FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 05: To the Mountains

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 05: To the Mountains
"Ayoko ng masikip. Ayoko ng walang tubig.
Ayoko ng mabaho. Ayoko ng walang pagkain. 
Ayoko ng putik!"
Maricel Soriano in 'Kaya Kong Abutin Ang Langit (1984)'
 
   

I know, I know... technically it's still Friday kasi may ilang minuto pa bago mag alas dose pero sige na, pagbigyan na natin ang lola nyo. Minsan lang naman lumandi to, wag na tayong kumontra.

Basta Sabado na! Hapi hapi monthsary na!

Dumating na ang araw na pinakahihintay-hintay ng lola nyo.

Walang paglagyan ng kasiyahan at excitement yung kuneho.

Tonight your granny will give in to the feelings.

Cause tonight, is the night when 2 become 1.

Nakareceive ng tawag si Joohyun mula kay Seulgi.

"Bani, pwede kayang wag ka na lang pumunta ng office tomorrow?"

"Tomorrow?"

"Oo. Meron kasi akong inaayos na trip. Kung hindi ka na papasok bukas, then pwede na tayong bumiyahe mamayang gabi."

Shet!
This is it!
At isa pang shet para sa pagbiyaheng magaganap.
Yung nasa isip ko dito lang tayo somewhere near mag-cecelebrate. Pero baka mas romantic dun sa pinaplano mo Bebiber.
So... yes! Pwedeng pwede.


"Ha? Ah eh... pwede naman. Next week ko na lang siguro tatapusin yung supposedly tatapusin ko sana bukas."

Sige Baechu, acting pa more.

"Great! So how about this, sunduin kita dyan sa office after work. Tapos sabay na tayong mag-dinner. Pahinga ng konti tapos by midnight biyahe na tayo. Actually wala ka nang kailangang ayusin kasi na-prepare ko na lahat ng dadalhin natin. Pero just in case na may kakailanganin ka, bilhin na lang natin later after dinner."

Kyahhh! Eggcited ka na rin ba Bebiber tulad ko?
Kahit saan mo ako dalhin, I will come willingly.
 

🚏     🚏     🚏


Kung kanina nasa hundred percent yung excitement level ng lola nyo, ngayon medyo bumaba ito ng slight... mga 95%.

Bumaba yung level kasi ang sabi ni Seulgi yung trip involves hiking.

Patay tayo dyan!

The kuneho is not meant for outdoor activities pa naman. Ni hindi nga marunong mag-bike o lumangoy si  bakla. At ang tanging sports lang na alam ng lola nyo ay piko. So isang malaking goodluck na lang talaga sa katawang lupa ni Baechu.
 
Lalong bumaba yung excitement level to 90%, after i-announce ni Bebiber na magka-camp out daw sila dun sa bundok. So therefore I conclude, cancelled yung binabalak sanang romantic bathtub/shower time ng lola nyo with Seulgi.

Bumaba ulit yung excitement to 80%, after i-reveal nung oso na kasama pala sa trip sina Inday Yuju, Kuya Jim at introducing Kuya Dan, who also works for Seulgi's family.

Yung 2 become 1 chenes na ini-imagine ng lola nyo kanina, naging 2 became 5.

Pero in fair sa lola nyo, ang daming baon na positive energy ni bakla kasi iniisip niya na baka naman daw malayo ang tent nila ni Seulgi from the others. So there is still a pipty pipty chance for the 'ganap' to happen. #MoreHopiaMoreFun

Ang kaso mo eto ka! Na-mention din ni Seulgi na maliban sa kanila, meron din pala silang makakasamang ibang grupo pagdating dun sa ranger station sa bundok, so excitement level down to...

...70%

Medyo pahirapan din daw yung CR at shower dun.

...60%

Walang din daw gaanong water...

...50%

At marami pang kyeme kyeme.

Hay naku, kung ako kay Baechu sisigaw na ako ng 'Darna!' tapos magfla-flysung na ako pabalik ng Maynila. 
 https://www.lazada.com.ph/products/realme-5-i420568588-s1035128270.html?laz_trackid=2:mm_150730654_51851502_2010901502:clk5hhokg1do7lhio2d55k


 
Matapos ang anim na oras na biyahe sa bus. Nakarating na rin sa wakas ang grupo ng lola nyo sa kanilang destination.

Mula sa bayan ay sasakay sila ng jeep papunta dun sa camp site. Pero bago yun ay  nag-stop over na muna ang grupo para kumain.

