FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 09: Momo the Great Butaw

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 09: Momo the Great Butaw
“Kapag sumablay ka, isipin mo na lang na nagsimula ka din naman sa wala at walang nagbago." 
From 'Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?'



"Ang sabi ng supplier natin Ma'am Seulgi, baka next week na daw nila mai-deliver yung order natin."

"Next week is fine."

"And eto nga pala yung mga checks na kailangan mong pirmahan." Sabay iniabot ni Yura kay Seulgi ang isang folder kung saan nakaipit yung mga tseke.

"Okay."

Isa-isang nire-review ni Seulgi ang mga checks.

Nakaupo sa isang table sa cafe sina Seulgi at Yura. Maliban sa pagbabarista ay tumutulong din si Yura sa pagpapatakbo ng cafe habang nasa ibang bansa yung isa pang business partner ni Seulgi.

"Oh, wala na ba akong ibang kailangang gawin dito?"

"Wala na ma'am Seulgi."

"Good. Nga pala Yura, yung ating other BOSSanova ay uuwi na next month." Pagbabalita ni Seulgi.

"Talaga! Mabuti naman kung ganun, nakakamiss rin talaga sya. Im sure mas lalong sasaya ang atmosphere dito sa cafe, kapag andito na ulit sya."

"Sigurado yun."

Saktong inililigpit nina Seulgi at Yura ang mga nakakalat na dokumento sa table nang dumating si Momo.

"Oh! Momo andito ka na." Masiglang bati ni Yura sa dumating.

Ngumiti naman si Momo tsaka lumakad patungo kina Seulgi.

"Hey." bati ni Seulgi kay Momo.

"Hi." maikling sagot ni Momo.

"So anong gusto mong kainin?" tanong ni Yura kay Momo.

"Uhmm..." medyo nahihiya pang umorder si Momo, lalo na kaharap nya si Seulgi. Nung mga nakaraang punta nya sa cafe, wapakels ang lola nyo, order kung order, pero dahil andito si Seulgi medyo nako-conscious si bakla.

Tila naramdaman ni Seulgi na nahihiya si Momo kaya sinabihan niya ito na orderin lang kung anu man ang gusto nitong kainin.

Nang mai-serve yung mga order ay sumabay na rin kumain si Seulgi kay Momo. Tamang tama makakausap nya ito habang kumakain.

"So, kamusta ka naman Momo?"

"Ayos lang." maikling sagot ni Momo.

"Okay. Alam mo you are welcome to stay here in the cafe anytime you want."

"Okay."

"Okay. Uhmm...Momo, I just want to ask--"

"No." Agad na sagot ni Momo.

"Eh?"

"Kung itatanong mo kung ginagawa ko pa rin yung nahuli mong ginagawa ko nung isang linggo, then ang sagot ay, no. Hindi ko na ulit gagawin yun."

Tila nakahinga naman ng maluwag si Seulgi at sabay ngumiti sa kausap.

"Well, that's good to hear."

"Ginawa ko lang yun kasi I was so desperate, tsaka kailangan ko lang talaga ng quick-money. Pero tama ka wala sa pagnanakaw ang solusyon."
 

"Tama. Basta if you need anything magsabi ka lang."

Laki sa hirap si Momo. Nasanay na syang dumiskarte magisa para mabuhay. May mga magulang pa naman sya kaya lang nasa probinsya ang mga ito. At saka kahit naman humingi sya ng tulong sa kanila they will not be able to help her, kasi kahit sila hirap din sa buhay.
 
Nung araw na nahuli sya ni Seulgi, talagang gipit lang sya kaya nya nagawa iyon. Pero agad naman syang inusig ng kanyang konsensya matapos syang kausapin ni Seulgi. Lalo syang natauhan nang sabihin ni Seulgi na may mga CCTV na nakainstall sa paligid ng cafe. Na-shokot si bakla na maput-behind bars ang beauty nya. Di pa naman nagse-serve ng jokbal ang correctional.

