FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 13: Porque

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 13: Porque
"Oo ate, oo ate...Puro na lang ako 'oo ate'."
Sharon Cuneta in Nakagapos Na Puso


Messages ni Inday Yuju, na akala ni Momoring ay galing kay Seulgi:
Enjoy the lumpiang sariwa. I made it specially for you.
Have a wonderful day!  

Messages ni Momoring, na akala ni inday ay galing kay Seulgi: 
Salamat. Super sarap ng lumpia.
And also thank you for taking care of me. 

Ipinagbaon kita ng chicken lollipop.
Have a good lunch.
Take care.

Salamat. 
Sorry hindi na kita nilapitan kanina, mukha ka kasing busy. 
Padala ka ulit ng masarap na chibug ha. 

Gumawa pala ako ng special polvoron, sana magustuhan mo.
Ingat today.

Ang sarap ng polvoron, gawa ka ulit ha pag may time. 

I made some embutido, kain ka ng marami. 
Oo nga pala, walang tigil yung ulan magmula pa kagabi, don't forget to bring your umbrella. 
Take care.

Thanks ulit sa pagkain. 
Ang sarap nung embutido. 
Pwede adobo naman bukas? 

Sabi mo gusto mo ng adobo di ba? Surprise! 
Ubusin mo to ha.  
Maulan pa rin ngayon tsaka medyo maginaw, pero I feel warm everytime I see your smile. 
Have a good day, take care! 

The best yung adobo grabe! 
Thanks ulit! Gudnyt.. mwah mwah! 

Sinubukan kong gumawa ng relyeno sana magustuhan mo.  
Kung may gusto ka nga palang ipaluto na ulam, magsabi ka lang ha. 
Take care. 

Super sarap nung relyeno. 
Grabe buti may oras ka pa para magluto. 
You're the best talaga. 
Alam mo ang swerte ng magiging jowa mo, mabait ka kasi. 
Thanks for taking care of me. 
Sana makahanap ka na ng taong magaalaga din sa iyo. 

What if sabihin ko sa iyo na natagpuan ko na sya. 
Ikaw... aalagaan mo rin ba ako? 

Sus, yun lang ba? 
Don't worry, akong bahala sayo. 

Talaga? 
You will take care of me?
Promise? 

Promise. 
Minsan lang kaya ako magkaroon ng kaibigan na bukod sa mabait ay maganda pa.  Yung mga kaibigan na special, dapat inaalagaan.

Nung sinabi mo na special ako. 
Do you really mean it?

Seryoso. Special ka kasi hindi ka judgemental. 
Tsaka ang tyaga mo sa akin.

Do you like me?

Oo naman. 
Nung unang nagmeet tayo, medyo nagiisip ako na baka pinaplastic mo lang ako. 
Pero nung nagtagal, na realize ko na cool ka pala. 

I'm sorry, but I have to ask you about something. Pasensya na kung medyo biglaan, kailangan ko lang talagang malaman yung sagot. 
May possibilidad ba na ituring mo ako nang higit pa sa kaibigan? 

Sorry, pero hanggang friends lang talaga ang tingin ko sa iyo. 

 💔      💔      💔

 "Oh hey Yuju, buti nandito ka pala. Alam mo ba kung nasaan yung remote ng aircon sa guest room? Si Wendy kasi..."

Hindi na naituloy ni Seulgi ang kanyang sasabihin, napansin nya kasi yung mga mata ni Yuju.

"Yuju, are you okay? Are you crying? Anong nangyari?"

Sunod sunod na tanong ni Seulgi.

Napayuko bigla si Yuju. Kahit na medyo huli na, ay pilit pa rin niyang itinatago ang kanyang mga luha from Seulgi.

"Yuju what's wrong?"

Nanatili lang nakayuko si Yuju. Hindi nya makuhang magsalita kasi natatakot syang sa oras na ibuka nya ang kangyang bibig ay kumawala yung hikbing kanina pa niya pinipigilan.

"Masama ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sa iyo?"

Hindi pa rin makuha ni Yuju na iangat ang kanyang ulo.

"Yuju..."

Naramdaman ni inday na lalapitan sya ni Seulgi, kaya bahagya siyang umatras at mahinang nagsalita.

"Medyo masakit lang ang ulo ko Ate Seulgi."

"Uhmmm ganun ba ... oh you better rest. Sasabihan ko si Manang na dalhan ka ng gamot para sa sakit sa ulo."

"Naku wag na Ate Seulgi. Itutulog ko na lang to."

