FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 02: Livin' LAVINIA Loca

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 02: Livin' LAVINIA Loca
"I am not jealous. I can't be jealous. I've never been jealous... NGAYON LANG!"
John Lloyd Cruz as Miggy in You Changed My Life (2009)


"Hyun okay lang ba kung dito ka na lang sa harap maupo? Mas kabisado mo kasi ang pasikot-sikot palabas ng Tondo. Para mas madali mong ma-guide yung driver."

"Uhmm... o-kay."

"Thanks. Sa likod na lang ako mauupo kasama si Yuju."
 
Yuju?  Bulong ng lola nyo.

"Kuya Jim, eto nga pala si Joohyun. Joohyun si Kuya Jim, ang aming family driver."

"Kamusta po," bati ng lola nyo kay Kuya Jim, ang galang nung kuneho... in fair.

Sunod naman na ipinakilala ni Seulgi ay yung babaeng katabi nya sa may backseat.

"At eto naman si Yuju. Nung sinabi ko sa mommy na susunduin kita, sinabihan nya ako na magpahatid na kay Kuya Jim. At dahil may kailangan din bilhin ang mommy sa may bandang Binondo, si Yuju nalang ang inutusan nya. Yuju, si Ate Joohyun mo nga pala."

Biglang tumayo yung mga bunny ears ng lola nyo sa narinig.

And the monologue begins...
 

Kanina, may pa-Bani Bani ka pang nalalaman oso ka!
Tapos ngayon Joohyun na lang ako sa iyo.
Di ka pa nakuntento ginawa mo pa akong ATE JOOHYUN!
Ayheytyu!

At dahil nag-sisintir ang damdamin, isang matipid na "hi" lang ang nasambit ng lola nyo.

After the introductions ay binuhay na ni Kuya Jim ang makina ng sasakyan, at dahan-dahan na niyang minaniobra ang kotse palabas ng gasoline station.




Mga eksenahan sa loob ng car...

Tiga-guide sa driver supposedly ang papel ng granny nyo, pero wapakels si bakla kasi bising-bisi ito sa pag-sipat sa reflection ni Yuju sa side mirror.

Naka fully extend din yung mga tenga ng kuneho kasi pilit nitong iniintindi yung usapan nung dalawang dilag sa likod.

"Yuju, marami bang tao dun sa chinese drugstore kanina?"

"Wala naman masyadong tao ate, kaya mabilis din kaming natapos ni Kuya Jim."

"That's good. Nga pala san kayo kumain after ninyong mamili?"

Hindi kaagad sumagot si Yuju, kaya naman si Seulgi mega-react kaagad.

"Wait, wag mong sabihin na di ka pina-meryenda ni Kuya Jim."

Then mula kay Yuju ay bumaling yung oso kay kuya mong boy na nagmamaneho.

"Kuya Jim, di ba ibinilin ko sa iyo na --" hindi na natapos ni Seulgi ang kanyang sinasabi kasi nasingitan na sya ni Yuju.

"Ha... eh... actually ate, di naman kasi kami gutom kanina ni Kuya Jim. Kaya inisip namin na dumiretso na lang sa gasoline station para sunduin ka."

"Ganun ba... pero kanina pa yun. Anong oras na kaya, baka gutom na kayo."

"Okay lang ako ate."

"Sigurado ka... ikaw kuya gutom ka na ba?"

"Kaya pa naman Seulgi. Aabot pa hanggang sa bahay."

Medyo nagbibirong sagot ni Kuya Jim.

"Pero baka kasi sabihin ng Mommy..." saglit na nagisip si Seulgi. "Ganito dumaan na lang muna kaya tayo somewhere para kumain tutal medyo gutom na rin ako."

Bakas ang ligaya sa mukha nung oso after niyang i-announce na mag-stop over na muna ang grupo para kumain.

Pero ang lola nyo di ata masaya sa nadinig. 

Gutom ka na agad bebiber?
Di ba, di ba... naka-dalawang plato ka ng carbonara at isang malaking slice ng red velvet cake kanina?
Di pa ba sapat yun Bebiber?
Kulang pa ba?
Sabihin mo lang at pupunan ko...