Minsan, di maipaliwanag ni Momo kung bakit nga ba sya nakipag-deal dun sa oso. Siguro na-sense nya yung sinceridad sa boses ni Seulgi, tsaka mukha namang genuine yung concern na ipinapakita nito sa kanya. Mula sa mga kuwento nina Yura at saka nung ibang staff ng cafe, nalaman nyang ganon talaga ang nature ni Seulgi.

Sa totoo lang wala naman syang balak bumalik sa cafe, pero she feels that she have to go back in order to meet "her" again.

🐰       🐰       🐰

Now watch me wep, now watch me nay nay... now watch me wep wep... (ringtone ng lola Baechu nyo)

"Hello, tyang."

"Oh ate!"

"Yerim? Bakit gamit gamit mo yung phone ni tyang?"

"Pinatawag nya ako sa iyo."

"Oh bakit?"

"Ang sabi ni tyang, umuwi ka ngayon din dito sa Tondo at samahan mo daw syang magpunta ng Pangasinan."

"At anong meron sa Pangasinan?"

"Na-tegibels yung lola ni Ate Fany, so pupunta si tyang dun to pay her respects."

"Oh eh bat ako? May work kaya ako no."

"Ma! Ang sabi ni tyang nag-text na daw sya kay ate Sunny, so your excused na."

"Ano to parang school lang? Asan na ba si tyang?"

"She's like TT so di pwedeng kausapin."

"As if naman close sila nung lola ni ate Fany, kung maka-emote sya."

"Hay naku basta umuwi ka na dito ate, as in now. Okay, bye." sabay pinutol na ni Yeri yung linya.

Wala nang nagawa si Baechu kundi ang sumunod sa utos ng kanyang tyang, pinauwi na rin sya ni Boss Sunny. Wala namang kaso sa kanya ang samahan ang kanyang tyang sa Pangasinan, dahil malaki din naman ang utang na loob nilang magkakapatid sa kanilang Ate Fany, yung long-time, long-distance, long-hair na jowa ng kanyang tyang.

Habang nag-aayos ng gamit sa boarding house ay tinawagan ni Joohyun si Seeulgi para sabihin na pupunta sya ng Pangasinan kasama si tita cute cute.

Sinundo ni Bebiber ang lola nyo sa kanyang boarding house at sya na ang naghatid dun sa magtiyahin sa bus terminal.

So for the next few days ay nasa far far away land of boneless bangus ang beauty ng lola nyo.

At sabi nga nila, "When the rabbit is away, the bear will play." Charot!

📚        📚       📚

"Seulgi wait!"

Lumingon si Seulgi sa direction kung saan nanggaling yung boses ng tumawag sa kanya.

Nakita nyang papalapit sa kanya si Mina.

"Hey Mina what's up?"

"Hi Seulgi. Uhmm... gusto ko lang ulit magpasalamat sa pagsasauli mo ng wallet ko nung isang linggo."

"Wala yun ano ka ba. Tsaka nag-thank ka na akin nung nakaraan, okay na iyon."

"Ganun ba. Basta thank you ulit and I was just wondering if--" naputol yung sinasabi ni Mina may sumingit sa eksena.

"Momo?" Nagtatakang tanong ni Seulgi

"Hi, Seulgi!"

"Hi... uhmm... anong ginagawa mo dito sa school momo?" Tanong ni Seulgi.

"Galing ako sa cafe kanina, ang sabi sa akin ni Yura meron ka daw klase ngayon."

"Oo meron, kakatapos lang actually. Teka meron ka bang kailangan sa akin na urgent?"

"Wala naman. Gusto ko lang dalawin ka dito sa school nyo." Sagot ni Momo sa tanong ni Seulgi, pero yung tingin nito ay wala sa kausap, kundi dun sa kausap nung kausap nya. (gets nyo?)

Tumango tango naman si Seulgi. Bigla niyang naalala na kasama nya nga pala si Mina. Dali dali niyang inintroduce yung dalawa.

"Sya nga pala Momo, si Mina classmate ko. Mina si Momo... uhmm... uhmm..."

