FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 11: Si Ex

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 11: Si Ex
"Iniwan kita para mag-isip, hindi para ipagpalit ako sa ibang babae!" 
Maricel Soriano in Soltera (1999) 


https://ko-fi.com/tengudness

Ilang minuto nang tinititigan ni Seulgi yung box sa harap niya.

Magdamag na nyang iniisip kung ano nga ba ang dapat niyang gawin sa bigay ni Krystal.

Pero natuyot na't lahat ng brain cells nya, pero wala pa rin siyang maisip.

Kagabi after niyang i-on yung iphone, ay naka-receive siya ng ilang text messages mula kay Krystal.
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html

Hindi makareply reply si Seulgi kasi naalala niya yung sinabi niya sa kanyang Bebibani nung nakaraan, that she will never talk to Krystal again.

Afraid si Bebiber na baka "i-kung fu grip" na naman sya ni Baechu, at baka this time ay sa leeg na.

Nagaalala si Seulgi na baka biglang tumawag si Krystal, kaya ini-off na lang niya yung phone.

Nagiisip yung oso kung papaano nya ipapaliwag yung situation kay Bani.

Si Seulgi kasi yung tipo ng tao na hindi magaling sa story telling at sa pag-eexplain ng mga bagay bagay. Tsaka aaminin ko na sa inyo... medyo may pagka-slow din talaga si Bebiber minsan.

The thing is, kung anung binagal nung jutak nung oso, ay sya namang binilis nung sa kuneho. Parang dial-up vs. LTE. Ang masaklap pa may pagka-praningningning si Joohyun kung minsan. At tume-teleserye na agad ito kahit na sa maliliit na bagay.

So the possibility that your lola will go wild kapag nag-start nang magkuwento si Seulgi... very high.

Fresh pa kaya sa memories ni Seulgi yung mga pangyayari nung nakaraan, kung saan nag-moon transformation make-up yung kuneho into Sailor Plutonium*.

Few weeks ago...


Ang nakaraan, sa buhay ng isang oso... 🎹 tenenenenen.... ten... tenennen... (piano playing in the background)

🏆 The National Cheerleading Championship 🏆

Every year ay talagang naglalaan ng oras si Joohyun para panoorin ito.

Kung hindi nyo kasi naitatanong ay dating pop pom shaker ang lola ninyo. Member sya nung pep squad ng kanilang university.

Kabilang si Baechu sa mga ibinabato at nagvo-volt in sa ere then puff... coco crunch... este pyramid pala.

Palong palo kaya ang mga backflip at handsprings ng lola nyo. At walang wala kayo sa makawasak puday nyang split.

And your lola is very proud to say, na yung huling championship trophy na napanalo ng kanilang university was during her era.

Kaya naman parang ritual na kay Joohyun ang panonood ng NCC.

But this year is a little different, kasi yung buwis buhay squad ng kanyang pinakamamahal na alma mater ay kasalalukuyang nagpro-protesta sa di nila pagcha-champion last year. At para ipakita sa mga organizers how dissappointed they are with the result, they decided not to join the competition this year.

So the kuneho came to the venue with a mission. 


Hindi sya manonood para mag-cheer kundi para i-boo yung ibang school. And she is not alone. Syempre idinamay ng lola nyo si Bebiber.

Actually kasali din naman yung school ni Seulgi sa mga kalahok sa NCC, pero since palagi naman nasa bottom yung ranking nung kanilang pep squad ay kebs na sya sa competition.

Pero dahil naka-on yung battle mode si Bebibani, heto ngayon si Seulgi sa loob ng Araneta to accompany and support her.

"Bebiber, bili lang ako ng popcorn at saka maiinom sandali." Paalam ni Joohyun kay Seulgi. Iniwanan niya yung oso na nakatayo di kalayuan mula sa bilihan ng popcorn.

Habang hinihintay ng lola nyo ang kanyang order, ay nakita nyang may lumapit kay Seulgi.

Kitang kita ni Joohyun kung papaano niyakap nung girl si Bebiber.

Ngiting ngiti yung tinamaan ng magaling na oso habang nakikipag-kuwentuhan dun sa girl na yumakap sa kanya.

"May kailangan pa po ba kayo ma'am?" Tanong ni kuya popcorn sa lola nyo.

"Asido. May tinda ba kayong asido?" Sagot/tanong ni Joohyun kay kuya popcorn.

