FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 16: Post It

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 16: Post It
"I didn’t even believe in forever Toni … but I think I found forever in you."
Rico to Claudine in  'Got 2 Believe' 


Nakaraan Back Story: Ang Alamat ng Post It

"Bani, what are you doing?"

"Halika Bebiber pasok tayo sa loob."

"What? Hyun it's a private event, baka mapagalitan tayo nung mga organizers. "

"Di yan. Sige na Bebiber. Pwetty pleash..."

At wala nang nagawa si Seulgi sa request nang kanyang Bebibani.

Para siyang si Alice in Wonderland na sinundan yung nagbo-bounce-bounce-baby-bounce-bounce na puting kuneho patungo kung saan.

Bahala na si Dr. Strange kung ano man ang kahihinatnan nitong pag-gagate crash nila sa isang private wedding ceremony.

Sana... sana lang talaga madaan nila sa ganda ang mga security, nang di sila bitbitin ng mga ito palabas ng simbahan kapag narealize nila na di pala sila kasama sa guest list. 

💒     💒     💒

Walang gaanong tao sa loob.

Well, ganito naman talaga usually ang kaso sa mga kasal. Hindi lahat ng invited ay umaatend sa mga seremonyas at rituales sa simbahan.

Yung iba kasi ang gawi, lalo na yung mga bisitang rated PG (patay guts) ay sa reception na dumideretso. Missing in action yung mga tinamaan ng kulog kaninang nagpapalitan ng "I do" yung couple. Pero sa hatian ng cake at pagbubukas nung buffet dun present na present ang mga hinayupak.

Naupo sina Seulgi at Joohyun sa may bandang gitnang part ng simbahan, malapit sa family and friends area nung mga ikakasal.

Buti na lang at naisipang mag-dress ni Baechu, kaya naman di masyadong halata na mga uninvited personalities yung oso at kuneho.

Itatanong ninyo kung bakit naka-dress ang lola nyo?

Of course, why not, sapagkat, because, she's on a date with Bebiber.

Nag-dress si bakla para daw in case na mag-aya nang biglaang ganap si Seulgi sa mga unexpected places ay ready ang lola nyo... charot!

Habang hinihintay ni Irenea na magstart yung ceremony ay iniikot ikot na muna nito ang kanyang paningin sa loob ng simbahan.

Purple yung theme nung wedding, saktong favorite color nang lola nyo.

Yung flowers, wow... yayamanin. Stargazers ang ginamit na pang-decorate, ang mahalstra kaya nung per stem nun sa Dangwa.

And it seems talagang may budget yung wedding kasi maliban sa magarbong gayak ay may naka-stand-by pa na jazz band sa may choir area.

Habang nagco-compute sa utak ang lola nyo kung magkano ang inabot nung mga decoration sa simbahan ay ini-announce na nung mga organizers na magsi-simula na yung wedding ceremony.

Napatingin si Joohyun sa direksyon kung saan magmumula si ateng bride. Pero kasalukuyang nakasara yung main door nung simbahan.

Iniisip ni Baechu na mukhang nagbabalak ng isang grand entrance yung wife-to-be. Alam nyo na yung tipong tan-tan-tanan-tan-tan-tanan tapos tsaka pa lang o-open sesame yung mga doors nung simbahan.

Hay naku... ilang artista na kaya ang gumawa nang ganyang chever sa kanilang kasal. Di na bago ang ganyang eksena kay Baechu.

At finally nag-start nang mag-play yung band.

Napansin ni Joohyun na kakaiba yung song na kasalukuyang tinutugtog nung banda.

May pagka-jazzy kasi yung kanta at parang mas upbeat ito compare dun sa ibang songs na kadalasang ginagamit sa mga wedding chenes gaya nang "The Gift," "Now That I've Found You" tsaka "Sa'yo Lamang."

Wait, di ba offering song yung Sa'yo Lamang? Hay naku whatever... di naman ako ang ikakasal so kebs.

Tuloy tuloy lang sa pagtugtug yung banda when all of a sudden biglang bumukas yung malaking pintuan nung simbahan, kung saan nakatayo at naghihintay si ateng bride.

Nagsimula na ring kumanta yung choir.


(First part of the song)

Ibigay sa akin, ang libo libong bukas 
Ang mga segundo nang paparating na oras 
Pahiram ako ng isang sulyap 
Sa iyong mga ligaw na pangarap

Tapos na yung first verse nung kanta pero di pa rin nag-start maglakad si ateng bride... mukhang ninanamnam ni bakla yung kanyang moment in time.

Can't blame her, kadalasan talaga sa mga kasal ang bida kung baga ay yung bride.


Dahil san ka man papunta, dun kita aabutan ng alaala 
Ikaw ang buwan at ako ang iyong tala 
Tumatawid sa kalangitan


Dedma na yung groom kasi siya naman pasuotin mo lang nang barong good to go na.

Dun sa bride naka-focus yung attensyon nung mga pipol kasi a big part of the wedding expenses ay sya ang pasimuno.

Yung wedding gown, yung muk ap, yung buket, yung mga flowerette sa aisle. At kung ano ano mga anik anik that has something to do with the wedding yung soon to be Mrs. ang cause.

