FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 08: Huli Kang Oso Ka

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 08: Huli Kang Oso Ka
"Panahon na para i-pack up mo 'yang 'Lucy Torres' mo. Ilabas mo na diyan si 'Gretchen Barreto'. Anak, ako na bahala diyan sa red stiletto mo!"
Carmi Martin in No Other Woman (2011)



"Hi dad!"

Masayang bati ni Seulgi sa kanyang ama.

"O Seulgi hija, andito ka na pala."

Agad inilapag ng daddy ni Seulgi yung hawak hawak nito na folder at tumayo ito upang yakapin sandali ang kanyang anak.

"How's your day anak?"

Malambing na tanong ni Mr. Kang kay Seulgi.

"Good dad. How about you?"

"Okay naman kaya lang talagang maraming dapat tapusin dito sa office."

"That's why I'm here, para tumulong dad."

"Salamat anak. Oh, kumain ka na ba? I can ask my secretary to bring you something."

"Medyo busog pa naman ako dad. Siguro I'll start working on the reports para matapos na kaagad."

"O sige anak. Nga pala where do you want to work? I can have the files sent to your office. Kaya lang since wala ka pang sariling secretary, wala kang katulong magayos ng report. Kung gusto mo dito ka na lang sa office ko magtrabaho today."

"Here dad?"

"Oo, dito. Tamang tama, I have a meeting outside maya maya, so you are free to use my desk. Lahat ng mga kakailanganin mong files are all here. And in case you need help, you can always ask my secretary for help."

"Ay aalis ka din pala dad, I thought we can bond a little while working on the reports. "

Medyo malungkot na sabi ni Seulgi.

Napangiti naman si Mr. Kang sa inakto ng anak.

"Awww... my baby is so cute!"

"I just want to spend some time with you dad."

Tila nagwa-whine na sabi ni Seulgi.

"Anak will you stop being so cute. Parang ayoko na tuloy umattend ng meeting."

Sabay pisil ni Mr. Kang sa magkabilang pisngi ng anak.

"Aw! That hurts dad!" Sigaw ni Seulgi habang himas-himas ang kanyang mga pisngi.

Tumatawang bumalik si Mr. Kang sa kanyang desk at dinampot muli yung folder na hawak nito kanina. Maya maya ay lumabas na rin ito para umattend ng meeting.
 
Naiwan sa loob ng kuwarto si Seulgi na agad namang nagsimulang magtrabaho. Mukhang matatagalan bago matapos nung oso ang kanyang report, judging from gaano kataas yung stack ng mga folders na nasa harap nya.

Makalipas ang ilang sandali ay nakaramdam ng kaunting lamig si Seulgi. Tinungo ni Seulgi ang mini closet ng kanyang ama upang i-check kung meron ba itong nakatagong blazer na maari nyang mahiram.

Sinuwerte naman si Seulgi at nakakita sya ng gray na cardigan sa loob.

Habang sinusuot nya yung cardigan ng kanyang ama ay nakarinig si Seulgi ng mahihinang katok.

"Come in."

Isang babaeng naka-navy blue na pencil skirt na at powder pink na long sleeves ang sumilip mula sa pinto.

"Excuse me po, Ms. Kang."

"Yes." sagot ni Seulgi habang nakatayo pa rin sa harap ng closet ng kanyang ama.

"Ako po pala si Sana from the Accounting Department. Pinapunta po ako ni Mr. Kang dito para tulungan kayo sa pag-review sa mga files at sa paggawa ng reports."

"My dad sent you to help me with the reports?" Pagko-confirm ni Seulgi.

Marahang tumango naman si Sana.

"I see."

Ang tanging nasabi ni Seulgi habang lumalakad pabalik sa desk ng kanyang ama.

Nanatiling nakatayo sa may pinto si Sana, habang si Seulgi naman ay tila may malalim na iniisip.

"Ms. Kang?"
 

"Yes? Ay sorry! Uhmm... upo ka pala."

Naupo sa may sofa si Sana. Inilapag niya ang kanyang dala dalang laptop sa table at tinurn-on yung computer.

Lumapit si Seulgi kay Sana para iaabot ang ilang mga folders.

Busy sa pag-iisip kanina yung oso, kasi she was trying to figure out kung papaano niya hahatiin yung work between her and Sana.

"Can you review these files for me... uhmm... Sana? Tama ba?"

"Tama po, Ms. Kang."

"Okay Sana. And you can just call me Seulgi, hindi naman ako kasing tanda nung secretary ni daddy para tawagin mo na 'Miss'. And mukha namang di nalalayo yung age natin, so Seulgi na lang." Nakangiting sabi nung oso.