"Sigurado ka?"

"Oo ate."

Ipinapanalangin ni inday na sana wag nang magusisa pa si Seulgi at hayaan na lang syang magtungo sa kuwarto nilang mag-ina. Sa bawat segundo kasing kaharap niya ito ay mas lalong tumitindi yung kirot na nadarama ng kanyang puso.

"O-okay. Sige pahinga ka na."

Hindi na sumagot o tumango man lang ni Yuju. Basta nilagpasan na lang niya si Seulgi at dire-diretsong naglakad.

Matapos mailock ang pinto ng kanilang kuwarto ay sumandal siya dito at inilapat nya ang kanyang kanang kamay sa pinto tapos unti unti syang dumausdos pababa.

Ibinaling ni inday ang kanyang paniningin sa kanyang left, after 3 seconds sa right naman.

Que in the luha and the background music...

Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo ta pidi
Era cinti tu el cosa yo ya cinti
 
Tapos zo-zoom in yung camera sa sour fest ni inday... 
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html
Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ang puso ko ay sawi
 
Tapos maglo-look-to-the-heavens-above si inday habang patuloy pa rin ang kanyang pagka-crylalu...

Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati
Sana'y magmilagro mabalik ko
Mali ay maiderecho
Pinagdarasal ko sa 'king puso
Na mabura na sa isip ko
Tapos unti unting zo-zoom out yung camera... and then cut to the next scene.

🎬      🎬     🎬

"Kasalanan mo lahat ito bakla ka!" sigaw ni Irene kay Amber.

"Sorry na... hindi ko naman kasi akalain na mai-istranded ako sa Isabela."

Kasalukuyang bisibisihan sina Irene, Amber at Solar sa harap ng kani-kanilang computer.

Hindi man lang makuhang mag-lunch nung tatlong mga pashnea kasi may hinahabol silang deadline.

Kaninang umaga kasi ay sinabon sila ng walang banlawan ni Boss Sunny.

Nalaman kasi ng kanilang boss na ipinasa nung dalawang mag-beshie (Irene at Solar) yung work na supposedly sila dapat ang gagawa, dun sa kanilang new hire na si Mark.

Okay na sana, natapos naman ni Mark yung pinagagawa sa kanya.  Ang kaso lang ay hindi pasok sa standard of excellence nung company yung finished product.

At nung na-summon for questioning si Mark, inis-spluk kaagad nito yung story and people behind the reason why nagkanda-litsi litsi yung project.

So bilang parusa, under office arrest ang mga bakla hanggat hindi nila natatapos ang kanilang work. Hindi sila allowed na mag-lunch outside o mag-take man lang ng coffee break.

So that means, cancelled yung lunch date sana ng lola nyo with  Bebiber.

"Argh... hindi ko na maintindihan itong pinag-gagagawa ko sa gutom." Himutok ni Baechu, habang minamasahe ang kanyang sintido.

Biglang bumanat si Solar ng, "kung! walaaaa ka nang maintindihan.... kung! walaaaa ka nang ma-ka-pi-tan! kapit ka--"

"Hoy Solar! Tigil tigalan mo nga ako, kung ayaw mong makatikim ng sampal na lasang lupa!"

Mainit na talaga ang ulo ng lola nyo.

"Eto naman masyadong masungit parang kumakanta lang."

"Eh panong di ako mai-iritate eh nung isang linggo mo pa LSS yang kanta ni Gary V."

"He he he... nadinig ko lang rin kasi yung song sa radio nung nakaraan. Which reminds me sakto lunch time na, kinig tayo ng radyo."

Binuksan ni Solar yung radyo at tumune-in sila sa favorite radio show on earth ni bes.

KristineDera: Oh ayan! Mga kabisyo napakinggan nyo ba ang ating drama today?

TanyaChinita: Yes!

KristineDera: Ikaw ba bakla na-experience mo na bang magmakaawa sa ex mo na wag kang iwan?

TanyaChinita: Naman!

KristineDera: Oh anong nangyari bakla kuwento mo dali.

TanyaChinita: Ano nga bang nagyari nun... ah! Ganito... galing kami ng Rizal nun tapos pauwi kami ng Cavite, habang nasa biyahe nakipag-brake sya sa akin.

KristineDera: Whut?!!!!

TanyaChinita: So imagine bakla mula Rizal hanggang sa makauwi kami ng Cavite humahagulgul ako. Actually hindi lang kami yung tao dun sa sasakyan, kasama rin namin yung isang friend nya, pero dedma na bakla basta cry kung cry ang peg ko nun.

