FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 10: Define Crush

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 10: Define Crush
"Yang hope na yan. Lason yan. Parang drugs na nakaka-adik." 
Beauty Gonzalez in Starting Over Again (2014)





Nagka-crush ka na ba?


Malamang.

Lahat tayo pamilyar sa saya at dilemang dulot ng naknampowtang crush na yan.

Yuju has a crush on Seulgi.

Pero mukhang more than crush na yung tama ni Inday kay Seulgi.

Love na nga ata talaga.

So ang tanong?

'Day ano na? 

❓      ❓     ❓


  "Yuju hija, pakitawag mo na nga si Seulgi sabihin mo handa na kamo ang breakfast."

"Opo Maam."

Hindi na kailangan pang ulitin ng mommy nung oso ang kanyang utos kay inday kasi basta para kay 'Ate Seulgi' si bakla yumu-Usain Bolt sa bilis.

In two minutes nakaakyat na ito sa second floor ng kabahayan. At eto na nga pa-katok na si bakla sa door ng kuwarto ni Bebiber.

Pero bago pa man lumapat yung mga knuckles ni Yuju sa pinto ay bumukas na ito.

Iniluwa nito si Seulgi na kasalukuyang may kausap sa kanyang phone.

Medyo nagkagulatan pa yung dalawa pero agad namang sumenyas si Seulgi ng 'wait' kay Yuju.

At dahil busy yung oso sa phone, nabigyan ng ilang precious moments si inday Yuju to look at her crush (again love na nga daw according to her).

Lately, everytime nakakaharap ni inday ang kanyang 'Ate Seulgi' ay bumibilis ang kabog ng kanyang dibdib at di niya malaman kung ano ang ikikilos sa harap nito.

"O-okay... uhm sige... I have to go na... yes... text mo na lang ako what time exactly para alam ko... I lov- (di na tuloy yung alabyu kasi may ibang makakarinig) hmmm... okay... bye."

Pagkatapos ng call ay tumingin si Seulgi kay Yuju. "Hey Yuju, what's up?"

Tila nagising naman si Yuju from her daydreaming, "uhmm... ate, pinasasabi ng mommy nyo na ready ng yung breakfast."

"Ah okay. Thanks Yuju."

Naabutan ni Seulgi ang kanyang mommy sa dining table na kasalukuyan humihigop ng kape habang nagbabasa ng diyaryo.

"Morning! Mommy di na ako makakapag-almusal at late na ako for my class."

"Ha! Oh eh pano yan magugutom ka nyan mamaya?" Tanong ng mommy ni Seulgi.

"Kain na lang ako sa break namin."

"Oh ayaw mo bang magbaon na lang para makakain ka on the way."

"Wag na mommy, wala ng oras. Pero pwede magpadala na lang kayo ng pagkain sa cafe mamaya? Can you make lumpiang sariwa?"

"Lumpiang sariwa?"

"Yup, nag-cracrave ako for a lumpiang sariwa mula pa kahapon."

"Okay sige anak, i'll ask manang to make some later. Tapos ipadala ko na lang kay Jim sa cafe after lunch."

"Thanks mom. And speaking of Kuya Jim, mom can I have Kuya Jim drive me around today kasi I will go out with my friends later."

"Late ka na ba uuwi nyan?"

"Yes mommy. Okay lang ba?"

"Oo naman."

"Thanks Mom! Alis na ako, bye!"
 

🐰     🐰     🐰
 
Now watch me wep, now watch me nay nay... now watch me wep wep... (ringtone ng lola nyo)

"Hello, Bebiber."

"Ako ito ate."

"Ay tyanak! Este Yerimi, oh bakit?"

"Ngayon na diba ang uwi nyo ate?"

"Oo mamayang hapon."

"Pasalubong kong puto ate ha."

"Puto ka! So tumawag ka lang para sa pasalubong?" Pagmamataray ng lola nyo.

"Di ah! Tingin mo naman sa akin?"

"Tyanak."

"Ang bad mo talaga ate!"

"Hay naku sige na babay!"

"Wait ate!"

"Oh?!"

"Text ka pagpapaalis na kayo ni tyang ha."

"Oh sige na. Bye."


☕     ☕      ☕

 "Hi Miss Yura."

Masayang bati ni Jim sa barista.

"Oh Jim kamusta?"

"Ayos naman. Si Seulgi?"

"Wala pa, baka di pa tapos yung klase nya."