"Ho?"

"Ah eh wala. Salamat kuya."

Lumakad na si Joohyun bitbit ang kanyang mga binili papalapit sa dalawang girl na kasalukuyang enjoy na enjoy sa kanilang chikahan.

Yung isa ay mukhang oso at yung isa ay malapit-lapit nang mawalan ng mukha kapag hindi nakapagpigil ang lola nyo.

"Oh Bani you're here na, si si ex nga pala." Pakilala ni Seulgi sa kausap niya.

At nagstart na naman pong mag internal monologue ang lola nyo...


Watda?!
Ano to kaswalan na lang ang pagpapakila sa mga exes ngayon?
Pang-ilan ba ako sa mga naging babae mo Bebiber?!
Ilan na ba silang pinaluha't iniwanan mo?
Hindi mo na ba mabilang sa dami... kaya pati pangalan nila di mo na natatandaan.
O baka talagang balewala lang sa iyo na dating naging kayo.
Hindi na sila nagma-matter sa iyo kaya 'ex' na lang ang tawag mo sa kanila.
Sino ang susunod mo na ipapakilala sa akin?
Si 'FuBu'?
Si 'one-night stand'?
Si 'MoMol'?
Punyeta Bebiber!
I kennot!

----- end of monologue -----


"Bani?"

"Hah?"

"Okay ka lang?"

"Yah I'm alright."

Sagot ng lola nyo pero deep inside...

No, hindi ako okay... I wanna urgh!

"Okay..." ang tanging nasabi ni Seulgi, tapos bumaling na ulit ito sa kausap nya kanina "... ay sya nga pala nakita mo ba yung... blah blah blah..."

Napatitig si Joohyun kay Seulgi.


Really Seulgi?
Paano mo nasisikmurang iparada ang ex mo sa harap ng current girlfriend mo na parang wala lang.

 

Tila napansin naman ni Seulgi na tahimik ang kanyang Bebibani.

"Sorry Bani ha, medyo napasarap ang kuwentuhan namin. Di kasi kami masyadong nagkakausap sa school."

Tila nagulat naman si Joohyun sa sinabi ni Seulgi. Gusto nyang ma-confirm kung tama nga ba ang nadinig nya.

"You mean, you still see her often?"

"Hah? Well of course I still see her." Medyo nagtataka man ay sinagot pa rin ni Seulgi ang tanong ng lola nyo.

And in three... two... one... boom!

Pinaliguan ng lola nyo yung oso ng popcorn tapos tsaka nya isinaboy yung isang tabo ng coke sa mukha nito. 


"Ang kapal ng mukha mo! Ayhatechu!"
 

Sabay walk out si bakla.

Shock ang nag-register dun sa girl na kausap ni Seulgi, habang yung sa oso naman ay more on confusion. She is confused why Joohyun acted that way.

Hindi malaman ni Seulgi kung maghihilamos ba muna sya or susundan nya yung nagwalk-out na kuneho.

"Seulgi, what was that?" Tanong nung girl.

"I-I don't know.... uhmm... uhmm... I think I have to go..." litong sagot ni Seulgi.

"Yes, I think you should."

"I-I'll see you in class. Sorry for the mess."

"Okay lang, bye Seulgi."

At sinimulan nang habulin nung oso ang kanyang nag-walk out na girlfriend.

Ilang sandali matapos makaalis ni Seulgi ay may lumapit na babae dun kay ate girl na kausap ni Seulgi.

"Hey, si Seulgi ba yung nakita kong kausap mo kani-kanina lang?"

"Yup."

"Nakita ko syang tumakbo, anong nangyari at bakit may nakakalat na popcorn dito?"

"Honestly Mina, kahit ako di ko rin alam."

"Nag-away ba kayo?"

"What? Of course not. Pinaguusapan namin yung upcoming project natin sa class, when suddenly this happened." Sabay turo sa kalat sa lapag.

"Ganun ba."

"Tara na sa loob Mina at baka nag-start na yung competition." Aya ni ate girl kay Mina.

"Okay."

Ang tanging nasagot ni Mina, nagsimula na rin itong lumakad papasok sa loob.
 

🍿       🍿          🍿 

"Bani! Wait!"

Dedma lang lola nyo at nagpatuloy lang ito sa paglalakad ng mabilis.

"Bani sandali! Hintay!"

