FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 06: The Pickpocket

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 06: The Pickpocket
"Kasi ‘yung ganyang kalaking pagmamahal, ganyang overwhelming love, imposibleng walang pupuntahan eh.
May mababalik sayong pagmamahal. Not necessarily sa taong pinagbigyan mo, pero sigurado ako, mababalik ‘yan sa’yo."
That Thing Called Tadhana (2014) 


🎶 Kunin mo na ang lahat sa akin. (Kusot, kusot)
Wag lang ang aking mahal (Kusot, kusot, kusot again)
Ikamamatay ng puso ko. (Pilipit, Piga)
Pag sa aki'y inagaw mo sya. (repeat the laba process) 

"Ate! Na-plantsa mo na ba yung uniform ko?!" 

Sigaw ni Yeri habang papalapit sa kanyang ate na kasalukuyang nag-coconcert habang naglalaba.


"Nyeta! Yeri wag ka ngang magulo!"


"Gosh, ate there's no need to curse."


"Aba at pa-english english pa tong tyanak na to... eh kung sungalngalin ko kaya yang bibig mo gamit 'tong brush!"


"Sungit! Parang nagtatanong lang."


"Che! Lubayan mo nga ako! I'm busy, shoo!"


"Busy? Naku ate, di na bumebenta yung excuse mong 'busy'... baka busy sa pakikipag-date kamo."


"Aba't sumasagot pa tong lamang-lupang 'to! Hoy! Tapos na yung casting ng 'Maganda Gabi Bayan the Holloween Special', so pwede ka nang bumalik kung saang lupalop ka man nagmula."  

"Ola!!!"

Saglit na natigil ang bangayan ng magkapatid at napatingin sa bagong dating.

"Tyang?" Sabay na sabi nina Yeri at Joohyun.

"Si Senor! Buenas tardes mi amigas muchachas. Estoy aqui! At himala at andito rin kayo pareho. Walang booking mga bakla?"


Pagtatanong ng kanilang tiyahin.


Nagkatinginan sandali ang magkapatid.


Unang sumagot si Yeri.


"May test po kami next week tyang, so kailangan ko pong mag-review."


Tumango tango si Tita Cute Cute, sabay baling naman kay Joohyun. 

"At ikaw, ano naman ang ni-rereview mo? Chemical components ng zonrox?"


"Tyang naman eh!"


"He he he, I'm kidding! Tara meryenda na muna tayo, may dala akong malabon!" 

To Bebiber :
Bebiber, how's school? Kumain ka na ba? I miss you.


From Bebiber:
Katatapos lang ng class ko Bani.
Andito ako sa cafe ngayon, medyo maraming customers kanina so I have to help out a bit.
Don't worry I'll eat something later. Ikaw kumain ka na ba?


To Bebiber :
May dalang pansit ang tyang. Nagmemerienda kami kasama 'tong tyanak.


From Bebiber :
Lol dont be harsh on ur sister.

 

To Bebiber :
Hing... i miss u bebiber... :(


From Bebiber :
Awww... miss u too.
I'll see you next week.


To Bebiber :
Okayyyyy... text me later ha. :)
Luv u luv u luv u luv u... mwah mwah!


From Bebiber :
Love you Bebibani. :)

Matapos mag-text ay ibinulsa na ni Seulgi ang kanyang phone at tsaka muli na naman nyang binitbit yung tray na hawak nya kanina.


Inimis niya yung mangilan ngilang mga kalat sa mga empty tables at ini-arrange yung mga upuan.

Nang makabalik sya sa counter, may tila ibinulong yung barista sa kanya. 

https://c.lazada.com.ph/t/c.YbHW?url=https%3A%2F%2Fwww.lazada.com.ph%2Fproducts%2Ffree-shipping-feefree-gift-original-honor-band-5-fitness-smart-bracelet-i342864212-s774108520.html&
"Ma'am Seulgi, parang starstruck yung isang yun sa inyo ah." Sabay inginuso ni ateng barista yung isang customer na nakaupo sa farther end ng cafe.

Bahagyang kumunot yung noo ni Seulgi, "Eh?"

"Napansin ko ma'am, kanina pa sya pasulyap sulyap sa iyo."

