FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 43: Corned Beef

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 43: Corned Beef

"Ah laglagan pala tayo dito. Baka nakakalimutan nyo, kung hindi dahil sa akin, hindi ka makakatikim ng corned beef."
Cherry Pie Picache (as Isadora) from the TV-series "Iisa Pa Lamang (2008)"

Remember when we held on in the rain
The nights we almost lost it...


"Hello Yeri."

...we can take the night into tomorrow

Napansin siguro ni Manong Taxi Driver na may kausap yung pasahero nya sa phone kaya medyo hininaan nito yung radyo.

Touching you I feel it all again...

"Oh Ate san na kayo?"

"Pauwi na. Ang tyang?"

"Nasa sala."

"Gising pa rin hanggang ngayon?"

"Oo, at wala daw matutulog sa bahay hangga't di ka umuuwi."

"Leche ka kasi! Di ba ang sabi ko kapag naghanap ang tyang sabihin mo nagpunta lang ako ng Mercury, masama ang pakiramdam, bumili ng gamot, ganun. Tapos di ba ibinilin ko rin na pagdating ng bahay aliwin mo ang tyang. Painumin mo ng gatas, ng red horse, ng anything na nakakaantok para makalimutan na nyang hanapin ako. Nubayan, kasimple simpleng instruction di mo magawa."

"Eh ate sinabi at ginawa ko naman lahat ng bilin mo, kulang na nga lang sayawan ko ang tyang. Kaya lang ang tagal mo naman kasing umuwi."

"Aba putangchenes na Tyanak na to sumasagot pa!"

"Sang Mercury ba kayo bumili ng gamot ha ate? Sa Antipolo?"

"Che!"

"Yari ka talaga ate, hawak hawak na ni tyang yung labaha (razor). Mag-goodbye ka na sa Rejoice-so-smooth-walang-sabit mo na hair."

"Punyeta! Hoy Yerimi oras na may mangyari sa hair  ko magtago ka na sa lungga mo. Lintik lang ang walang ganti tandaan mo."

"Luh! Bakit pati ako--"

May sasabihin pa sana yung tyanak kaya lang parang nakatunog si Tita Cute Cute na magkausap sa phone yung mag-ate kaya naman... "Hoy Yerimi! Ang ate mo ba yan?! Amina na nga yung phone, pakausap dyan sa ate mong malandi!"

Syempre ano namang laban ni Yerimi kay Tyang, kaya naman iniabot nito kaagad yung phone sa kanilang tiyahin.

"Hoy Joohyun!" 


"Po."  

"Malandi kang bata ka! Asan ka na?!"
 

"Pauwi na po."

"Nag-enjoy ka ba?"

"Po?"

"Siguraduhin mong kumota ka na sa pakikipaglandian dyan sa jowa mong mukhang oso kasi paguwi mo ng bahay... ay naku! Sinasabi ko talaga sa iyo bata ka, aahitin ko lahat ng buhok mo sa katawan! Lahat! PATI SA IBABA!"

"Eh Tyang kasi--"

Call disconnected...

Hala lagot yung kuneho.

"Hello? Tyang? Tyang?!"

Di na maipinta yung pagmumukha ni Baechu matapos syang babaan ng telepono ni Tita Cute Cute. Napansin agad ito ni Seulgi kaya naman tinanong sya nito, "Bani, anong sabi ni Tita Taeyeon?"

"Huh? Ah eh uhmm..."
 


And as if on cue, ibinalik na ni Manong Taxi Driver sa normal yung volume ng kanyang radio.

Galing din tumayming ni Manong eh... yung song sakto sa eksena sa buhay ni Joohyun.

Comfort and keep us
Help me bring the feeling back again

Eto na... para kay Baechu...   a-payb, six, se-ben, SING!

Didn't we almost have it all
When love was all we had worth giving?
THE RIDE WITH YOU WAS WORTH THE FALL MY FRIEND
Loving you makes life worth living!


Yan Baechu... sige landi pa more.

Sana lang talaga worth it yung chorva kasi I'm sureness, ni isang hibla ng balahibo walang matitira dun sa kuneho once matapos ni Tyang yung ahitan session.
  

🎤     🎤     🎤

Dahan dahan pang sumilip ang lola nyo dun sa may bintana. Sinisipat nya kung 'san ba sa sala nakapuwesto ang tyang.

While doing that nag-reready na si Joohyun i-reenact yung famous line ni Toni Gonzaga dun sa 'Four Sisters and a Wedding'... naka on cue na yung  "I'm sorry. Tyang, I'm sorry. Alam ko naman na kahit anong mangyari mahal na mahal nyo ako eh. Pero ako ho kasi yung may problema."
 