Nung pasakay na sila ng jeep ay biglang hinila ni Seulgi ang lola nyo at sinabing dun daw sila sa bubong ng jeep mauupo. Syempre aalma-moreno  ang lola nyo. Pero dahil mapilit si Seulgi, ayun napasampa sa bubung ng jeep ang granny ninyo ng di oras.

Few minutes into the journey ayun ang lola nyo abot tenga ang ngiti. Maliban kasi sa view, at sa malamig na simoy ng hangin ang isa pang na-eenjoy ni bakla at this moment ay yung yakap ni Bebiber. Ligayang ligaya yung kuneho kasi, namamanyak nya si Seulgi ng di gaanong halata.
Your granny is genuinely happy. Naalala nya bigla yung pag-dradrama nya internally kanina habang hinihintay nilang mapuno yung bus. Chumachanel na sya sa karakter ni Maricel Soriano sa 'Kaya Kong Abutin ang Langit'. Ini-imagine pa lang nya yung putik, alikabok at improvised na CR na sasalubong sa kanya sa bundok naiiyak na sya.

Oo aminado ang lola nyo na medyo na-dissappoint sya nung sabihin ni Seulgi na camping pala ang pinaplano nitong way to celebrate their first month together. Malayong malayo sa iniisip ng lola nyo. Kumbaga sa MTRCB ratings, yung sa lola nyo rated R-18, habang yung kay Bebiber ay GA - General Audience, so imagine the difference.

And speaking of audience, may na-realize din si Baechu.

Napansin niya na parang most ng kanilang dala-dalahan ay sina Kuya Dan at Kuya Jim ang nagbibitbit. Tapos asikasong asikaso din sya ng mga ito.

And Yuju, she doesn't speak much pero napansin nyang everytime na kakausapin sya nito ay lagi syang tinatanong if she's okay, kung nahihilo daw ba sya or kung may kailangan sya. Nabanggit din ni Seulgi that Yuju's a nursing student so in case daw she's not feeling well or something sabihin agad kay Yuju.

Parang iniisip tuloy nya na the reason 'why' isinama ni Seulgi yung tatlo ay to make things easier for her.

Awww... sino ba naman ang di mata-touch, kapag nalaman mo na hindi lamang first aid kit ang dinala ng girlfriend mo, kundi pati yung nurse isinama na nito.

Wala ring ginawa si Seulgi sa bus kundi pagsilbihan sya. She fixed her neck pillow for her, umubo lang sya ng konti itatanong kaagad nito if she needs water, at pati yung candy, isusubo na lang nya kasi inaalis na ni Bebiber yung wrapper nito.

Light kisses when no one's looking. Seulgi's warm embrace. Simple phrases like "you're cute" and "you're so pretty." All of these makes your lola's heart flutter in happiness.

Damang dama ni bakla yung love.

So may ganap o walang ganap, masaya at kuntento ang lola nyo. 
 
 
🌄      🌄      🌄
 

Kakatapos lang nilang magpa-register at umattend ng briefing para sa mga hikers sa DENR office. Halos 45 minutes din iyon. Ang lola nyo nga, sa sobrang tagal nung briefing nakatulog na. Nung nagising sya ang naabutan na lang nya ay "igalang po natin ang kabundukan salamat po." So kapag may nabalitaan kayong hiker na na-lost sa kagubatan dahil sa kashungahan malamang-lamang ang lola nyo yun.

After the briefing nagtuloy na sila dun sa mismong campsite kung saan andun na rin yung ibang grupo ng mga hikers.

Napagkasunduan ng grupo ng lola nyo na while the others are cooking lunch, yung iba ay ise-set up yung mga tent.

After maitayo yung mga tent, sinimulan na nilang i-organize kung sino ang mga magkakasama. At nagsimula na rin ang dilemma ng lola nyo.

Remember yung statement ng Lola Baechu nyo na, "may ganap o walang ganap, she's happy chever?"
 
Well chinacharot lang kayo ng lola nyo... kasi nananalangin pa rin si bakla na sana meron... sana meron talaga.

Pero gumuho na naman ang mga mumumunting pangarap ng lola nyo ng malaman nyang... siya, si Seulgi at si Yuju ang magkakasama sa tent. Habang sina Kuya Dan at Kuya Jim naman ang magkasama dun sa isa.

