FANFICS AND MORE... MUCH MORE

Post Page Advertisement [Top]

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 19: Pride

Wag Mo Akong Ma-Terry Terry Ch 19: Pride
"I wish I knew how to quit you."
Brokeback Mountain, 2005



Breaking news everyone... nawawala si Bebicam!

At ang itinuturing na salarin, walang iba kundi yung oso.

Hindi na nagtataka si Joohyun sa nangyari, kasi sa totoo lang kung nade-detach lang yung lady parts ni Seulgi ay baka na misplace na rin nya ito.

So yung mga anik anik gaya ng cellphone, charger, susi ay normal nang nawawaley nung oso.

Kani-kanina after dinner ay magkachika pa yung mag-jowa through bebicam.

Pero nung sinubukan ni Joohyun silipin kung ano ang ginagawa ng kanyang bebiber, at para makapag-goodnight na rin, ay di na niya ito mahagilap.

Actually Seulgi is in her room, ang missing in action ay si bebicam.

Naalala naman ni Seulgi na binitbit nya yung camera palabas ng kuwarto, ang kaso di na matandaan nung oso kung saan nya ba nailapag si bebicam.

At para di na mahirapan pa ang kanyang Bebiber ay nagprisinta ang lola nyo na sya na muna ang maghahanap kay bebicam.

So using her phone sinubukan ni granny kumonek kay bebicam. Swerte naman na online yung non-living-bebi, so ibig sabihin andun lang ito somewhere sa kabahayan.

Sinubukan ni Irene i-identify kung saang parte ng bahay naroroon si bebicam pero medyo nahihirapan sya.

Nung magdidisconnect na sana si Baechu ay biglang may nasagap na mga boses si bebicam at nagliwanag nang kaonti yung paligid.

Ilang sandali pa ay nakita ni Irene ang imahe ng dalawang lalaking nakatayo sa lugar na animo garahe.

Oo tama nasa garahe nga si bebicam, kasi kanina may mga isinasakay na gamit si Seulgi sa isa sa mga kotse nila. At dahil nagpapa-pabebe ang lola nyo sinabi nya sa kanyang bebiber to just leave the camera on para mapapanood nya ang kanyang bebiber while working.

So naghanap si Seulgi ng pwestong mapagpapatungan ni bebicam sa garahe.

Now going back dun sa dalawang lalaki.

Tila nagtatalo ang mga ito. Kitang kita ng lola nyo kung papaano dinibdiban nung isang lalaki yung kanyang kausap. Sa lakas nung puwersa ay napa-sandal yung lalaki sa likurang bahagi nung kotse sa tabi nito.

Kung hindi nagkakamali ang lola nyo yung kotse kung saan napasandal yung lalaki ay ang yung black Montero ng kanyang bebiber. Kilala ni Baechy yung sasakyan kasi ito yung car na gamit gamit nila ni tita cute cute nung pinasundo sila ni Seulgi from Pangasinan.

So mabalik tayo sa mga lolo nyo, dahil saktong nakaharap yung lalaking napasandal dun sa sasakyan sa direksyon ni bebicam ay namukhaan ni Beachu kung sino yung lalaki... it's Kuya Jim!

Muling sumugod yung lalaking tumulak kay Kuya Jim.

Inabot nya yung kuwelyo ni Jim gamit ang kanyang kaliwang kamay, tapos itinaas naman niya ang kanyang kanang kamao at umambang manununtok.

Napapapikit at na-freeze na parang estatwa si Kuya Jim, dala siguro sa takot.

Para namang nahimasmasan yung kaaway ni Kuya Jim kasi unti unting ibinaba nung lalaki ang kanyang kamao.

Medyo mahina yung usapan nung mga lalaki, kaya di ma-gets ni Baechu kung bakit nagaaway yung dalawa.

Nagkasya na lang ang lola nyo sa panonood.

After a few seconds, muli na namang naging high tensyon yung mga eksena kasi kinuwelyuhan na naman si Kuya Jim nung lalaking ka-argumento nito.

At dahil nagaalala si Irene na baka magkasakitan nang tuluyan yung mga lalaki ay inisip ni Baechu na sabihan ang kanyang Bebiber.

Isasara na sana ni Irene yung app na gamit-gamit nya sa panonood sa kanyang phone para tawagan si Seulgi, pero biglang natigilan ang lola nyo.

Na-shock si bakla kasi yung mainit na awayan nung dalawang lalaki ay nauwi sa mainit na halikan.

Parang natauhan nang kaunti si Kuya Jim kasi itinulak niya yung lalaking kahalikan nya palayo.

Nang dahil sa pagkakatulak ni Jimin medyo naiba yung posisyon nung lalaking ka-chever nya, he has his face slightly facing sideways so finally nagkaroon na nang pagkakataon ang lola nyo na makita kung ano ang itsura nung ka-brokeback mountain ni Kuya Jim.

