FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 07: Army ng mga Tanga

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 07: Army ng mga Tanga
"Kung may ranggo ang mga tanga, heneral ka."
Robin Padilla in Walang Awa Kung Pumatay (1990)  


 (Radio voice over) 
Inihahandog ng Love Radio ang, "TLC the Drama Special"

KristineDera: Oh ayan! Mga kabisyo napakinggan nyo ba ang ating drama today?

TanyaChinita: Grabe bakla yung story di ko kinaya. Pagkatapos lokohin at iwanan ng boyfriend, etong si girl di pa rin nawawala ang pagmamahal sa ex nya. Naghintay si bakla na matauhan yung jowa nya dati. Tapos nung nakipagbalikan sa kanya tinanggap naman nya ulit, kasi isip-isip nya baka nga naman nagbago na ito. Ang kaso nga lang in the end, iniwan na naman sya ulit nung jowa nya.

KristineDera: Yan na nga ba sinasabi ko Mama Tanya, minsan talaga pagdating sa pag-ibig nagiging-TANGA tayo!

TanyaChinita: Kung!


KristineDera: O ano yon?

TanyaChinita: Kung!

KristineDera: Ano bakla magsalita ka!

TanyaChinita: Kung wala ka na nang maintindihan... (starts singing)

KristineDera: Ahh... (using her dubbing voice) Dapat kasi paminsan minsan magtitira tayo ng pag-ibig sa ating sarili.

TanyaChinita: Kung wala ka nang MA-KA-PI-TAN...

KristineDera: (still using her dubbing voice) Tamang magpatawad, pero ang magpaka-TANGA...

TanyaChinita: Kapit ka sa akin!

KristineDera: I hope na-learn na nung bida ng ating story ang kanyang lesson.

TanyaChinita: Kapit ka sa akin!

KristineDera: Sana maka-move on sya.

TanyaChinita: Di kita bi-bi-ta-wan.  (Singing with feelings)

KristineDera: At sana makahanap na sya ng taong, TUNAY! Tunay na magmamahal sa kanya. Yung hindi sya lolokohin at iiwan.

TanyaChinita: Sana nga.

KristineDera: Minsan kasi dapat nakikinig din tayo kapag wina-warningan o pinagsasabihan tayo ng mga taong close sa atin.

TanyaChinita: True!!!
 
KristineDera: Kasi minsan may point din naman sila, minsan lang naman ha ha ha...

TanyaChinita: Oo tama, kasi yung mga taong tanga sa pag-ibig, kadalasan kapag pinagsasabihan ang laging isinasagot ay, "Wala ka kasi sa lugar ko kaya di mo naiintindihan bes."

KristineDera: Ay! Asan ka ba at pupuntahan kita!? San yung lugar mo!? Sabihin mo dali!

TanyaChinita: Ha ha ha mapagpatol... pinuntahan si bakla!

KristineDera: Oo, kasi sabi wala daw bakla sa lugar nya kaya di sya maintindihan, eh san ba yun ng mapuntahan nga.

TanyaChinita: Ha ha ha... Oh sya sagutin na muna natin tong linya, eto meron tayong caller, hello?

Yuju: He-hello?

KristineDera: Ayan! Pangalan mo ate?

Yuju: Yu-Yuna po. (ba si inday nagpapaka-incognito pa)

KristineDera: O anong reaction mo ate dun sa ating story?

Yuju: Naawa po ako dun sa girl.

TanyaChinita: Oh tapos?

Yuju: Pero naiintindihan ko po kung bakit tinanggap pa rin nya yung ex nya. Kasi yung love di agad agad nawawala yun, lalo na kung matagal mong minahal yung isang tao.

KristineDera: Panu yan, in the end iniwan lang din sya ulit nung boyfriend nya.

Yuju: Oo nga po, pero sana po maka-move on din sya.

TanyaChinita: Ikaw ba ate, nagkajowa ka na ba tapos pinagpalit ka sa iba?