Ang weird naman kasi kung isasama si Yuju kina kuya Dan at Jim. At sigurado si Irene na di papayag si Seulgi sa ganung arrangement.

So now the problem is... positioning. Sino sa gitna?

At dahil umiral na naman ang pagkautak kriminal ng lola nyo, iniisip nyang sya na lang sa gitna para sure syang walang gagapang sa Bebiber nya.

Ang kaso mo naunahan sya ni Seulgi sa pag-vovolunteer as tribute.

"Ako na lang siguro sa gitna."

Napatingin sina Yuju at Irene kay Seulgi.

"Okay ate." agad na sagot ni Yuju.

Medyo alanganin pero nag-agree na lang din si Baechu. Mas okay na rin yun, kasi kung si Yuju naman ang nasa gitna, ay baka mag-amok na yung kuneho.
 

🔪     🔪     🔪

Nakaraos naman yung lunch/meryenda/dinner ng maayos. Yun na yung huling kain nila for the day kasi maaga silang matutulog. Early morning kinabukasan, mga 12:30am ay tutulak na sila paakyat ng summit.

Nakapaikot yung grupo sa bonfire.

Naglabas si Kuya Dan ng isang bote ng emperador at nagsimula nang magtagay.

Tamang tamang pangontra yung alak, sa nanunuot na lamig ng kabundukan.

Mabilis din naman nilang naubos yung isang bote dahil walang puma-pass, kahit si Yuju ay umiinom.

Matapos maubos yung bote pa ay nagsimula na silang magprepare para matulog. Pumasok na sila sa kanya kanyang tent.

Gaya ng napagkasunduan, pumuwesto na sa gitna si Seulgi. Nasa kanan nito si Yuju, habang nasa kaliwa naman ang lola nyo.

Medyo nararamdaman na ni Baechu yung epekto ng alak. Kung ano ano na ang tumatakbo sa isip ng lola nyo.

Matapos ang isang mabilis, very conservative at patagong goodnight kiss sa kanyang Bebibani, ay nagstart ng matulog yung oso. Pero bago pa ito nagtutuloy-tuloy sa dreamland ay naramdaman nya ang mainit na hininga ni Joohyun sa kanyang tenga at bumulong ito ng, "hug me."

Medyo nagising ng kaunti ang diwa ni Seulgi. She's debating whether she should do it kasi remember, di lang sila yung tao sa tent.

Sinilip sandali ni Seulgi si Yuju, na sa kasamaang palad ang napiling sleeping position ay saktong facing their side. Ibinalik ni Seulgi ang tingin dun sa kuneho, sabay umiling.

Iniangat naman ni Baechu ang kanyang ulo to check on Yuju. Kitang kita ni Seulgi kung papaano nag-pout ang kanyang Bebibani after. Ngumiti si Seulgi at dahan dahan nitong inaayos ang kanilang mga katawan.

Bahala na si Khaleesi kung makita man sila ni Yuju na magkayakap.

Kung sakali man magtanong itong si inday, andyan naman si Seulgi to explain things. 

 ⛰️      ⛰️      ⛰️


Sinadya ni Seulgi gumising ng maaga. Sinipat nya sandali si Yuju, at nung masigurado nyang tulog pa ito ay matahimik nyang ginising ang lola nyo.

Nung magising yung kuneho ay sinenyasan niya na wag itong maingay at ininguso yung entrance nung tent.

Naintindihan naman agad ni Joohyun ang gustong mangyari ni Seulgi.

Dahan dahan na bumangon ang dalawa.

Bago pa nila muling isinara yung zipper ng tent ay dinouble check nila kung tulog pa rin ba si inday.

Dinala ni Seulgi si Joohyun sa spot na medyo malayo sa kinatatayuan ng mga tent. Inilatag ni Seulgi yung dala nyang kumot tsaka sila dun nahiga.
Magkayakap na nakatingin sina Joohyun at si Seulgi sa kalangitan, na sa mga oras na iyon ay nababalutan ng mga tala.

"Alam mo Bani, I used to dream of becoming a meteorologist nung bata pa ako."

"Talaga?"

"Yup. How 'bout you, anu yung pangarap mo nung bata ka?"

"Stewardess." sagot ni Irene.

"Oh ba't di ka nagtry mag-apply sa mga airline companies?"

"I did. Kaya lang lumigwak ako sa screening kasi di pumasa yung height ko... tsaka kailangan daw nila yung marunong lumangoy."

"Di bale kahit na di ka marunong lumangoy you're still cute." Natatawang sabi ni Seulgi.