At nag-simula na naman pong mag-internal monologue ang lola nyo. Kung may pader lang ay baka sumandal na ito dun, tapos tsaka mag-islide pababa ng dahan-dahan (in short mag-walling).

Naputol lang ang ka-dramahan ni Baechu nang tanungin sya ni Seulgi.

"Hyun okay lang ba sa iyo kung kakain na muna tayo saglit?"
 

😇         😇         😇

Ang pagiging mabait ni Seulgi ang isa sa mga qualities na unang nagustuhan ni Baechu sa kanyang Bebiber.

Si tinagal-tagal na naging sila (3 weeks and 2 days to be exact... bawal ang judgemental) napansin ni Joohyun na never itong nagtaray sa mga service crew or waiter kapag kumakain sila sa labas.

Sabi nga ng ilan, mababasa mo daw ang tunay na ugali ng isang tao mula sa kung papaano ito makitungo sa mga taong supposedly ay dapat pinagsisilbihan sya.

Kahit na nagmula si Seulgi sa isang pamilyang may kaya (hindi ito alam ng lola nyo nung time na nagkakilala sila promise peksman mamatay man lahat ng mga kabit char!) ay kapansin pansin ang pagiging simple at down to earth nito.

Seulgi is everything that your lola wished for.

Hanggang ngayon kaya, di pa rin makapaniwala si Joohyun na nakadagit sya ng rare breed na oso tulad ni Bebiber (ano kayang kabayanihan ang ginawa ni ateng nung past life nya?)

Jumakpot ang granny nyo kasi bukod sa maganda at mayaman, ay sobrang thoughtful at caring din ng kanyang Bebiber.

And because of those qualities, eto ngayon ang lola nyo, ang kanyang pinakamamahal na oso, si inday Yuju at si Kuya Jim sa isang chinese restaurant. Waley nang nasabi si Baechu kasi syempre sabi nga ni Bebiber gutom na daw sya.

Pero the moment na pumasok ang grupo sa resto ay sinigurado ni Joohyun na sa kanya tatabi yung oso kasi, alam nyo na... lintik lang ang walang ganti kung pati sa restaurant ay si inday pa rin yung seatmate ni Seulgi. 

In character na si accla the moment na tumuntong ang mga paa ni ante sa resto. Naka-full on Cherrie Gil as 'Lavinia' mode na si Irene. Yung tipong nanaboy bigla ng tubig sabay lilinya nang..."you're nothing (pause) but a second rate (pause) trying hard (pause) copy cat! (sabay saboy ng champagne sa mukha ni Tita Shawie)"

Afraid kaya, kasi in between inday and Baechu ay ang mga umuusok na mangkok ng noodles. So, dalawa lang ang possible ending for Yuju, its either ililigo or ihihilamos nya yung mainit na sabaw... your granny's choice cause she's Livin' LaVinia Loca.

The thing is mukhang determined ata itong si inday na maging second rate trying hard meow meow as in total tinik sa lalamunan ni Joohyun for today's video si girlie. 

Sight na sight kaya ni Baechu kung papaanong pasimpleng dinampot ni Yuju yung kutsara't tinidor ni Seulgi, tapos pinunasan nya ang mga ito gamit ang tissue tsaka maingat din nitong ibinalik ang mga iyon. At dahil kasalukuyang busy yung oso sa pagta-type ng kung ano sa kanyang phone, di nya napansin yung ginawa ni inday.

After nun, sunod naman na dinampot ni Yuju yung mga chopsticks sa kanyang tabi.

At dahil maagap ang lola nyo, mabilis din nyang dinampot yung chopsticks na malapit sa kanya. Dali-dali niya itong tinanggal sa packaging, tapos mabilis na iniabot kay Bebiber na kasalukuyang humuhigop na ng sabaw.

Hah! Kala mo mauunahan mo ako inday.