"O-okay."

"Good. Now say it?"

"Po?"

"Say my name. Just my name."

Sabi ni Seulgi sa kausap, still flashing her signature bear smile.

Hindi agad nakasagot si Sana, nung medyo nakabawi ay nagsalita ito ng mahina, "Seulgi."

"That's right. Thanks Sana."

At bumalik na ulit si Seulgi sa desk ng kanyang ama.

Itinuon ni Sana ang tingin sa kanyang laptop, pero yung isip nya ay wala sa mga numero sa screen kundi sa babaeng anak ng kanyang boss.

Kilala si Mr. Kang sa office bilang istrikto and medyo may pagka-robot kung magsalita. Mabait naman sya kaya lang di mo masyadong dama kasi bihira itong ngumiti.

Iyon ang image ni Mr. Kang sa office, malayong malayo sa kung papaano ito umakto sa harap ng kanyang pamilya, lalo na kay Seulgi.

Medyo nag-brace-yourself pa nga si Sana kanina on the way to Mr. Kang's office. She was expecting to meet yung female and younger version ni Mr. Kang, so inaasahan na nya na masungit at antipatika ito.

Kaya di natin masisisi si Sana kung medyo nagulat ito kasi ang naka-fest to fest na nya ay tila non-animated version ni Winnie the Pooh.

Palihim na ibinaling ni Sana ang kanyang tingin sa anak ng kanyang boss.

Busy ito sa harap ng computer at mukhang meron itong nakikitang di maganda sa screen kasi bahagya pang nakakunot ang noo nito.

Nag-woworry tuloy si Sana kung may mali ba doon sa mga nai-forward na documents mula sa kanilang Department. Then suddenly...

Toink...👾  toink...👾 toink...👾 ti-ri-rit-ti-rit... toink...👾 ti-ri-rit-ti-rit... toink... 👾

Bising bisi pala yung oso sa paglalaro ng games sa PC ng kanyang ama.

Weh!? Don't judge Bebiber, wala naman sa description sa 'Foreword' na masipag sya, ang usapan lang, lovable yung character nya. Masyado naman nang perfect si Seulgi kung magiging industrious din sya... so sya nang pinagpala, sya ng anak ng diyos. Charot!

Nung ma-game over na, ay ang kanyang sikmura naman ang pinagtuunan ng pansin ni Seulgi. Nagpaalam ito sandali kay Sana at tsaka lumabas ng office. Nang bumalik ay may dala dala na itong, sandwiches and bottled water. Inilapag nya yung isang sandwich at tubig sa harap ni Sana at sinabihan niya itong mag-break na muna sandali.

Ipinagpatuloy naman na ni Seulgi ang kanyang game, este ang kanyang work (seryoso) while munching on her sandwich.

Matahimik na nagtrabaho sina Seulgi at Sana. Madali naman nilang natapos yung mga reports kasi tinulungan din sila nung secretary ni Mr. Kang sa paggawa nito.

Matapos ma-double check yung report, inilapag na ito ni Seulgi sa desk ng ama. Nag-iwan na lang ng ito ng note sa ibabaw, telling him na mauuna na syang umuwi. Tamang tama sinabihan na rin sya ng secretary ng kanyang daddy na nasa baba na raw yung sundo nya. Nung nasa lobby na ay biglang naalala nung oso ang kanyang Bebibani. Kausap nya nga pala ito kanina bago nadisgrasya ang kanyang phone.

And speaking of, she forgot all about her phone. Dahil medyo busy kanina ay hindi na nya nagawang tingnan kung may tumatawag o nagtext ba sa kanya. When she checked it, its off. Sa pagkakatanda nya nag-on pa ito after nitong mabagsak. Baka nag-off ito ng kusa, no wonder tahimik yung phone nya magmula pa kanina.

She tried turning it on again, nag-open naman ito ang kaso saglit lang tapos namatay na ulit.

Iniisip pa ni Seulgi kung anung gagawin sa phone nya nang matanaw na niya ang kanyang sundo.

🚘         🚘         🚘 

"Kuya Jim, tumawag ba kayo sa akin kanina?" Tanong kaagad ni Seulgi, pagkasakay na pagkasakay ng kotse.

"Ah oo Seulgi, kaya lang di kita makontact. Tumawag pa nga ako sa daddy mo para ma-check kung nasa office ka nga ba talaga, sumagot naman sya na 'oo' nandun ka raw. Kaya kanina nagpasabi na lang ako sa secretary ng daddy mo, para i-inform ka na andito na ako sa building."

"Ah ganun ba kuya. Mukhang may diperensya yung phone, ayaw mag-on."