"Ganun?" Aba ang lola nyo di ata masaya sa nadinig. Maya maya nag-mumumble na si bakla, "kala ko pa naman sasabihin mo na kahit na di ako matangkad, cute naman ako."

"Huh? Anong sabi mo Bani?"

"Ha eh wala."

Para di na mangulit si Seulgi ay nag-follow question na lang ang lola nyo.

"Bebiber, bakit nga pala business course yung kinuha mo instead of Meteorology?"

"Ayaw ng daddy."

Maikling sagot ni Seulgi.

Napatingin bigla si Joohyun kay Bebiber. Napansin nya na medyo nagiba yung tono ng pananalita ni Seulgi.
 

May gusto pa sanang itanong ang lola nyo, pero pinigilan nya ang sarili. Itinuon na lang nya ulit ang paningin sa langit.

"Alam mo di ka kaya papasa as weather girl..."

This time si Seulgi naman ang napatingin kay Joohyun.

Tuloy ng lola nyo, "edi nagkanda-leche leche na yung ibibigay mong rainfall warnings kasi di mo ma-recognize yung mga colors!"

Ngumiti at hinalikan ni Seulgi si Joohyun sa noo, pababa sa ilong hanggang sa makarating sa labi.

At nag-start na naman pong mag-play sa utak ng lola nyo ang kanta ni Charlie Puth... Let's Marvin Gaye and get it on...

Pero di pa nakaka-'get it on' yung mag-jowa ay biglang may asungot na nag-appear out of nowhere.

"Ate Seulgi." Mahinang tawag ni Yuju sa di kalayuan.

"Oh... uhmm... Yuju?"

Medyo litong sagot ni Seulgi. Buti na lang ay nakatalikod yung position nila mula sa kinatatayuan ni Yuju kaya medyo di sila tanaw nito.

"Mag-start na daw tayong mag-prepare paakyat ng summit sabi ni Kuya Jim."

"Ah, okay sige sunod na kami."

"Bani tara bangon na tayo."

"Okay," sabi ng lola nyo pero deep inside...

Punyeta! Pun.ye.ta! Punyeta to the highest power! @$%#R^!!V... 

 ⛰️      ⛰️      ⛰️
 

Matapos indahin ng nag-mumurang katawan ni Bae Joohyun ang ilang oras na paglalakad sa maputik, bato bato, at lubak lubak na daan.

Eto ngayon sya nakatayo sa summit surrounded by 'sea of clouds'. Nasa tabi nya si Seulgi na kahit medyo pagod ay di maalis alis ang ngiti sa mga labi.

Lumapit si Seulgi kay Joohyun at banayad na hinawakan ang mga pisngi nito.

"Happy monthsary Bani."

"Happy monthsary Bebiber."


"I want you to remember this moment. Remember that I will always love you. May mga pagkakataon that things will be difficult for us, kapag dumating ang oras na iyon, remember this moment Bani."

"I'll remember Seulgi."

"I'm sorry if 'this' is all I can give you."

"Shush... 'this' is enough. I'm not gonna ask for something you cannot give."

"Kapag pwede na I pro..."

"Shush... you do not need to promise. I love you. And thats all that matters."

"I love you too."

"Uhmmm... Bebiber..."

"Yes Bani?"

"Itatanong ko lang sana, pagbalik ba natin ng Manila, do you think we can... uhmm... we can... you know..."

"We can what Bani?"

"Kasi di ba one month na tayo so siguro pwede na tayong mag--"

"Ate Seulgi."

Mahinang tawag na naman ni Yuju the chorva blocker.

"Oh Yuju."

"Pinasasabi ni Kuya Jim na sisimulan na daw natin bumaba ng bundok."

"Ah, okay sige thanks Yuju."

Ibinalik na muli ni Seulgi ang tingin sa kanyang Bebibani.

"Bani, ano nga ulit yung sinasabi mo?"

"Ha ah eh, wala nakalimutan ko na. Tara baba na tayo."

Composed si Baechu, pero deep inside nagplo-plot na ang lola nyo kung papaano palalabasing aksidente ang pagkamatay ni Yuju sa mountains. 

 
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt

Freeedoooom!!! Finally nakakawala na ang oso sa jowa nyang kuneho na kung makalingkis sa kanya tinalo pa ang anaconda. Pero sabi nga nila, when the rabbit is away, the penguin wants to play (ano daw?)

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]