FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 14: Dream, Believe, Survive... Seulgi

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 14: Dream, Believe, Survive... Seulgi
"You made me believe, you made me believe we had a chance..."
Sharon Cuneta in "Minsan Minahal Kita"



"Ate Seulgi..."

"Hey Yuju, kamusta ng pakiramdam mo?"

"Okay na, di na masakit ang ulo ko... uhmm ate may itatanong lang ako..."

Hindi naman intensyon ni Yuju na mag pa-suspense effect sa kanyang tanong, she just really needs a moment para ma-compose niya yung mga gusto niyang sabihin kay Seulgi.

Kailangan makausap ni Yuju si Seulgi in person, para na rin sa ikapapanatag ng kanyang kaluluwa. Ika nga ni Piolo, "I deserve an explanation! I need an acceptable reason!" and so does inday.

Somehow nakatulong yung mga kinoda ng lola baechu niyo sa radyo sa kanyang enlightenment. And now she is following your lola's advice.

Sana nga lang talaga sundin ni inday yung nakasulat sa script. Mamaya kasi i-eye-to-eye contact lang siya ni Seulgi, ay baka maglulumuhod na si bakla at magmakaawa na mahalin sya nito. We can never can tell.

"Yuju ano yung itatanong mo?"

"I... I just... I just want to know... why?" mahinang sabi ni Yuju.

"Why what?"

Medyo nakangiti pa nang bahagya si Seulgi habang nagtatanong, di pa nase-sense nung oso yung seriousness sa boses ni Yuju.

"Why can't it be... why can't it be the two of us?" (teka kanta yun ah... why can't we be lovers, only friends, you came along- ehem sorry.)

"Huh?" napamaang bigla yung oso.

Dedma si ateng Yuju sa confused (literally, not sexually) na oso, tinuloy tuloy lang nito ang kanyang non-acceptance speech.

"I know, I get it, sino ba naman ako para mahalin mo. I'm not pretty or smart enough at isang hamak na katulong lang ang nanay ko. Nakatira kaming mag-ina sa isang maayos na bahay ng dahil sa mga magulang mo. Salamat din sa kanila kaya ako nakakapagaral ngayon. Napakalaki ng agwat ng estado natin sa buhay. I'm nobody. Pero sana naman naisip mo na kahit ganito lang ako, tao pa rin ako na nasasaktan... maiaalis mo ba sa akin na matutunan kang mahalin." (sa bawat sandaling hiram natin... wait, Zsa Zsa is that you?)

"Wha... huh? Yuju hindi ko nai-intindihan yung sinasabi mo?"

"Ako dapat ang nagtatanong ng ganyan? Sabi mo I'm special, sabi mo you like me. Tapos biglang sasabihin mo sa akin na friends lang talaga ang turing mo sa akin. So in short pinaasa mo lang ako, pinaglaruan mo lang ang damdamin ko."

"Huh? I did what?"

"Alam mo nung una tanggap ko naman na ang sitwasyon. Pero bakit kinailangan mo pa akong paasahin. Bakit kinailangan mo pang tumugon sa mga sulat ko kung hindi naman pala iyon ang nadarama mo."

"Wait wait wait wait wait... waaayyttt, anong sulat ang sinasabi mo Yuju?"

Now its inday's turn naman para ma-confuse.

"Yu-yung mga sa sulat mo?"

"Sulat ko?"

Tumango-tango naman si Yuju.

"Are you sure Yuju? Kasi I don't remember sending you a letter whatsoever."

Now Yuju is starting to get this feeling na parang may missing puzzle piece. Ngayon medyo nagaalinlangan sya kung itutuloy pa ba niya ang pakikipagusap kay Seulgi.

"But you sent me letters, well not exactly letters... more like notes."

"Notes? How?"

"Yung notes kasama nung mga tupperwares."

"What tupperwares?"

"Yung lalagyan ng mga pagkain."

"Yah I know what a tupperware is. Wait, yung bang tinutukoy mo ay yung mga pagkain na pinapadala sa cafe?"

Tumango uli si Yuju. Nafe-feel na niyang hindi maganda ang magiging ending nitong kanilang eksena. LasMa nga lang nya walang pause and rewind button in real life, so she will have to deal with the consequences after.