(Chorus nung song) 
Hihintayin kita 
Kung san ako ang iyong tadhana 
Kumikislap na tala 
Hindi nawawala

At finally nagstart na ring lumakad si ateng bride.

Lahat nang tao ay nakabantay ang tingin sa papalapit na bride, pero mas pinili ni Joohyun na panoorin yung reaction ni manong groom.

She wants to see the look on the man's face as he watch his soon-to-be-wife walk down the aisle.

OA man sabihin pero kitang kita ni Baechu kung papaano nag-sparkling-shimmering-splendid yung mata ni manong groom.

At that very moment Joohyun is starting to believe in forever once again.

Na possibleng makakilala ka ng isang tao na makakapagpaligaya sa iyo just by simply looking at them.

Para kay Joohyun hindi na niya kailangan pang maghanap kasi natagpuan na niya yung tao na iyon, at iyon ay walang iba kundi si Bebiber, ang cute kaya nung oso chos!
Baka kung yung lola nyo yung nasa shoes nung groom, she's probably gonna have the same stupid look on her face.

Hihintayin kita 
Kung san ako ang yong tadhana 
At pag nagabot tayo 
Makikita mo ako rito 
Sa mailap na paraiso 
Kung san ang tadhana mo ay... ako

Tapos na yung first half nung song pero etong si ateng bride ay ngayon pa lang nag-arrive sa kalagitnaang part nung simbahan.

Natapat sya sa row kung nasaan sina Seulgi at Joohyun. At dito inappraise ni Baechu yung fest ni ateng bride.

Ah... kaya naman pala ang bagal lumakad ni ate, busy pala ito sa pagca-cry-me-a-river on the way. Buti na lang at mukhang waterproof yung maskara ni bakla kasi di ito humuhulas.

Sa mga wedding minsan you can have an idea kung ano yung pinagdaanan nung couple just by listening to their song choices.

Ramdam ni Baechu na marami nang ups and downs na nalagpasan yung bride at groom na mukha namang may edad na.

Siguro makailang beses na rin nagbreak yung pareha pero somehow they are still able to find their way back to each other.

Dahil san ka man papunta dun tayo bubuo nang alaala 
Ikaw ang buwan at ako ang iyong tala 
Tatawirin natin ang kalangitan

Joohyun stopped looking at the bride and groom. Matamang pinagmasdan ni Baechu si Seulgi na nakatayo sa kanyang tabi.

Inabot ni Irene yung kamay ni Seulgi at marahan na bumulong dito, "kaya kong maghintay Seulgi."

Medyo ikinagulat ni Bebiber yung biglaang declaration out of nowhere ni Joohyun.

Nawala na yung tingin ni Seulgi sa naglalakad na bride. Ibinaling nito ang kanyang tingin sa super fluffy na kuneho sa kanyang tabi.

"Bani..."

"Naaalala mo pa ba yung mga sinabi mo sa akin bago naging tayo? Sinabi mo na masasaktan mo lang ako, that there are things in life that you may not be able to give me, that we are better of as friends. And do you still remember my reply?" tumingin si Joohyun sa mga mata ni Seulgi.

"You said that, you don't need me to promise you anything."

"That's right Seulgi. Again, I don't need you to promise me anything. I just want you to know that I love you and that I will wait. Maghihintay ako na maging ready ka, na maging maayos na ang lahat. I will wait Seulgi."

Di malaman ni Bebiber kung ano ang isasagot nya sa sinabi nang kanyang Bebibani.

Ano nga bang dapat niyang isagot?

"Bani, may papel ka ba?"

"Huh?"

"Papel? Tissue, resibo or anything na pwedeng sulatan?"

"Ah eh wait..." at nagkalkal si Baechu sa kanyang bagelya.

Buti na lang at lagi syang may bitbit na post it at ballpen sa kanyang bag. Iniabot niya ito sa kanyang Bebiber.

Seulgi started writing something on the post it.

(Bridge nung song) 
Kung ako ay iyong makalimutan 
At sa bukas ay hindi mo maabutan 
Maghihintay ako 
Sa tadhanang tinabi para sa iyo

Matapos magsulat ay iniabot ni Seulgi yung post it kay Bebibani.

Parang gustong maiyak ni Baechu sa nabasa.

Ang nakasulat sa Post It (bow)... 

I Kang Seulgi, promise to love and take care of Bae Joohyun from this day on. 
Even if she says that she hates me, I will still continue to love her. 
I will never walk away. 

Sa back part nung post it ay may isinulat din ang lola nyo. 

I Bae Joohyun, promise to never let go of Kang Seulgi. 
Kung sakali mang paglayuin kami nang pagkakataon, huhuntingin ko sya kahit na makarating pa ako sa Encantadia and bring her back. 
Walang expiration tong promise na ito, so Kang Seulgi you're mine forever. 

"So these are our vows?" tanong ni Bebiber.

"Yup." Sagot naman ng lola nyo.

"So... what now?"


"Edi kiss the bride na." 

Do play the song below  ⬇️ para mas feel mo yung chapter hehe 


#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Naloko na. Mukhang mapupurnada pa ata yung pangarap na putubumbong with Bebiber ni Baechu ah. This kennot be! Kahit na sabihan pa ni Sarah G, Leah Salonga at Bamboo na, "Forever, forever, family is forever." Isa lang ang masasabi ni Baechu, di na chochorva ang pemily.

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]