"Ganun ba. Oh! eh gusto mo bang idaan sa service center yan o diretso uwi na lang tayo?"

Tanong ni Kuya Jim kay Seulgi.

Nagisip sandali si Seulgi, ang alam kasi ni Joohyun late na sya matatapos sa office kaya ang plano ay sa boarding house na lang nya ito pupuntahan. Pero gusto na nyang makita ang kanyang Bebibani as soon as possible at baka nagaalala na ito.

"Uhmm... pwede idaan nyo na lang ako kuya sa office nina Irene. I just want to check kung andun pa sya."

"Okay, no problem."
 

🚘         🚘         🚘
 
Pagkaraan ng ilang sandali ay nasa harap na ng office ng granny ninyo si Bebiber. Lumapit sya sa guard at nagtanong kung nakauwi na ba yung mga tao from your lola's office. Ang sabi naman nung guard ay wala pang bumababa from there, pero siguro maya maya ay magsisilabasan rin daw ang mga yung kasi magsi-six na rin naman na.

Saglit na naghintay si Seulgi. Maya maya ay may nakita na nya ang kanyang Bebibani na lumabas ng elevator.
"Hi Bani!"

Isang kunehong may hawak na purple na bag at nakasambakol ang pagmumukha ang sumalubong kay Seulgi.

"Sorry Bebibani, di na kita natawagan ulit kanina. May kinailangan kasi akong tapusin sa office ng daddy kaya nawala na sa loob kong tawagan ka, sorry talaga." Dama ang guilt sa boses ni Seulgi habang humihingi ng paumanhin dun sa sulking rabbit.

"Bakit yung phone mo nung tinawagan ko nag-ring sandali, tapos after nun cannot-be-reached na? Ayaw mo na ba akong kausap kaya pinatay mo ito? Hindi mo na ba ako love?"

Nakapout na tanong ng lola nyo kay Bebiber. Halatang halata ang pagtatampo sa mukha ni granny.

"What?! Of course not! I love you so much. And I will never get tired of hearing your voice. Tsaka di ko pinatay yung phone ko, kusa syang namatay mukhang sira na ata. Wag ka na magtampo, you know that your the only Bebibani in my life." Pang-aalo ni Seulgi sa kanyang girlfriend.

Medyo nabura naman yung pout ng lola nyo dahil sa paglalambing ng kanyang Bebiber. Pero yung sad puppy eyes nya andun pa rin. Pabebe pa more si bakla.

"Sorry na Bebibani, smile ka naman na oh please. Sorry na talaga. I love you." Marahan pang hinaplos ni Seulgi yung pisngi ni Joohyun, na tila pinapahid nito ang luha ng lola nyo kahit wala naman.

Matapos maging drama queen sa loob 30 seconds, ay agad namang bumigay ang lola nyo at walang kaabog-abog na yumakap kay Seulgi. Agad namang hinalikan sa noo ni Seulgi ang kanyang Bebibani.

Sa loob ng 30 seconds ay napalis ang tampong buong maghapong binuild-up ng lola nyo. Highly invested kaya ang granny ninyo sa kanyang pagsisintir na pati pag-memeryenda ng banana-que ay nakalimutan na niya.

Bumubuo pa naman ng mga madradramang one-liners ang lola nyo habang nakaharap sa computer nya kanina. Gagamitin nya sana yung mga pasabog niyang one-liners pag nakaharap na nya si Seulgi.

Ang kaso mo eto ka, nilambing lang sya sandali ni Bebiber nag-dissapear na agad yung tampururot ng lola nyo. So waley ng silbi yung mga one-liners.

"Talaga? You love me?"

"Oo naman, I love you Bebibani."

"Kung love mo nga ako, kiss mo ako ngayon din... yung may tongue."

At inatake na naman po ng ka-kireihan ang lola nyo. Take note na nasa harap pa rin sila ng office building ni Irene. Dinadaan daanan sila ng mga muggles na palabas at papasok ng building pero ang lola nyo kebs lang.

Natigil lang ang pagla-lanjutay ni Joohyun nang biglang sumulpot out of nowhere si Boss Sunny.

"Hoy Bae Joohyun! Kailan pa nauso ang paglandi sa labas ha?! Umayos ayos ka kung ayaw mong i-report kita with matching pictures pa sa tyang mo!"

"Ate Sunny naman eh..." ang tanging nasabi ni Joohyun habang kumakalas sa pagkakaakap sa kanyang Bebiber.

"Eto bang yung jowa mo na ichini-chika ng tyang mo?" Tanong ni Boss Sunny sabay tingin kay Seulgi.

"Siya pala si Seulgi, Ate Sunny. Seulgi si Ate Sunny, boss ko."