"Ah ganun ba, sige tawagan ko na lang siguro sya. Nga pala pinabibigay ng mommy nya."

Inilapag ni Jim yung tangan tangan niya na paper bag sa may counter. Alam na ni Yura kung ano yung laman nun, dahil sinabihan na sya ni Seulgi kanina.

Sinabi din ni Seulgi na para kay Momo yung lumpiang sariwa. Naikuwento kasi nito kay Momo kung gaano kasarap yung lumpia na gawa ng kusinera nila (nanay ni Yuju). And to support her story, she promised Momo that she will bring some para matikman nya.

"Nga pala Yura, pwede paki-remind mo na lang din si Seulgi or kung sino man yun dishwasher ninyo dito na pakibalik na lang yung mga tupperwares dun sa paper bag para maibalik ko yung mga lalagyan sa bahay."

"Okay sige Jim." Sabay abot ni Yura sa paper bag.

Kumuha ng maliit na piraso ng papel si Yura at ini-note kung para kanino yung fudang, at pati na rin yung bilin ng mommy ni Seulgi regarding sa mga tupperwares para di nya makalimutan. Ini-stapler nya yung note dun sa paper bag, tsaka nya ito dinala sa kusina.

Pagkabalik ni Yura ay nakita nya na nakatayo pa rin sa harap ng counter si Jim.

"Oh Jim may kailangan ka pa ba?"

"Alam mo Yura, kapag nakatingin ako sayo parang nakatingin ako sa Mapa... sa MAPA-pangasawa ko."

"Ay naku! Tantanan mo nga ako Jimin, kung ayaw mong masaktan."

"Kahit ilang beses pa akong masaktan dahil sayo, di ako susuko. Dahil kahit bigyan mo man ako ng 1 million reasons to walkaway. Baby... I only need 1 good reason stay." (ba... lume-Lady Gaga ang lolo nyo)

"Alam mo Jimin..." bigla namang lumambing yung boses ni Yura "...kapag di mo pa ititigil yang mga pangdidiga mo ay baka di ko na mapigilan ang sarili ko at i-BJJ na kita."

Napalunok naman si Jim sa nadinig.

"BJ?"

"Oo, actually it's BJJ. Mas special ito, kasi..." inilapit ni Yura ang kanyang bibig sa tenga ni Jimin sabay bulong "... kapag ginawa ko ito sa iyo di mo na ako makakalimutan ever."

"Talaga?" Tila excited naman na sagot ni Jim.

Tumango tango si Yura, sabay kumagat labi pa.

"Actually ilang beses ko pa lang ito nagagawa, pero sabi nila magaling daw ako."

Napalunok na naman si Jim. Nag-start nang mag-init yung lolo nyo.

"So kailan mo gustong gawin natin yun?" Tila kinakapos sa hiningang tanong ni Jim kay Yura.

"We can do it now. Tamang tama walang masyado tao dito sa cafe. I'll make it quick."

"Hah?!" Napapiyok naman si Jim sa narinig.

"Bibilisan ko, pero sisiguraduhin ko na mararamdaman mo yung sensation sa buong katawan mo."

"Hah ah eh... sure ka?"

"Naman." Paninigurado ni Yura

"Sa-saan mo gustong gawin to?"

"Kahit dito na lang."

"Ano dito?!" Pumiyok na naman ang lolo nyo.

"Oo dito. Ano game ka na ba babe?" Tanong ni Yura gamit ang sexy voice nya.

"Ga-game kahit saan babe."

"Great!" biglang sumigla yung boses ni Yura "... humanda ka nang ma-Brazilian Jiu-Jitsu (BJJ - some form of martial arts) eto ang nababagay sa mga katulad mong manyak!"

🥋     🥋     🥋

"Hi Momo."

Bati ni Yura habang busy ito sa pagaasikaso sa order ng mga customer.

"Hi Yura."

"Nga pala Momo may pinadala si Seulgi na pagkain para sa iyo."

"Talaga?"

"Oo, diba nag-promise si Seulgi na ipapatikim nya sa iyo yung lumpiang sariwa (oh wag green minded) na specialty nung cook nila."

"Wow!"

"Nasa may kitchen, nakapaper-bag tapos may note na nakadikit."

"Okay, thanks Yuju!"

Nagtuloy-tuloy na si Momo sa may kitchen. Agad naman nitong nakita yung paper bag na sinasabi ni Yura.