Yuju: Never pa po ako nagka-boyfriend.

TanyaChinita: Ay ikaw na! Pak!

Yuju: Hi hi hi... (lundi ni inday)

KristineDera: Pero may nanliligaw sa iyo ate?

Yuju: Meron naman po.

TanyaChinita: Type mo rin ba?

Yuju: Uhmm... okay naman po sila... kaya lang... may nagugustahan na po kasi akong iba.

TanyaChinita: Ay ikaw na talaga ate!

Yuju: Hi hi hi... (sige landi pa more)

KristineDera: Teka, alam ba ng nagugustuhan mo na gusto mo sya?

Yuju: Hi-hindi po.

TanyaChinita: Pero close kayo?

Yuju: Medyo po.

TanyaChinita: Madalas kayong magkita?

Yuju: Madalas po.

KristineDera: Oh eh pano yun pagnagkikita kayo?

Yuju: Ano po... parang normal lang. Ang ginagawa ko na lang po, pinakikita ko na lang na nagke-care ako sa kanya kahit sa mga maliliit na bagay.

TanyaChinita: Sa tingin mo ba may pagasang magustuhan ka rin nya?

Yuju: Di ko po alam, pakiramdam ko po kasi may iba syang gusto at parang sila na po.

KristineDera: Hala! Pano ka na ate?

TanyaChinita: I wanna be with you, if only for the night. (starts singing again)

Yuju: Di ko pa po alam.

TanyaChinita: To be the one, whose in your arms, to hold you tight.

Yuju: Siguro po patuloy ko na lang pong ipaparamdam na mahal ko sya, hanggang sa ma-realize nya na nandito lang pala ako.

TanyaChinita: I wanna be with you, there's nothing more to say. There's nothing else I want more than to feel this way.

KristineDera: Wag yang song na yan bakla! Mas bagay yung isa.

TanyaChinita: I wanna - eh? Ah! (nag-switch sa ibang song) Kung wala ka na nang maintindihan...

KristineDera: Kung wala ka nang MA!

TanyaChinita: KA!

KristineDera: PI!

TanyaChinita: TAN...

KristineDera/TanyaChinita: Kapit ka sa akin. Kapit ka sa akinnn...

KristineDera: Ate?

TanyaChinita: Hello ate?


Yuju: Hello po.

KristineDera: Okay nasa linya ka pa. Ate baka nakikinig si crush, wala ka bang gustong sabihin sa kanya?

Yuju: Uhmm... kung nakikinig ka man... Alam mo, kahit na pakiramdam ko minsan napaka-imposible na maging tayo...Umaasa pa rin ako na sana, sana dumating yung time na ituturing mo akong higit pa sa kaibigan. Sana dumating yung panahon na mamahalin mo rin ako. Kahit konti lang, kahit di man ito kapantay ng pagmamahal ko sa iyo...

Sapat na sa akin na nasa tabi kita. Kasi isa ka sa pinaka-mahalagang tao sa buhay ko ngayon.

TanyaChinita: Naku naman si ate ang swet... ano bang pangalang nitong crush mo? 

🙊        🙊         🙊

"Yura."

" . . . "

"Yura."

" . . . "

"Huy! Yura!"

"Ay! Pukemon!" biglang naibulalas ni Yura sa gulat.

"Tinatawag kita di mo ako sinasagot."

"Oh Ma'am Seulgi andyan pala kayo."

"Oo kanina pa. Di mo napansin kasi bising bisi ka sa pakikinig ng radyo. Kaya di mo naririnig yung tawag ko."

"Minsan minsan lang naman to maam. Tsaka maingay lang yung blender kaya di ko kayo narinig."

"Blender ka dyan? Eh naka-off kaya... hay naku."

Buti na lang walang masyadong tao sa cafe nung mga oras na iyon, at kakaonti lang ang nakaka-witness sa bangayan nina Seulgi at Yura.

