FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 12: Paasa

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 12: Paasa
"Puro lang kayo paasa. Pa-yummy. Ako naman, pa-victim..."
Kim Chiu in Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?


"Thanks sa paghahatid Kuya Jim."

"Okay Seulgi. Sya nga pala ipinagbalot ka ng pagkain ni Yuju. Pakikuha mo na lang yung paper bag sa may backseat."

Luminga si Seulgi sa kanyang likuran at dun nga nya nakita yung paper bag na sinasabi ni Kuya Jim.

Naging parang routine na para sa kanilang tiga-luto or most of the time para kay Yuju, ang ipagbalot or padalhan siya ng pagkain sa cafe.

Paborable ito kay Seulgi lalo na't meron syang on-going feeding program, at ang sole beneficiary ng kanyang charity work ay walang iba kundi si Momoring. Just Momo, kasi si Seulgi naman ay sa labas kadalasan kumakain, kasabay ni Joohyuna.

Yung mga pagkain ay diretsong dinadala sa kitchen. Hindi na ito chini-check ni Seulgi dahil sabi naman ni Momo wala syang food allergy whatsoever, kaya kahit anung chibug ubra kay bakla.

Pagdating ni Momo, ay sya na ang bahalang naghahain, lumalafang at umubos sa mga ito. Kapag kulang ang mga iyon, she can always order something from the cafe. Pagkatapos kumain ay huhugasan at ibabalik lang ni Momo yung mga pinaglagyan ng pagkain sa paper bag, na syang iniuuwi ni Seulgi or minsan ni Kuya Jim sa bahay.

Bitbit yung paper bag na sinasabi ni Kuya Jim ay naglakad na papasok sa cafe si Seulgi. At gaya nang nakagawian, diniretso ni Seulgi yung mga pagkain sa kitchen.

Pagkagaling ni Seulgi sa kitchen ay saktong dating naman sa cafe ni Krystal.

Hindi naman nagulat si Seulgi sa appearance ni Krystal, kasi sya naman ang nag-invite dito para pumunta sa cafe.

☕     ☕      ☕

"Here you go Krystal, one caffe macchiato and dinalhan nga rin pala kita ng carrot cake."

Matapos mai-serve yung kape at cake ay sandaling iniwan ni Seulgi si Krystal.

Pagbalik ni Seulgi ay may dala dala na itong kahon.

Inilapag ni Seulgi yung box sa table, tsaka ito naupo.

"Uhmm... Krystal, I need to return this to you."

Tinitigan ni Krystal yung box, at agad naman niyang na-recognize ito.

"Why? Ayaw mo ba yung kulay ng phone? O baka you prefer Samsung over iPhone."

"Eh?" Medyo nalito yung oso sa tanong ni Krystal

"We can buy another one right now. Sorry, I just assumed that you like iPhone."

Aba si ate mong girl haciendera lang ang peg!

"What?! No!" Gulat na sagot ni Seulgi

"No? You don't like iPhone? Kung may iba kang brand o model na gusto, sabihin mo lang." Medyo may hint of worry na sa boses ni Krystal, akala nya kasi galit si Seulgi.

"No no no no..." medyo natatawang sabi ni Seulgi "...what I'm saying is, hindi mo na kailangan palitan yung nasira ko na phone. Di mo naman sinasadya yung nangyari tsaka nag-sorry ka na naman, okay na yun."

"Pero I still feel guilty about what happened." Mahinang sabi ni Krystal.

"Please don't."

"Nagustuhan mo ba yung phone Seulgi?"

"Huh? O-oo naman it's an iPhone hello? Pero hindi ko pa rin ito matatanggap. Pakiramdam ko kasi iniis-scam kita."

"Kung mga tulad mo ang mangiis-scam sa akin, I'll give you anything you want."

"Eh?"

"Nothing..." mabilis na bawi ni Krystal.

"Sige na Seulgi, please accept the phone..."

At ilang minuto pa ng kumbinsihan ang lumipas, hanggang sa napapayag na rin ni Krystal si Seulgi na tanggapin yung phone.