Of course we all know naman na charot lang ang lahat ng mga sasabihin ni Joohyun. Pero masisi nyo ba ang lola nyo, eh syempre afraid makalbo si bakla. So kesehodang maglulupasay sya o humalik sa lupa waley na talagang paki si Baechu, she'll do anything maisalba nya lang ang kanyang Rejoice-so-smooth-walang-sabit na hair.

Nananakit na yung leeg nung kuneho kakasilip sa may window nang biglang may sumundot sa puwet ng granny nyo...

"Ay puk*e!"

"Luh ano kaya yun? Di naman yun yung sinundot ko."

"Yeri? Leche kang bata ka!"

"Ssshhhh! Wag kang masyadong maingay ate at baka magising ang tyang."

Saway nung nakakabatang kapatid ng lola nyo.

"Anong ginagawa mo dito sa labas bata ka? Tsaka ang tyang asan?"

"Hinihintay kang umuwi ano pa ba. Ang tyang? Ayun borlogs sa may kusina."

"Nakatulog ang tyang?"

"Oo nakatulog na rin sa wakas."

Nakahinga ng maluwag ang lola nyo. Nakaiwas si Baechu magilitan ni Tita Cute Cute.

Of course the future is not yet clear, kasi  di pa nila alam kung maalala pa  ba ni Tyang ang mga pangyayari today. Pero given Tyang's history there's a big chance na forgotten na nito ang mga events by the moment na magising ito... well your granny hopes so.

Naghanda nang pumasok si Joohyun sa loob ng bahay nang pinigilan sya nung tyanak.

"Hep hep hep hep ate yung promise mo sa akin ha."

"Huh? Anong promise?"

"Hala ang ate nakalimutan na agad. Di ba ang sabi mo, kapag tinulungan kitang i-handle si Tyang today you will bring me to your company's outing next week."

"Wala akong pino-promise na ganun no?"

"Ah ganun wala pala ah... teka. Tyang! Tyang!"

"Punyetang batang to... huy! sssshhhh..."

Hindi magkadaugaga ang lola nyo sa pagpapatahimik dun sa tyanak.

"Oo na, oo na... isasama na kita kaya manahimik ka na."

"Talaga ate?"

"Oo na. Kaya manahimik ka na dyan. Basta bukas ng umaga act normal. Ang storyline natin kay tyang, 'kanina pa ako nakauwi, at kaya walang maalala ang tyang kasi super lasing na lasing sya' gets?"

"Okay ate." Sabay nag-thumbs up pa yung Tyanak.
 

 🌴      🌴     🌴
 https://c.lazada.com.ph/t/c.YbTt?url=https%3A%2F%2Fwww.lazada.com.ph%2Fproducts%2Ffull-dry-diving-full-face-mask-swimming-goggles-for-gopro-camera-lxl-i294952581-s489714028.html

"Welcome to Hotel del Loonha! My name is Antonio Mamaril. Yung can call me Anton for short pero kapag gabi na, you can call me Tonette.  I-oorient ko lang kayo mga madam about sa mga facilities ng resort. We have kyeme kyeme kyeme... To your left we have kyeme kyeme kyeme..."

Wala na.

Wala nang naabsord ang utak ng lola nyo ngayon.

Whatever yung kinokoda ni Maam / Sir waley ng pake si Baechu.

Ang tagal hinintay ng lola nyo ang araw ito tapos... tapos... ganito lang ang mangyayari.

Balikan natin yung morning after nung araw na napuyat ang tyang kakaabang sa pag-uwi nung kuneho shall we...


Flashback

"Oh Joohyun gising ka na pala. Tamang tama luto na ang almusal. Halika kumain ka na muna bago ka pumasok ng office."

Biglang nagkatinginan yung mag-ate.

Is tyang for real?

Seryoso?

Parang gusto ko nang maniwala sa lakas ng voodoo powers ng lola nyo kasi, not only did Tita Cute Cute forgot yung mga pangyayari kaninang madaling araw. It seems super in the mood din ito, kasi may pa-corned beef pa ang tyang... this early in the  morning.
 

At dahil magaling umarte ang lola nyo, nairaos ni Baechu yung breakfast with Tyang na parang wala syang atraso dito. Walang kabahid-bahid ng guilt yung mga kilos nung kuneho.

So kawawang Tyang, wala itong ka-idiidea na naisahan na naman sya ng kanyang alaga.

Well, yun ang akala ng lola nyo...
 

🐄      🐄     🐄

Days after...

"So guys final na ang lahat ha... tomorrow ng 6am ang kita-kits dito sa office. Amber will be bringing a car so ikaw Solar tsaka yung isang kasama mo, pwedeng dun na lang kayo sumabay sa kanya. The rest can take the company van."

It's Boss Sunny, nagbibigay sya ng mga final instructions para sa outing bukas.

Outing ba ika 'nyo?