"Friend nya." Si Momoring na yung tumapos sa introduction ni Seulgi.

"Hi Momo, nice to meet you." Sagot ni Mina sabay abot ng kamay para makipagshake-hands.

"Me too." Medyo may pagkaexcited na sagot ni Momo. At si bakla di pa nakuntento matapos abutin yung kamay ni Mina para sa shake hands ay bumeso pa ito. Feeling close na agad si ateng.

Parehong ikinagulat ni Seulgi at Mina ang itinuring ni Momo. Kahit medyo na-shocked ay tinanggap lang ni Mina ang beso beso ni Momo, medyo napangiti pa nga ito ng kaunti. Iniisip nya baka talagang warm person lang si Momo, at ganito lang talaga ito bumati.

After ng medyo akward na introduction ay naalaala ni Seulgi na meron nga palang sinasabi sa kanya si Mina.

"Ano nga pala ulit Mina yung sinasabi mo kanina?"

"Huh? Kanina, I was gonna... I was... uhmmm nevermind, it's not that important. "

Medyo parang nalilitong sagot ni Mina. Na off script si classmate ng dahil sa sudden appearance ni Momoring. Ang totoo yayayain nya sana na mag-lunch si Seulgi, ang kaso may ibang taong nakaharap. Sa huli nag-decide na magpaalam na lang.

"Uhmm... sige Seulgi I'll go ahead na. Bye Seulgi. Bye Momo."

"Ah ganun ba, okay Mina. I'll see you next class. Bye!"

Nagsimula nang lumakad papalayo si Mina ng biglang magsalita si Momo.

"Seulgi ba't di mo man lang inayang mag-lunch si Mina?"

"Huh?" Medyo nalilito pa yung oso.

"Lunch. Mina."

"What do you mean lunch and Mina? Sabi nya she has to go."

"Kaya nga she has to go... to lunch. Obvious naman na hinihintay nya lang na mag-aya ka."

"Talaga. Di ko napansin, anyway nakaalis na sya."

"Well you better run after her, kung hindi ay di sya makakapag-lunch."

"At ano naman ang kinalaman ko sa hindi nya paglu-lunch, dala ko ba yung kaldero?" May pagkapilosopo din yung oso pansin nyo?

"Ha ha ha nakakatawa... " pasarkastikong sagot ni Momo. "... di sya makakapaglunch kasi she will not be able to pay for it, because of this." Sabi ni Momo sabay pakita sa wallet na hawak nya.

Nag-register naman ang shock sa mukha ni Seulgi. Pamilyar yung wallet kasi parang ganun na ganun yung itsura ng wallet na ibinalik nya kay Mina nung nakaraan.

"What the?! How di you... Papano napunta sa iyo yan!? Hanggang dito ba naman umaatake ang pagka-salisi gang mo? Sabi mo di ka na magnanakaw?"

"Hay naku mamaya na ako magpapaliwanag. Sa ngayon kailangan mo munang habulin si Mina bago pa ito tuluyang makalayo."

Medyo nalilito pa si Seulgi, nagpalipat lipat yung tingin nya sa wallet sa kamay ni Momo at sa papalayong figure ni Mina.

Then she decided to run after Mina.

"Mina! Mina wait!" Sigaw ni Seulgi habang tumatakbo, wala na muna syang care kung pagtinginan man sya ng ibang mga estudyante.

Tatlong bagay lang ang tumatakbo sa utak nung oso: Lunch, Mina at wallet. 

"Mina!" Muling sinubukan ni Seulgi na makuha ang attensyon ni Mina.

Mukha namang napansin ito ni Mina kasi huminto ito sa paglalakad at unti unting lumingon sa kanyang likuran.

"Oh Seulgi!"

Humihingal pa si Seulgi nang magsimula syang magsalita, "Hah hah Mina... hah hah lunch... with me?"

"Eh?"

Kinalma na muna sandali ni Seulgi ang kanyang paghinga bago ulit nagsalita, "Uhmm... Mina would you like to have lunch with me?"

"Hinabol mo ako across the campus just to ask me to have lunch with you?" Amused na tanong ni Mina.