Palihim at dahan dahan namang tiningnan ni Seulgi yung tinutukoy nung echoserang barista.

Medyo nagulat pa si Seulgi kasi saktong nagkasalubong sila ng tingin nung customer. Pero agad ding nakabawi si Seulgi.

Ngumiti sya at bahagyang kumaway dun sa customer. Gumanti naman ng tango yung customer of the hour.

Hinarap muli ni Seulgi yung kanyang baristang, part time staffer ata ng PEP sa sobrang pagka-chismosa.

Sabay sabi, "Tangi, classmate ko sa isang class yun, siguro minumukhaan nya lang ako, kasi nakita nya ako kanina sa school."

"She's cute Ma'am Seulgi." Sabay kindat nung baristang chimosa.

"Tigil tigilan mo nga ako Yura. Atupagin mo na nga lang yang trabaho mo at baka masermonan pa tayo pareho nung isa mo pang boss, pagbalik nun mula sa kanyang baking/cooking course chenes sa Paris. Baka may magsumbong dun na puro pakikipaglandian ang inaatupag natin pag-oras ng trabaho."

"Yes, Maam!" sabi nung baristang nagngangalang Yura, sabay saludo pa kay Seulgi.

Muli itong nagsalita, "Kailan nga ba ulit ang balik ni Maam... Oh shet! She's coming... psst... si ate girl." Pabulong na sabi ni Yura.

Nagtatakang lumingon naman si Seulgi at saktong nasa harap na ng counter si ate girl.

"Hi." mahina nitong bati.

"Hi." sagot ni Seulgi.

"Uhmm... your coffee's great."

"Thanks."

"I'll see you next week, sa class."

"Class? Oh right...class... next week... yes."

"Okay... Bye."

"Bye."

Tumalikod na si ate girl at naglakad patungo sa direksyon ng pinto.

Lumapit naman kaagad ung chismosang barista sa kanyang batang boss at siniko ito.

"Anu ba yan ma'am! Buckle pa more!"
Sinundan na lang ng tingin ni Seulgi si ate girl habang papalabas ito ng pinto. When all of a sudden bumanga si ate girl sa isa pang customer na kasalukuyang papasok ng cafe. Medyo malakas ang impact kaya nabitawan ni ate girl yung hawak nyang mga libro at mga anik anik.

Lalapitan sana ni Seulgi si ate girl, pero agad naman itong tinulungan nung nakabungo sa kanya. Nanatili na lang syang nakamasid.

Nang mapulot na ni ate girl ang sumabog nyang gamit, agad naman itong nagpasalamat at lumakad na ulit palabas ng cafe.

Yung nakabanggaan naman ni ate girl ay walang imik imik na nag-dirediretso sa CR nang cafe.

At dahil kanina pa pinapanood ni Seulgi ang mga pangyayari ay may napansin ito. Kaya naisipan ni Seulgi na sundan yung babae sa ladies room.

Hindi kalakihan yung ladies room ng cafe. Meron lamang itong dalawang cubicle at isang maliit na hugasan.

Matapos makapasok ng CR at masiguradong sya lang at yung babaeng sinundan nya ang tao sa loob ay agad na inilock ni Seulgi yung pinto.

Habang hinihintay ni Seulgi lumabas yung babae ay nag-iisip sya kung ano ang kanyang sasabihin dito.

Ilang minuto pa ay lumabas na yung babaeng hinihintay ni Seulgi at dumiretso ito sa sink para maghugas.

Napansin nya sigurong may ibang tao sa loob maliban sa kanya kaya saglit itong tumingin sa salamin at duon ay nakita nya si Seulgi na matamang nakatitig sa kanya.

Unti unti itong humarap kay Seulgi. Ilang sandali rin silang nagpakiramdaman.

Nagsimulang magsalita ni Seulgi.

"Miss, nakita ko yung nangyari kanina." mahinahon nitong sabi.

Nanatili lang nakatingin ang babae kay Seulgi.

"Miss, hindi sa tinatakot kita kaya lang mas maganda siguro kung ibabalik mo na lang yung wallet. May CCTV kasing nakainstall sa bawat sulok ng cafe and im sure na-capture ng mga ito yung nangyari."