KristineDera: Oh anung sabi mo sa kanya?

TanyaChinita: Hala ang drama ko kaya sa kanya, 'Hu hu hu ako na lang please, lahat gagawin ko wag mo lang akong iwan...' Ganun! Alam mo yung mga classic na linyahan kapag may nakikipagbreak sayo, yung mga paawa effect? Ay bakla! ginawa ko yun lahat.

KristineDera: Yan tayo eh! Pagdating sa huli tayo ang naiiwang luhaan...

TanyaChinita: True! Eto may caller tayo bakla... hellowie!

Yuju: Ah hello po...

TanyaChinita: Hello ate, pangalan nila.

Yuju: Yu-Yuna po. (not using her real name again)

TanyaChinita: Tiga-saan ka ate?

Yuju: Makati po.

KristineDera: Pamilyar yung boses tsaka name mo ate, nakatawag ka na ba sa amin dati?

Yuju: Opo.

TanyaChinita: Oo nga I remember you ate. Oh anong MeMa mo girl dun sa ating story? Naka-relate ka ba?

Yuju: Naka-relate po, although yung na-experience ko po ay medyo iba dun sa nangyari sa story. Pero naiintindihan ko po yung sakit na naranasan nung bida. Kasi masakit po talaga ang umasa.

TanyaChinita: Ay may hugot si ate... teka di ba ikaw yung caller na may crush ka pero di alam nung crush mo na crush mo sya, tama ba?

Yuju: Tama po.

KristineDera: Oh eh anung nangyari na ate?

Yuju: Ayun po, akala ko po may something po kami, tapos nung finally tinanong ko po sya kung possible kayang maging more than friends kami, ang sabi nya hanggang friend lang daw talaga ang tingin nya sa akin.

KristineDera: Ayan na naman tayo eh! Nakakabuwisit talaga yung mga taong pa-fall! Yung mga taong ganyan, ang sarap ekisan sa mukha gamit ang blade!

TanyaChinita: Ha ha ha... oo nga yung mga taong ganyan ang sarap painumin ng tubig ulan.

KristineDera: Oo bakla! Yung tubig ulan na sinahod mula sa lumang gulong, yung may kiti kiti.

TanyaChinita: Korak! Balik tayo kay ate... oh anong explanation nya sa iyo ate kung bakit hanggang friends lang daw ang tingin nya sa iyo?

Yuju: Wala po sya sinabing dahilan, basta ang sabi lang niya sa sulat, hanggang friends lang daw talaga kami.

TanyaChinita: Sulat lang ate, hindi in-person?

Yuju: Sa sulat lang po kami nagkakausap Mama Tanya. Ang masakit pa po, nung nakita niya akong umiiyak, nilapitan po nya ako at kinausap na parang wala lang. Iniisip ko po tuloy kung ganun po ba talaga sya kamanhid o baka iniisip nya na joke joke lang po yung feelings ko sa kanya.

TanyaChinita: Hay naku may mga taong ganyan, yung matapos nilang durugin yung puso mo ini-expect nila na makaka-move on ka kaagad.

KristineDera: Love mo talaga sya ate?

Yuju: Sobra po... handa ko pong ibigay ang lahat mahalin nya lang po ako. Sa totoo lang, kung sasabihin nya po sa akin na yung dahilan kung bakit hindi kami pwedeng maging more than friends, ay dahil may mahal siyang iba, handa po akong maghintay o kahit na pag-sabayin nya kami okay lang, kasi mahal na mahal ko po sya talaga.

TanyaChinita: Hay! Third party in the making pala itong si ate!

KristineDera: Willing to wait, willing to share... Wag ganun bakla!

Yuju: Ano pong magagawa ko... mahal ko po talaga siya.

TanyaChinita: Ambot sa imo... char lang! ha ha ha...wag ganun ate, you should love yourself first.

KristineDera: Oo, tsaka isipin mo na lang ate na hindi talaga kayo para sa isa't isa. I'm sure na merong taong magmamahal sa iyo, yung kayang pantayan yung love na ibibigay mo.

TanyaChinita: Tama, tsaka sabihin mo dun sa crush mo dimunyo sya! Matapos ka nyang paasahin! Ganun ganun na lang!

KristineDera: Puso mo bakla... sya, salamat sa pagtawag ate!

 
"Irene, tapos mo na bang yung--"

"Shush! Wag kang magulo."