"Yes. Well actually kasama natin si... si... that girl." sabay turo ni Seulgi sa naglalakad na si Momo.

"Oh! Oh hey Momo." Muling bati ni Mina kay Momo.

"Hello again Mina! Sinabi na ba sa iyo ni Seulgi yung about sa lunch?"

"Yah she told me already."

"So pano tara na?" tanong ni Momo.

"Su-sure. Kung okay lang sa inyong isama ako."

"Oo naman, okay lang yun tsaka sabi pa nga ni Seulgi ililibre nya daw tayo."
🍲      🍲       🍲 

At natuloy na nga yung lunch nung tatlo.

Habang kumakain ay iniisip ni Seulgi kung papaano nga ba nadekwat ni Momo yung wallet ni Mina. Bigla nyang naalala yung beso-beso scene ni bakla kanina. So iyon pala ang sikreto nitong babaeng version ni lupin. Now she knows...

So now the problem is papaano nya ibabalik yung wallet sa bag ni Mina ng hindi nito alam. She's thinking kasi, kung iaabot lang nya yung wallet kay Mina tulad nung first time ay baka di na ito maniwala sa excuse nya at baka akalain pa nito na klepto sya.

Teka... kung beso-beso ang secret ni Momoring then all she has to do is to make beso beso din. Oh di ba bright idea. Wait what?!

Habang yung oso ay maluka-luka sa pagse-self monologue, si Momoring naman ay not-a-care-in-the-world ang peg kasi bising bisi ito sa pakikipag-getting-to-know-you with Mina. Hinayaan na rin niya si Seulgi na mamoroblema sa pagsasauli ng wallet, at sa pagbabayad ng kanilang lunch.

Nung dumating yung bill ay biglang pinagpawisan ng malamig si Seulgi kasi nag-prisinta si Mina na sya na lang ang magbabayad.

"No no no Mina it's fine. It's my treat."

"Pero nakakahiya naman Seulgi." At sinimulan na ni Mina buksan ang zipper ng kanyang bag na ikinaalarma nina Seulgi at Momo.

Dali dali nagisip ng paraan si Seulgi.
Inabot nya bigla ang kamay ni Mina sabay sabi ng, "no really its okay." Nakipag-eye to eye contact pa yung oso para mas convincing.

Dahil medyo nabigla, natigilan naman si Mina sa pagkalikot sa kanyang bag. Napatingin sya sa kanyang kamay na ngayon ay hawak hawak ni Seulgi.

"Uhmm... how about this, sagot ko yung lunch today and you can just pay for the next."

Muli sinalubong ni Mina yung mga mata ni Seulgi sabay ngumiti ito.

"Talaga? We will have lunch together ulit?" Parang batang nagtatanong si Mina kay Seulgi.

"Oo naman, your choice kung saan." Nakangiting sagot ni Seulgi.

Tumango tango si Mina to show Seulgi na pumapayag na sya. Pero what Mina said after surprised both Seulgi and Momo.

"Promise me Seulgi that we will have lunch again."

"O-okay I promise." Medyo nagbu-buckle pa na sagot nung oso. Nagwowonder kasi sya kung bakit kailangan pa nyang mangako since its only lunch lang naman, its no big deal.

Nanatili lang nakamasid si Momo sa mga eksena sa harap nya. She felt weird kasi feeling nya yung plan nya to get close to Mina backfired.

Yup, Mina was actually the reason why Momo went to see Seulgi at school.  She is also the reason why Momo accepted Seulgi's offer, well her and of course yung free and unlimited na chibug.

Basta si Mina ang dahilan.

Yung moment na nagkabungguan sila ni Mina sa cafe, ay paulit ulit na nire-replay ni Momo sa kanyang utak.

Tandang tanda nya how Mina first apologized kahit na hindi naman sya yung may kasalanan. Mina also asked her if she was okay, kung may masakit ba sa katawan nya somewhere. Yung paulit-ulit na pagsasabi ni Mina ng sorry, yung nahihiya niyang 'thank you' after nyang tulungan itong kolektahin yung mga gamit nito na nagkalat sa sahig. Lahat ng iyon at ang maamong mukha ni Mina, left an impression on Momo. She doesn't know what it is basta ang alam lang niya ay she have to meet her again.

