FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 04: Tiis Ganda Hurts

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 04: Tiis Ganda Hurts
"Gusto kong sabihin na okay lang ang lahat, eh. Na hindi ako nasaktan. Kaso magsisinungaling ako sa sarili  ko kasi ang sakit-sakit."
Nadine Lustre in Para sa Hopeless Romantic (2015)


A singko ang monthsary nina Joohyun at Seulgi. Saktong natapat ito ng Sabado. Kaya naman ang lola nyo di magkamayaw sa pag-iimagine ng mga magaganap sa kanilang celebration.

Naka-encircle ⭕ , in red, embossed at highlighted, yung number 5 na petsa sa kalendaryo ni bakla.
 
Nag-papress release na rin sya sa kanyang mga kapatid at tyang sa Tondo, na di sya makakauwi ng weekend at 'busy' daw sya.

Nung Tuesday, habang magkausap sila ni Seulgi sa phone ay parang nag-drop ng mga hints ang kanyang Bebiber na may pinaplano ito para sa kanilang special day. Tinanong kasi nya ang lola nyo kung may gagawin daw ba itong importante sa weekend. Walang kamalay-malay yung oso na as of the moment, yung 'gagawin' nila ang 'pinakaimportante' dun sa kuneho.

Pero dahil ayaw magpahalata ng lola nyo, nagpaandar ito ng konti sa kanyang Bebiber na kesyo may supposedly tatapusin daw ito sa work (kahit wala naman talaga) ng morning ng sabado kaya nag-decide syang wag na munang umuwi ng Tondo ng  weekend.

Pero nilinaw ng lola nyo na half day lang daw yun, kaya she's free naman daw the rest of the day until Sunday. Translation, Let's Marvin Gaye and get it on.

Hundred percent si bakla na may ganap this weekend.

And it seems everything is going Joohyun's way kasi tamang tama, kakatapos lang rin ng kanyang monthly visitor last week, so alam na this.

Wala ng makakapigil sa lola nyo.
   


HUWEBES

"Bes, sure kang kailangan talaga to?" Tanong ni Irene kay Solar.

"Yup."

"Bes, it looks painful."

"Sa simula lang yan."

"Have you tried it?"

"Oo naman, importante to lalo na may asawa ako."

"Hinggg... di ko ata kaya. Uwi na lang tayo."

"Andito na kaya tayo!"

"Bes..."

"Sumama ka na kay ate anu ka ba! Para kang bata. Dalian mo at kanina pa sya naghihintay."

Wala nang nagawa ang lola nyo kundi ang sumama dun kay ate girl.

Pumasok sila sa isang silid.

Kaagad na ini-lock ni ate girl yung door, na lalong nagpakaba kay Irene.

"Maam, first time nyo po ba ito?" Tanong ni ate girl.

"Ha! Ah... eh oo miss." medyo nagaalinlangan na sagot ng lola nyo.

"Ganun po ba. Wag po kayo mag-alala maam, dadahan dahanin ko po. Ako nga po pala si Maja." (Walang kakanta please...)

"Maja?"

"Opo. Maam kung ready na po kayo, pwede na po nating simulan yung session."

"O-okay."

Napalunok na lang si Baechu. She could not believe na may mas mauuna pa sa kanyang Bebiber na makakakita ng kanyang pinakaiingat-ingatang hiyas.

Pero dahil she wants to look good for Seulgi, she agreed to do this.

Anything for her Bebiber.

"Okay maam dahil first time nyo po we can start po with our regular or high bikini wax. Pagnasanay sanay na po kayo sa sakit, pwede na po natin subukan yung Brazilian next time."

After nung session, medyo nanghihina pa ang lola nyo na bumalik kay Solar.

"So, how was it?" tanong nito.

Ang tanging nasagot ng lola nyo ay... well... you will have to scroll up to know. Look for the movie quote at the beginning of the chapter.

Kung may idadadag si Joohyun that will be, "mashekeeeet pala bes..."  

 😭        😭          😭

BIYERNES

Papasok ang lola nyo sa office na good mood.

Nalimot na ng granny nyo ang sakit at pait ng kahapong waxing session.

Nagsimulang gumanda ang araw ng lola nyo, after syang ipasundo ng kanyang Bebiber sa boarding house para sabay silang makapag-breakfast.

At lalong gumanda ito ng ma-realize nya na dun sa maliit na coffee shop kung saan sila unang nagkakilala ni Seulgi ibinaba nung driver.

Nadatnan ng lola nyo si Seulgi sa mismong spot kung saan naganap ang kanilang blind date.

Nasa may door ang lola nyo, sa sobrang kilig di nya malaman kung papaano sya lalapit kay Bebiber.

Matagal na kayang pinangarap ni bakla na may mag-Dawn Zulueta sa kanya (nung nagkasalubong sila ni Richard Gomez sa tabing dagat) kahit man lang once in her life.


Ang kaso baka di sya kayanin ng kanyang Bebiber, at tsaka baka matamaan nila yung mga tables at chairs sa cafe. Next time na lang daw.

So, nagkasya na lang ang lola nyo sa hugs and kisses.

"You look so lovely today Bani."

Napangiti naman ang granny ninyo sa narinig.

Kahit na ilang beses na nyang itong narinig mula kay Seulgi, andun pa rin yung kilig tingil effect.

"I love you, Bebiber."

"I love you too, Bani."