And for the second time this evening na shock na naman ang lola nyo kasi nagkataon na kilala rin ni Baechu kung sino yung other guy... it was Kuya Dan! (see chapter 5)

Bumalik na naman sa alaala ng lola nyo yung naunsyaming chorvahan nila ng kanyang Bebiber nung namundok sila.

It's all coming back to your lola yung scene kung saan kasakasama nila si inday Yuju sa iisang tent, habang sina Kuya Jim at Kuya Dan ay andun naman sa kabila.

Uminit ang ulo ng granny ninyo nung marealize nya na, habang siya ay tigang na tigang sa kabundukan nung mga panahon na iyon (up to now naman tigang pa rin si bakla), eh yung dalawang tinamaan ng magaling dun sa kabilang tent ay paniguradong nagtampisaw sa batis ng kamunduhan.

Punyetang mga baklang to!

Nagngingitngit sa galit ang lola Baechy nyo.

Sa sobrang gigil ay dinampot ng lola nyo ang kanyang earphones at agad na ikinonect sa phone nya... wait... whut?

Ampota! At mukhang balak pa ng lola nyo nai-enjoy yung free meow sa phone nya. Ibang klase ding magalit tong si Irenea.

So mabalik tayo sa live show nina Kuya Jim at Kuya Dan.

May na-miss lang na ibang part si Irene, kaya di nya alam kung papaanong nauwi na naman sa halikan yung kaninang tulakan scene nung dalawang beki sa garahe.

Medyo intense na yung moments of love nina Jimin at Dan, kasi nakakadinig na ng mga unggol ang lola nyo.

Inialis ni Jimin yung kanyang kanang kamay na nakahawak sa batok ni Dan at tila may kinuha ito sa kanyang bulsa.

Car keys. Yun yung inilabas ni Jim mula sa kanyang bulsa.

Gamit yung susi ay ini-unlock ni Jim yung Montero.

Saglit na natigil yung chenes nung dalawang pamintang durog, kasi binuksan ni Jim yung rear door nung sasakyan.

Nagsisimula na namang magmura deep inside ang lola nyo kasi parang nage-gets na niya kung anong gustong mangyari nung mga multong bakla sa garahe.

Kahit na hindi feel ni Baechu ang mga lalaking borta, hindi pa rin maiwasan ng lola nyo na makaramdam ng something nung simulan nang hubarin ng mga lolo nyo ang kanilang t-shirt.

At muntikan ng mapatili ang lola nyo nung makita niyang lumuhod sa harap ni Jimin si Dan. Malay nyo naman may pinulot lang, kayo talaga ang dumi ng utak.

Pero it seems tama kayo kasi yung mga sumunod na eksenehan ay may mature content na.

Medyo nagdadalawang isip si Baechu kung itutuloy pa nga ba nya ang panonood. Kasi syempre dalagang pilipina ang lola nyo, birgin na birgin, never been touched.

10 minutes, sa loob loob ni Baechy...

10 minutes after...

Iniisip ng lola nyo na malapit lapit nang matapos yung show.

Maglo-logout na sana ang lola nyo, pero again natigilan na naman sya kasi nag-change posisyon yung mga lolo nyo.

Si Jim naman this time ang nakatayo, while Dan is leaning on the car with his back facing Jim.

Nagstart nang maginit ang lola nyo. Dala siguro na palaging nauudlot yung "ganap" nila ng kanyang bebiber, kaya super kemeroot ang lola nyo.

Tinalo ni bakla ang Sahara Desert sa pagka-tigang.


Ngayon lang niya nadiscover na may effect din pala sa kanya kahit papano yung mga pinaggagagawa nina Kuya Jim at Kuya Dan.

Inihahanda na ng lola nyo ang kanyang sarili para sa grand finale nung chorvahan session nina Jimin at Daniel nang biglang...

"Kailan ka pa nahilig sa gay p*orn ate?"

Tanong ni Yeri sa kanyang Ate Joohyun.

Nakadikit pa yung mukha nung tyanak sa mukha ng kanyang ate at mataman ding nakatingin dun sa screen ng phone.

Kanina pa pala nasa tabi ni Irene yung tyanak di lang niya namamalayan.

------

Author's Note: Sa maniwala kayo sa hindi, importante itong chapter na ito, di lang halata. :p
 
 
#seulrene #asianfanfics #tagalog #wmamtt
Ito na ang araw na pinakahihintay hintay ng lola Baechu nyo. Ang araw kung saan mapapasok ng mental si bakla. Ang tanong... FOR A VISIT lang ba o baka tuluyan na ang pag-CHECK IN ni ateng sa loob?  

No comments:

Post a Comment

'; (function() { var dsq = document.createElement('script'); dsq.type = 'text/javascript'; dsq.async = true; dsq.src = '//' + disqus_shortname + '.disqus.com/embed.js'; (document.getElementsByTagName('head')[0] || document.getElementsByTagName('body')[0]).appendChild(dsq); })();

Bottom Ad [Post Page]