Pero eto ka, nakakapagtakang di inabot ni Seulgi yung mga chopsticks. Ngumiti lang ito sabay sabi sa lola nyo ng, "thanks kaya lang di ako marunong mag-chopsticks Hyun."

Napatanga naman sandali ang lola nyo at saglit niyang sinulyapan si Yuju na saktong sumusubo ng noodles... and yes she's using chopsticks.

"Kain ka na Hyun at lalamig yung pagkain mo. Ikaw na lang ang gumamit ng chopsticks."

Sige try kong chopstickin tong siopao. Punyeta!

Habang nag-rerecover ang lola nyo mula sa kanyang failed attempt to be a dutiful girlfriend ay nasingitan na naman sya ni inday.

"Ate, ito nga pala yung asado sauce para sa siopao. Yung nasa maliit na bote ay hot sauce naman."

"Ah okay, thanks Yuju."

Ayan na, umaalimpuyo na talaga ang damdamin ng lola nyo. 

Never in a million years will your granny admit that what she's feeling at that very moment is not  actually inis but more like selos. Nag-jejeling si bakla kasi in her mind she should be the one doing those things.

And Baechu being Baechu, nakaisip agad ng resbak ang lola nyo. Iniisip ni Joohyun na gumawa ng special na sawsawan ng siomai para kay Seulgi. Ang kaso mo eto ka, she's missing one final ingredient which is the kalamansi na sa kalasmahan
(derived from the kemeroot word : Ma-las) ay nasa tabi ni inday.

Iniisip nya kung anung pwede n'yang gawin, eh kung suka na lang kaya ang ilagay nya? Ang kaso para namang sawsawan ng tokwat' baboy ang finished product, so di ubra.

In the end nag-give up na lang rin ang lola nyo sa pag-papapabebe at itinuon na lang niya ang attention sa kanyang siopao.

Nung malapit na silang matapos, nagulat na lang ang lola nyo nang bigla syang tinawag ni Seulgi. Nang humarap sya kay Bebiber ay naramdaman na lang niya ang kamay ni Seulgi sa kanyang baba. Dahan dahan din inilapit nung oso ang kanyang mukha sa granny ninyo.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Joohyun. 

Grabe Bebiber dito talaga?
Dito pa talaga sa restaurant, sa harap nina Kuya Jim at ni... nevermind.
Hindi ka man lang nakapaghintay na maihatid mo ako sa boarding house.
Pero alam mo naman I would do anything for you Bebiber so..

Oh boy! Come and light me up... come come...
Abangers ang lola nyo na halikan sya ni Seulgi. Pero waley...

"Ang cute mo namang kumain ng siopao Hyun, hanggang sa baba umaabot yung sauce."

Medyo natatawa pang comment nung oso habang pinupunasan niya yung asado sauce na naligaw sa baba ng lola nyo.

After nung punasan session ay nginitian ni Seulgi ang lola nyo at syempre mawawala ba naman yung makalaglag chenes na eye smile nung oso.

Nakanampowts! Napakaliit na gesture, pero yung heartu ng lola nyo. She feels flying like the butterflies... na na na navillera.



https://tengudness.blogspot.com/p/contact-us.html

Baka mas lalong kinilig ang granny nyo kung nabasa lang sana nya nang maaga yung text na sinend ni Seulgi bago sila magsimulang kumain.

 ðŸ’œ         💜         💜

Nag-wowork ang lola nyo sa isang kompanyang gumagawa ng mga mobile apps at games. Di kalakihan yung company, kaya iilan lang ang empleyado.

Very chill ang atmosphere sa opisina, kaya naman ang granny nyo at home na home ang feeling. At dahil wala yung boss, ang lola nyo abalang abala sa pag-chismax kahit na  oras ng trabaho.

"Solar, pag first monthsary ba anong kadalasan ang nangyayari?" tanong ni Baechu sa kanyang officemate / beshie / confidant / partner in crime.


"Edi kong anong feel nyong gawin."

Walang kabuhay-buhay na sagot ni Solar habang humihigop ng kape. Di na nag-bother si beshie lingunin ang lola nyo kasi busy ito sa paglalaro ng candy crush sa kanyang phone.