So Momo took Seulgi's offer. Maliban sa kailangan din nya ang tulong ni Seulgi, Momo also knows that she can use Seulgi to get close to Mina, because sabi nga ni Seulgi nung una silang nag-meet, she sort of know the girl who owns the wallet. And luck must on her side kasi look at her now, she just had lunch with the girl who captured her heart.

But after all the scheming, and all the wishing and hoping. Nung sa tingin na ni Momo ayos na ang lahat, ay bigla nyang na-realize na nakalimutan pala niyang i-factor in yung possibility na taken na yung taong gusto nya, o kaya may iba na pala itong gusto.

Sa case nya, feeling nya dun sa huling possibility sya SUMABLAY.

Matapos maiabot ni Seulgi ang kanyang credit card sa waiter ay bigla namang tumayo si Mina bitbit ang kanyang bag. Magpupunta lang daw ito sandali sa restroom.

Nagkatinginan na naman sina Momo at Seulgi, at nung tila walang ma-formulate na plan si Momo para sa kanilang 'oplan-balik wallet' ay nagdecide si Seulgi na samahan na lang si Mina sa restroom.

Nung papasok na sa cubicle si Mina ay nagpresinta si Seulgi na sya na muna ang maghahawak ng bag ni Mina, which is perfect kasi maibabalik nya yung wallet while Mina is inside.

Succesful naman yun plan ni Seulgi, naibalik naman nya yung kailangan niyang ibalik ng hindi napapansin ni Mina. When Mina was done, humarap ito sandali sa salamin to check on her make-up. Then Mina noticed something.

"Uhmm Seulgi hindi ka ba mag-cCR?"

"Huh? Ah, me... he he no, I'm fine."

"Don't tell me sinamahan mo lang talaga ako."

"Yah parang ganun na nga." Sagot ni Seulgi.

Now that silang dalawa lang ni Seulgi ang nasa loob, iniisip ni Mina kung pwede na kaya niya itanong kay Seulgi yung kanina pa niya gustong itanong dito.

Huminga na muna ng malalim si Mina para buwelo, "Uhmm Seulgi can I ask you something?"

"Yes."

"Uhmm, I'm just wondering if maybe we can hang out after class next week?"

"Uhmm... next week? Pwede naman siguro kasi--" naputol yung sasabihin ni Seulgi nang biglang mag-vibrate yung phone niya, "wait lang Mina I have to take this."

 ☎️       ☎️       ☎️

"Hi Yura, what's up" sagot ni Seulgi sa kabilang line.

"Hi Ma'am Seulgi, itatanong ko lang if kung dadaan ka pa ba dito sa cafe later?"

"Me? Hindi na siguro. I'll be going home straight na after my last class. Why?"

"Wala natanong ko lang. Bye ma'am Seulgi!"

Pagkatapos makausap ni Yura ang kanyang boss, ibinulsa na muli niya ang kanyang phone at ibinalik ang tingin sa magandang babae na nasa harap nya.

"Miss hindi na daw dadaan si Ma'am Seulgi dito sa cafe."

"Ganun ba. Iwan ko na lang itong box sa iyo, pakibigay mo na lang kay Seulgi when she's here." Sabay abot ng box kay Yura.

"Okay. I'll just give this to her tomorrow. Ano nga palang sasabihin ko kay ma'am Seulgi kapag tinanong niya ako kung kanino galing itong box?" tanong ni Yura sa babaeng nasa harap nya.

"Please tell her it's from Krystal."
 
 
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Paano magpapansin kay Crush? Yung iba sumusulat ng love letter. Yung iba may pa feeding program. Pero jackpot ka kung ang nagka-crush sa iyo ay alta sosyedad. Ikaw ba naman ang regaluhan ng Iphone aarte ka pa ba?
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]