hindi yun echo and hindi kay Baechu galing yung second na 'Joohyuna'.

"Joohyuna!"

Sigaw ulit ng lola nyo.

"Joohyuna!"

Sigaw ulit nung babaeng kanina pa sinisipat-sipat ng lola nyo and this time patakbo na sa direction ni Baechu si Ateng Girlaloo.

At parang airport scene sa mga movie, nung nagkalapit yung dalawang girlash ay nagyakap sila ng mahigpit.

Ang cute lang kasi binear hug ni Ateng Girlaloo yung granny ninyo since she's a lot taller than your lola. Nakuha pa nga nitong iangat ng kaunti yung kuneho.

"Kanina ka pa ba?"

Tanong ni Joohyun kay Ateng Girlaloo.

"Nope, kararating lang namin."

In fairview, gandara rin si Ateng Girlaloo. Ang kyowti kyowti nung mga cheeks nya tapos yung mga mata... empanada shape. Charing!

"Pagod ka sigurado sa biyahe."

"Hindi rin. I didn't drive naman." Sabay kumindat pa si Ateng Girlaloo.

"Hay naku, kinawawa mo na naman yung tao."

"Hahahaha hindi no... tsaka sya naman ang nag-prisinta eh."

"Sabi ko nga... huy bakla ka! Na-miss kita ng bongga! Ang tagal mong di nagpakita sa office."

"Miss you too! Don't worry babawi ako sayo. Sobrang dami kong alak na dinala. Pwede kang maligo ng red wine sa bathtub."

"Ay bet bakla! Tara na! Simulan na natin!"

"Baliw! Mamaya pa yun tsaka di ba ang sabi mo sa akin dapat malasing na muna natin sina Ate Sunny at si Tyang mo para walang mga bantay."

"Ay oo nga pala kailangan na muna nating itumba yung mga oldies para mas masaya."


"Joohyuna!!!"

It's Boss Sunny shouting from under the big umbrella malapit kung saan nagchichikahan yung dalawang mag-friendship.


"Naku mukhang nais-spotan  ka na ni  Little Boss."

"Mukha nga. Oh sya, tuloy mo na yung pag-MeMel Tiangco mo sa tabing dagat. I'll just talk to Ate Sunny sandali. Then after, babalikan ko na muna si Yoona sa kuwarto. Baka kasi nakatulog na iyon nang di man lang kumakain sa sobrang pagod sa pag-dridrive."

"Okay. Sige bakla."

"Huy Joohyun baka nakakalimutan mo ang dami mong utang na chismis sa akin. Tapos sabi mo I'll finally meet itong si 'Bebiber' mo. So aasahan ko yan ha!"
 

"Oo na Joohyun, mamaya wag kang mag-alala."

"Gosh, I miss hearing that name..."

"Huh? Yung 'Joohyun'?"

"Yup. Alam mo naman na mga old friends ko na lang at si mommy ang tumatawag sa akin ng ganyan."

"Sorry naman, di lang talaga ako sanay na tawagin ka by your new name."

"It's fine ano ka ba... ako rin naman di nasanay na tawagin ka ng 'Irene'."

"Seohyun... Seohyun... cute naman sya, pero syempre maganda pa rin yung 'Joohyun'... sing ganda ko."

"Wala nang mas gaganda sa iyo, Char! Ay naku sige na mamaya na tayo mag-chikahan I'll go to Ate Sunny na."

"Okay go!"

Nagsimula nang maglakad si Seohyun palayo sa lola nyo ng bigla itong tinawag ni Baechu.

"Big Boss!"

"What?! I told you not to call me that ever again!"

"Big Boss wala bang increase?"

"Baliw!"
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt #wenjoy 

May nahuling may ginagawang kababalaghan. Ang tanong, sino kaya yun? Sa mga karakters isa lang naman ang notorious sa pagiging malanjutay. Magkanong ipupusta nyo na yung ma-L na kuneho yun?
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]