"Yuju, I never sent you any letter or notes."

Firm na sabi ni Seulgi.

"Hey Seul! I got a call from--" biglang napahinto sa pagsasalita si Wendy matapos niyang pumasok sa library kung saan naroroon sina Seulgi at Yuju.

Nagpalipat-lipat ang tingin ni BFF between Seulgi at Yuju, walang umiimik ni isa man sa kanila.

Iniisip ni Wendy kung may on-going mannequin challenge ba as of the moment di lang sya na inform.

Pero impossible kasi wala namang kumukuha ng video.

"Uhmm... maiwan ko na po muna kayo Ate Seulgi, Ate Wendy."

Unang gumalaw si Yuju at nagmamadaling lumabas ng library.

Hindi naman na kaagad nakapag-react si Seulgi. Ang daming tanong ang umiikot sa kanyang utak sa mga oras na iyon, hindi nya alam kung ano bang uunahin niyang hanapan ng sagot.

"What was that?" tanong ni Wendy kay Seulgi.

"I have no idea."
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/p/blog-page.html

Lunchtime.

Kadalasan kapag ganitong oras ay kasakasama ni Seulgi ang kanyang Bebibani at naglu-lunch somewhere. Pero this time ay sinadya niyang mag-stay sa cafe.

She's actually waiting for a certain someone.

She have a lot of questions, and she believes that this person will help clarify things.

Hinintay na muna ni Seulgi na matapos kumain si Momoring bago niya sinumulan ang kanyang interrogation.

"Hey Momo may tanong lang ako, may nakita ka bang sulat na kasakasama nung mga tupperwares na naglalaman ng pagkain?"

"Sulat? You mean dun sa paper bag?"

"Yes."

"Ah, yun... oo naman. Teka, gusto ko lang sabihin nang personal, na sorry talaga at hanggang friends lang ang tingin ko sa iyo."

"Eh? Ano kamo?"

"I mean maganda ka tsaka mayaman, kumbaga quota na ako kung jojowain kita kaya lang kahit na ganito ako, may prinsipyo pa rin akong sinusunod at saka isa pa may iba na akong gusto."

"Anone?" Na-lost na naman yung kawawang oso.

"In other words, hanap ka na lang ng ibang jojowain, kasi par hindi tayo talo."

"At sino naman ang nagsabi na talo tayo?"

"Ikaw kaya itong nagtanong kung may posibilidad na maging more than friends tayo. Sinagot ko lang yung tanong mo."

"What?! Kailan ako nagtanong ng ganun?"

"Nung isang araw kaya. Tinanong mo ako sa sulat."

"Sulat? Yuju's letters!" Finally na gets na rin nung oso ang nangyari.

"Yuju?"

"Yes Yuju pero di mo sya kilala. Anyway Momo listen to me, I don't want us to be more than friends."

"So nakikipag-break ka na sa akin."

"What the?! Pano tayo mag-break break eh hindi naman naging tayo! Tsaka sabi mo nga diba--"

"May iba ka na ba Seulgi? May iba na ba dyan sa puso mo?" May pagka-Bea Alonzong drama ni Momoring.

"Hoy Momo! Umayos ka nga!"

"Ha ha ha... sorry nagbibiro lang ako. So ayaw mo maging more than friends okay, gets."

Minsan iniisip ni Seulgi kung tumitira ba nang katol 'tong kausap nya kasi may pagka-aning aning kausap.

Pero Seulgi being Seulgi, she still gives Momoring the benefit of the doubt.

"Okay malinaw yan ha. Basta ang masasabi ko lang yung mga sulat na natanggap mo hindi sa akin galing yun."

"So hindi ikaw yung nagsabing, You will always take care of me."

"Of course, I will take care of you... I'm your friend. In fact, itatanong ko sana kung interesado ka bang magwork dito sa cafe. Libre pa rin yung pagkain mo syempre, tapos may extra money ka pa for your other needs."

"Talaga?!"

"Yup, kailangan mo lang kausapin yung friend ko na si Wendy, kasi you will be working under her. Ayos ba yun?"

Nagthumbs up naman si Momo.

So 50% solved na ni Seulgi yung gusot, now she has to iron out the rest.

