FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 03: You Had Me at 'Hello'

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 03: You Had Me at 'Hello'
"You had me at 'hello'." 
Jerry Maguire (1996)


Ang Nakaraan Chapter
 
Ang blind date, bow.
Naglalakad papunta si Seulgi sa isang maliit na coffee shop kung saan nya supposedly i-memeet and greet yung nakakatandang kapatid, nung jowa, ng kanyang pinsan.

Medyo binibilisan na nya ang kanyang lakad. Well, hindi pa naman sya late, pero mula kasi sa mga kuwento ni Chicken Joy mukhang may pagka-scary yung 'Ate Irene'.

At dahil may pagka-exage mag-kuwento yung anak ng manok na pinsan ni Seulgi, heto tuloy yung oso ni-ka-ka-bahan na.

'Di nakatulong yung na-receive na text ni Seulgi mula sa kanyang pinsan telling her na andun na nga daw yung 'Ate Irene' sa cafe at naka-purple dress daw ito.

Medyo nag-papanic na ngayon yung oso kasi mukhang nakalimutan ata ni Joy na hirap syang kumilala ng mga kulay-kulay. And out of all the colors in the color wheel sa 'purple' sya pinaka-hirap na hirap.

Oh oh oh wag nga kayong judger, sabihin nyo colors lang shushunga-shunga pa yung oso. Pero you see kasi, Seulgi is color blind. She normally sees red as green, tapos yung blue para sa kanya minsan ay orange.

Para ma-identify nya ang isang kulay, someone must tell her what that color is first... example kapag sinabi mo na blue ang kulay ng sofa, Seulgi will take note of it tapos she will use it as a point of reference. Para ma-check nya na blue nga ang isang bagay she will compare the color of the thing sa kulay ng sofa.

So now going back to her problem... pano nga ba nya makikilala yung 'Ate Irene'?

Yung 'dispatcher' kasi nung oso, may pagka utak pugante. Iniisip kasi ni Joy na mas maganda na walang kontak yung dalawang magka-blind date sa isa't isa, para sureness na walang cancellation na magaganap.

Well so far, wala pa namang advice na cancel ang blind date.

Ang kaso yung oso, ayun napakanta nang di oras ng...

Nahihilo
Nalilito
Asan ng ka-date ko?
A-asan ng ka-date ko? 



After arriving at the coffee shop, nagpalingon lingon sandali si Seulgi.

Mega figure out yung clueless na oso kung sino nga ba sa mga tao sa cafe yung 'Ate Irene'.

Sinimulan nang i-iscan ni Seulgi yung mga naka-dress sa cafe.

May isang naka-dress dun sa may corner pero she looks old na. May isa pang naka-dress syang nakikita, but she's not sure kung purple or pink ba ang suot nito.

Nagdadalawang isip si Seulgi kung lalapitan nya ba yung girl. Kung lalapit sya tapos di pala ito yung date nya that will be super embarrassing.

Iniisip ni Seulgi na humingi ng tulong sa mga customers ng cafe. Pero  iniisip nya kung sa lalaki sya magtatanong ay baka mapagkamalan syang nagpapa-cute lang nung guy which is ewww para sa oso so... sa girl na lang.
 

"Wait, there's one girl here. She's not wearing a dress so sigurado ako na hindi sya si Ate Irene."

"Kaya lang she looks busy."




"Sana she wouldn't mind kung medyo guguluhin ko sya sandali."


Naglakad na papunta si Seulgi dun sa girl na target nya.

Nag-clear pa ng throat kuno si Seulgi para ma-gets yung attention ni laptop girl. Mukha naman naramdaman nitong may tao sa harap nya kasi unti unti itong tumingala.

Grabbing the opportunity nagsimulang magpakilala yung oso.

"Hello. Uhmm... miss, Im sorry for bothering you, but can I ask a small favor from you? I'm Seulgi nga pala."

"Ah, okay." maikling sagot ni laptop girl, ngumiti rin ito ng matipid.

"Don't worry miss this won't take long. I just need your help for something."

"Okay... do you want to sit down first?" alok ni laptop girl.

"Thanks."

"So anong maitutulong ko sa iyo?" Tanong ni laptop girl.

"Uhmmm... ganito kasi miss, I'm supposed to meet someone here. This is the first time that I'm meeting her. Unfortunately I don't have her number, so I have no way of telling her that I am here na." Pagpapaliwanag ni Seulgi kay laptop girl.

Patuloy pa nito, "I was told that she is wearing a purple dress. So I was wondering if you can tell me, what color is that girl over there wearing?" sabay dahan-dahan inginuso ni Seulgi yung girl na feeling nya ay nakapurple pink na dress.

Lost in space yung kaitsurahan ni laptop girl. Iniisip siguro nito kung for real ba itong kausap niya, baka kasi ginu-good time lang sya ni Seulgi.

Nakahalata naman yung oso na medyo kailangan niyang mag-explain kay laptop girl.