Agad naman ini-extend ni Seulgi ang kanyang kamay upang makipag-handshake. Imbes na abutin ang kamay ni Seulgi, ay biglang niyakap ni Boss Sunny si Seulgi, na sadyang ikinagulat naman nung oso.

"It's nice to meet you Seulgi. Alagaan mo ng maigi si Joohyun, kasi love na love namin yan. Kapag pinaiyak mo ang aming baby, lagot ka sa amin. Tatakungin talaga kita."

Kahit na may banta sa dulo ng kanyang statement, ay hindi pa rin maiwasan ng lola nyo na ma-touch sa sinabi ng kanyang boss/parang-tita-na-rin-sort-of na si Ate Sunny.

Tumango naman at ngumiti si Seulgi sa nakatatanda. Matapos ang sandaling small talk ay iniwan na rin ni Boss Sunny ang dalawa at nagtuloy na sa kanyang sasakyan.

So... mabalik tayo dun sa request ng lola nyo.

"Uhmm... Bani?"

"Yes." Sabay nagbasa pa ng labi si bakla.

"Bani... are you hungry? Gusto mo bang mag-dinner na muna tayo bago kita ihatid?" Mabilis na sabi ni Seulgi.

"Ah... okay..."

Ang lamya ng sagot ng lola nyo, mas prefer ata nung kuneho yung kiss kaysa sa chibug.

"Great! Naka-park si Kuya Jim over there. Halika na Bani."

Medyo natigilan sandali ang lola nyo sa nadinig. May sinasabi ang lola nyo pero pabulong lang...

"Halika na? Pwede Bebiber, 'halikan' na lang?"

Anak ng puting rabbit! Ang kulit din talaga ng lahi ng lola nyo kahit kailan.

"Bani?"

"Ha? Ah... eh kako tara na at gutom na ako."

Sabay inabot ng lola nyo yung kamay ni Bebiber para magkaholding hands silang maglalakad.

Pero bago pa sila makalapit sa kotse ay may ibinulong si Seulgi kay Bebibani na ikinakilig ng pem-pem ng lola nyo.

"Yung kiss later na lang Bani, after dinner."

💋       💋       💋
Magkaharapang naupo sa table sina Seulgi at Joohyun.

Matapos makaorder ay naka-pangalumbabang tumitig ang lola nyo kay Seulgi.

"Hey... don't do that, malas daw yan lalo na sa hapag kainan."  Pagsasaway nung oso.

"Sorry. Nga pala kamustang work sa office ng daddy mo?"

"Okay naman. Buti na lang at madali kong natapos yung mga reports, akala ko talaga aabutin ako ng dis-oras ng gabi dun. Ikaw, kamusta naman sa office nyo?"

"Ayun..."

Mga 15 minutes na nagkuwentuhan sina Seulgi at Joohyun bago dumating yung kanilang order.

Pagkalapag na pagkalapag nung mga umuusok na bowls ng ramen, si Bebiber naka attack mode na kaagad. Sunod sunod yung higop ni Seulgi dun sa sabaw. At dahil spicy yung flavor ayon pinagpawisan yung oso, kaya naisipang nitong hubarin yung cardigan niyang suot-suot magmula pa kanina sa office. Pagkahubad ay isinampay ni Seulgi yung cardigan sa sandalan ng kanyang upuan.

Nag-resume na sa pagkain si Bebiber, nang biglang may napansin ang lola nyo sa braso nung oso. Agad inabot ng lola nyo ang kanang braso ni Seulgi to have a closer look. Sa sobrang bilis ng kanyang pagkakahablot ay muntikan pang masusubsub si Bebiber sa bowl ng umuusok na ramen.

"Ano to?!" tanong ng lola nyo.

"Huh?"

"Ito, ano ito?!" Sabay turo dun sa hilera ng mga numero na tila naka-tattoo sa balat ni Bebiber.

"Ah... iyan uhmm uhmm uhmmm..." nagiisip pa si Seulgi kung papaano sya mag-eexplain kay Bebibani.
 
"091... wait cellphone number ba ito?"
"Kaninong number to?!"
"Babae ba to?!"
"Lalake?"
"Bakit dito nakasulat?"
"Bakit nagpasulat ka?"
"May shortage ba ng papel ngayon?"
"Bakit di ako nainformed?!"

Sunod sunod na tanong ng lola nyo. Dinaig pa ni bakla ang CIDG sa kanyang line of questioning.

Dahil sa combo attack of questions, ayun yung oso di malaman kung ano yung unang sasagutin. Nagbu-buffering yung brain ni Bebiber.