Pagkatapos ma-check yung note na idinikit ni Yura ay tuluyan nang binuksan ni Momo yung paper bag.

Unang nyang inilabas yung maliit na tupperware na naglalaman ng mga dinurog na mani. Sumunod yung tupperware kung saan nakalagay yung sauce. Huli niyang inilabas yung malaking lalagyan kung saan maayos na nakahilera yung mga lumpia.

Pagkaalis sa mga tupperware ay kinuha ni Momo yung paper bag para sana itupi ito, nang biglang may nalaglag na tila sulat mula dito. Pinulot niya ito at binasa.

Anetch yung sulat?

Love letter lang naman.

Para kanino?

Well...

Anong sabi dun sa sulat?

Wala naman gaano, ang sabi lang dun sa sulat...


Enjoy the lumpiang sariwa. I made it specially for you.
Have a wonderful day!
 


🤤      🤤      🤤

Natapos nang kumain si Momo.

Hinugasan nya yung mga pinaglagyan ng pagkain at maayos niyang ibinalik ang mga ito sa paperbag. While doing that ay naalala niya yung sulat na nabasa niya kanina.

Kumuha ng papel at ballpen si Momoring.

She wrote something on the paper tapos tsaka niya inilagay yung sulat sa loob ng paperbag.

💌     💌     💌


 "Oh Maam Seulgi, you're here."

"Hey Yura."

"Nga pala Maam Seulgi pinagbilin ng mommy nyo na pakiuwi mo daw yung mga tupperwares. Don't worry, hinugasan at ibinalik na ni Momo yung mga lalagyan dun sa paper bag. Ipinatong ko yung paper bag sa counter, so wag nyo kakalimutang dalhin ito kapag papauwi na kayo."

"Thanks Yura. Ano nga palang sabi ni Momo dun sa lumpia? Masarap daw ba?"

"She loved it."

"That's good."

"At bago ko nga rin pala makalimutan Ma'am, may nagpapabigay sa inyo nito..." inilapag ni Yura ang isang box sa table "... nung isang araw ko pa sana iaabot sa iyo yan, eh since ngayon lang ulit kayo nadaan ng cafe, ngayon ko lang din naiabot sa inyo yan."

"Ano to?"

"I don't know di naman nasabi nung nag-iwan kung anu yung laman nung box."

"Oh eh kanino to galing?"

"Ang sabi nung girl, kapag daw nagtanong kayo ang sabihin ko daw galing kay Krystal yung box."

"Krystal?"

"Yup actually ilang beses ko nang nakikita yung girl na yun dito sa cafe. Pero nung time na iniwan nya yang box, ikaw yung tinatanong niya."

"Talaga?"

"Kilala mo ba sya ma'am?"

"A little."

"Uhmm... Okay. Nga pala ma'am anung oras kayo uuwi?"

"Baka maya maya pa... hinihintay ko pa kasi si Kuya Jim."

"Asan na ba naman kasi yung magaling nyong driver ma'am ha?"

Well, busy si Kuya Jim if you must know...



4 hours ago

Now watch me wep, now watch me nay nay... now watch me wep wep...

"Hello."

"Ate asan ka na? Hinihintay ko yung text mo kanina pa? Di pa naman kayo umaalis ng bahay no? Nasa Pangasinan pa rin naman kayo no?" sunod sunod na tanong ni Yeri sa kanyang ate.

"A-ano?" Medyo nalilito si Joohyun sa mga tanong ng kanyang kapatid.

"What I mean is, andyan pa ba kayo sa bahay ng mga magulang ni ate Fany?"

"Oo andito pa. Siguro maya maya aalis na rin kami."

"Ah buti na lang."

"Bakit mo naman naitanong?"

"Susunduin ka kasi namin."

"Anong sundo, ibig sabihin pupunta ka dito sa Pangasinan?"

"Actually andito na kami."

"Huh!? Sinong kasama mo?"

"Si Kuya Jim, yung driver nina Ate Seulgi. Pinasundo ka nya, kasi para daw di ka mahirapan sa biyahe pabalik ng Maynila."

"What?!"

"Haba ng hair mo ate! Kaw na ang dyosa!"

Dali daling sumilip ang lola nyo sa may bintana at nakita nya nga si Yeri na nakatayo sa labas ng bahay. Nakita rin nya ang isang itim na Montero na nakaparada sa tapat.