"Magsama kayo ng babae mo!"

Buti na lang at medyo madaming tao sa labas ng Araneta, it slowed down your granny's attempt to run away from Bebiber.

Eventually ay naabutan din sya ni Seulgi.

Hinawakan ni Seulgi nang mahigpit ang braso ni Joohyun para masiguro na hindi ito makakapag-walk out ulit.

"Bani what's wrong?"

Malumanay na tanong ni Seulgi sa lola nyo.

Hindi nakaramdam ng kahit kaunting galit si Seulgi sa ginawa nung kuneho sa kanya, she just want to know kung bakit ganun ang inasta ng kanyang Bebibani.

"Anong what's wrong?!"

Pasinghal na sagot ng lola nyo.


"Why are you acting this way? May nagawa ba akong mali?"
"Nagtatanong ka pa matapos mong ibalandra sa harap ko yung ex mo na parang wala lang! Tapos sasabihin mo sa akin na madalas pa rin kayong magkita. Anong gusto mong maramdaman ko ha?!"

"Ex? Anong ex?" Nakakunot ang noong tanong ni Seulgi kay Joohyun.

"Naku tigiltigilan mo nga ako Kang Seulgi. Nag-aral din ako sa 'Maangmaangan School of Acting' kaya di bebenta sa akin yang mga pa-effect mo na yan."

"Pero Bani I never introduced you to any of my exes?"

"Aba punye-- eh sino yung hitad na ipinakilala mo sa akin kanina?!"

Malapit lapit nang mag-beast mode ang lola nyo.

"Si si ex?"

"Right, hanggang ngayon talaga hindi mo papangalan itong mystery ex mo na ito."

"Pero that's her name."

"Anong 'that's her name' ka dyan!?"

"Iyon ang pangalan niya, we call her CX (Si tapos Ex) kasi medyo mahirap i-pronounce yung chinese name nya which is Cheng Xiao."

"C... X? CX?" mahinang tanong ni Joohyun.

"Yeah that's her name."


 😶         😶         😶

Nasa loob ngayon ng isang coffee shop yung mag-jowa. Nawala na sa isip ng lola nyo yung cheerleading competition.

"Sorry na Bebiber. Sorry talaga..." pagpapa-pabebe ng lola nyo habang pinupunasan nya yung nanglalagkit na mukha ni Seulgi.


"It's alright Bani."

"Really. Hindi ka galit?"

"Of course not. How could I ever hate you?"

Wuchuchu... mga boladas nung oso.

"I love you Bebiber 💜"

"Love you too Bani 🧡"

Pinagpatuloy na lang ni Joohyun ang pagaasikaso sa kaniyang lovely bear.

"How many do you have?... exes I mean."

Biglang tanong ng lola nyo out of the blue.


Medyo natigilan nang kaonti si Seulgi.

Iniisip nya nang mabuti ang kanyang isasagot. Hindi pa naman sya ganun ka-eggcited na ma-experience maligo sa cappucino.

"Ba't mo naman natanong?"

"Wala lang, I just wanna know. So how many?" Pangungulit ng lola nyo kay bebiber.

"Uhmm... two."

"So what happened? Wait, wait, wait... I don't wanna know.... Pero can you still tell me..."

Medyo magulo ang request ng lola nyo ah... ano ba talaga ateng?

"Do you really wanna know?"

"Konti lang."

"O-kayyyy... so uhmm... yung first was ages ago, I don't know what happened basta ayun she broke up with me. Yung pangalawa happened nung pagraduate na ako ng college, sandali lang yun."

"So do you still see them?"

Tanong ni Irene, pero sa totoo lang medyo worried sya sa isasagot ni Seulgi.

"No."

"Okay." Medyo nakahinga nang kaonti ang lola nyo.

"How about you, how many do you have?"

"Ako?"

"Yah, I'm sure sa ganda mo na yan maraming silang nakapila sa panliligaw sa iyo."

"Hindi naman masyado."

Pa-humble effect pa si bakla pero deep inside...I know right.

"So ilan?"

"Maniniwala ka ba pagsinabi ko na minsan lang ako nagka-boyfriend?"

"Boyfriend?"

"Yes, boyfriend."

"How about girlfriend?"

"No you're the first... and the last."

Wuchuchu... mga pa-andar nung kuneho.

"So this ex-boyfriend of yours... can you describe him."