"Anung ginagawa mo?" tanong ni Solar sa kanyang bes.

"Shush!" 

☎️      ☎️      ☎️
TanyaChinita: O bakla sagutin mo yung telepono may caller tayo.

KristineDera: Hellowie.

Baechu: Hello?

TanyaChinita: Ay! ang sweet ng boses nung caller... pangalan mo girl, tsaka tiga-saan ka?

Baechu: Bunny po from Tondo.

KristineDera: Kamusta sa mga tiga-Tondo! Oh napatawag ka Bunny?

Baechu: Actually ko lang pong mag-react dun sa caller kanina, yung sinabihan nung crush nya na hanggang friends lang daw talaga sila.

KristineDera: Oh yah yung kanina. Ikaw ba ate anung gagawin mo kunwari nangyari sa iyo yun?

Baechu: Kung ako po sa kanya kakausapin ko nang harap harapan yung crush ko para magkaalaman na. Rekta ko nang itatanong kung ano ano nga bang mga rason niya kung bakit hindi pwedeng maging kami.

TanyaChinita: Oo nga dapat talaga face to face.

Baechu: Pero sa tingin ko po at some point nagka-gusto rin si crush dun kay ate girl. Kasi hindi magiging ganun ka intense yung feeling ni ate girl sa kanyang crush, kung hindi sya nakaka-pick up ng mga signs mula sa kanyang crush.

TanyaChinita: Tama, hindi naman siguro lahat ay imagination lang ni ateng.

Baechu: True. Tsaka may mga tao po talaga na kapag alam nilang may gusto sa kanila yung isang tao ay sinasadya nilang mas lalo maging sweet dito, nasasarapan siguro sila sa feeling na may nagkakandaugaga sa kanila. Yung tipong pagsinabi nilang tuwad, tutuwad naman yung gagang may crush sa kanila. Pagsinabi nilang buka-

KristineDera: Oh oh oh... ate hanggang tuwad lang ang allowed ha at baka ma-KBP (Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas) tayo.

TanyaChinita: Bakla wag ka ngang magulo nagsasalita si ate eh. Tuloy mo te yung sinasabi mo.

Baechu: Yun nga po... yung mga taong pa-fall na yan puros mga sira-ulo, ang sarap sampal sampalin. Tapos nabanggit pa nung caller na mukhang may jowa na yung crush nya, tapos nakukuha pa rin nitong makipaglandain sa iba, ay! nyeta talaga!

KristineDera: Ang passionate ni ate...

TanyaChinita: True naman yun bakla. Kaw ba ate kapag nalaman mo yung jowa mo nakikipagsulatan sa ibang girl anung gagawin mo?

Baechu: Babalatan ko po sya ng buhay! Tapos gagawin ko pong bag yung skin nya.

KristineDera: Lagot! ha ha ha...

TanyaChinita: May advice ka ba dun sa caller kanina ate?

Baechu: Ang advice ko po... yun nga kausapin nya nang harapan. Linawin nya yung mga dahilan kung bakit hindi ubrang maging sila, tsaka kung ano ba talagang nararamdaman ni crush para dun kay ate girl. Ngayon kung sasabihin ni crush na may iba itong mahal, edi stop na. Tama nang minsan siyang nagpakatanga, wag na niyang ulit ulitin. At utang na loob ate! Tigil tigil mo nga yang ambisyon mong maging kabit! Ang sabi nga sa kautusan, 'wag kang makikiapid.' Ang kay Pedra ay kay Pedra... bawal ang tingi at free taste.

TanyaChinita: Korak! Tsaka, hands off  the merchandise... ha ha ha...

Baechu: Uhmm... pwede po bang bumati?

TanyaChinita: Pwede naman bente bente kada pangalan, joke! Bati na ate go.

Baechu: Hi to my Bebiber! Sorry di na tayo nakapaglunch together, love you!

KristineDera: Naks naman Bebiber! Umayos ayos ka kundi baka gawing fur coat ni ate ang skin mo... ha ha ha...

🐻      🐻      🐻

"Ate Seulgi..."

"Hey Yuju, kamusta ng pakiramdam mo?"

"Okay na, di na masakit ang ulo ko. Uhmm... ate may itatanong lang ako..."
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
 
May confrontation na magaganap. Ang pinaasa, ang nagbigay pag-asa at ang osong nanganganib ang buhay dahil sa maling akala, live, eksklusibo! Tonight with Tito Boy! Susunod!
 
 

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]