Pero wag ka, may pasabog na follow up question ang lola nyo.

"Sol... sa first monthsary ba ay acceptable nang mag-ask ng chorva?"

Muntik-muntikanan nang maibuga ni Solar ang iniinom nyang kape sa narinig.

"What?! Te muna, ano ulit yung tanong mo?!"




Ikinawindang ni bes yung tanong ng lola nyo, kaya naman matapos nyang maisinga yung natitirang kape na umakyat sa kanyang ilong ay hinarap na niya ng tuluyan si Joohyun.

Pati yung isang officemate nila na si Amber na busy sa kanyang laptop kani kanina lang, ay nakiusyoso na rin sa convo nung mag-beshie.

Feeling ni Baechu, nasa hotseat sya ngayon. Pero dahil super curious talaga sya sa sagot sa kanyang tanong, minabuti na lang nyang ulitin ito.

"After one month in a relationship, sa tingin nyo acceptable nang mag-ask ng chorva?"

Nagkatinginan sina Amber at Solar. After a few seconds at tsaka sila bumulanghit ng tawa.

"Punyeta! Seryoso ako!" Sabay hinagis ng lola nyo yung hawak nyang paperclip sa direction nung dalawang timang na ngayon ay halos di na makahinga sa kakatawa.

Nung mahimasmasan, agad namang bumawi si Solar.

"Im so happy for you bes!"

"Happy ka dyan! wala pa ngang nagaganap." Sagot ng lola nyo.

"So... mag-iisang buwan na pala kayo nung Seulgi?" tanong ni Amber kay Joohyun.

"Oo."

"Anong balak nyong gawin?" Segunda ni Solar.

"Di ko pa alam."

"I see... So ang concern mo lang as of the moment ay yung chorva?" Si Amber ulit yung nagtanong.

"Hindi no! Iniisip ko lang kung anung dapat kong gawin kung sakaling mag-aya ng ganap yung girlfriend ko."

"Naku bes! Deny pa more! Sya ang mag-aaya o ikaw?"

"O sige ako na! Ano ngang gagawin ko?!"

"Edi makipag-chorva ka." Maikling sagot ni Solar.

"Eh, papano kung di ako magaling?"

"Edi galingan mo problema ba yun." Singit naman ni Amber.

"Seryoso?"

Hala mukhang lost talaga ang lola nyo pagdating sa usapang chorva ah...

"Alam mo bes, wala namang masama dyan sa iniisip mo. Ang importante ay mahal nyo ang isa't isa at walang pilitan na magaganap. Alam ko kung gaano ka katagal naghintay para sa pagdating nung sinasabi mong 'the one'. Kung sa tingin mo si Seulgi na nga iyon at feeling mo ay worth it naman yung jowa mo, then go."

Napangiti naman si Irene sa sinabi ng kanyang kaibigan.

Pero wait there's more...

"Pero bes... medyo bawas bawasan mo muna yung panonood ng 'Till I Met You'  ha. Kung iniisip mong ire-enact yung ganap nina JaDine dun sa kotse, naku sinasabi ko sa iyo Bae Joohyun!"

And as if on cue, ay sumundot din ng comment itong si Amber.

"I'm just wondering lang kung sino ang iiyak sa kanilang dalawa pagdating nung morning after?"

"Naku! Sure ako it will be Seulgi!" Pangaasar ni Solar.

Kung kanina paper clip lang ang ibinato ni Irene sa mga impakta...

...this time isinama na nya yung box. 💢
 
Closing song ek ek for the chapter. Kanta na ROSÉ (BLACKPINK) (Ft. Im Byung Soo) "Livin La Vida Loca" (Ricky Martin Cover)! :)))
 
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt


Pa-backstory dun sa kung papaano first na nagkakilala si Ateng Irenea at si Kang Oso. Ang kaso mo eto ka, may nauna! Presenting, ang kaunaunahang tinik sa lalamunan ng lola nyo, meet...  

2 comments:

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]