How did this happen? Don't bother to ask Seulgi, kasi kahit yung oso wiz know.

Nadala siguro si Seulgi sa charm ni Krystal.

Must be one hell of a charm kasi, not only did she managed to convince Seulgi to keep the phone, nakapagpa-book din ito ng isang dinner date with Bebiber. Not date as in "date" talaga... ganito kasi ang nangyari...

"How about this? Since sabi mo masyadong mahal yung phone na ibinigay ko compare dun sa nasira. Eh pano kung I'll let you buy me dinner na lang, para you won't feel that you're taking advantage of me. This will make things even."

"Dinner?"

"Yup, dinner. And you better get your wallet ready, since I want you to bring me to a very expensive restaurant."

At yun nga napa-oo na lang si Bebiber sa proposal ni Krystal.

There must be something about Krystal, kasi imagine for a brief moment nakalimutan ni Seulgi na may jowa syang ngumunguya ng graba at bumubuga ng apoy kapag nagseselos.

Kung malalaman lang ni Bebibani na Seulgi broke her promise, ay naku sureness hindi lang bones nung oso ang ibri-brake ni Irene kundi pati dreams and aspirations nito.
 
📎     📎      📎

"Oh oh Irenea, kalma..." pangaawat ni Solar sa isang kunehong kasalukuyang umuusok yung ilong.

"Papano ako kakalma Sol eh etong si Amber bigla bigla na lang nag-leave kung kailan may niru-rush tayo dito sa office."

"Eh bes wala na tayong magagawa kung stranded si Amber sa Isabela at wala na talagang eroplanong nagfla-fly over the Sierra Madre."

"Punyeta kasi! May pa-soul searching soul searching pang nalalaman yung babaeng bakla na yun. Pag soul searching kailangan talaga sa malayong lugar? Di ba pwede dito na lang sa malapit mag-search?"
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html


"Malay ko, I never tried. So it seems wala tayong choice kundi tapusin ang naka-pending na trabaho ni Amber."

"Or..." bigla umandar na naman yung utak pugante ng lola nyo "... we can ask someone to do it for us." sabay may iniguso ang lola nyo kay Solar.

Na-gets naman kaagad ni Solar yung ibig sabihin ni Irene kaya agad nitong nilapitan si Mark ang kanilang walang kamalay-malay na new hire.

"Mark! I need you to do something for me."

Medyo tinarayan pa ni Solar ang kanyang boses while explaining to Mark what she wanted  him to do.

"Ha?! Bakit po ako maam?" Maang na tanong ni Mark.

"Hay naku wa ka na talk, wa ka na ask. Just do what we want you to do."

Medyo naiirita na si Baechu kaya naman di na sya nag-bother mag-explain further dun sa binatilyo nilang new hire.

Pag-kadeliver ng kanyang line ay tsaka bumanat ang lola nyo ng walk out.

Napasunod na lang si Solar sa naglalakad na kuneho.

"Bes, di ka naman masyadong excited na umuwi later no? Talagang minega-pasa mo yung work dun sa bata."

"Ay naku bes di talaga ako pwedeng mag-OT later at magkikita kami ni Seulgi. Ilang araw ko na ring di nakita si Seulgi, so wala na talaga akong paki."
 
Kung si Baechu ay excited nang makita si Bebiber, I can't say the same for the oso.

Of course gusto rin naman syang makita ni Seulgi. Kaya lang di pa kasi tapos ni Bebiber yung speech na kino-compose nya sa kanyang utak.

She needs to explain three things to Joohyun,

One: Bakit sya nakipagkita kay Krystal kanina.

Two: Bakit may bago syang phone.


And three: She also need to tell her that she will be meeting Krystal again soon.

Matapos kasi masira yung phone nya (the one that Krystal broke) she did not even bother to buy a new one, instead ginamit na lang nya yung pinaglumaan ng kanyang daddy. Ang sabi nya pa kay Joohyun, hindi naman importante na bago yung phone, ang mahalaga natatawagan at nakakapag-send ka ng text. Tapos all of a sudden she have a new one.