Syempre kasama si Baechu... di pwedeng maiwan ang granny ninyo no. Eh the moment na in-announce yung balakin na company outing na yan ang lola nyo nakapag-print na at nakapagpapirma na ng waiver kay Tyang, parang field trip lang ang peg.

Eggcited much ang lola nyo kasi ang sabi ni Ate Sunny, pwedeng magdala ng isang love one sa outing. So alam na...
 
Ang kaso mo eto ka, hindi ba nangako nung nakaraan ang lola nyo dun sa Tyanak na isasama nya ito sa outing?

Pero Baechu being Baechu walang itong kabalak-balak na i-honor ang kanyang kasumpa-sumpang pangako kay Yerimi. Buo na ang desisyon ni Joohyun na si Seulgi ang kanyang plus one dun sa outing. Dumating na sa wakas ang chance ng lola nyo na mairampa ang kanyang very cute and very hot at the same time na jowa. So to Yeri... better luck next time.
 
Ang kaso mo eto ka ulit... sabi nga sa kasabihan "Matalino man ang matsing... matsing pa rin. Charot!" 

Tanggap na ni Yeri na may sa utak kriminal talaga ang kanyang ate. Ninety percent sure din sya na gugulangan na naman sya ng kanyang  ate so bago pa mangyari yun inunahan na niya ito.

Again lets go back dun sa morning after nung araw na napuyat ang tyang... 

Naalimpungatan si Tyang sa kanyang pagkakasubsub sa lamesa sa may dining.

Pupungas pungas na inilibot ni Tita Cute Cute ang kanyang paningin sa paligid-ligid.

It's all coming back to Tyang now kung bakit sya nakatulog sa kusina.

And contrary to public belief, hindi nya nakalimutan ang kanyang reason why sya napuyat. Kasalanan itong lahat nung nuknukan ng landi nyang pamangkin.

Habang busy sa pag-ploplot ang Tyang ng ways kung papaano nya babalatan ng buhay yung kuneho ay sya namang enter frame ni Yerimi.

"Morning Tyang!" Masayang bati nung Tyanak sa kanyang tiyahin.

Wag na kayong magtaka, naka-on na yung 'maan maanangan acting' ni Yerimi the very moment na nagising ito so yun... basta whatever ang itanong ng Tyang she will just stick dun sa script nila ng kanyang ate.

"Yeri..."

"Tyang?"

"Gusto mo ba ng corned beef?"

"Po?"

"Di ba favorite mo yun? Gusto mo ipagluto kita?"


Isang latang corned beef.

Ng dahil sa isang lata ng corned beef ay ipinagkanulo ni Yerimi ang kanyang Ate Joohyun.

Ng dahil sa isang latang ginisang PureFoods corned beef ay inispluk  na nung Tyanak lahat ng napagusapan nilang mag-ate. Pati yung pangako nitong outing next week ikinanta na rin nya.

"Gusto mo talagang sumama sa outing Yeri?"

"Oo naman tyang. Kaya lang knowing ate..."

"Eh what if I told you na next week sisiguraduhin kong makakasama ka sa outing?"

"Talaga tyang?"

"Oo naman. Di na natin kailangan ang ate mo."

"Yes!"

"Pero you will need to do something for me first Yeri..."

"Kahit ano Tyang."

"Tulungan mo akong turuan ng leksyon yung ate mong malanjutay."

"Call!"
 

🌴      🌴     🌴

Present Day (araw nung company outing ) 


"And that's it mga madam... basta if you have any question don't hesitate to approach any of the hotel staff."

"Thanks Anton. So yun guys, sabi nga ni Anton ang dami nyong activities na pwedeng gawin dito sa resort so para makarami tayo, I'll give you time to rest a little and to change into your swimming attire and by lunch time let's meet again here at the lobby tapos sabay sabay na tayong magpunta sa beach kasi dun naka-book yung lunch natin. "

"Eh Boss Sunny pano nga pala yung mga room assignments?"

"Ah oo nga pala, eto... bale dala-dalawa per room so... syempre ang roommate nyo ay kung sino yung isinama nyo dito sa outing. So..."

At sinumulan na ni Boss  Sunny i-distribute yung mga keycards.

"Solar and Moonbyul here are your keycards... Amber and Krystal... eto naman ang sa inyo... Yeri eto hawakan mo na muna yung sa atin. And finally Joohyun...

...eto naman ang keycards ninyo ng Tyang mo."

   
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt #wenjoy
 
Si Joohyun! Si Joohyun! Puro na lang si Joohyun! Si Joohyun na walang malay! Walang malay kaso lang malandi. Char! Ano na naman kayang kagagahan ang prinepare ng lola nyo this time? Sanay na tayo sa kalandian ni bakla so yung anik na "walang malay" so hard to believe.
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]