🐻           🧡           🐰       

Halos mag-aalas nuwebe na bago natapos yung romantic breakfast nung mag-jowa.

Medyo napatagal kasi alam nyo na, may mga anik anik pang landian na naganap.

I doubt it kung napansin man lang ng lola nyo na walang ibang tao sa loob ng cafe maliban sa kanila. Ang hindi alam nung kuneho, pinasara na muna sandali ni Seulgi yung cafe. She can do it since she is one of the owners.

Sa mga oras na iyon tanging si Bebiber lang ang nag-eexist sa mga mata ng lola nyo.

Kakalandi kakalandi, ayan tuloy 40 minutes ng late ang lola nyo.

So ngayon nagiisip ng magandang maidadahilan si Joohyun para di sya ipagwaswasan ng kanyang boss. Lagi pa namang maagang pumasok yun. Di rin malaman ni bakla kung papaano nya itatago yung buket of flowers na bigay ni Bebiber.

Magtra-try pa sanang mag-sneek in ang lola nyo pero na huli-ka-balbon na sya ng kanyang bossing.
 

"At saan ka nanggaling Bae Joohyun at halos magiisang oras kang late?"

Hala ka ang shoray ng delivery ni ate mong boss.

"Uhmm... uhmm... kasi Ate Sunny, naaaa...sira yung MRT. Oo tama kasalanan ng MRT. Mahaba yung pila sa bilihan ng ticket, tapos siksikan sa loob, tapos nasira yung tren. "

"Leche! Anong MRT ka dyan eh ang lapit lang kaya ng bahay mo. Paglabas mo sa inyo, tumambling ka lang Ayala na. May pa-tren tren ka pang nalalaman bata ka. Yung totoo Bae Joohyun?!"

"Eh???"


"Hay naku nevermind! Next time na ma-late ka isusumbong talaga kita sa tyang mo."

"Opo."

"At yung flowers mo..."

"Po?"

"Ilagay mo sa vase tapos dalhin mo dun sa office ko."

"Ate Sunny naman eh..."

Pinandilatan na si Joohyun ng kanyang boss kaya wala na syang nagawa. Baka kasi totohanin nito ang bantang isusumbong sya sa kanyang tyang, close pa naman sila nun.
 
🥀        🥀        🥀
 
Kasalukuyang nasa pantry ang lola nyo. Bising-busy si bakla sa paghahalo ng kanyang tinimplang kape. Palabas na sana sya ng bigla syang kinorner ng kanyang beshie para maki-chismax about sa mga ganap kaninang umaga.

"So... kamusta naman ang pakikipag-date ng alas syete ng umaga?" panguusisa ni Solar kay Irene.

"Super saya."

"Oh eh di ikaw na! So that means tuloy na tuloy na talaga ang mga ganap bukas?"

"Hopefully."

"Ano bang sabi ni Seulgi?"

"Basta ang sabi lang nya be prepared daw for tomorrow. She'll call me na lang daw later para sa mga detalye. Di na rin ako masyadong nagusisa at baka mawala yung element of surprise."

"Kaw na talaga bes!"

"I know right."

Ang landi ng lola nyo, sarap kurutin sa *tu*toot.

"Pero maiba ako bes, promise me na wag mong tutularan yung dati kong office mate."

"Oh bakit anong nangyari dun sa dating mong officemate?"

At nagstart ng mag kuwento si Solar tungkol dun sa kanyang ex-officemate...

"Ganito, I had an officemate na first time nagkajowa. Nung bago bago pa sila nung boyfriend nya, ay grabe kung magpav*rg*n effect si bakla. Pero eto ka, after masampolan... ay! Si ateng na mismo ang nagyaya sa bowa nya sa mot mot. Minsan nga nagkuwento si bakla na napapadalas na daw ang pagtanggi ni boyfriend..."

"So ang ginawa nung malanding bakla kumabit dun sa isa ko pang officemate. Katwiran nya, para daw kapag di pwede yung jowa nya ay yung other jowa nyang may asawa ang kasama nyang mag-check in."

"Pero eto ka ulit, nabukelya nung misis ang mga pinagagagawa nilang kababalaghan, so nag mega eksena sa office yung asawa."

"Alam mo kung ano yung winning line nung legal wife? So, totoo pala ang sabi nila, maganda ka, bata, edukada... pero nang aagaw ng asawa!  Sabay sampal dun sa officemate kong kangkarot."

At dun po natatapos ang kuwento ni Solar tungkol sa kanyang ex-officemate.

"Yun na yun? Anong connect nung warla nung mga ex-officemates mo sa buhay ko?"

"Wala lang... gusto ko lang i-chika sa iyo yung story nila."

Sa buset ni Irene, parang gusto na tuloy nyang sumigaw ng "TIME SPACE WARP, ngayon din! (Shaider)"  para mag-Sabado na.

Clip for this episode, only '90s kids can relate... IYKYK... meaning iyak iyak na tanda nyo na hahaha joke :)
 
 
 #seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt

May pa-ganap sa kabundukan si Baechu. By hook or by crook determinado si bakla na may-anik. Pero mukhang kontra ang mga anito ng kabundukan sa mga balakin ni ateng. Pero malakas ang pananampalataya nung kuneho kay Miley Cyrus. Naniniwala sya na it ain't about how fast you get there. It ain't about what's waiting on the other side. It's the CHORVA este it's the CLIMB. Yown!!!
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]
 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]