Pinagiisipan ni Seulgi kung sasabihin ba niya lahat lahat kay Joohyun, kasi she knows na may pagka-OA pa naman ang kanyang Bebibani. Mabilis pa naman itong mag-I-therefore-conclude kahit na di pa sya tapos magsalita.

If she would like to survive another day and manage to stay alive until ma-complete 'tong story na ito, then she will need to choose her words carefully.

Kaya lang kinulang sa Promil at Bonakid si Seulgi nung bata, kaya di sya lumaking gifted. So until now she can't think of a creative way to explain things to Joohyun.

Pero buti na lang client ng Banco de Oro si Seulgi.

Ang sabi kasi ng BDO sa kanya, you don't have to worry because... "we find ways." 

💳      💳      💳

"What?! Ibinili mo ako ng iPhone bebiber!"

"Yup, consider it as an early Christmas gift."

So eto pala yung "we find ways" na sinasabi nung BDO kay Seulgi.

"Pero sobra sobra naman ito for a Christmas gift."

"You are worth more than that to me."

Wuchuchu...

"Pero... pero..." papakipot pa si lola nyo, syempre ayaw magpahalata.

"Actually I also have a new phone too, it's the same as yours so parang couple item na natin to."

So iyon ang plano ni Seulgi, nasabi nya sa kanyang Bebibani na may bago na syang phone. Hindi na nga lang niya ni-reveal yung ibang mga detalye, like how she got hers.

At tungkol naman sa meeting niya with Krystal kanina, Seulgi decided not to tell Joohyun na lang muna, delaying tactic ang peg nung oso.


"Oh Seulgi anak andito ka na pala."

"Hi Mommy." Sabay humalik si Seulgi sa kanyang ina.

"Alam mo kanina ka pa namin hinintay na umuwi."

"Namin? Nakabalik na ba ang daddy mula sa kanyang business trip?"

"Nope, guess whose back?"

And right on cue ay umenter frame ang isang babaeng mukhang hamster.

"Yo yo yo Wannie in the house! Can I get a woop woop!"

"Wendy?" ang tanging nasabi na lang ni Seulgi.

Si Wendy yung business partner / co-owner ni Seulgi sa cafe.

She studied in Paris for about a year. She was supposed to come back after a month pa, kaya medyo nagulat si Seulgi. Pero of course she is happy kasi andito na ulit sa Pilipinas ang kanyang BFF.

Masaya ang mood sa sala dahil sa pagdating ng matalik na kaibigan ni Seulgi.

Pero kung anong ikinasaya ng mood sa living room, sa ibang parte naman ng kabahayan ay may isang taong nagdurugo ang puso.
 
Yuju was holding a piece of paper.

Matapos basahin ang nakasulat sa papel ay di na napigilan ni Yuju ang mapaiyak.

Yung sinasabi nilang "heartbreak" ay talaga palang masakit.
 

Now she knows the feeling.

Ang daming tanong ang umiikot ngayon sa isip ni Inday.

Anong nangyari?
Akala ko may something tayo?
Akala ko special ako sayo
Sabi mo... sabi mo...
Bakit pinaasa mo ako?
Ang salbahe mo.
Ganun ganun lang yun?
No explanation whatsoever.

Muling binasa ni Yuju ang sulat na galing kay 'Ate Seulgi.'

Sorry, pero hanggang friends lang talaga ang tingin ko sa iyo.
 
May libreng pa-bidjoke, click link below  ⬇️
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Akala mo magiging jowa mo na naging bato pa. Kasi kasi naman meron ng jowa tantanan nyo na. Para sa mga may balak maging kabit dyan naku wag na nyo i-attempt kasi gagalit yung kuneho. Ang sabi nga sa kautusan, 'wag kang makikiapid.' Ang kay Pedra ay kay Pedra, at ang kay Irenea ay KAY IRENEA LANG... bawal ang tingi o free taste.
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]