"Momo, natatandaan mo pa rin ba kung ano yung mga sinulat mo dun sa mga notes?"

💌     💌     💌

"Hey Yuju. Are you busy?"

Medyo nagulat si Yuju nung marinig niya ang boses ni Seulgi. She's trying to search for a way para makapag-exit gracefully, ang kaso medyo mabagal ang processing ng kanyang brain at the moment.

Tanging iling lang ang naisagot nya kay Seulgi.

"Great. Can you come with me? I just need your help with something."

Dinala ni Seulgi si Yuju sa garahe.

Ini-unlock ni Seulgi ang isang kotseng nakaparada at saka siya sumakay sa may driver's side. Inutasan niya si Yuju na i-occupy yung passenger seat.

Matapos makasakay ay sinimulan na ni Seulgi buhayin yung makina.

"Ate Seulgi?" medyo may pagaalala sa boses ni Yuju.

"Relax, maliwanag pa naman plus hindi tayo masyadong lalayo."

Malumanay ang boses ni Seulgi, she is trying to put Yuju at ease.

Unti unting lumapit si Seulgi kay Yuju, itinaas nya ang kanyang kaliwang kamay at umakmang yayakapin si inday na bahagyang ikinagulat nito, napapikit pa nga nang slight si bakla. Pero actually Seulgi is just reaching for the seatbelt.

Matapos na masiguradong okay na yung seatbelt ni inday ay nagsimula nang mag-drive si Seulgi.

Tahimik sa loob ng sasakyan. May gusto sanang sabihin si Yuju, kaya lang hindi nya alam kung papaano nya ito sisimulan kaya mas minabuti na lang niyang manahimik.

Ilang minuto pa ang lumipas ay ipinark ni Seulgi ang sasakyan sa harap ng isang ice cream parlour.

Pamilyar kay Yuju yung lugar kasi dito sila madalas magpunta ni Seulgi nung bata bata pa sila.

Nagsimula nang bumaba si Seulgi sa sasakyan, taking her queue ay bumaba na rin si Yuju ng sasakyan.

Sinabihan siya ni Seulgi na maupo na sa loob, habang ito naman ay dumiretso sa counter para umorder.

Nung lumapit si Seulgi sa kinauupuan ni Yuju ay may bitbit na itong dalawang servings ng bananasplit.

Nagsimula nang kumain si Seulgi, habang si Yuju naman nanatiling hawak hawak lang yung kutsarita.

"Ayaw mo na ba ng banana split? Di ba yan yung favorite mo. Gusto mo i-order kita ng--"

"Seulgi, please sabihin mo na lang kung bakit tayo naririto?"

Napatitig si Seulgi kay Yuju. Napansin nito na parang may nag-iba kay Yuju, she just can't say what it is exactly. Pero she's hoping na whatever it is, sana makatulong iyon later, after nyang sabihin ang mga dapat nyang sabihin sa dalaga.

Dahan dahang ibinaba ni Seulgi ang kanyang kutsarita saka ito nagsalita, "Yuju, the letters that you got, they are not from me."

Actually na figure out na naman na ni Inday na hindi nga galing kay Seulgi yung mga sulat, pero umaasa pa rin kasi sya sa maliit na possibilidad na baka nga si Seulgi yung kanyang kapalitan ng mga notes.

"I know." Walang siglang sagot ni Yuju.

"And about the things that you said yesterday--"

"Kalimutan na lang natin yun please."

"No." Matigas na sagot ni Seulgi. "Yuju, I want you to know that you are not nobody. You are a very good person. At wag na wag mong iisipin na porke hindi ka mayman o matalino ay wala ka nang karapatang magmahal o mahalin."

"Yuju, what I am about to say may hurt but I have to--"

"Hindi mo ako kayang mahalin ng higit pa sa kaibigan." Si  inday na ang nagtuloy sa dapat sanang sasabihin ni Seulgi.

Natahimik na lang si Seulgi.

"Thank you."

"Huh?"

"Thank you for letting me love you. Medyo masakit pero alam mo, everything was worth it. At least I know what you feel."

"I'm really sorry Yuju."

"I know you are."