Hindi mo aakalain na boss pala ni Yura si Seulgi. Bukod kasi sa wala sa mukha at kilos ni Seulgi ang pagiging 'maam' nito, ganun na talaga silang mag-usap ni Yura simula't simula pa.

Ilang mga pang-aasar pa ang binato ng dalawa sa isa't isa, bago naalala ni Seulgi kung bakit nga ba sya dumaan ng cafe.

"Nga pala Yura, do you remember Momo yung babaeng ipinakilala ko sa inyo nung isang araw?"

"Momo? Ah oo yung maganda pero may pagkamalakas kumain na girl."

"Oo tama sya. Itatanong ko lang kung nagpunta ba sya dito kaninang umaga?"

"This morning? Hindi pa sya nadaan."

"Ganun ba. Hmmm... so iiwan ko na lang siguro ito sa iyo." Sabay may inabot si Seulgi kay Yura ng isang paper bag na puno ng mga nakatupper-ware na pagkain.

"Ano to ma'am?"

"Pagkain para kay Momo. Galing yan sa bahay. Nasabi ko kasi sa kanya na akong bahala sa pagkain nya."

"Huh?"

"Hay naku, wag mo nang itanong kung bakit. Basta paki-asikaso mo na lang sya kapag dumating. Yung pagkain sa tupperware paki-init mo na lang rin. Tapos I'll ask someone na magdala ulit dito ng mga pagkain paminsan minsan, para di naman sya magsawa sa pagkain dito sa cafe. At kung may kailangan man sya, tell her na magbilin na lang sa iyo."

"Okay. Uhmm... ma'am, don't tell me-"

"Kung ano man ang iniisip mo, NO. I'm just helping her out."

"Malay ko ba. Tsaka you can't blame me, cute pa naman yung Momo."

"What the? Utak talaga nito!"

"He he he, joke lang ma'am."

"Basta, take care of her okay? I need to go na rin at kailangan ako sa office ng daddy. Yung bilin ko sa iyo ha!"

"Yes ma'am!"

 ☕      ☕      ☕


Kahit busy man sa graduate school, sa cafe at sa pagtulong sa pagpapatakbo sa company ng kanyang daddy, ay di pa rin nalilimutan ni Seulgi ang kanyang binitiwang pangako kay Momo.

Sumaglit lang ito sa cafe sa pagbabaka-sakaling maabutan nya ito doon.

Ang kaso di pa nadadaan si Momo sa cafe. At dahil may kailangang gawin sa office si Seulgi, hindi na sya nakapaghintay at umalis na rin kaagad.

Nagmamadaling lumabas ng cafe si Seulgi.

Habang naglalakad ay dinukot nya ang kanyang phone mula sa back pocket ng kanyang jeans.

Dali-dali nyang hinanap ang pangalan ng kanyang Bebibani sa kanyang address book at pinindot yung call button.

Gusto nyang ma-check kung tapos na bang manginain ang kanyang lovable na kuneho.

"Hello Bebiber?"

"Hi Bani! Nag-lunch ka na ba?"

"Kakatapos lang."

"Okay. I miss you Bani.

"Miss you too Bebiber, when tayo magkikita?"

"Kung wala ka masyadong gagawin, pwede akong dumaan sandali sa boarding house nyo later. Para makapag-midnight snack naman tayo bago ka matulog."

"Sige Bebiber!"

"So I'll --" (na-cut bigla yung line)

"Hello?"


"  . . .  "

"Hello, Bebiber?"

" . . . "



📱       📱       📱

Yumuko si Seulgi para pulutin ang kanyang phone na bumagsak matapos syang mabunggo (o baka naman sinadya talagang syang bunguin) ng isang babae.

"I'm sorry miss, di ko sinasadya." Agad na paumanhin ng nakabungo kay Seulgi.