Kapansin pansin na nagiba yung itsura ni ate, tila kinakabahan na ito.

"Medyo kakilala ko kasi yung may ari nung wallet, sigurado ako kapag narealize nya na nawawala ito babalik sya dito para maghanap. At kapag nangyari yun, I will have to tell her everything. So kung pwede miss ibalik mo na lang yung wallet."
Sinubukan lumapit ni Seulgi sa babae pero humakbang ito paatras.

"No miss, wala akong gagawin sa iyong masama, wag kang magaalala."

Yumuko yung babae tsaka mahina itong nagsalita, "Di ko talaga binalak na damputin yung wallet kaya lang..."

"Ganito na lang miss, isauli mo na lang yung wallet. Naiintindihan kong kailangan mo lang talaga ng pera, pero sinasabi ko sa iyo wala sa pagnanakaw ang solution miss."
Nanatili lang nakayuko yung babae.

"Alam mo miss, masyado kang maganda para maging pickpocket." Nakangiting biro ni Seulgi, pilit nitong pinapagaan ang atmosphere.

Nagulat naman si ate sa narinig at napatingin ito kay Seulgi.

"Well, hindi kita mabibigyan ng pera kasi di ako sigurado kung san mo nga ba ito gagamitin. Pero kung pagkain ang problema mo, then maybe I can help. Basta kapag nagugutom ka punta ka lang dito sa cafe."

"Eh paano yung may-ari nung wallet?" mahinang tanong ni ate.

"Wag kang magalala, ako ng bahalang magsauli nung wallet, sasabihin ko na lang na napulot ko iyon kung saan. Walang mangyayaring masama sa iyo, trust me. Ano deal?"

Pinagmasdan ng babae ang mukha ni Seulgi. Nadama nya ang sinceridad nito kaya naman wala na syang nagawa kundi ang sumangayon.

"Deal." mahina nitong sabi.

"Good. Ano nga palang pangalan mo miss?"

"Momo."

"Okay. So nagugutom ka ba Momo?"

🌇       🌇       🌇

Sumakay na si Seulgi sa elevator it pinindot yung numero ng palapag kung saan nakatira yung nagmamay-ari nung wallet.

Pagkalabas ng elevator sinimulan nang hanapin ni Seulgi yung exactong unit.

Nung pipindutin na sana ni Seulgi yung doorbell ay naramdaman niyang nag-vibrate ang kanyang phone.

From Bebibani:
Sa isang restaurant...
Boyfriend: Honey tignan mo yung nasa kabilang table nag-kiss sila kaka-inggit.
Girlfriend: Wag mo intindihin yan, wala yan. GF mo ako, I can do more than that.

At umariba na naman po ang kaelyahan ng lola nyo, di talaga papapigil, hanggang sa eksena ni Bebiber ume-enter frame pa rin.


To Bebibani:
What exactly can you do?
 

From Bebibani:
. . . 

Ayan buti nga! Inuuna kasi ang paglandi. Di tuloy maka-reply si bakla at kasalukuyang sini-CPR. Kinardiac arrest ata dahil sa tanong ng kanyang Bebiber. 

To Bebibani:
Lol... im just kidding.
Im outside, I'll call you later Bani.

Pagkatapos mag-reply sa kanyang Bani ay pinindot na ni Seulgi yung doorbell.

Maya maya ay bumukas na yung pinto. Iniluwa nito ang babaeng kanikanina lang ay nasa cafe ni Seulgi.

"Oh, ikaw pala Seulgi. Anong ginagawa mo dito?"

"Hi. Wait, alam mo ang pangalan ko?"

"Oo naman, magka-klase kaya tayo."

"Ah oo nga pala right..."

"So what are you doing here?"

"Uhmm... I just need to return this to you, miss..."

Nilabas ni Seulgi yung wallet at muli nitong tiningnan yung ID na nasa loob.

"... Mina."
 
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt

Sa panahon talaga ngayon, you can never can tell kung sino yung mga may lihim na pagnanasa sa jowa mo no? Sa kaso ng lola Baechu nyo, not one, but two makakating indays ang gustong tumikim sa icing na nasa 'CUPCAKE' na ni Joohyuna. Sa tingin nyo papayag ang lola nyo? Hell no!
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]