"You see miss, I'm color blind so hirap akong kumilala ng colors."
 

"Oh, I see..." halatang naliwanagan naman si laptop girl, tumango tango pa nga ito.

Tiningnan sandali ni laptop girl yung babaeng tinuturo nung kausap nya. Muli nyang ibinalik ang tingin kay Seulgi.

"She's wearing pink."

"Pink? Okay... hay naku buti na lang di ko sya nilapitan agad kanina kundi its super nakakahiya."

"You know what there's another person here wearing a purple dress." Tila nakakalokong inginuso ni laptop girl yung babaeng unang napansin ni Seulgi kanina.

"Are you kidding me?! Don't tell me yung ajhumang yun ang ka-meeting ko?" mahina at may diin na bulong ni Seulgi kay laptop girl.

Nangingiti naman si laptop girl habang pinagmamasdan yung muntangang oso sa harap nya.

"No sorry, binibiro lang kita." Natatawa namang bawi ni laptop girl.
 

Bakas ang relief sa mukha ni Seulgi. Pati sya napatawa na rin. Sandali rin nyang tinitigan si laptop girl. Kahit na mukhang masungit ito sa unang tingin ay mabait naman pala ito.

Makalipas ang ilang segundo ay iniikot ni laptop girl ang kanyang paningin.

May napansin syang isa pang babae na nakaupo sa tagong part ng coffee shop, at sakto naka-purple dress si ate mong girl.

"Seulgi, yung bang supposedly ime-meet mo ay maganda?" tanong nito.

"Maganda?... Oo parang nabanggit ng pinsan ko na maganda daw si Ate Irene."

"Irene... Is she your date?"
 


Medyo natigilan yung oso dahil  dun sa tanong ni laptop girl. Sa loob loob nito, "What the?! Lakas din ng gaydar ni ate ah in fairview."

And since feeling ni Seulgi di uubra kung mag-dedeny pa sya ay minabuti na lang niyang umamin.

"Hah?.. ah eh oo, yan eh kung makikita ko pa sya, at may date na magaganap."

"If kung di ba sya sisipot... uhmm... wouldyoudatemeinstead?"

Medyo mahina at mabilis ang pagkakabigkas ni laptop girl, kaya di sya masyadong naintindihan ni Seulgi.

"Eh?"

"Nothing." Biglang bawi ni laptop girl.

"You called her 'Ate Irene' kanina, so that means she's older than you?"

"She is, pero di naman masyadong old na old. That's just how my cousin calls her. Pati tuloy ako nadadamay sa kaewanan ng pinsan ko. "

Napangiti si laptop girl sa kausap. "Pero seryoso Seulgi, there's another girl here na naka-purple na dress. She looks young, and she's pretty. Kaya lang nakasambakol ang face. I have a strong feeling she's your date."

"Talaga!?"

Lilingunin na sana ni Seulgi yung babaeng sinasabi ni laptop girl pero pinigilan sya nito.

"Oh no, don't look. Actually, nakatingin sya sa atin."

"Hala! Anung gagawin ko? Baka galit na yun dahil pinaghintay ko sya."

"Uhmm..." May sasabihin sana si laptop girl kay Seulgi kaya lang naunahan na siya nito.

"Well, I guess I better go to her."

"Ah o-kay... yeah that's also what I think."

Hmmm... do I detect a slight panghihinayang in ate laptop's voice? Hmmm na lang talaga.

"Okay. Salamat nga pala. Sorry for bothering you again. Wait, can I get you a cake or something?"

"No problem. And no thanks, I'm fine."

"No I insist, teka gusto mo ba ng carrot cake?"

Di na hinintay ni Seulgi ang sagot ni laptop girl at nag-dirediretso na ito sa counter para umorder.

Pagbalik ay may hawak-hawak na itong dalawang platong naglalaman ng cake.

Inilapag nito ang isang plato sa lamesa at dahan-dahang itinulak papalapit kay laptop girl.

"Thanks again for your help. Here, eat this while your working."

"Thanks, Seulgi."

"Ay oo nga pala miss, nakalimutan kong itanong yung pangalan mo."

Ngumiti si laptop girl at sumagot ng, "It's alright. I'm Krystal."

"Okay. Thanks again Krystal."

"No worries. Enjoy your date."

"Thanks. And you know what, in case you need another cup of coffee or snacks, just go to the counter. I told them you are my friend kanina, so you don't need to pay."




"Ha? O-okay." Medyo nahihiyang sagot ni Krystal.

"Enjoy the rest of the evening Krystal. Bye."

"Bye Seulgi."
 

 #seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt



Read Next 04: Tiis Ganda Hurts

Ngayon lang na-realize ng Lola Baechu nyo na tama pala yung sinasabi ni Tita Beyonce... Pretty Hurts. Kineso ba naman yung kemeroot ng Lola nyo eh. Ay naku! Sizt mashaket talaga yun, pero fordachorva sige lang laban lang ante.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]