"It's okay," sagot ni Seulgi habang pinupulot nya ang kanyang phone. Chineck nya kung gumagana pa ba ito.

"Naku okay pa ba yung phone mo?" pagtatanong nung babae kay Seulgi.

"Mukhang okay pa naman... teka subukan ko munang--" napatingin si Seulgi sa babae at tila na-recognize nya ito.

"Wait, nagkakilala na tayo before, di ba?" Tanong ni Seulgi.

"I'm glad you still remember me."

"Of course, of course."

"So how's your phone?"

"Okay naman I guess. Hey, it's nice to see you again... uhmm... uhmmm..."

"Krystal. Ano ba yan parang gusto kong ma-hurt kasi you don't remember my name."

"No, no sorry. Medyo mahina lang kasi ako sa pag-mememorize ng mga names."

"Weird, kasi I have always remembered yours."

"Eh?"

"It's Seulgi, right? The color blind girl."

Natawa naman si Seulgi sa description ni Krystal sa kanya.

"Tama."

"See I remembered. How's your blind date nga pala?"

"He he he, okay naman."

"Good, good. Anyway, I'm on my way to that cafe for snacks, do you want to join me?" Sabay turo sa cafe kung saan nagmula si Seulgi.

"Ah talaga, sayang may kailangan kasi akong puntahan ngayon, so hindi kita masasamahan."

"Ganun ba, it's okay. Pero..." tila nagaalinlangan si Krystal, bago nya itinuloy ang kanyang gustong sabihin "... can I at least get your number? Para maaya kitang mag-coffee minsan when you are not busy."

"Oo naman." Nakangiting sagot ni Seulgi.

"Here, save your number on my phone."

Sabay abot ni ate mong girl ng kanyang phone kay Seulgi.

Agad naman tinype ni Seulgi ang kanyang phone number at sinave ito.

"Thanks. So i'll call or text you later."

"Okay. I have to go na Krystal."

"I see. Bye Seulgi. Hope to see you soon."

Pagkatapos kumaway saglit kay Krystal ay tumalikod na rin si Seulgi at itinuloy ang kanyang paglalakad.

Pero nakakailang hakbang pa lamang sya nang maramdaman nyang may taong tumapik sa kanyang balikat.

Humarap sya, at muli nyang nakita ang magandang mukha ni Krystal na medyo hinihingal pa mula sa pagtakbo.
 
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/2020/01/WMAMTT-Chap03.html

Parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ni Seulgi nang abutin ni Krystal ang kanyang kanang braso.

Gamit ang isang marker, tila may isinusulat ito sa mismong braso ni Seulgi. Nung matapos ay bahagya pa itong yumuko para hipan sandali ang tintang iniwan ng panulat sa balat ni Seulgi.

Saglit na nakalimutan ni Seulgi huminga ng maayos, habang minamasdan nya ang ginagawa ni Krystal.

"Just in case lang na di kita ma-contact. I'm giving you my phone number too, so you can call me. And since it's my fault naman talaga, kapag di na ulit gumana yung phone mo, sabihin mo lang sa akin and I'll buy you a new one."

Tila naparalisa si Seulgi sandali ng dahil sa kuryenteng dumaloy sa kanyang balat mula sa pagkakahawak ni Krystal. Nanatili lang itong nakatitig sa kanyang mukha.

Mukhang na-amuse naman ni Krystal sa reaction ni Seulgi kaya ito napangiti.

Nang medyo makarecover ang tanging nasabi na lang ni Seulgi ay, "Ha? Ah, o-okay."

"Good. Make sure you don't lose my number ha."

"I won't. So..."


"... can I have my arm back na?"


Nakangiting sabi ni Seulgi, habang nakatingin sa kanyang brasong hawak hawak pa rin ni Krystal.
 
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Ano kayang mangyayari sa relasyones ng mag-jowa na kung saan yung isa ay si Tamang-Duda habang yung isa ay si Tangang-Oso?
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]