"Wag na baka mag-selos ka pa."

Wala sa loob na sagot ng lola nyo.

Bigla naman sumeryoso yung mukha ni Seulgi.

Napansin naman ito ni Baechu kaya agad bumawi ang lola nyo.

"Kidding! I'm just joking Bebiber. Biro lang yun..."

Patuloy ng granny ninyo "... uhmm he is not that special, he was just a school mate, tsaka sandali lang naman naging kami."

"Gwapo ba sya? Macho?"

"Nope, not that much."

"Matalino ba sya? Wait, I'm sure he is, dahil he's from the same school."

"Hindi rin."

"Mayaman ba sya?"

"Medyo. Pero he's kuripot."

Natawa naman si Seulgi sa sagot ng lola nyo.

"Seulgi..." mahinang tawag ni Joohyun.

"Hmmm.."

"I love you."

Medyo nag-relax naman ng kaonti yung mukha ni Seulgi. Aaminin nya that she felt a little jealous dun sa ex-jowa ni Joohyun, pero nawala din naman iyon kaagad.

"Do you still see him Bani?"

"Who? My ex?"

"Yup."

"Ahmmm... I still see him around, pero not intentionally. He just happened to be 'everywhere' all the time. Pero promise after niyang grumadweyt ay hindi na ulit kami nagkausap."

Ba... ang lola nyo may pa-promise promise pang nalalaman. Inabot pa nito ang kamay ni Bebiber at marahan itong pinisil pisil as if reassuring her that she only belongs to her. They stayed like that for a couple of minutes when all of a sudden....

"Irene? Bae Irene is that you?"

Isang boses ng lalaki ang tumawag sa attensyon nina Seulgi at Joohyun.

Bigla naman nanlaki ang mga mata ng lola nyo nang mamukhaan niya ang lalaking tumawag sa pangalan niya.


"Atom?" 

⚛️        ⚛️       ⚛️

"Atom Araullo... Bani really?"

"Seulgi..."

"Sabi mo hindi masyadong guwapo yung ex mo. So yung mga ganung level, hindi pa guwapo sa iyo yun?"

"Hindi naman talaga."

"You said hindi sya matalino. But Atom's a fuc*king reporter for ANC."

"He is... slight, pero I don't like it. Masyado syang opinionated tsaka may pagka-know it all, parang si Hermione Grainger."

"You said hindi sya mayaman. But the Araullo's are rich."

"Uy, correction ang sabi ko, medyo mayaman lang."

"Bani..."

"What Seulgi?"

"Your ex is Atom Fuc*king Araullo."

"So what."

Yung kaunting selos na naramdaman ni Seulgi kanina, ay bumalik matapos yung unexpected appearance nung ex ni Bebibani.

"Sabi mo hindi na ulit kayo nagkikita o naguusap."

"Yun ang totoo, I only see him on TV, so that I cannot deny. Pero yung usap, never na ulit except today. Siguro nanood din sya nung cheerleading competition kaya sya andito or may binili sya sa Farmers, I don't know and honestly I don't care. I swear Seulgi never na ulit ako nagreach out sa kanya."

"Okay, I believe you Bani."

Yun nalang ang nasabi ni Seulgi. Gusto na rin niyang tapusin ang kanilang conversation about exes.

She's had enough for the day. 


 📺        📺        📺
 
Back to the present time.


Sa tuwing maalala ni Seulgi yung di gaanong guwapo, di matalino, and hindi masyadong mayaman na ex ng kanyang Bebibani ay bumababa ng slight yung kanyang confidence level.

Iniisip nya tuloy kung anu nga bang nakita sa kanya ni Joohyun.


She is too ordinary.

Sinusubukan nyang pakalmahin ang sarili, kaya lang how is that even possible when she is currently watching "Umagang Kay Ganda."

Mukha magiging kapuso na si Bebiber tuwing umaga from now on.

Without thinking much, she reached for the box kung saan nakalagay yung iphone na bigay ni Krystal.

She turned it on, and waited a little bit.

She went to the messages menu and typed a quick text to Krystal.
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html


After a few seconds.

Krystal calling...

----
*Plutonium (Pu) - main element ek ek ng atomic bomb.


#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt


Masakit talaga pag first time lam nyo yan. Ang sakit sakit umasa tapos mauuwi lang pala sa nganga. May paparating na new character. 
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]