 💔      💔     💔

Medyo gumaan naman na nang kaunti yung pakiramdam ni Yuju. Sa lahat ng scenario na crineate nya sa kanyang utak, she never thought na she will be able to talk to Seulgi like this.

She was actually expecting worse yung tipong maraming crying at dragging scenes. Siguro dahil kaharap nya si Seulgi ngayon, yung pain mas less kasi nakikita naman niya yung sincerity ni Seulgi.

She also feels guilty kasi wala naman talagang kasalanan si Seulgi yet she is the one apologizing. So the least that she can do is to accept reality.

Kapag naaalala nya yung kanyang resolve na willing syang maging other woman natatawa na lang sya. Which reminds her...

"It's her isn't it?" tanong ni Yuju kay Seulgi.

"Hmmm?"

"Ate Irene."

"What do you mean?"

"She's your girlfriend."

Natigilan bigla si Seulgi. "Ho-how... how did you..."

Patay!
Sinasabi ko na nga ba nakita nya kaming magkayakap sa tent nung nakaraang nagcamping kami. 
Baka nung nagsta-stargazing kami sa labas.
Oh hindi naman kaya sa bus. 
Ashuwasha... Bani anung gagawin ko?

Monologue pa more Bebiber.

"Gotcha!" sabay ngumisi si Yuju.

"Eh?"

"Actually hindi ako sure, sinubukan ko lang itanong. Hinuhuli lang kita kung aamin ka ba."

At na lost na naman ang oso.

"Don't worry Ate Seulgi di ko sasabihin sa iba. Promise. Although parang alam na rin ni Kuya Jim."

Nakahinga naman ng maluwag "Yah, I told Kuya Jim, nagpromise din sya na he'll keep it a secret."

Nagusap pa sina Yuju at Seulgi tungkol sa kung ano ano pang mga anik anik. Bumalik na rin sila agad ng bahay after, kasi yung driving skills ni Seulgi ay medyo questionable pag-madilim (color blind remember).

So okay na, one problem solved, so what's next?

Telling bebibani...

Uhmmm...

Laslas na bebiber, etong blade.

🗡️      🗡️     🗡️

"Ha-ppy birth-day to yoooouuuu!!!"

"Oh make a wish tyang." udyok nung mga party people sa birthday girl.

"Wish? Okay sige wish..." pumikit pa si tita cute cute. "I wish na sana, tuparin na ni Pres yung sinabi nya na kakainin nya yung ashfall ng Taal."

Umakto na si tyang na iblo-blow yung candles nang biglang pinigilan siya nina Joohyun at Yeri.

"What the?! Tyang, ano ba naman yung wish mo!"

"Bakit? Sabi nyo mag-wish?"

"Pwede naman tyang, kaya lang pili ka ng less morbid."

Request ni Yeri sa kanyang tita.

"Less morbid... okay sige. I wish, na sana mabuo na ulit ang 2ne1."

Nag-ready na si Tita Cute Cute sa pag-ihip sa mga candles nang muli na naman inilayo ito ng kanyang mga pamangkin.

"Ampota tyang!"

"Bakit? Wala na bang chance na magkabalikan sila?"

"Waley na tyang. So wish ka na lang ng iba."

"Wonder Girls?"

"Asa ka pa tyang, unless asawahin mo si JYP."

"Sunget! I wish, sana magka-recover na yung isang membr ng Red Velvet mula sa injury. Yun pwede na ba yun?"

"Uhmm... pwede na, sige go."

Buti na lang at naapprove na sa wakas yung wish ni tyang, kasi paubos na rin yung sindi nung candles sa tagal ng kanilang deliberation.

🎂     🎂      🎂

Kinausap ni Seulgi ang kanyang magaling na pinsan na si Joy, tungkol sa kung papaano nga ba niya sasabihin kay Joohyun yung naging issue with Yuju.

Helpful naman yung pinsan nya kahit papano, eto nga meron pa itong inihandang plan.

What's the plan?

Well basta ang sabi lang ni Joy, aattend sila sa birthday party ng tiyahin nina Yeri at Joohyun.

Then they will wait for the sign na good mood yung kuneho and then bam! just blurt out the truth.

A very shitty plan I tell you, pero mainam na rin ito kaysa sa wala.