Pagkasakay nila Joohyun at ni Tyang sa kotse, ay agad na iniabot ni Yeri sa kanyang ate ang isang box ng donuts kasama ang note na galing sa kanyang bebiber.



Bani!
Nagpapa-miss ka ba ha?!
In fair, effective sya...
Come back to me soon.
Love you.
Bebiber
🐻


P.S.

May donuts akong pinadala, kainin mo habang nasa biyahe para di ka gutumin.

Ayan na lech! Kinilig na naman ang pem pem de sarapen ng lola nyo.
 

🐻     🐻     🐻

"Oh pano yan Ma'am Seulgi, di ko na kayo masasamahang maghintay. Mauna na akong umuwi sa iyo."

"That's alright Yura. Mukhang malapit na rin naman na si Kuya Jim."

"Okay. Bye ma'am."

"Bye Yura."

Naiwang mag-isa si Seulgi sa cafe. Hinihintay pa rin nyang makabalik si Kuya Jim. Ang paalam niya kasi sa kanyang mommy, kailangan niya ng driver kasi lalabas siya kasama ang mga kaibigan nya. Pero alam naman natin na sinundo ni Kuya Jim sa Pangasinan ang lola nyo. So para di  mabuking yung oso, kailangan kasama nya din yung driver paguwi ng bahay. So eto ngayon sya waiting for Kuya Jim.

At dahil halos tapos na ni Seulgi ang lahat ng mga assignments nya sa school, at wala na rin naman nang dapat ayusin sa cafe napagtuunan niya ng pansin yung box na iniabot sa kanya ni Yura.

Medyo nagulat sya nung makita nya kung ano yung laman nung box, isang brand new iPhone 7 (Rose Gold).

And since itong chapter na ito ay chapter ng mga notes and letters... syempre papahuli ba naman si Krystal, syempre may pa-letter din si girl na inilagay dun sa box.

Ang sabi ng sulat...


Hi Seulgi,

I tried calling your number pero I keep getting the 'number you dialled blah.'
Iniisip ko baka tuluyan nang nasira yung phone mo.
I told you that I'll buy you a new one if your phone stops working.
And since I can't reach you, I just went ahead and bought you a new one.
I'm sorry again for what happened.
I already saved my number.
Call me as soon as you get this.

Krystal


Tinurn-on ni Seulgi yung phone na hawak nya. After a few minutes ay pumasok ang isang text mula kay Krystal.

Hindi na nagawang basahin ito ni Seulgi dahil nakita na niya si kuya Jim na pumaparada sa harap ng cafe.

Dali dali nang ibinalik ni Seulgi yung phone sa box nito at inayos ang kanyang mga gamit na nakapatong sa table. Bitbit yung box at kanyang bag pack ay nagsimula nang maglakad palabas ng cafe si Seulgi. Di rin nya nakalimutan bitbitin yung paper bag na ipinatong ni Yura sa counter kanina.

📱     📱     📱

Di pa naman masyadong late nung nakauwi si Seulgi sa kanilang bahay.

Naisipan nung oso na dumaan na muna sa kusina. Inilapag nya yung dala dala nyang paper bag sa kitchen counter at nagtuloy tuloy na sya ref para kumuha ng maiinom. Pagkatapos nun ay umakyat na si Seulgi sa kanyang kuwarto.

Alam ni Yuju na nakauwi na si Seulgi. Nakita rin nya itong dumaan sandali ng kusina.

Dahan dahang lumapit si Yuju sa kitchen counter. Kahit medyo kinakabahan ay pinilit pa rin niyang silipin yung paperbag na inilapag ni Seulgi.

Hindi nya alam kung ano nga ba ang ine-expect niyang makita o di makita sa loob nito. She just want to check kung nabasa nga ba ni Seulgi yung sulat nya.

Napansin nya na may isang papel na naka-ipit in between ng mga tupperwares. Iba ito sa papel na ginamit nya sa kanyang note, so alam niyang hindi ito yung inilagay nya sa paper bag kanina.

Marahan na  binubuklat ni inday  yung papel.


Salamat.
Super sarap ng lumpia.
And thank you for taking care of me.
Super na aappreciate ko ang lahat ng ginagawa mo for me.
 
 
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt 

Panahon na para ungkatin natin ang entire dating history nung magjowang kuneho at oso. At may pasabog! Opo may sasabog! Este may pasabog ang lola Baechu nyo! 
[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]