"Sagutin mo ako ng maayos Kang Seulgi, kung ayaw mong sunod na malibing kay Marcos!"

Bigla namang napalunok si Seulgi sa sinabi ng kanyang Bebibani. Kani-kanina lang para itong easter bunny sa kakyutan, pero ngayon para itong kunehong tinurukan ng steroids.

Di malaman ni Seulgi kung san ba nya uumpisahan ang kanyang kuwento. Mag-start ba sya dun sa araw ng kanilang blind date which is also the day na meet nya si Krystal. Or ie-edit na lang nya yung part na yun at didiretso na lang sya sa kanilang chance meeting kanina.

"Kang Seulgi!" Muling tinawag ni Joohyun ang atensyon nung lost na oso.

"Uhmm... ganito kasi Bani, I met this girl kani-ah ah..."

Lalong humigpit yung 'kung-fu grip' ni Joohyun sa braso ni Seulgi. Kasi naman si Bebiber, simulan ba naman ang kanyang highly anticipated na explanation with, 'I met this girl' kung di ba naman shunga shunga.

"Anong sabi mo? You met a girl? Sinasabi ko na nga ba Kang Seulgi!"

At nagsisimula nang magising yung dugong-Tondo ni Baechu. 

Dali-daling inabot ni Baechu ang kanyang phone mula sa kanyang bag gamit ang kanyang kanang kamay, habang ang kanyang kaliwang kamay naman ay nanatiling nakahawak kay Seulgi.

"No no no, its not what you think! Actually matagal ko na syang na-meet- ah ah... "

"Ano! Ibig sabihin Kang Seulgi? Ibig sabihin matagal mo na akong niloloko?!"

At nag-start ng i-dial nung hyper na kuneho yung phone number na nakasulat sa braso ni Bebiber.

"No no, Bebibani, honey calm down please... please... just listen to me first."

Natigilan naman si lola nyo dahil sa pagsusumamo ni Seulgi, muntik muntikan na nyang pindutin yung "call" button.

"Gusto mo akong kumalma, then explain." Sabay inilapag ni Joohyun ang kanyang phone sa table, pero hawak pa rin nya ang braso ni Seulgi.

And explain is what Seulgi did. Nag-decide si Seulgi na ikuwento lahat lahat ng tungkol kay Krystal. Nagsimula sya dun sa time na nakilala nya si Krystal hanggang sa kanilang muling pagkikita  kanina.

Buti na lang at medyo kumalma ang lola nyo. Ni-release na rin nya yung braso ni Seulgi na kanina pa nya hino-hostage.

"Ganun ba... so-sorry I over-reacted." Mahinang sabi ng lola nyo.

Ngumiti naman si Seulgi and she reached for Joohyun's hand. Marahan nyang pinisil ito as if reassuring her that it's okay and that she is not mad.

"So are you still gonna talk to that Krystal girl?" Tanong ni Baechu kay Bebiber.

"I won't if you do not want me to."

"Then, don't." Maikling sabi ni Bebibani, sabay abot dun sa braso ni Seulgi.

Pinanood ni Seulgi si Joohyun habang nilalagyan niya ng alcohol yung part kung saan nakasulat yung mga numero. Hinayaan lang nyang burahin ng kanyang Bebibani ang mga bakas na iniwan ng marker na ginamit kanina ni Krystal.

"I love you Bani and sorry kung pinag-alala kita." Malumanay na sabi ni Seulgi.

Iniangat ni Joohyun ang kanyang paningin sa kanyang Bebiber at sinalubong ang mga tingin nito sabay sabi ng, "I love you bebiber. I'm sorry too."

"So pwede na ba tayong kumain ulit?" Masiglang tanong ni Seulgi na parang nakalimutan na nya kaagad yung nangyari kani-kanina lang.

Napangiti naman ang lola nyo, at nagsimula na rin itong kumain.

💋       💋       💋
 
Mula sa restaurant ay inihatid na ni Seulgi ang kanyang Bebibani sa boarding house nito.

Pero kung inaakala ninyong nakalimutan na ng lola nyo ang kaninang ipinangako sa kanya nung oso, nagkakamali kayo.

Because, Beachu never forgets...

Nung nasa may gate na sila ay very  determined ang lola nyo na kubrahin what is due to her.

"Bebiber, how about yung promise mo na kiss?"

Ayun oh! pak na pak talaga ang lola nyo.
 
 
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt

Kilala nyo naman na siguro si Momo no? Yung charity work ni Seulgi na di nya sukat akalain na isang malaking butaw pala in real life. Pero maliban sa unli chibug ay may isa pang tinatarget na makuha si Momo. Ano kaya yun?
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]