So andito na sila sa party party ni tyang, check.


Now, they are awaiting for further instructions. Ang sabi kasi ni Yeri, may ginagawa daw ang kanyang ate everytime may happy happy sa kanilang lugar. Sabi nya this will surely lift Bebibani's mood.

Kung ano man ito, they are about to find out.
 
"Yerimi alam mo na ang gagawin mo?" Paninigurado ni Baechu.

"Yes ate."

"Ikaw tyang?"

"Roger!"

"Ready na kayo? Pipindutin ko na ha..." at pinundut na ni lola nyo ang mga numero na kabisado na nya by heart.

(machine voice, with accent) One... four... seven... eight... four...

"Oh tyang... in 3-2-1 go." nagmuwestra pa ang lola nyo

(Tyang ang Yeri) 
Turn around

(Baechu)
Every now and then I get a little bit lonely
And you're never coming round

(Tyang ang Yeri)
Turn around
 
(Baechu)
Every now and then I get a little bit tired
Of listening to the sound of my tears

(Tyang ang Yeri)
Turn around

(Baechu)
Every now and then I get a little bit nervous
That the best of all the years have gone by

(Tyang ang Yeri)
Turn around

(Baechu)
Every now and then I get a little bit terrified
And then I see the look in your eyes

(Tyang ang Yeri)
Turn around bright eyes

(Baechu)
Every now and then I fall apart

(Tyang ang Yeri)
Turn around bright eyes

(Baechu)
Every now and then I fall apart!!!
 
Tita Bonnie Tyler ikaw naman! (Play vid below ⬇️)
 
At matapos ang napakahabang interlude at makawasak vaginang high note ay natapos na rin sa wakas ang performance ng "Baechu and the Turn Around Girls."

Hindi pa nakakarecover yung magpinsan mula sa kanilang napanood nang lapitan sila ni Yeri.

"Oh Ate Seulgi, it's your time to shine!"

"Hah?" napamaang yung oso.

"Yung Total Eclipse of the Heart ay ang go-to-happy-song ng ate. So everytime na kinakanta nya yan ay gumaganda ang mood nya."

"Yun ang happy song ni Ate Irene? Eh what more kung broken hearted ang ate mo?" Parang tangang tanong ni Joy, kaya naman pinandilatan sya ni Yeri.

"Go na Ate Seulgi."

🙏     🙏     🙏

Naglast minute occular inspection pa muna si Seulgi bago ito tuluyang lumapit sa kanyang Bebibani na kasalukuyang nasa kusina.

No juice or softdrinks around. Check.

No popcorn. Check.

No coffee or anything hot. Check.

All clear. Move in.


"Oh hey, Bebiber gusto mo ng cake?"

"Hi Bani! Wow mukhang masarap yan ah, tinanong-ako-ni-Yuju-the-other-day-kung-pwede-daw-ba-kaming-maging-more-than-friends-and-I-said-no, can I have one slice?"

Biglang bulalas ni Seulgi.

Natigilan sa paghihiwa ng cake ang granny ninyo at tinitigan niya ng matalim yung oso sa harap nya.

"Ulitin mo nga ulit yung sinabi mo Kang Seulgi."

Utos ni Joohyun kay Bebiber.

Sabay inangat ng lola nyo yung malaking kutsilyong gamit gamit nya kanina sa paghihiwa ng cake.
https://tengudnessfanfics.blogspot.com/

Ang tahimik ng atmosphere sa kusina, malayong malayo sa eksenahan sa sala kung saan situated yung videoke machine.

Si Chicken Joy ang kasalukuyang bumibirit.

Ang kanyang song piece...
 
Knife!
Cuts like a knife
How will I ever heal
I'm so deeply wounded
Knife!

"Magsalita kang oso ka."
 
Napalunok na lang si Bebiber.

Oh sh*t.
(Play vid below ⬇️)
 

#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
 

Judgement day na nung oso. Tingnan natin kung papaano  lulusutan ni Bebiber ang bangis ng kanyang jowang kuneho. At ang tanong na nasa isip ng lahat, #MayGanap o #WalangGanap kaya? 

[BACK]  [VIEW ALL CHAPTERS]  [HOME]

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]